XII...At ang Justicía?Kulóng na kulóng sa kanyáng silíd.Walâng humpáy nang kayayao’t dito. Nakayayaníg sa boóng báhay ang madadalás niyáng yabág na ipinagdidiínan sa sahíg na tablá. Ang mg̃a lagutók ng̃ kanyáng mg̃aabellanangsapátos na nanggigipalpál sa putik ay nakabubulahaw hanggang sa mg̃a nagtutulúgang kápitbahay—hanggáng sa mg̃a manók na namamahing̃á sa isáng púnong kamatsiléng nakatánod sa trangkahan. Ang mg̃a bintî at bisig ay pára-parang naninigás; ang mg̃a dalirì ay tikóm na tikóm, na animó’y may isang sasagupáing kalában. Minsán baltakín nang paibabâ angkamisetaniyang putê na pigtâ ng̃ pawis; minsáng pag-itíng̃an nang higpit ang bigkís na nakakabít sapantalong kakena dahandáhang dumádausdós sa kaluwáng̃an ng̃ baywang.Walâng pumupúlas sa nakáng̃iwî niyang mg̃a labì kundi páwangpagng̃ing̃itng̃ít, pawang buntóng-hining̃á, pawang mg̃a “huhm! hm! huhm! hm!”Walâng anó-anó’y lumapit sa isáng mésa at umupô; pinagábot ang mg̃a kílay na pumapalamútisa mg̃a naglalalimang matá na nagpapahiwátig ng̃ tatlóng gabíng di pagkatulóg; sinabunot ang mg̃a mapuputê niyang buhók; tining̃alâ ang isáng laráwang nakasábit sa dinding; kinagát ang labì, nagbuntóng-hining̃á, sumuntók ng̃ boông diín, pumadyák, tumindíg at nagyáot dito na naman.—“Hu hm! hm! hm!”—ang mulî niyang ng̃itng̃it—“Papatayín ko! papatayín ko! hu! hm! hu! hm!... Noóng áraw, noóng áraw ¡hu hm!... akó ang harì sa báyang itó, óo harì! harì!... Sa áking haráp lahat ay nanunuyò, lahát ay lumuluhód, lahát ay “óo pô” sa ákin, walâng “hindî” ni “ayóko”! Noóng araw, ¡hu hm!... ako’y isángdon, isáng mahal na máginoo sa matá ng̃ madlâ.... ¡hu hm! Lahat ay naniwalà na ako’y mayáman sa lahat; na ang yáman ko ay áking nakamtán sa tulò ng̃ sarili kong páwis! ¡hu hm!.... Lahát ay naniwalà na malinis yaring budhî ¡hu hm!...“Ang mg̃a lihim na pinakatagòtagò kong mahigpit, noon ay walâ kundî akóng akó lang ang nakababatíd! ¡Hu hm!...“Ng̃uni’t ng̃ayón! ng̃ayón! oh ng̃ayón! ¡hu hm!... Sa ákin, ay walâng di umiiring, walâng dî kumukutyâ, walang dî lumilibák, bawa’t matá ay násusuklám sa kataúhan ko,bawa’tdilà ay ako ang isinusumpâ, bawa’t dalirì ay sa ákinnakaturò—sa akin na kung tawágin ng̃ayón ay di na “ang kapitan” “ang presidente;” kundì angmagnanakaw, angmagdaraya, angmámamátay! ¡Hu hu! hu hm!... At bákit ako’y nagkaganitó ng̃ayón? Bakit ako ng̃ayo’y hámak na hámak, dustâng dustâ, mababang mababà? Sino, sino ang gumanitó sa ákin?... ¡Hu hu! hm!“Oh! Pagpápapatayín ko ang mg̃a iyán!...“Oh Gerardo! Oh Rustica! Magsipagtagò na kayó, mg̃a walânghiyâ!... Sáyang ang áking pagkamámamátay kapág kayo’y pinatáwad ng̃ aking patalím! !Hu hm!!”At lálong dinalasán ang hakbáng, lalong ipinagdiínan ang yabág. Walâng anó-anó’y bigláng tumígil.—“Dapwa’t... ako’y pápatay?”—ang kanyang patuloy.—“Diyata’t pápatáy na namán akó?... Iba na ng̃ayón ang pamahalàan!... Hindi na itó panahón ng̃ kastilà! Diyata’t pápatáy na namán ako?... At ang Justicia? ang Justicia?”—At muling nag yáo’t dito ang mistúlang ulól; at sa kátatanong ng̃ “ang Justicia?” ay naala-ala tuloy ang pagtatálo ng̃ isang huklubáng pederál at isang binatàng independista.—“Justicia?”—anitóng huli sa pagtatalong nábanggit.—“Sa ating Bayan ay walâ pang Justicia! Ni noóng panahón ng̃ kastilà, ni sa mg̃a sandalîng itó ay walang taál at wagás na Justiciangumíral ó umiíral dito. Ang dito’y tinatawag na Justicia, ay Justiciang kábilanin: Ang isa niyang matá ay dilát, dapwa’t ang isa ay bulág. Yaong úna ay siyang ginagámit kapag ang dapat tangkilikin sa isang usapin ay amerikáno laban sa pilipino. Kapag ang dapat tangkilikin ay pilipino laban sa amerikáno, ang malimit hing̃an ng̃ pasiyá ay ang matáng bulág!... Ayaw kayóng maniwalà?... Ibig ninyóng patunáyan ko ang pagkakábilanin ng̃ tinatawag na Justicia ng̃ kasalukúyang pamahalaan?... Náriyan ang huling pagkakabilanggô ni Dr. Gómez. Bákit siya hinatulang mabilibid?... Tanung̃in ang Kagálanggálang na hukóm na humátol sa kanyá, at sarì-sarìng kuskósbalúng̃os ang imamatwid, dapwa’tsumanggunìkayo sa isáng malayàng pagíisip na walâng kinikiling̃an, at inyóng mababatid na ang tunay at táng̃ing dahil ng̃ pagkabilanggô ni Dr. Gómez, ay sapagka’t si Dr. Gómez,na isang pilipino, ay iminungkahing magsiaklás ang mg̃a manggawà,namg̃apilipino din, sa isang Samahan ng̃ mg̃a puhúnangamerikano!... Iyán ba ang tinatáwag na Justicia?...“AtJusticiabagá ang naguudyók sa pamahalaang iyán na kupkupín at panatilihin sa kanyáng tungkól ang isang “Ibong Mangdaragit,” na upang lálo’t lálong makapagsamantaláat magtubò sa kanyáng kapangyaríhan, ay nanghihimások sa di dapat panghimasúkan, nagpapasasà nang lihim sa yáman ng̃ may yáman at umaangkín sa arì ng̃ may arì?...... Anóng Justicia iyán?“At anóng Justicia iyán na pumapatnúbay dito sa bawa’t hakbáng ng̃ pamunúang amerikáno?..... Justicia ba ang sakúpin ang áyaw pasakóp? ¿pagharìan ang ayaw paharì kaníno pa man, tang̃i na lang sa sariling loob?... Justicia ba ang di pagtupád ng̃ pamahaláan sa kanyang pang̃akò sa pinamumunúan? Di ba’t nang̃akò ang pamahaláang iyán na palalayàin ang ating Bayan? Anó ang ginagawâ niya ng̃ayón? Ipinagbabáwal ang ating Bandilà; pinanánatíli ang pagkakatang̃ìtang̃ì; hinahámak ang pagkakapantáypantáy ng̃ amerikáno at pilipino; ipinagbabáwal sa kabatàan ang kumatig sa Pagsasarilí; tinatawánan, tinatáwag na ulól ang Báyang ito tuwing magbubukás ng̃ dibdib, tuwing ipagtatapát ang kanyáng pinakadalisay na damdámin, ang wagás at katutubong pag-írog sa isáng malayang búhay—pag-irog na dî magmamáliw ni matitinag sa kanyang pusò, bumagsák man ang líbolíbong unós at buhawi!....“At humahanggá ba rito ang mg̃a matalinghágang panukalà na isinasagawâ ng̃ Pamunúang amerikáno sa Pilipinas?... At ang Bill Payne? AngBill Payne na madalî ó maláon, kapag nagkataón, ay magiging isa nang makapangyaríhang utos na kailáng̃an yukûan at sundín ng̃ Bayang Pilipino? Ah, ang Bill Payne! Iyan ang pinakatúso at pinakadakilà sa lahát ng̃ mg̃a binalak na kautusán ng̃ Pamunúan! Tagláy ng̃ Bill Payne ang dalawáng binhî: Búhay at kamandág!... Búhay para sa báyang namumunò, at kamandág sa báyang nasasakóp! Búhay sa mg̃atrust, sa mg̃a puhúnang amerikáno na dito’y magsisidagsâ úpang sakmalín ang yáman ng̃ ating lupà, hititín ang kahulihulíhang paták sa ating dugô hanggang walâng natitirá sa Báyan kundì ang kanyáng balát at mg̃a buto!... Kapág ang Báyan ay nagíng buto’t balát na lang, kapag nabungkál na ang ating lupà, kapag natibág na ang ating mg̃a bundók, kapág walâ nang masasakmál at mahihitít, aysaka,SAKA, SAKA tayo iíwan ng̃ mg̃aTrustna iyán, sakâ tayo bibigyán ng̃ Pagsasarilí, sakâ ipagsisigáwan ng̃ mg̃a angkan ni Taft na ang Báyang Pilipino ayhanda, handang handa na sa Kalayaan!!...“Ng̃ayón, sabíhin sa ákin kun díto sa Pilipinas ay may Justicia! Iturò sa ákin kun saán naroon ang Justiciang iyán!”....Humigít kumúlang ay ganitó ang mg̃a salitang umuukilkíl sa alaála ng̃ walàng tígil ng̃ kayayáo’t dito at kátatanong ng̃ “ang Justicia?”—Pederál man siyá, ay kun bákit nahihikáyat siyang paniwaláan ang mg̃a salitáng iyón ng̃ isáng independista.Sa di kawasa’y lumápit sa higáan, inabót sa karátig na lamensa ang isang bóteng kinadidikitan ng̃ isang laráwan ng̃ unggóy, at itinunggâ ang nang̃ang̃aling̃ásaw na lamán.Tumikímmunang̃ makálimá na sinabayan ng̃ limá ring tapík sa dibdib bágo náhigâ.Aywan kung nátulog ó hindî.Pagkaráan ng̃ may kalaháting óras ay mulíng binuláhaw ang katahimikan ng̃ kanyáng silid.—“Ha! ha! ha!”—ang kanyáng halakhák na pairíng mulâ sa higàan.—“Ha! ha! ha! Nápatáy na kitá, Gerardo, nápatay na kitá! Ha! ha! ha! Si nasírang Gerardo ka na ng̃ayón! Madalî ang umútang, mahírap ang magbáyad! ha! ha! ha! Sulong, takbó, humánap ka ng̃ Justicia, súlong! Di akó natatákot sa justiciang bulág!...“Ha, Stag? Handiyan ka na palâ. Tinamáan ka ng̃.... Anó ká? At bákit ka nagtatawá, ulól? Nasunód mo na ang ipinagagawâ ko sa iyó? Nápatay mo na ba? Hindî? Sáyang ang salapî ko! Ulól ako’t pinawalán pa kitá... Ha? At nápatay mo ba? Siya ng̃â ba? Saán mo inabútan ang walanghiyá’t dalahirang babáe?...Mabúti, mabúti kang batà!... Ang kapupunán?... Huwág ka bangapurádo...!“Juancho! Juancho! Gísing, gísing ka, tamád. Dilát ka na ba? Halíka rini’t ikaw ay makiníg... Susunód ka, ha?... Pag hindi, baság ang iyóng ulo; hále, lumukólukó ka!... Ikaw ay mang-aágaw ha? aagáwin mo ha?... Alám mo ba kun bakit?... kun bákit di ka maibig ni Elena?... Dáhil kay Gerardo! Si Gerardo’y pinatáy ko, ikáw ang umágaw sa kanyáng katipán?... Ha? at naágaw mo na ba?... Mabuti kang batà, ganyán ang laláki!“Ha! ha! ha! Busóg na busóg ako...! Usigin, ipang̃áw, mamatáy, walâ na ng̃ayóng kailang̃an sa ákin! Ha! ha! ha! Ganáp na ganáp ang paghihiganti ko!...”XIIISa bahay ni PepeUtang sa síkap ni Gerardo at ng̃ iláng kabinatà niyá, sa di kawasa’y nátatag sa Libis ang isáng kapisánan na pinamagatáng “Dakilang Mithî.”Kagáya ng̃ lahát ng̃ mg̃a samaháng pilipino, ang “Dakilang Mithî” ay ulirán sa gílas at siglánoóng kanyáng mg̃a únang buwán.Noóng mg̃a únang buwán, ang kapisanan ay makálawá sanglinggó kung magpúlong, at ang bilang ng̃ mg̃a nagsisidaló sa mg̃a púlong na itó ay di lumiliít sa tatlongpû.Noóng mg̃a únang buwán, ang mg̃a talumpatì, pagtatálo at ang mg̃a bálak na inihaharáp tuwíng magpupúlong ay punông-punô ng̃ mahahalagáng láyon at madláng kaparaánang magagámit upang lalong mapalúsog at mapadakilà ang kapisánan. Náriyan ang pagtatayô ng̃ isáng aklátán (biblioteca); náriyan ang pagbubukás ng̃ isang paaralán sa gabí, na walâng úpa; náriyan ang pagpapalabás ng̃ isáng paháyagang-linggúhan; náriyan ang pagdadáos ng̃ mg̃a papúlong; náriyan ang mg̃a sárì-sarìngcampañalában saBisyo—laban sa sugál at sábong—labansa mg̃a mahahálay at di wastông kaugalían, hílig, atb.: at nariyan ang kung anó-anó pang matatáyog na panukalà.Ang lahat ng̃ kasiglaháng itó na napagmálas sa loób ng “Dakilang Mithî,”noóng mg̃a unang buwánay lubhâng ikinaalíw ng̃ mg̃a nagsipagtatág sa kapisánang iyon. Naákit siláng umasám-asám sa isáng maligáyang búkas at napanibúlos silá sa pag-ásang madalî ó maláon ay málalasáp nilá ang masasagánang búng̃a ng̃ kaniláng mg̃a pinuhúnang págod.Dapwa’t ¡ay! Katúlad ng̃ isáng kimpal na kugon, napag sinilabánay minsan sikláb lang at walâ ná, ang kapisánang iyón ng̃ mg̃a náturang pag-ása ni Rizal (pa naman!), pagkaraán ng̃ mg̃aúnang buwan,pagkatápos na makapagdáos ng̃ iláng sayáwang malalakí, nang isasagawâ na ang mg̃a panukálang binalangkás ng̃ boông sípag at talíno,—ang kapisánang iyón ay biglâng dinatalán sa noó ng̃ karumaldúmal na kamandág ng̃ panglalamíg, pagkahapò at pagwawalàng bahalà ng̃ hálos lahát ng̃ mg̃a kaánib!Sinimulán ná ang isang búhay kapisánang kukutápkutáp, kagáya ng̃ isang ílaw na nauubúsan ng̃ lang̃ís.Anó mang pagsusumákit ang kalasagin ng̃ Páng̃ulo at Kalihim, ang bahay-kapisánan ayláging áalóg-alóg tuwîng tatáwag ng̃ púlong. Lahát ay nang̃ang̃akóng dádaló, dápwa’t pagsápit ng̃ oras ay pálad na pálad ná kung sumipót ang sampû.—“Anó ang dápat gawin úpang maipon ang mg̃a iyán?”—Itó ang pabuntóng-hining̃áng tanóng ng̃ pang̃úlo ng̃ kapisánan.—“Upang maipon?”—ang sambót ni Gerardo na kanyáng kaharáp,—“kung úpang maipon lang ay may isang paráang madalî. Búkas pistá din lang ay ikálat nátin ang balità na sa kinágabihán ay magkákaroón sa inyó ng̃ isang malakíng sayáwang handóg sa Samahán. Anyayáhan ang mg̃a kinalílituhan diyang binibinì, ang lahát ng̃ mg̃a makikísig sumayáw, at maniwalà ka, katóto, na mamúmunô ang iyóng báhay... Pag handoón ng̃ lahát ay paalisin ang orkésta at simulán ang púlong.”At ganitó ng̃a ang kaniláng ginawâ.Madilímdilim pa kábukásan, ay sumabog na sa impápawíd ang balità na sa ika 7 oras ng̃ gabí ay magdadáos sa báhay nina Pepe ng̃ isangmaring̃al, atmahabangsayáwan na handóg ng̃ pang̃úlo samasisipagna mg̃a ginóo at binibinìng bumubuò sa “Dakilang Mithî.”Hindî nagkabulâ ang hulà ni Gerardo. Orasyón pa lang aypulúpulutóngna ang mg̃a panaúhingnagsisiratíng. Ika 7 óras na ganáp ay natitipon doón ang ápatnapû sa limangpûng kaánib sa “Dakilàng Mithî.”Lahát ay galák na galák lubhâ na ang mg̃a binatâ. Walang labì na di nakang̃itî, walang matáng di nagniningning, walâng kílos na mabágal. At sino ng̃â namán ang di magágalák, alíng pusò ang di lálakasán ng̃ tibók, kanínong damdámin ang di mapupúkaw sa lílim ng̃ mapanghalina’t malalagkit na títig, at sa halík ng̃ bang̃óng núnukal sa mg̃a sutlâng talúlot ng̃ mg̃a gayóng “bulaklák ng̃ búhay” na doo’y naliligò sa mahínhing liwanag ng̃ mg̃a “Reina de las luces”? At sinong mahiligin sa sayáw ang makukuhang magtulug-tulugan, kaninong mg̃a páa ang mapapakalí sa gayong idinulásdulas ng̃ sahíg na binudburán ng̃ pirápirásongballena, sa inihabá-haba’t inaluwang-lúwang ng̃ pagsásayawángsalassa anyáya ng̃ malalambíng na tugtúging handóg ng̃ orkésta?Iká 7:15 na ng̃ gabí, ng̃uni’t ang sayáwan ay di pa pinasísimulán. Hálos lahát ay iníp na iníp na. Dáng̃an lang at sila’y nadadaíg ng̃ hiyâ, marami na sanà ang nagúumikit noón sandalîng iyón, káhi’t na walâng anyáya ó pahintúlot ng̃ may báhay.Samantaláng naghihintáy ay makinig táyo sa mg̃a sáli-salitáan.Sa isáng súlok ng̃salas, ay nakaupóng magkaharáp ang dalawáng binibinì na kung mámasdán ang kaniláng mg̃a mukhâ, ay mapaghuhúlong sila’y may isáng mahalagáng bagay na pinagúusapan.—“Bákit, Pacita,”—ang bigkás ng̃ isa,—“bakit wikà mo’y di ka na makapagaáral?... Sáyang na sáyang pag nagkátaon!”Si Pacita’y isang bulaklák na kabubuká pa lang. Lalabing-apat na taon ang kanyang gulang.—“Walâ akong magagawâ, Elíng. Ang mg̃a tátay ang siyáng áyaw pumáyag na ako’y magpatúloy.”—“Ayaw pumáyag?... Diyata’t áyaw pumáyag? At anó namán ang dahil?”—“Ang sabi nila’y sapát na sapát na ang kauntî kong nátutuhan saPrimary grade; na ang isáng babáe raw ay di kailáng̃ang mag-áral nang matagál, súkat na lang ang siya’y matutong sumúlat at bumása; walâ raw siyáng katungkúlan kundî ang maglínis, maghúsay at tumáo sa bahay; maglingkód sa kanyáng mg̃a magúlang at asáwa, at mag-alagà sa mg̃a anák kun sakali’t magkaroon.”—“At pati ba namán ang mg̃a tatay mo, Pacita, ay napadádaig sa mg̃a ganyáng bulág napaniniwalà na dápat sumpain ng̃ lahat! Diyatà namán at tayóng mg̃a bábae ay di kailáng̃ang mag-áral ng̃ anomán máliban na lang sa pagsúlat at pagbása ng̃ kauntî? At ang karunúng̃an sa isáng wastô at ginháwang pamumúhay, ang mg̃a mararang̃al at tumpak na paguugali, ang mg̃a katungkúlan natin sa Kapisanan, sa ating báyan, at sa Sangkataúhan—ang mg̃a bagay báng iyán ay pagpipikitán na natín ng̃ matá, di na natin paguukúlan ng̃ panahón?“Laking kamalían!“Túnay ng̃â na katungkúlan ng̃ isáng iná ang mag-álagà sa kanyáng mg̃a anák; datapwa’t ang pag-aalagà sa isáng anák ay di basta’t siya’y palakihin, padamitan, pakanin, iligtás sa mg̃a sakit, sundin ang bawa’t maibigan at palakasin ang kanyang katawán. Hindî, hindî humahanggá ríyán ang mg̃a katungkulan ng̃ iná sa anák. May ibá pa siyáng tungkúlin na lalong dakilà!“Italâ sa noo at pusò ng̃ anák, sa pamamagitan ng̃ halimbawà, ang katotohánan na siyá ay táong malayà, may púri, dang̃ál at mg̃a karapatán; na walâ siyang Diyós ó pang̃inóon sa ibábaw ng̃ lupà kundî ang sariling Bayan, ang dakilàng Matwíd, ang Katotohánan at ang Katungkúlan; na ang táo ay dapat múnang magpakamatáy bago siya manakáwan ng̃ kanyangkalayáan, bago madung̃ísan ang kanyáng dang̃ál, bago siyá mahubdán ng̃ kanyáng mg̃a karapatán, bago umiwas sa isang katungkulan, bago mámalas na ang Bayan niya’y talúnan at abâ, bágo makitang ang matwíd ay nilulúpig at binabaluktót ang katotohánan... Ikintál sa kanyang diwâ sa pamamagitan ng̃ halimbawà, na ang panahon ay gintô, at dahil dito’y di dapat sayang̃in sa mg̃a halíng na pang̃arap kundî gúgulin sa mg̃a bágay na pakikinabáng̃an niyá at ng̃ kanyáng mg̃a kapwà; na ang táo ay di nilaláng upang mabúhay at pagkatápos ay mamatay, tulad sa mg̃a gamógamó; kundî upang sa pamamagitan ng̃ kanyang lakás ay makatulong siyá, kahima’t gabuhang̃in lang, sa lalòng ikasusúlong at ikadadakilà ng̃ Sangkataúhan. Iyán at marami pang katulad niyán, ang mabibigat na tungkulin ng̃ iná sa anák. At ng̃ayon ay aking itinátanong: ¿Anó ang magagawâ ng̃ isang ináng hang̃ál sa haráp ng̃ mg̃a ganyáng katungkúlan?“Sinasábing katungkúlan ng̃ isang babáe ang maglingkód sa kanyáng mg̃a magúlang at kabyák ng̃ dibdíb. Mabúti! Ng̃uni’t di masasábi na itó ang hanggán ng̃ katungkúlan niyáng paglilingkód. Bakit? Sapagká’t gaya rin ng̃ mg̃a lalaki siya’y may isáng Inang Báyan na dapat niyang ling̃apin.—May isang Lupàng siniláng̃án,Lupà na kanyáng pinagkukúnan ng̃ lahát ng̃ ikabubúhay—Lupà na tinubuàn at kinalibing̃án ng̃ kanyang mg̃a nunò! Di kayâ marápat na ang Báyang iyán ay kanyá ring paglingkurán, at paka-ibiging higit sa sariling búhay, higit sa kanino man, higit sa kanyáng mg̃a magúlang, asáwa’t mg̃a anák?“Oh Pacita! marámi pa sa áting mg̃a matatandâ ang di nakababatíd sa di mapupuwíng na katotohánan na ang katubúsan ng̃ Lahì aynasasakamaydin nátin na magiging mg̃a iná sa araw ng̃ búkas!...”May ilán pa sanàng paghahakà na inulat siElena;dapwá’tsa lálapit noon sa dalawang magkaibigan ang isang binatà na nang masulyapán ni Elíng ay biglâng nagpapulá sa kanya nang gayon na lang at ikináputol tuloy ng̃ salitaan nila ni Pacita.Iwan nátin siláng tatló, at tayo’y makiníg sa bulúngbulúng̃an sa kabiláng pánig ng̃ salas. Pulos na laláki ang náhandoón. Pinagkákalipumpunán nilá ang isáng malápad na papel na nakapakò sa dindíng at kinatititíkan ng̃ salitângprograma. Sa ibabâ nitó ay ipinaaálam na ang sayáwan ay bubuoín ng̃ labingánim naWaltz, labindalawángtwo-stepsat dalawángrigodon.—“Ano’t mayrigodonpa?”—ang payamót na tanóng ng̃ isáng naka-lanasa kanyáng kálapit—“Que torpe!Anóng mahihitâ sarigodon?... Walâ kundî.... kamáy. Mapapágod ka ng̃ walâng... saysáy. Nakaaaksáya ng̃ panahón! Kalukúhan sa ákin iyán!”—“Masamâ namán ang walângrigodon, katoto,”—ang sagót ng̃ isáng naka-térnong-itím.—“At si Choy?”—“QueChoyni quebáchoy!”—ang áng̃il ng̃ naka-lana, at hinagisan ng̃ dalawang ing̃os ang isáng naka-kakengkulot ang buhók na sa pagka’t lubhâng mahiluhín ay walâng ináabang̃an sa alín mang sayawan kundî ang pasimulâng-tugtóg ng̃ mg̃arigodon. Itó ang si Choy na noo’y kasalukúyang nagpapantíng ang mg̃a tayng̃a, sapagka’t malayôlayô man siya’y kanyang naulinígan ang salitaan ng̃ dalawa. Mang̃aníng̃aníng sugurin ang naka-lanaat sikang̃an ang walâng pitagang bung̃ang̃à nitó. At kamuntî na ng̃ang manugod noon ang ating si Choy, kundî niya naala-alang gagawâ siya ng̃ malakíng kahiyâhiyâ, at kundî niya nataunan ang isang malambíng na títig ni Mameng—títig na wari’y inahihímok sa kanya ang, “Pacencia, Choy ko!”...—“Pero, demonyo!”—ang mulîng putók ng̃ naka-lana—“Anó ang hinihintáy nitóng siPepe?... Bakit áyaw pang simulán ang sayáwan,diantre?.... Co—! naghihintay ang mg̃avisita,—pu—!”—“Huwág kang mainip, katóto”—anáng naka-itím—“huwag kang mainip at sásapulan na raw!”—“Sásapulan!perokailán pa?¡demonyo!”Isang binatà ang noón ay pumagitnâ sa karamíhan, at pagkatápos na makaupô ang lahat, ay bumigkás ng̃ ganitó:—XIVAko’y Nang̃ang̃amba!...“Mg̃a binibinì at ginoóng kaánib sa ‘Dakiláng Mithî’:—“Kayóng lahát ay pumarito na tagláy sa pusò ang masaráp na pag-ása, na táyo’y uumagáhing pára-pára sa pagpapasasà sa isáng malambíng na sáyawan. Hindî kayó mabibigô mg̃a ginóong magigitíng.“Sáyawan at walâng ibá kundî sayáwan ang inyong ipinarito, kaya’t sáyawan at walâng ibá kundî sayawan ang dito’y áting pagdudumugan.“Akin lang ipinagpapauna na ang sáyawang itó ay kakaibá sa lahat ng̃ sáyawan na inyóng alám. Wikà ng̃â’y, bágongsistema; mapapálad kayo sapagka’t kayó ang unang makakákilala sa kanya!“Sapagkâ ng̃â’t bágo, ay kailáng̃ang siya’y ating ipaaninaw mabúti. Sa sayáwan pong itó, mg̃a ginoó at binibinì, ay hindî mg̃a páa, kamáy at baywang ang magsisiindák. Ang dito po’y magpapakitáan ng̃ gílas at kisig, ay ang mg̃a dilà’t ng̃alá-ng̃alá;kaya’tsayawan ng̃ mg̃a dilà’t ng̃alá-ng̃alá ang sa ng̃ayóng gabí ay siyáng yáyaníg sa báhay ng̃ ating pang̃úlo!”—“Nilint... na!!”—anáng naka-itim.—“Pero que bruto”—ang tugon namán ng̃ galít sarigodon.—“Batid ninyóng lahát mg̃a binibinì at ginóo,”—ang patúloy ni Gerardo—“na dito sa ating báyan ay may isang kapisanang di pa nalaláon ay ítinayô ng̃ kabatáan. Batíd din ninyóng lahat na sa mg̃a sandalîng itó ang kapisánang iyán ay kasalukúyang naghihilik sa lálim ng̃ pagkahimbing.“Ang di na yatà makasanglibong pagtawag ng̃ púlong na laging nabibigô, ay labis na nag-uulat sa katotohanang itó. Ang pagkakabitin sa impapawíd ng̃ lahat ng̃ mg̃a panukalang inaharap at pinag tíbay sa lóob ng̃ kapisanan, ang pagkabigô ng̃ aklatang itatatag, ang pagkabigô ng̃ páhayagáng palálabasin, ang pagkabigô ng̃ mg̃a papúlong, ng̃ paaralán sa gabí, at ng̃ mg̃a kung anó-anóngcampañana sagánà sa hang̃in—ang lahát ng̃ iyán mg̃a binibinì at ginóo, ay isa pang di mapupuwing na saksí ng̃ pagkaúring mantikang-tulóg ng̃ ating Kapisánang kagúlatgúlat noóng kanyáng mg̃a únang áraw!“Sa gitnâ ng̃ ganitóng kalagáyang dápat ikahiyâ ng̃ kabatáang Libís, síno ang áting dápat sisíhin?“Ang mg̃a nang̃ung̃ulo sa kapisánan?“Akó na maláon nang nagmamasíd sa ginagawâ niláng pagtupád sa kanikaniláng tungkúlin, ay walâng úlikúlik na makakapagsábi na ang mg̃a ginóong iyán ay nagawâ ná ang lahat ng̃ abót ng̃ kaniláng káya.“Ipinatútúpad ng̃ pang̃úlo sa áting mg̃a kaanib, ang palatuntúnan at mg̃a alituntúnin, dápwa’t áayaw táyong magsisunód! Kaniláng iminumungkahì na isagawà ang mg̃a panukala’t bátas na pinagkayarian nátin, dápwa’t áayaw tayong magsikilos!“Tumatáwag ang kalihim ng̃ púlong áraw-áraw halos dápwa’t áayaw táyong magsidaló!“Mahúsay na hinihing̃î ng̃ Ing̃at-yáman ang ambag sa bawa’t buwan ng̃ bawa’t isa, ng̃uni’t átin siyáng pinagtátaguan!“Síno ng̃ayón ang dápat managót sa pagkadiwarà ng̃ kapisánang itó?“Síno ang dápat lagpakán ng̃ ating pagsisisi kundî táyo rin—táyo na bubuô ng̃ isang kautusán at pagkatápos ay táyo rin ang sa kanya’y susúay?“Síno ang dápat nating sumpâin kundî ang átin ding mg̃a katawán—Táyo, na lilikhâ ng̃ isang matáyog na panukalà para sa ikabubuti ng̃ bayan at pagkatápos kapag isasagawâ ná, ay tayo rin ang kaunáunahang malululà, ang kaunaunáhang uurong?“Síno ang dapat managót sa lahát ng̃ itó, mg̃a ginóo, kundî tayo rin—táyo na kadalasa’y dahil lang sa kaunting sakít ng̃ ulo, ó kaya’y ng̃ ng̃ipin, ó dúlo ng̃ kukó; dahil lang sa kauntíng ulán, sa kauntíng ínit ng̃ áraw, sa kauntíng antók, sa kauntíng layò ng̃ pagpúpulung̃an, sa pagkawalâng mákasáma, ó sa pagkawalângmabuntutan—dáhil na dáhil lang diya’y di na táyo magsisidaló sa púlong?... ¡¡Samantalàng kápag isáng sáyawan ang atíng dádayúhin, ay sumasagasà táyo sa unós at buháwi, nawawalâ ang sakít ng̃ ulo, napapawì ang antók, di iniindá ang ínit ng̃ áraw ni sinusukat ang layò ng̃ pagdaraanan!!“Sino ang dápat kilabútan sa hiyâ kundî táyo rin na kung makaísip mang dumaló sa púlong, ay panayon na lang mg̃a hulí—panayón na lang animo’y mg̃a kúhol?—Táyo na muntíng maantig ang bulsá, munting mahing̃an ng̃ maipagtatawid búhay ang kapisánan, ay magpápakalayô-layô na di na maáapúhap kahi’t na nakakayanan ang halagáng hinihing̃î? ¡¡Samantaláng kapág ang isáng sáyawan ang paguukúlan, ay malúwag na malúwag at galák na gálak táyong nagkakaloób ng̃ píso, piso’t isang salapì, at kung minsan pa’y hanggang dalawá!!“¡Ah, mg̃a kabábayan!... Kung ang mg̃a katotohanang itó na sakdál ng̃ papaít ay nakasusúgatsa inyóng mg̃a damdámin, ako’y di nagsisisi! ¡Tinutupád ko ang áking katungkúlan!“Karápatdápat at kailáng̃ang mabatíd nating lahát ang hubád at wagás na katotohánan, na, ang kabatáan sa bayang itó ay kúlang pa ng̃ lakás, kulang pa ng̃ tyagâ, pagtitiis, at siglâng walâng máliw! Walâ pa ditong tunay na kalakasan ng̃ loob na kinakailang̃an upang maisagawâ ang isang adhikâng mataas!“Ah, Kabatáan, Kabatáan! Kay lakás mong mang̃árap, dapwa’t kay dalî mong masawan, kay dalîng manglumó ng̃ iyong pusò, kay dalî kang panghináan ng̃ túhod!...“Iyán ba ang kabatáang pinang̃ápang̃árap ng̃ Dakilàng Rizal?“Iyán ba ang kabatáang inaasahang tútubós sa Báyang itó na ng̃ayo’y nábibing̃it sa bang̃in ng̃ kamatáyan?“Iyán ba angmg̃a kawal ng̃ tagumpay Bukas?“¡Ah, Kabatáan! kung ang mg̃a malilíit na kapisanan ay di mo mapagtiyagaang buháyin, papaáno kayâng pagbúhay ang iyong gágawin sa isâng Bayang malayà?“Kaunti pang paghuhunosdilì, kaunti pang pagling̃ap sa dang̃al ng̃ katungkulan! Kauntî pang pag aáalaála sa kinábukasan!“Samantálang ikáw, Kabataan ay waláng hanapkundî sayá at ligaya, samantálang di ka natutútong umibig sa walâng likát na pagpapágod, pagbabatà ng̃ hirap, at pagsusunóg ng̃ kílay; samantalang, di ka natutútong tumalikod sa mapanghalinang kawáy ng̃ mg̃a bulaklák, sa matatamis na awit ng̃ mg̃asirena, úpang makatupád sa isáng katungkúlan; samantalang ikáw ay nabúbuhay sa himpapawíd ng̃ mg̃a pang̃árap at di sa párang ng̃ paggawâ; samantalang ikaw ay walâng loob na íukol sa sarili mong bayan ang bawa’t galaw ng̃ iyong isip, bawa’t tibók ng̃ pusò, bawa’t sandalî ng̃ iyong panahón, bawa’t paták ng̃ iyong dugô; samantalang nananatili ka sa mg̃a ganyáng kalagáyan, ikáw, kabataan, ikaw ay di dapat tawagingPag-asang̃ tinubuan mong lupà; ang dápat itáwag sa iyó ayHampasng̃ Diyós sa iyóng Lahì!”Pinútol dito ni Gerardo ang kanyáng talumpatì. Dátí-dáti tuwî siyáng magsasalitâ nang hayág, ay di maúbos-úbos ang papuri sa kanyá ng̃ madlâ; ng̃uni’t ng̃ayón, maánong nagtamó siyá nang kahi’t gaputók na palakpák!Sa mg̃a binatà marámi ang sa kanya’y ng̃ung̃usò-ng̃usò at iírap-irap; may iláng dadábog-dábog at búbulong-bulóng.Si Choy ay tuwâng-tuwâ nang maalámang di mátutulóy ang ipinang̃akong sayáwan. Kamuntî na siyáng makalápit sa naka-lanaupangito’y mábigyan ng̃ isáng mabining “Hiilatt!” Ang mukhâ ng̃ naka-lanaay di maipintá noón.Hindi nagkásiya sa isinimásimáng̃ot at ipinisépshe. Sa huling bahági ng̃ talumpatì ni Gerardo ay walâng ibinubugá ang nagkakangng̃ing̃iwi niyang mg̃a labì, kungdî payak na:—“Suplado!Hambug! Hi...! Palalò! Yabang!... Para ka riyang isang lélong na nang̃ang̃aral sa amin ah! Cu...!”Pabulóng kun bigkasín ang mg̃a salitáng itó, na anopa’t walâng nakáririníg kundî yaong mg̃a malalapit sa kanyá!Hindî lang ang bibig ng naka-lanaang nang̃ung̃usap: ang mg̃a matá niya ay may lalong mahalagáng bágay na inihahayág. Ang mg̃a namumutèng matáng iyón kun titígan si Gerardo nang siya’y nagsasalitâ ay parang tumitítig sa isang nag-papaálam na bibitayin, kundi man sa isang kabaong na, sa isang tigmak na sa dugô!Ang naka-lanaay si Juancho!—si Juanchong masidhing kaaway ni Gerardo sa lahat ng̃ bagay; ang nabigôngkandidatosa kamay ni Elena, ang bunsong kapatid ni Kápitang Memò na kanyang kinasapakat sa madugô niyáng paghihigantí kay Gerardo!—paghihigantíng gáganapin nilá sa gabí ding iyón!....Nang matápos ang talumpatì ni Gerardo, ang pang̃ulo namán ng̃ “Dakilàng Mithî” ang pumagitnâ. Siyá ay isáng táo na di-masalitâ; at kung magsalitâ man siyá ay banayad, parang tinitimbáng ang mg̃a sinasábi; hindi siyá gumagámit ng̃ mg̃a salitâng labis at di kailang̃an; walâng bulá-bulaklák, waláng pahá-paháng̃in, gaya ng̃ daan-daan diyang mg̃a mananalumpatî na tuwing magsasalitâ ay walang nagagawâ kundi lunurin sa háng̃in ang sa kanila’y nakíkinig. Ang pang̃ulo ng̃ “Dakilang Mithî” (kun ibig ng̃ bumábasa na siya’y lalong mákilala) ay isang nagaaral ng̃Derechosa isang bantóg na paaralán sa Maynilà; ilang taón na lang at siya’y tútupad na sa dakilàng tungkuling pagtatanggól sa kápwa.—“Hindî bagay sa iyó ang mag-abogado, Abraham!”—ang láging iginigiit sa kanyá ng̃ mg̃a kaibigan—“Ang dapat mag-abogadoay yaóng mg̃a táongmasalita, hindî ang mg̃awalang kibóna gaya mo!” Labis na batid ni Abraham ang kaululan at kahang̃alang isinisiwálat ng̃ mg̃a gayóng pang̃ung̃usap; kaya’t lalò niyang tinikís. Samantalang hinihigpitán ang kapit niyá sa pagaaral ng̃Derechoay lalòng pinag-ibáyo niya ang pagtitipid ng̃ salitâ. Sa paninikis na ito ni Abraham, ay ibig mandín niyang ipamatâ sa mg̃a bulág na pag-iísip ng̃ kanyáng mg̃a kakilála na upang maging isángmapagwagîngabogadoay di kailang̃an na magíng isangdaldalero!... Kay rumami ng̃â namán ang nagkakamalî sa bahaging ito ng̃ Karunúng̃an, ang akalà nila’y sa pamamagìtan ng̃ isáng bung̃ang̃ang walang tahán ng̃ kábubugá, ay mapasusukò ng̃ isangabogado, sa alin mang usapin, ang kanyáng kalában; at ang isang táongbung̃ang̃eroay pílit na magíging isang maningníng naabogado.Kung gayo’y dapat manding imungkahì sa pamahaláan, na magtatág ng̃ isangEscuela de Derechosa loób ng̃Hospicio de San Josepara sa mg̃a nakukulóng doón, na kahi’t nagiisa ay... ¡usáp pa rin ng̃ usáp!...Oh, magsipagtahan kayó mg̃a úlong marurupok!Hindî pa ninyó batíd yaong mg̃a palásak na kasabihang: “Ang pantas ay walang kibo” alalaong baga’y hindìdaldaleronidaldalera. (He who is wise, keeps still.) (Hombre de poco habla mucho piensa.) At, “ang salita ayPilak(¡ng̃unì’t!)ang pananahimik ayGINTO!” (Speech isSilver,silence isGOLD!)Hindî pa rin ninyó batid ang mg̃a katotohánang sumusunód:1.—Na, upang maging pantás sa alin mang hánapbuhay, maging sa pag-aabogado at maging sa pag-memedico, atb., ay dalawáng bagay angkailang̃an: Una,Magmasid; ikalawa,Kumuro. Ng̃ayon, ako’y nagtatanóng, sino ang lalong malínawmagmasidatkumuro: ang isang walâng humpay ng̃katututtuttut, ó ang isang tahímik na nakíkiníg at umiísip, maíng̃at na tumíting̃in at tumitimbang sa bawa’t tamaan ng̃ matá?2.—Angabogado, ó sino mang táong di masalitâ, tang̃i na lang ang mg̃a mangmang, ay may panahon upang pagarálan at lubáhing mabúti sa kanyáng ulo, ang isang pagkukurò, bago ihayág; nakapipilì siyá ng̃ mg̃a salitang angkóp at matitíbay; napipilì niyá ang lalong matíbay na paglalahad sa ibig sabíhin. Ano ang ibinubung̃a? Kaliwanagan! Lakas! Ang kaliwanágan ng̃ pang̃ung̃usap ay kapangyaríhan sa isang pagtatalo!Samantalang sa kabilang dáko, ang isáng walâng pahing̃a ng̃ daldál, tang̃i pa sa nakayáyamót at nakaaaksayá ng̃ panahón (hindî lang ng̃ kanyáng panahon kundî patí ng̃ panahón ng̃ kausap) ay di nagagáwing timbang̃in at kuruìng mabuti ang isáng bágay bago ihayág; di napipilì ang mg̃a salitang dapat gamítin; walâng mahúsay at makatwirangpagkakasunódsunódang kanyáng isinásalaysáy; nálalahók ang mg̃a bágay na waláng kabuluhán at di kaíláng̃an, at kun minsan pa’y sa kadalasán ng̃ salitâ ay di naiísip ni naaalaman angmg̃a pinagsasabí! Anó ang napapala? Kahinàan! Kagusután! Kalabuan!At ang isangabogadongmahinang mang̃atwíran, magusút kung umisip at malábong mang̃úsap ay isángabogadong... ¡kahabág-habág!3.—Ang mg̃aabogadona kapag nagtatanggól sa isáng paglilítis, ay walang nalálakasán kundî payák na paháng̃in at daldal, mg̃a paikot-ikot at walâng katuturáng pang̃ung̃úsap, ay paraparang kinasúsunukán, kinarírimaríman at hindi pinagdídidiníg sa loób ng̃ mg̃a hukúmang ináabot ng̃ liwánag ng̃ siglo XX... Ang tinatangkílik, ang kinasasabikán, ang dinídinig, ang kiníkiling̃an, di man sinasadyâ, ng̃ hiyáng ósimpatíang̃ isang taál at pantás na hukom, at yaóngabogadona di nagaaksáya ng̃ salitâ, yaóng di nagsasalitâ kundi kailáng̃an, yaóng maalam ihayág ang ibig sabihin sa íilan at pinilìng salitâ, yaóng malumánay, banáyad, dapwa’t matibay at matalínong mang̃ang̃atwíran, yaóng bawa’t bigkasín ay may kahulugán, bawa’t isalaysáy ay malínaw at mahúsay—iyán ang túnay naabogadongdapat kilalánin ng̃ lahat.Dápwa’t, gíliw na bumabasa, tayo mandin ay lubhang napapakálulong sa pagkakalayo sa sinúlid ng̃ ating kasaysáyan. Tayo’y búmalik at pakinggan natin kung anó ang sásabihin ng̃pang̃ulo ng̃ “Dakilang Mithî” sa kanyáng mg̃a kasamahán.“Mg̃a kasáma:“Upang tayo’y magkatipon, at makapagdáos ng̃ púlong, ako’y náyag na kayo’y dayàin.“Ang pagdadayà ay masamâ.“Ng̃uni’t kung minsán ay kailang̃ang gumawâ ng̃ masamâ upang matamó ang isang kabutihan.“Kailang̃ang barilín ng̃ isáng pinunò ang sundálo niyáng tumátakbó sa labanán upang ang ibá ay huwag magáyang umúrong.“Kailang̃ang sugátan ang bató upang mapalabás ang kanyáng apoy.“Ng̃ayon: alam na ninyó kung bakit kayo’y aming dinayà.“Ayókong aksayahín pa ang mahalagá ninyóng panahón.“Pasimulán nátin ang púlong.“Mg̃a ginoó: anó ang inyóng pasiya? Sa áking akala’y ang kapisánang itó ay dapat nang lansagín.“Dapat lansagín ang sabí ko sapagka’t walang kabutihan siyang nililikhâ; bagkus pa ng̃ang payak na kasamâan ang kanyang ibinubung̃a.“Sa kapisánang itó nagbubúhat ang pagbibigátan ng̃ loób, díto nababanáag ang lahat ng̃ mg̃a ugáling karumaldúmal ng̃ kabataang Libis; dito nádadamá ang maráming katotohanangmasasakláp na dápat ikahiyâ ng̃ ating mg̃a nunò sa kabiláng búhay.“Hindî kayâ marápat na lansagín ná ang kapísanang iyán?“Hintáy ko ang pasiyá ng̃ kapulúng̃an.”Ang kapulúng̃an ay di sumásagot. Ang banáyad ng̃uni’t matitinding pang̃ung̃usap ng̃ pang̃ulo, ang nang̃ing̃inig niyáng bóses, ang kanyang nagbabagang paning̃in, ay nagpayukô sa lahat. Ni si Juancho, ni si Choy, ni ang naka-itim ay walâng naihumá.Naghaharì sa boóng báhay ang piping katahimikan. Nakaraan ang limangminuto; walâ pa ring sagót.Walang kamalák-malák ay nang̃agtilian ang mg̃a babáe.“Demónyo! Tatay ko! Demónyo! Nanay ko! Demónyong sung̃ayan! Demónyong may buntot!”—ang sigaw niláng dî magkamáyaw.At demónyo ng̃â namán!... (Noon ay kasalukúyang nagdadaos ng̃ Karnabál sa Maynilà.)Sinalúbong ng̃ pang̃ulo sa hagdánan ang nakabalat-kayô.Isáng liham para kay Gerardo ang taglay niyá.—“Síno kayâ itó?”—anang naka-itim at pagdaka’y lumápit sa demonyo na nakating̃in kay Gerardo samantalang binabasa nito ang tinanggap na liham.—“Sino ka bagá, ha?”—ang mulîng tanong ng̃ naka-itim, at pagdaka’y sinulot sa tagilíran ang nakabalatkayô.—“Aruy!Tinamaan ka ng̃...!”Ang¡aruy!ay ibinung̃a ng̃ isáng tábig ng̃ demonyóng nakilitî—tabig na tumamà sa sikmurà ng̃ pang̃ahas. Dalì-dalìng umupo ang naka-itim na tutóp ang tiyán.Humúgong sa tawa ang boong bahay.Ang pang̃ulo ay pumukpók sa kanyang laménsa. Naputol ang tawánan dapwa’t di ang bulúngbulúng̃an, di ang pagsulyáp sa demónyo at sa tinábig niyáng napang̃iwi’t súkat.—“Síno ng̃a kayâ iyan?” ang mulîng usisa ng̃ bálana.—“Ah, kilala ko na! iyán ay si Tunyò”—anang isa.—“Hindî, si Basio iyán!”—anang isa pa—“tingnán mo’t ang katawán ay Basiong-basio!”—“Hindî; maniwalà kayó,”—ang sabád namán ni Choy—“iyan eh si kumpáring Kulás.”Malî silang lahat. Si Juancho lámang ang nakababatid kun sino ang demonyóng iyon!—“Pagsalitaín ng̃â natin”—ang bigkas ng̃ isang pingkaw—“Hoy demónyo! demónyo! magsalitâ ka ng̃â.”Ang demónyo’y parang bing̃í. Hindi ináalis ang ting̃in kay Gerardo na pagkatápos na mabása ang sulat ay lumapit sa may dalá at tumanóng:—“Sino kayo?”Ang demonyo’y parang pipi. Kumumpás-kumpás na lang at iginaláwgaláw ang ulo na tila ang ibig sabihi’y:“Manáog ka sa lupa’t doón táyo magkakaalam!”Si Gerardo ay napang̃itî na lang sa ikinumpás-kumpás ng̃ nakabalatkayô. Dapat kayâ siyáng sumáma? Tiningnán ang liham at sandaling nag-alinláng̃an; pagkwa’y,—“Táyo!”—anya, at inakbayán pa mandín ng̃ demonyo, bágo silá nanáog.—“Naku! Si Gerardo!”—ang di man kinukusa’y nalaglág sa mg̃a labì ni Pacita na malakíng totoó ang tákot sa demonyo, palibhasa’t noón lang siyá nakakita ng̃ gayóng gayák.Si Elena namán ay putlâng-putlâ; kákabá-kabá ang kanyáng dibdib.—“Kilalá mo ba iyón?”—ang pang̃atál na tanóng kay Florante na kanyáng kaibigan, at noó’y kasiping sa upô.—“Hindi, ah!”—“Masamâ ang kutob ng̃ áking loób. Nagíisási Gerardo—Baka siya’y kung anhin!... Ako’y nang̃ang̃ambá!”...—“Susundán ko!”—“Para mo nang awà Florante.”Noón di’y nanáog ang binatà.
XII...At ang Justicía?Kulóng na kulóng sa kanyáng silíd.Walâng humpáy nang kayayao’t dito. Nakayayaníg sa boóng báhay ang madadalás niyáng yabág na ipinagdidiínan sa sahíg na tablá. Ang mg̃a lagutók ng̃ kanyáng mg̃aabellanangsapátos na nanggigipalpál sa putik ay nakabubulahaw hanggang sa mg̃a nagtutulúgang kápitbahay—hanggáng sa mg̃a manók na namamahing̃á sa isáng púnong kamatsiléng nakatánod sa trangkahan. Ang mg̃a bintî at bisig ay pára-parang naninigás; ang mg̃a dalirì ay tikóm na tikóm, na animó’y may isang sasagupáing kalában. Minsán baltakín nang paibabâ angkamisetaniyang putê na pigtâ ng̃ pawis; minsáng pag-itíng̃an nang higpit ang bigkís na nakakabít sapantalong kakena dahandáhang dumádausdós sa kaluwáng̃an ng̃ baywang.Walâng pumupúlas sa nakáng̃iwî niyang mg̃a labì kundi páwangpagng̃ing̃itng̃ít, pawang buntóng-hining̃á, pawang mg̃a “huhm! hm! huhm! hm!”Walâng anó-anó’y lumapit sa isáng mésa at umupô; pinagábot ang mg̃a kílay na pumapalamútisa mg̃a naglalalimang matá na nagpapahiwátig ng̃ tatlóng gabíng di pagkatulóg; sinabunot ang mg̃a mapuputê niyang buhók; tining̃alâ ang isáng laráwang nakasábit sa dinding; kinagát ang labì, nagbuntóng-hining̃á, sumuntók ng̃ boông diín, pumadyák, tumindíg at nagyáot dito na naman.—“Hu hm! hm! hm!”—ang mulî niyang ng̃itng̃it—“Papatayín ko! papatayín ko! hu! hm! hu! hm!... Noóng áraw, noóng áraw ¡hu hm!... akó ang harì sa báyang itó, óo harì! harì!... Sa áking haráp lahat ay nanunuyò, lahát ay lumuluhód, lahát ay “óo pô” sa ákin, walâng “hindî” ni “ayóko”! Noóng araw, ¡hu hm!... ako’y isángdon, isáng mahal na máginoo sa matá ng̃ madlâ.... ¡hu hm! Lahat ay naniwalà na ako’y mayáman sa lahat; na ang yáman ko ay áking nakamtán sa tulò ng̃ sarili kong páwis! ¡hu hm!.... Lahát ay naniwalà na malinis yaring budhî ¡hu hm!...“Ang mg̃a lihim na pinakatagòtagò kong mahigpit, noon ay walâ kundî akóng akó lang ang nakababatíd! ¡Hu hm!...“Ng̃uni’t ng̃ayón! ng̃ayón! oh ng̃ayón! ¡hu hm!... Sa ákin, ay walâng di umiiring, walâng dî kumukutyâ, walang dî lumilibák, bawa’t matá ay násusuklám sa kataúhan ko,bawa’tdilà ay ako ang isinusumpâ, bawa’t dalirì ay sa ákinnakaturò—sa akin na kung tawágin ng̃ayón ay di na “ang kapitan” “ang presidente;” kundì angmagnanakaw, angmagdaraya, angmámamátay! ¡Hu hu! hu hm!... At bákit ako’y nagkaganitó ng̃ayón? Bakit ako ng̃ayo’y hámak na hámak, dustâng dustâ, mababang mababà? Sino, sino ang gumanitó sa ákin?... ¡Hu hu! hm!“Oh! Pagpápapatayín ko ang mg̃a iyán!...“Oh Gerardo! Oh Rustica! Magsipagtagò na kayó, mg̃a walânghiyâ!... Sáyang ang áking pagkamámamátay kapág kayo’y pinatáwad ng̃ aking patalím! !Hu hm!!”At lálong dinalasán ang hakbáng, lalong ipinagdiínan ang yabág. Walâng anó-anó’y bigláng tumígil.—“Dapwa’t... ako’y pápatay?”—ang kanyang patuloy.—“Diyata’t pápatáy na namán akó?... Iba na ng̃ayón ang pamahalàan!... Hindi na itó panahón ng̃ kastilà! Diyata’t pápatáy na namán ako?... At ang Justicia? ang Justicia?”—At muling nag yáo’t dito ang mistúlang ulól; at sa kátatanong ng̃ “ang Justicia?” ay naala-ala tuloy ang pagtatálo ng̃ isang huklubáng pederál at isang binatàng independista.—“Justicia?”—anitóng huli sa pagtatalong nábanggit.—“Sa ating Bayan ay walâ pang Justicia! Ni noóng panahón ng̃ kastilà, ni sa mg̃a sandalîng itó ay walang taál at wagás na Justiciangumíral ó umiíral dito. Ang dito’y tinatawag na Justicia, ay Justiciang kábilanin: Ang isa niyang matá ay dilát, dapwa’t ang isa ay bulág. Yaong úna ay siyang ginagámit kapag ang dapat tangkilikin sa isang usapin ay amerikáno laban sa pilipino. Kapag ang dapat tangkilikin ay pilipino laban sa amerikáno, ang malimit hing̃an ng̃ pasiyá ay ang matáng bulág!... Ayaw kayóng maniwalà?... Ibig ninyóng patunáyan ko ang pagkakábilanin ng̃ tinatawag na Justicia ng̃ kasalukúyang pamahalaan?... Náriyan ang huling pagkakabilanggô ni Dr. Gómez. Bákit siya hinatulang mabilibid?... Tanung̃in ang Kagálanggálang na hukóm na humátol sa kanyá, at sarì-sarìng kuskósbalúng̃os ang imamatwid, dapwa’tsumanggunìkayo sa isáng malayàng pagíisip na walâng kinikiling̃an, at inyóng mababatid na ang tunay at táng̃ing dahil ng̃ pagkabilanggô ni Dr. Gómez, ay sapagka’t si Dr. Gómez,na isang pilipino, ay iminungkahing magsiaklás ang mg̃a manggawà,namg̃apilipino din, sa isang Samahan ng̃ mg̃a puhúnangamerikano!... Iyán ba ang tinatáwag na Justicia?...“AtJusticiabagá ang naguudyók sa pamahalaang iyán na kupkupín at panatilihin sa kanyáng tungkól ang isang “Ibong Mangdaragit,” na upang lálo’t lálong makapagsamantaláat magtubò sa kanyáng kapangyaríhan, ay nanghihimások sa di dapat panghimasúkan, nagpapasasà nang lihim sa yáman ng̃ may yáman at umaangkín sa arì ng̃ may arì?...... Anóng Justicia iyán?“At anóng Justicia iyán na pumapatnúbay dito sa bawa’t hakbáng ng̃ pamunúang amerikáno?..... Justicia ba ang sakúpin ang áyaw pasakóp? ¿pagharìan ang ayaw paharì kaníno pa man, tang̃i na lang sa sariling loob?... Justicia ba ang di pagtupád ng̃ pamahaláan sa kanyang pang̃akò sa pinamumunúan? Di ba’t nang̃akò ang pamahaláang iyán na palalayàin ang ating Bayan? Anó ang ginagawâ niya ng̃ayón? Ipinagbabáwal ang ating Bandilà; pinanánatíli ang pagkakatang̃ìtang̃ì; hinahámak ang pagkakapantáypantáy ng̃ amerikáno at pilipino; ipinagbabáwal sa kabatàan ang kumatig sa Pagsasarilí; tinatawánan, tinatáwag na ulól ang Báyang ito tuwing magbubukás ng̃ dibdib, tuwing ipagtatapát ang kanyáng pinakadalisay na damdámin, ang wagás at katutubong pag-írog sa isáng malayang búhay—pag-irog na dî magmamáliw ni matitinag sa kanyang pusò, bumagsák man ang líbolíbong unós at buhawi!....“At humahanggá ba rito ang mg̃a matalinghágang panukalà na isinasagawâ ng̃ Pamunúang amerikáno sa Pilipinas?... At ang Bill Payne? AngBill Payne na madalî ó maláon, kapag nagkataón, ay magiging isa nang makapangyaríhang utos na kailáng̃an yukûan at sundín ng̃ Bayang Pilipino? Ah, ang Bill Payne! Iyan ang pinakatúso at pinakadakilà sa lahát ng̃ mg̃a binalak na kautusán ng̃ Pamunúan! Tagláy ng̃ Bill Payne ang dalawáng binhî: Búhay at kamandág!... Búhay para sa báyang namumunò, at kamandág sa báyang nasasakóp! Búhay sa mg̃atrust, sa mg̃a puhúnang amerikáno na dito’y magsisidagsâ úpang sakmalín ang yáman ng̃ ating lupà, hititín ang kahulihulíhang paták sa ating dugô hanggang walâng natitirá sa Báyan kundì ang kanyáng balát at mg̃a buto!... Kapág ang Báyan ay nagíng buto’t balát na lang, kapag nabungkál na ang ating lupà, kapag natibág na ang ating mg̃a bundók, kapág walâ nang masasakmál at mahihitít, aysaka,SAKA, SAKA tayo iíwan ng̃ mg̃aTrustna iyán, sakâ tayo bibigyán ng̃ Pagsasarilí, sakâ ipagsisigáwan ng̃ mg̃a angkan ni Taft na ang Báyang Pilipino ayhanda, handang handa na sa Kalayaan!!...“Ng̃ayón, sabíhin sa ákin kun díto sa Pilipinas ay may Justicia! Iturò sa ákin kun saán naroon ang Justiciang iyán!”....Humigít kumúlang ay ganitó ang mg̃a salitang umuukilkíl sa alaála ng̃ walàng tígil ng̃ kayayáo’t dito at kátatanong ng̃ “ang Justicia?”—Pederál man siyá, ay kun bákit nahihikáyat siyang paniwaláan ang mg̃a salitáng iyón ng̃ isáng independista.Sa di kawasa’y lumápit sa higáan, inabót sa karátig na lamensa ang isang bóteng kinadidikitan ng̃ isang laráwan ng̃ unggóy, at itinunggâ ang nang̃ang̃aling̃ásaw na lamán.Tumikímmunang̃ makálimá na sinabayan ng̃ limá ring tapík sa dibdib bágo náhigâ.Aywan kung nátulog ó hindî.Pagkaráan ng̃ may kalaháting óras ay mulíng binuláhaw ang katahimikan ng̃ kanyáng silid.—“Ha! ha! ha!”—ang kanyáng halakhák na pairíng mulâ sa higàan.—“Ha! ha! ha! Nápatáy na kitá, Gerardo, nápatay na kitá! Ha! ha! ha! Si nasírang Gerardo ka na ng̃ayón! Madalî ang umútang, mahírap ang magbáyad! ha! ha! ha! Sulong, takbó, humánap ka ng̃ Justicia, súlong! Di akó natatákot sa justiciang bulág!...“Ha, Stag? Handiyan ka na palâ. Tinamáan ka ng̃.... Anó ká? At bákit ka nagtatawá, ulól? Nasunód mo na ang ipinagagawâ ko sa iyó? Nápatay mo na ba? Hindî? Sáyang ang salapî ko! Ulól ako’t pinawalán pa kitá... Ha? At nápatay mo ba? Siya ng̃â ba? Saán mo inabútan ang walanghiyá’t dalahirang babáe?...Mabúti, mabúti kang batà!... Ang kapupunán?... Huwág ka bangapurádo...!“Juancho! Juancho! Gísing, gísing ka, tamád. Dilát ka na ba? Halíka rini’t ikaw ay makiníg... Susunód ka, ha?... Pag hindi, baság ang iyóng ulo; hále, lumukólukó ka!... Ikaw ay mang-aágaw ha? aagáwin mo ha?... Alám mo ba kun bakit?... kun bákit di ka maibig ni Elena?... Dáhil kay Gerardo! Si Gerardo’y pinatáy ko, ikáw ang umágaw sa kanyáng katipán?... Ha? at naágaw mo na ba?... Mabuti kang batà, ganyán ang laláki!“Ha! ha! ha! Busóg na busóg ako...! Usigin, ipang̃áw, mamatáy, walâ na ng̃ayóng kailang̃an sa ákin! Ha! ha! ha! Ganáp na ganáp ang paghihiganti ko!...”
XII...At ang Justicía?
Kulóng na kulóng sa kanyáng silíd.Walâng humpáy nang kayayao’t dito. Nakayayaníg sa boóng báhay ang madadalás niyáng yabág na ipinagdidiínan sa sahíg na tablá. Ang mg̃a lagutók ng̃ kanyáng mg̃aabellanangsapátos na nanggigipalpál sa putik ay nakabubulahaw hanggang sa mg̃a nagtutulúgang kápitbahay—hanggáng sa mg̃a manók na namamahing̃á sa isáng púnong kamatsiléng nakatánod sa trangkahan. Ang mg̃a bintî at bisig ay pára-parang naninigás; ang mg̃a dalirì ay tikóm na tikóm, na animó’y may isang sasagupáing kalában. Minsán baltakín nang paibabâ angkamisetaniyang putê na pigtâ ng̃ pawis; minsáng pag-itíng̃an nang higpit ang bigkís na nakakabít sapantalong kakena dahandáhang dumádausdós sa kaluwáng̃an ng̃ baywang.Walâng pumupúlas sa nakáng̃iwî niyang mg̃a labì kundi páwangpagng̃ing̃itng̃ít, pawang buntóng-hining̃á, pawang mg̃a “huhm! hm! huhm! hm!”Walâng anó-anó’y lumapit sa isáng mésa at umupô; pinagábot ang mg̃a kílay na pumapalamútisa mg̃a naglalalimang matá na nagpapahiwátig ng̃ tatlóng gabíng di pagkatulóg; sinabunot ang mg̃a mapuputê niyang buhók; tining̃alâ ang isáng laráwang nakasábit sa dinding; kinagát ang labì, nagbuntóng-hining̃á, sumuntók ng̃ boông diín, pumadyák, tumindíg at nagyáot dito na naman.—“Hu hm! hm! hm!”—ang mulî niyang ng̃itng̃it—“Papatayín ko! papatayín ko! hu! hm! hu! hm!... Noóng áraw, noóng áraw ¡hu hm!... akó ang harì sa báyang itó, óo harì! harì!... Sa áking haráp lahat ay nanunuyò, lahát ay lumuluhód, lahát ay “óo pô” sa ákin, walâng “hindî” ni “ayóko”! Noóng araw, ¡hu hm!... ako’y isángdon, isáng mahal na máginoo sa matá ng̃ madlâ.... ¡hu hm! Lahat ay naniwalà na ako’y mayáman sa lahat; na ang yáman ko ay áking nakamtán sa tulò ng̃ sarili kong páwis! ¡hu hm!.... Lahát ay naniwalà na malinis yaring budhî ¡hu hm!...“Ang mg̃a lihim na pinakatagòtagò kong mahigpit, noon ay walâ kundî akóng akó lang ang nakababatíd! ¡Hu hm!...“Ng̃uni’t ng̃ayón! ng̃ayón! oh ng̃ayón! ¡hu hm!... Sa ákin, ay walâng di umiiring, walâng dî kumukutyâ, walang dî lumilibák, bawa’t matá ay násusuklám sa kataúhan ko,bawa’tdilà ay ako ang isinusumpâ, bawa’t dalirì ay sa ákinnakaturò—sa akin na kung tawágin ng̃ayón ay di na “ang kapitan” “ang presidente;” kundì angmagnanakaw, angmagdaraya, angmámamátay! ¡Hu hu! hu hm!... At bákit ako’y nagkaganitó ng̃ayón? Bakit ako ng̃ayo’y hámak na hámak, dustâng dustâ, mababang mababà? Sino, sino ang gumanitó sa ákin?... ¡Hu hu! hm!“Oh! Pagpápapatayín ko ang mg̃a iyán!...“Oh Gerardo! Oh Rustica! Magsipagtagò na kayó, mg̃a walânghiyâ!... Sáyang ang áking pagkamámamátay kapág kayo’y pinatáwad ng̃ aking patalím! !Hu hm!!”At lálong dinalasán ang hakbáng, lalong ipinagdiínan ang yabág. Walâng anó-anó’y bigláng tumígil.—“Dapwa’t... ako’y pápatay?”—ang kanyang patuloy.—“Diyata’t pápatáy na namán akó?... Iba na ng̃ayón ang pamahalàan!... Hindi na itó panahón ng̃ kastilà! Diyata’t pápatáy na namán ako?... At ang Justicia? ang Justicia?”—At muling nag yáo’t dito ang mistúlang ulól; at sa kátatanong ng̃ “ang Justicia?” ay naala-ala tuloy ang pagtatálo ng̃ isang huklubáng pederál at isang binatàng independista.—“Justicia?”—anitóng huli sa pagtatalong nábanggit.—“Sa ating Bayan ay walâ pang Justicia! Ni noóng panahón ng̃ kastilà, ni sa mg̃a sandalîng itó ay walang taál at wagás na Justiciangumíral ó umiíral dito. Ang dito’y tinatawag na Justicia, ay Justiciang kábilanin: Ang isa niyang matá ay dilát, dapwa’t ang isa ay bulág. Yaong úna ay siyang ginagámit kapag ang dapat tangkilikin sa isang usapin ay amerikáno laban sa pilipino. Kapag ang dapat tangkilikin ay pilipino laban sa amerikáno, ang malimit hing̃an ng̃ pasiyá ay ang matáng bulág!... Ayaw kayóng maniwalà?... Ibig ninyóng patunáyan ko ang pagkakábilanin ng̃ tinatawag na Justicia ng̃ kasalukúyang pamahalaan?... Náriyan ang huling pagkakabilanggô ni Dr. Gómez. Bákit siya hinatulang mabilibid?... Tanung̃in ang Kagálanggálang na hukóm na humátol sa kanyá, at sarì-sarìng kuskósbalúng̃os ang imamatwid, dapwa’tsumanggunìkayo sa isáng malayàng pagíisip na walâng kinikiling̃an, at inyóng mababatid na ang tunay at táng̃ing dahil ng̃ pagkabilanggô ni Dr. Gómez, ay sapagka’t si Dr. Gómez,na isang pilipino, ay iminungkahing magsiaklás ang mg̃a manggawà,namg̃apilipino din, sa isang Samahan ng̃ mg̃a puhúnangamerikano!... Iyán ba ang tinatáwag na Justicia?...“AtJusticiabagá ang naguudyók sa pamahalaang iyán na kupkupín at panatilihin sa kanyáng tungkól ang isang “Ibong Mangdaragit,” na upang lálo’t lálong makapagsamantaláat magtubò sa kanyáng kapangyaríhan, ay nanghihimások sa di dapat panghimasúkan, nagpapasasà nang lihim sa yáman ng̃ may yáman at umaangkín sa arì ng̃ may arì?...... Anóng Justicia iyán?“At anóng Justicia iyán na pumapatnúbay dito sa bawa’t hakbáng ng̃ pamunúang amerikáno?..... Justicia ba ang sakúpin ang áyaw pasakóp? ¿pagharìan ang ayaw paharì kaníno pa man, tang̃i na lang sa sariling loob?... Justicia ba ang di pagtupád ng̃ pamahaláan sa kanyang pang̃akò sa pinamumunúan? Di ba’t nang̃akò ang pamahaláang iyán na palalayàin ang ating Bayan? Anó ang ginagawâ niya ng̃ayón? Ipinagbabáwal ang ating Bandilà; pinanánatíli ang pagkakatang̃ìtang̃ì; hinahámak ang pagkakapantáypantáy ng̃ amerikáno at pilipino; ipinagbabáwal sa kabatàan ang kumatig sa Pagsasarilí; tinatawánan, tinatáwag na ulól ang Báyang ito tuwing magbubukás ng̃ dibdib, tuwing ipagtatapát ang kanyáng pinakadalisay na damdámin, ang wagás at katutubong pag-írog sa isáng malayang búhay—pag-irog na dî magmamáliw ni matitinag sa kanyang pusò, bumagsák man ang líbolíbong unós at buhawi!....“At humahanggá ba rito ang mg̃a matalinghágang panukalà na isinasagawâ ng̃ Pamunúang amerikáno sa Pilipinas?... At ang Bill Payne? AngBill Payne na madalî ó maláon, kapag nagkataón, ay magiging isa nang makapangyaríhang utos na kailáng̃an yukûan at sundín ng̃ Bayang Pilipino? Ah, ang Bill Payne! Iyan ang pinakatúso at pinakadakilà sa lahát ng̃ mg̃a binalak na kautusán ng̃ Pamunúan! Tagláy ng̃ Bill Payne ang dalawáng binhî: Búhay at kamandág!... Búhay para sa báyang namumunò, at kamandág sa báyang nasasakóp! Búhay sa mg̃atrust, sa mg̃a puhúnang amerikáno na dito’y magsisidagsâ úpang sakmalín ang yáman ng̃ ating lupà, hititín ang kahulihulíhang paták sa ating dugô hanggang walâng natitirá sa Báyan kundì ang kanyáng balát at mg̃a buto!... Kapág ang Báyan ay nagíng buto’t balát na lang, kapag nabungkál na ang ating lupà, kapag natibág na ang ating mg̃a bundók, kapág walâ nang masasakmál at mahihitít, aysaka,SAKA, SAKA tayo iíwan ng̃ mg̃aTrustna iyán, sakâ tayo bibigyán ng̃ Pagsasarilí, sakâ ipagsisigáwan ng̃ mg̃a angkan ni Taft na ang Báyang Pilipino ayhanda, handang handa na sa Kalayaan!!...“Ng̃ayón, sabíhin sa ákin kun díto sa Pilipinas ay may Justicia! Iturò sa ákin kun saán naroon ang Justiciang iyán!”....Humigít kumúlang ay ganitó ang mg̃a salitang umuukilkíl sa alaála ng̃ walàng tígil ng̃ kayayáo’t dito at kátatanong ng̃ “ang Justicia?”—Pederál man siyá, ay kun bákit nahihikáyat siyang paniwaláan ang mg̃a salitáng iyón ng̃ isáng independista.Sa di kawasa’y lumápit sa higáan, inabót sa karátig na lamensa ang isang bóteng kinadidikitan ng̃ isang laráwan ng̃ unggóy, at itinunggâ ang nang̃ang̃aling̃ásaw na lamán.Tumikímmunang̃ makálimá na sinabayan ng̃ limá ring tapík sa dibdib bágo náhigâ.Aywan kung nátulog ó hindî.Pagkaráan ng̃ may kalaháting óras ay mulíng binuláhaw ang katahimikan ng̃ kanyáng silid.—“Ha! ha! ha!”—ang kanyáng halakhák na pairíng mulâ sa higàan.—“Ha! ha! ha! Nápatáy na kitá, Gerardo, nápatay na kitá! Ha! ha! ha! Si nasírang Gerardo ka na ng̃ayón! Madalî ang umútang, mahírap ang magbáyad! ha! ha! ha! Sulong, takbó, humánap ka ng̃ Justicia, súlong! Di akó natatákot sa justiciang bulág!...“Ha, Stag? Handiyan ka na palâ. Tinamáan ka ng̃.... Anó ká? At bákit ka nagtatawá, ulól? Nasunód mo na ang ipinagagawâ ko sa iyó? Nápatay mo na ba? Hindî? Sáyang ang salapî ko! Ulól ako’t pinawalán pa kitá... Ha? At nápatay mo ba? Siya ng̃â ba? Saán mo inabútan ang walanghiyá’t dalahirang babáe?...Mabúti, mabúti kang batà!... Ang kapupunán?... Huwág ka bangapurádo...!“Juancho! Juancho! Gísing, gísing ka, tamád. Dilát ka na ba? Halíka rini’t ikaw ay makiníg... Susunód ka, ha?... Pag hindi, baság ang iyóng ulo; hále, lumukólukó ka!... Ikaw ay mang-aágaw ha? aagáwin mo ha?... Alám mo ba kun bakit?... kun bákit di ka maibig ni Elena?... Dáhil kay Gerardo! Si Gerardo’y pinatáy ko, ikáw ang umágaw sa kanyáng katipán?... Ha? at naágaw mo na ba?... Mabuti kang batà, ganyán ang laláki!“Ha! ha! ha! Busóg na busóg ako...! Usigin, ipang̃áw, mamatáy, walâ na ng̃ayóng kailang̃an sa ákin! Ha! ha! ha! Ganáp na ganáp ang paghihiganti ko!...”
Kulóng na kulóng sa kanyáng silíd.
Walâng humpáy nang kayayao’t dito. Nakayayaníg sa boóng báhay ang madadalás niyáng yabág na ipinagdidiínan sa sahíg na tablá. Ang mg̃a lagutók ng̃ kanyáng mg̃aabellanangsapátos na nanggigipalpál sa putik ay nakabubulahaw hanggang sa mg̃a nagtutulúgang kápitbahay—hanggáng sa mg̃a manók na namamahing̃á sa isáng púnong kamatsiléng nakatánod sa trangkahan. Ang mg̃a bintî at bisig ay pára-parang naninigás; ang mg̃a dalirì ay tikóm na tikóm, na animó’y may isang sasagupáing kalában. Minsán baltakín nang paibabâ angkamisetaniyang putê na pigtâ ng̃ pawis; minsáng pag-itíng̃an nang higpit ang bigkís na nakakabít sapantalong kakena dahandáhang dumádausdós sa kaluwáng̃an ng̃ baywang.
Walâng pumupúlas sa nakáng̃iwî niyang mg̃a labì kundi páwangpagng̃ing̃itng̃ít, pawang buntóng-hining̃á, pawang mg̃a “huhm! hm! huhm! hm!”
Walâng anó-anó’y lumapit sa isáng mésa at umupô; pinagábot ang mg̃a kílay na pumapalamútisa mg̃a naglalalimang matá na nagpapahiwátig ng̃ tatlóng gabíng di pagkatulóg; sinabunot ang mg̃a mapuputê niyang buhók; tining̃alâ ang isáng laráwang nakasábit sa dinding; kinagát ang labì, nagbuntóng-hining̃á, sumuntók ng̃ boông diín, pumadyák, tumindíg at nagyáot dito na naman.
—“Hu hm! hm! hm!”—ang mulî niyang ng̃itng̃it—“Papatayín ko! papatayín ko! hu! hm! hu! hm!... Noóng áraw, noóng áraw ¡hu hm!... akó ang harì sa báyang itó, óo harì! harì!... Sa áking haráp lahat ay nanunuyò, lahát ay lumuluhód, lahát ay “óo pô” sa ákin, walâng “hindî” ni “ayóko”! Noóng araw, ¡hu hm!... ako’y isángdon, isáng mahal na máginoo sa matá ng̃ madlâ.... ¡hu hm! Lahat ay naniwalà na ako’y mayáman sa lahat; na ang yáman ko ay áking nakamtán sa tulò ng̃ sarili kong páwis! ¡hu hm!.... Lahát ay naniwalà na malinis yaring budhî ¡hu hm!...
“Ang mg̃a lihim na pinakatagòtagò kong mahigpit, noon ay walâ kundî akóng akó lang ang nakababatíd! ¡Hu hm!...
“Ng̃uni’t ng̃ayón! ng̃ayón! oh ng̃ayón! ¡hu hm!... Sa ákin, ay walâng di umiiring, walâng dî kumukutyâ, walang dî lumilibák, bawa’t matá ay násusuklám sa kataúhan ko,bawa’tdilà ay ako ang isinusumpâ, bawa’t dalirì ay sa ákinnakaturò—sa akin na kung tawágin ng̃ayón ay di na “ang kapitan” “ang presidente;” kundì angmagnanakaw, angmagdaraya, angmámamátay! ¡Hu hu! hu hm!... At bákit ako’y nagkaganitó ng̃ayón? Bakit ako ng̃ayo’y hámak na hámak, dustâng dustâ, mababang mababà? Sino, sino ang gumanitó sa ákin?... ¡Hu hu! hm!
“Oh! Pagpápapatayín ko ang mg̃a iyán!...
“Oh Gerardo! Oh Rustica! Magsipagtagò na kayó, mg̃a walânghiyâ!... Sáyang ang áking pagkamámamátay kapág kayo’y pinatáwad ng̃ aking patalím! !Hu hm!!”
At lálong dinalasán ang hakbáng, lalong ipinagdiínan ang yabág. Walâng anó-anó’y bigláng tumígil.
—“Dapwa’t... ako’y pápatay?”—ang kanyang patuloy.—“Diyata’t pápatáy na namán akó?... Iba na ng̃ayón ang pamahalàan!... Hindi na itó panahón ng̃ kastilà! Diyata’t pápatáy na namán ako?... At ang Justicia? ang Justicia?”—At muling nag yáo’t dito ang mistúlang ulól; at sa kátatanong ng̃ “ang Justicia?” ay naala-ala tuloy ang pagtatálo ng̃ isang huklubáng pederál at isang binatàng independista.
—“Justicia?”—anitóng huli sa pagtatalong nábanggit.—“Sa ating Bayan ay walâ pang Justicia! Ni noóng panahón ng̃ kastilà, ni sa mg̃a sandalîng itó ay walang taál at wagás na Justiciangumíral ó umiíral dito. Ang dito’y tinatawag na Justicia, ay Justiciang kábilanin: Ang isa niyang matá ay dilát, dapwa’t ang isa ay bulág. Yaong úna ay siyang ginagámit kapag ang dapat tangkilikin sa isang usapin ay amerikáno laban sa pilipino. Kapag ang dapat tangkilikin ay pilipino laban sa amerikáno, ang malimit hing̃an ng̃ pasiyá ay ang matáng bulág!... Ayaw kayóng maniwalà?... Ibig ninyóng patunáyan ko ang pagkakábilanin ng̃ tinatawag na Justicia ng̃ kasalukúyang pamahalaan?... Náriyan ang huling pagkakabilanggô ni Dr. Gómez. Bákit siya hinatulang mabilibid?... Tanung̃in ang Kagálanggálang na hukóm na humátol sa kanyá, at sarì-sarìng kuskósbalúng̃os ang imamatwid, dapwa’tsumanggunìkayo sa isáng malayàng pagíisip na walâng kinikiling̃an, at inyóng mababatid na ang tunay at táng̃ing dahil ng̃ pagkabilanggô ni Dr. Gómez, ay sapagka’t si Dr. Gómez,na isang pilipino, ay iminungkahing magsiaklás ang mg̃a manggawà,namg̃apilipino din, sa isang Samahan ng̃ mg̃a puhúnangamerikano!... Iyán ba ang tinatáwag na Justicia?...
“AtJusticiabagá ang naguudyók sa pamahalaang iyán na kupkupín at panatilihin sa kanyáng tungkól ang isang “Ibong Mangdaragit,” na upang lálo’t lálong makapagsamantaláat magtubò sa kanyáng kapangyaríhan, ay nanghihimások sa di dapat panghimasúkan, nagpapasasà nang lihim sa yáman ng̃ may yáman at umaangkín sa arì ng̃ may arì?...... Anóng Justicia iyán?
“At anóng Justicia iyán na pumapatnúbay dito sa bawa’t hakbáng ng̃ pamunúang amerikáno?..... Justicia ba ang sakúpin ang áyaw pasakóp? ¿pagharìan ang ayaw paharì kaníno pa man, tang̃i na lang sa sariling loob?... Justicia ba ang di pagtupád ng̃ pamahaláan sa kanyang pang̃akò sa pinamumunúan? Di ba’t nang̃akò ang pamahaláang iyán na palalayàin ang ating Bayan? Anó ang ginagawâ niya ng̃ayón? Ipinagbabáwal ang ating Bandilà; pinanánatíli ang pagkakatang̃ìtang̃ì; hinahámak ang pagkakapantáypantáy ng̃ amerikáno at pilipino; ipinagbabáwal sa kabatàan ang kumatig sa Pagsasarilí; tinatawánan, tinatáwag na ulól ang Báyang ito tuwing magbubukás ng̃ dibdib, tuwing ipagtatapát ang kanyáng pinakadalisay na damdámin, ang wagás at katutubong pag-írog sa isáng malayang búhay—pag-irog na dî magmamáliw ni matitinag sa kanyang pusò, bumagsák man ang líbolíbong unós at buhawi!....
“At humahanggá ba rito ang mg̃a matalinghágang panukalà na isinasagawâ ng̃ Pamunúang amerikáno sa Pilipinas?... At ang Bill Payne? AngBill Payne na madalî ó maláon, kapag nagkataón, ay magiging isa nang makapangyaríhang utos na kailáng̃an yukûan at sundín ng̃ Bayang Pilipino? Ah, ang Bill Payne! Iyan ang pinakatúso at pinakadakilà sa lahát ng̃ mg̃a binalak na kautusán ng̃ Pamunúan! Tagláy ng̃ Bill Payne ang dalawáng binhî: Búhay at kamandág!... Búhay para sa báyang namumunò, at kamandág sa báyang nasasakóp! Búhay sa mg̃atrust, sa mg̃a puhúnang amerikáno na dito’y magsisidagsâ úpang sakmalín ang yáman ng̃ ating lupà, hititín ang kahulihulíhang paták sa ating dugô hanggang walâng natitirá sa Báyan kundì ang kanyáng balát at mg̃a buto!... Kapág ang Báyan ay nagíng buto’t balát na lang, kapag nabungkál na ang ating lupà, kapag natibág na ang ating mg̃a bundók, kapág walâ nang masasakmál at mahihitít, aysaka,SAKA, SAKA tayo iíwan ng̃ mg̃aTrustna iyán, sakâ tayo bibigyán ng̃ Pagsasarilí, sakâ ipagsisigáwan ng̃ mg̃a angkan ni Taft na ang Báyang Pilipino ayhanda, handang handa na sa Kalayaan!!...
“Ng̃ayón, sabíhin sa ákin kun díto sa Pilipinas ay may Justicia! Iturò sa ákin kun saán naroon ang Justiciang iyán!”....
Humigít kumúlang ay ganitó ang mg̃a salitang umuukilkíl sa alaála ng̃ walàng tígil ng̃ kayayáo’t dito at kátatanong ng̃ “ang Justicia?”—Pederál man siyá, ay kun bákit nahihikáyat siyang paniwaláan ang mg̃a salitáng iyón ng̃ isáng independista.
Sa di kawasa’y lumápit sa higáan, inabót sa karátig na lamensa ang isang bóteng kinadidikitan ng̃ isang laráwan ng̃ unggóy, at itinunggâ ang nang̃ang̃aling̃ásaw na lamán.
Tumikímmunang̃ makálimá na sinabayan ng̃ limá ring tapík sa dibdib bágo náhigâ.
Aywan kung nátulog ó hindî.
Pagkaráan ng̃ may kalaháting óras ay mulíng binuláhaw ang katahimikan ng̃ kanyáng silid.
—“Ha! ha! ha!”—ang kanyáng halakhák na pairíng mulâ sa higàan.—“Ha! ha! ha! Nápatáy na kitá, Gerardo, nápatay na kitá! Ha! ha! ha! Si nasírang Gerardo ka na ng̃ayón! Madalî ang umútang, mahírap ang magbáyad! ha! ha! ha! Sulong, takbó, humánap ka ng̃ Justicia, súlong! Di akó natatákot sa justiciang bulág!...
“Ha, Stag? Handiyan ka na palâ. Tinamáan ka ng̃.... Anó ká? At bákit ka nagtatawá, ulól? Nasunód mo na ang ipinagagawâ ko sa iyó? Nápatay mo na ba? Hindî? Sáyang ang salapî ko! Ulól ako’t pinawalán pa kitá... Ha? At nápatay mo ba? Siya ng̃â ba? Saán mo inabútan ang walanghiyá’t dalahirang babáe?...Mabúti, mabúti kang batà!... Ang kapupunán?... Huwág ka bangapurádo...!
“Juancho! Juancho! Gísing, gísing ka, tamád. Dilát ka na ba? Halíka rini’t ikaw ay makiníg... Susunód ka, ha?... Pag hindi, baság ang iyóng ulo; hále, lumukólukó ka!... Ikaw ay mang-aágaw ha? aagáwin mo ha?... Alám mo ba kun bakit?... kun bákit di ka maibig ni Elena?... Dáhil kay Gerardo! Si Gerardo’y pinatáy ko, ikáw ang umágaw sa kanyáng katipán?... Ha? at naágaw mo na ba?... Mabuti kang batà, ganyán ang laláki!
“Ha! ha! ha! Busóg na busóg ako...! Usigin, ipang̃áw, mamatáy, walâ na ng̃ayóng kailang̃an sa ákin! Ha! ha! ha! Ganáp na ganáp ang paghihiganti ko!...”
XIIISa bahay ni PepeUtang sa síkap ni Gerardo at ng̃ iláng kabinatà niyá, sa di kawasa’y nátatag sa Libis ang isáng kapisánan na pinamagatáng “Dakilang Mithî.”Kagáya ng̃ lahát ng̃ mg̃a samaháng pilipino, ang “Dakilang Mithî” ay ulirán sa gílas at siglánoóng kanyáng mg̃a únang buwán.Noóng mg̃a únang buwán, ang kapisanan ay makálawá sanglinggó kung magpúlong, at ang bilang ng̃ mg̃a nagsisidaló sa mg̃a púlong na itó ay di lumiliít sa tatlongpû.Noóng mg̃a únang buwán, ang mg̃a talumpatì, pagtatálo at ang mg̃a bálak na inihaharáp tuwíng magpupúlong ay punông-punô ng̃ mahahalagáng láyon at madláng kaparaánang magagámit upang lalong mapalúsog at mapadakilà ang kapisánan. Náriyan ang pagtatayô ng̃ isáng aklátán (biblioteca); náriyan ang pagbubukás ng̃ isang paaralán sa gabí, na walâng úpa; náriyan ang pagpapalabás ng̃ isáng paháyagang-linggúhan; náriyan ang pagdadáos ng̃ mg̃a papúlong; náriyan ang mg̃a sárì-sarìngcampañalában saBisyo—laban sa sugál at sábong—labansa mg̃a mahahálay at di wastông kaugalían, hílig, atb.: at nariyan ang kung anó-anó pang matatáyog na panukalà.Ang lahat ng̃ kasiglaháng itó na napagmálas sa loób ng “Dakilang Mithî,”noóng mg̃a unang buwánay lubhâng ikinaalíw ng̃ mg̃a nagsipagtatág sa kapisánang iyon. Naákit siláng umasám-asám sa isáng maligáyang búkas at napanibúlos silá sa pag-ásang madalî ó maláon ay málalasáp nilá ang masasagánang búng̃a ng̃ kaniláng mg̃a pinuhúnang págod.Dapwa’t ¡ay! Katúlad ng̃ isáng kimpal na kugon, napag sinilabánay minsan sikláb lang at walâ ná, ang kapisánang iyón ng̃ mg̃a náturang pag-ása ni Rizal (pa naman!), pagkaraán ng̃ mg̃aúnang buwan,pagkatápos na makapagdáos ng̃ iláng sayáwang malalakí, nang isasagawâ na ang mg̃a panukálang binalangkás ng̃ boông sípag at talíno,—ang kapisánang iyón ay biglâng dinatalán sa noó ng̃ karumaldúmal na kamandág ng̃ panglalamíg, pagkahapò at pagwawalàng bahalà ng̃ hálos lahát ng̃ mg̃a kaánib!Sinimulán ná ang isang búhay kapisánang kukutápkutáp, kagáya ng̃ isang ílaw na nauubúsan ng̃ lang̃ís.Anó mang pagsusumákit ang kalasagin ng̃ Páng̃ulo at Kalihim, ang bahay-kapisánan ayláging áalóg-alóg tuwîng tatáwag ng̃ púlong. Lahát ay nang̃ang̃akóng dádaló, dápwa’t pagsápit ng̃ oras ay pálad na pálad ná kung sumipót ang sampû.—“Anó ang dápat gawin úpang maipon ang mg̃a iyán?”—Itó ang pabuntóng-hining̃áng tanóng ng̃ pang̃úlo ng̃ kapisánan.—“Upang maipon?”—ang sambót ni Gerardo na kanyáng kaharáp,—“kung úpang maipon lang ay may isang paráang madalî. Búkas pistá din lang ay ikálat nátin ang balità na sa kinágabihán ay magkákaroón sa inyó ng̃ isang malakíng sayáwang handóg sa Samahán. Anyayáhan ang mg̃a kinalílituhan diyang binibinì, ang lahát ng̃ mg̃a makikísig sumayáw, at maniwalà ka, katóto, na mamúmunô ang iyóng báhay... Pag handoón ng̃ lahát ay paalisin ang orkésta at simulán ang púlong.”At ganitó ng̃a ang kaniláng ginawâ.Madilímdilim pa kábukásan, ay sumabog na sa impápawíd ang balità na sa ika 7 oras ng̃ gabí ay magdadáos sa báhay nina Pepe ng̃ isangmaring̃al, atmahabangsayáwan na handóg ng̃ pang̃úlo samasisipagna mg̃a ginóo at binibinìng bumubuò sa “Dakilang Mithî.”Hindî nagkabulâ ang hulà ni Gerardo. Orasyón pa lang aypulúpulutóngna ang mg̃a panaúhingnagsisiratíng. Ika 7 óras na ganáp ay natitipon doón ang ápatnapû sa limangpûng kaánib sa “Dakilàng Mithî.”Lahát ay galák na galák lubhâ na ang mg̃a binatâ. Walang labì na di nakang̃itî, walang matáng di nagniningning, walâng kílos na mabágal. At sino ng̃â namán ang di magágalák, alíng pusò ang di lálakasán ng̃ tibók, kanínong damdámin ang di mapupúkaw sa lílim ng̃ mapanghalina’t malalagkit na títig, at sa halík ng̃ bang̃óng núnukal sa mg̃a sutlâng talúlot ng̃ mg̃a gayóng “bulaklák ng̃ búhay” na doo’y naliligò sa mahínhing liwanag ng̃ mg̃a “Reina de las luces”? At sinong mahiligin sa sayáw ang makukuhang magtulug-tulugan, kaninong mg̃a páa ang mapapakalí sa gayong idinulásdulas ng̃ sahíg na binudburán ng̃ pirápirásongballena, sa inihabá-haba’t inaluwang-lúwang ng̃ pagsásayawángsalassa anyáya ng̃ malalambíng na tugtúging handóg ng̃ orkésta?Iká 7:15 na ng̃ gabí, ng̃uni’t ang sayáwan ay di pa pinasísimulán. Hálos lahát ay iníp na iníp na. Dáng̃an lang at sila’y nadadaíg ng̃ hiyâ, marami na sanà ang nagúumikit noón sandalîng iyón, káhi’t na walâng anyáya ó pahintúlot ng̃ may báhay.Samantaláng naghihintáy ay makinig táyo sa mg̃a sáli-salitáan.Sa isáng súlok ng̃salas, ay nakaupóng magkaharáp ang dalawáng binibinì na kung mámasdán ang kaniláng mg̃a mukhâ, ay mapaghuhúlong sila’y may isáng mahalagáng bagay na pinagúusapan.—“Bákit, Pacita,”—ang bigkás ng̃ isa,—“bakit wikà mo’y di ka na makapagaáral?... Sáyang na sáyang pag nagkátaon!”Si Pacita’y isang bulaklák na kabubuká pa lang. Lalabing-apat na taon ang kanyang gulang.—“Walâ akong magagawâ, Elíng. Ang mg̃a tátay ang siyáng áyaw pumáyag na ako’y magpatúloy.”—“Ayaw pumáyag?... Diyata’t áyaw pumáyag? At anó namán ang dahil?”—“Ang sabi nila’y sapát na sapát na ang kauntî kong nátutuhan saPrimary grade; na ang isáng babáe raw ay di kailáng̃ang mag-áral nang matagál, súkat na lang ang siya’y matutong sumúlat at bumása; walâ raw siyáng katungkúlan kundî ang maglínis, maghúsay at tumáo sa bahay; maglingkód sa kanyáng mg̃a magúlang at asáwa, at mag-alagà sa mg̃a anák kun sakali’t magkaroon.”—“At pati ba namán ang mg̃a tatay mo, Pacita, ay napadádaig sa mg̃a ganyáng bulág napaniniwalà na dápat sumpain ng̃ lahat! Diyatà namán at tayóng mg̃a bábae ay di kailáng̃ang mag-áral ng̃ anomán máliban na lang sa pagsúlat at pagbása ng̃ kauntî? At ang karunúng̃an sa isáng wastô at ginháwang pamumúhay, ang mg̃a mararang̃al at tumpak na paguugali, ang mg̃a katungkúlan natin sa Kapisanan, sa ating báyan, at sa Sangkataúhan—ang mg̃a bagay báng iyán ay pagpipikitán na natín ng̃ matá, di na natin paguukúlan ng̃ panahón?“Laking kamalían!“Túnay ng̃â na katungkúlan ng̃ isáng iná ang mag-álagà sa kanyáng mg̃a anák; datapwa’t ang pag-aalagà sa isáng anák ay di basta’t siya’y palakihin, padamitan, pakanin, iligtás sa mg̃a sakit, sundin ang bawa’t maibigan at palakasin ang kanyang katawán. Hindî, hindî humahanggá ríyán ang mg̃a katungkulan ng̃ iná sa anák. May ibá pa siyáng tungkúlin na lalong dakilà!“Italâ sa noo at pusò ng̃ anák, sa pamamagitan ng̃ halimbawà, ang katotohánan na siyá ay táong malayà, may púri, dang̃ál at mg̃a karapatán; na walâ siyang Diyós ó pang̃inóon sa ibábaw ng̃ lupà kundî ang sariling Bayan, ang dakilàng Matwíd, ang Katotohánan at ang Katungkúlan; na ang táo ay dapat múnang magpakamatáy bago siya manakáwan ng̃ kanyangkalayáan, bago madung̃ísan ang kanyáng dang̃ál, bago siyá mahubdán ng̃ kanyáng mg̃a karapatán, bago umiwas sa isang katungkulan, bago mámalas na ang Bayan niya’y talúnan at abâ, bágo makitang ang matwíd ay nilulúpig at binabaluktót ang katotohánan... Ikintál sa kanyang diwâ sa pamamagitan ng̃ halimbawà, na ang panahon ay gintô, at dahil dito’y di dapat sayang̃in sa mg̃a halíng na pang̃arap kundî gúgulin sa mg̃a bágay na pakikinabáng̃an niyá at ng̃ kanyáng mg̃a kapwà; na ang táo ay di nilaláng upang mabúhay at pagkatápos ay mamatay, tulad sa mg̃a gamógamó; kundî upang sa pamamagitan ng̃ kanyang lakás ay makatulong siyá, kahima’t gabuhang̃in lang, sa lalòng ikasusúlong at ikadadakilà ng̃ Sangkataúhan. Iyán at marami pang katulad niyán, ang mabibigat na tungkulin ng̃ iná sa anák. At ng̃ayon ay aking itinátanong: ¿Anó ang magagawâ ng̃ isang ináng hang̃ál sa haráp ng̃ mg̃a ganyáng katungkúlan?“Sinasábing katungkúlan ng̃ isang babáe ang maglingkód sa kanyáng mg̃a magúlang at kabyák ng̃ dibdíb. Mabúti! Ng̃uni’t di masasábi na itó ang hanggán ng̃ katungkúlan niyáng paglilingkód. Bakit? Sapagká’t gaya rin ng̃ mg̃a lalaki siya’y may isáng Inang Báyan na dapat niyang ling̃apin.—May isang Lupàng siniláng̃án,Lupà na kanyáng pinagkukúnan ng̃ lahát ng̃ ikabubúhay—Lupà na tinubuàn at kinalibing̃án ng̃ kanyang mg̃a nunò! Di kayâ marápat na ang Báyang iyán ay kanyá ring paglingkurán, at paka-ibiging higit sa sariling búhay, higit sa kanino man, higit sa kanyáng mg̃a magúlang, asáwa’t mg̃a anák?“Oh Pacita! marámi pa sa áting mg̃a matatandâ ang di nakababatíd sa di mapupuwíng na katotohánan na ang katubúsan ng̃ Lahì aynasasakamaydin nátin na magiging mg̃a iná sa araw ng̃ búkas!...”May ilán pa sanàng paghahakà na inulat siElena;dapwá’tsa lálapit noon sa dalawang magkaibigan ang isang binatà na nang masulyapán ni Elíng ay biglâng nagpapulá sa kanya nang gayon na lang at ikináputol tuloy ng̃ salitaan nila ni Pacita.Iwan nátin siláng tatló, at tayo’y makiníg sa bulúngbulúng̃an sa kabiláng pánig ng̃ salas. Pulos na laláki ang náhandoón. Pinagkákalipumpunán nilá ang isáng malápad na papel na nakapakò sa dindíng at kinatititíkan ng̃ salitângprograma. Sa ibabâ nitó ay ipinaaálam na ang sayáwan ay bubuoín ng̃ labingánim naWaltz, labindalawángtwo-stepsat dalawángrigodon.—“Ano’t mayrigodonpa?”—ang payamót na tanóng ng̃ isáng naka-lanasa kanyáng kálapit—“Que torpe!Anóng mahihitâ sarigodon?... Walâ kundî.... kamáy. Mapapágod ka ng̃ walâng... saysáy. Nakaaaksáya ng̃ panahón! Kalukúhan sa ákin iyán!”—“Masamâ namán ang walângrigodon, katoto,”—ang sagót ng̃ isáng naka-térnong-itím.—“At si Choy?”—“QueChoyni quebáchoy!”—ang áng̃il ng̃ naka-lana, at hinagisan ng̃ dalawang ing̃os ang isáng naka-kakengkulot ang buhók na sa pagka’t lubhâng mahiluhín ay walâng ináabang̃an sa alín mang sayawan kundî ang pasimulâng-tugtóg ng̃ mg̃arigodon. Itó ang si Choy na noo’y kasalukúyang nagpapantíng ang mg̃a tayng̃a, sapagka’t malayôlayô man siya’y kanyang naulinígan ang salitaan ng̃ dalawa. Mang̃aníng̃aníng sugurin ang naka-lanaat sikang̃an ang walâng pitagang bung̃ang̃à nitó. At kamuntî na ng̃ang manugod noon ang ating si Choy, kundî niya naala-alang gagawâ siya ng̃ malakíng kahiyâhiyâ, at kundî niya nataunan ang isang malambíng na títig ni Mameng—títig na wari’y inahihímok sa kanya ang, “Pacencia, Choy ko!”...—“Pero, demonyo!”—ang mulîng putók ng̃ naka-lana—“Anó ang hinihintáy nitóng siPepe?... Bakit áyaw pang simulán ang sayáwan,diantre?.... Co—! naghihintay ang mg̃avisita,—pu—!”—“Huwág kang mainip, katóto”—anáng naka-itím—“huwag kang mainip at sásapulan na raw!”—“Sásapulan!perokailán pa?¡demonyo!”Isang binatà ang noón ay pumagitnâ sa karamíhan, at pagkatápos na makaupô ang lahat, ay bumigkás ng̃ ganitó:—
XIIISa bahay ni Pepe
Utang sa síkap ni Gerardo at ng̃ iláng kabinatà niyá, sa di kawasa’y nátatag sa Libis ang isáng kapisánan na pinamagatáng “Dakilang Mithî.”Kagáya ng̃ lahát ng̃ mg̃a samaháng pilipino, ang “Dakilang Mithî” ay ulirán sa gílas at siglánoóng kanyáng mg̃a únang buwán.Noóng mg̃a únang buwán, ang kapisanan ay makálawá sanglinggó kung magpúlong, at ang bilang ng̃ mg̃a nagsisidaló sa mg̃a púlong na itó ay di lumiliít sa tatlongpû.Noóng mg̃a únang buwán, ang mg̃a talumpatì, pagtatálo at ang mg̃a bálak na inihaharáp tuwíng magpupúlong ay punông-punô ng̃ mahahalagáng láyon at madláng kaparaánang magagámit upang lalong mapalúsog at mapadakilà ang kapisánan. Náriyan ang pagtatayô ng̃ isáng aklátán (biblioteca); náriyan ang pagbubukás ng̃ isang paaralán sa gabí, na walâng úpa; náriyan ang pagpapalabás ng̃ isáng paháyagang-linggúhan; náriyan ang pagdadáos ng̃ mg̃a papúlong; náriyan ang mg̃a sárì-sarìngcampañalában saBisyo—laban sa sugál at sábong—labansa mg̃a mahahálay at di wastông kaugalían, hílig, atb.: at nariyan ang kung anó-anó pang matatáyog na panukalà.Ang lahat ng̃ kasiglaháng itó na napagmálas sa loób ng “Dakilang Mithî,”noóng mg̃a unang buwánay lubhâng ikinaalíw ng̃ mg̃a nagsipagtatág sa kapisánang iyon. Naákit siláng umasám-asám sa isáng maligáyang búkas at napanibúlos silá sa pag-ásang madalî ó maláon ay málalasáp nilá ang masasagánang búng̃a ng̃ kaniláng mg̃a pinuhúnang págod.Dapwa’t ¡ay! Katúlad ng̃ isáng kimpal na kugon, napag sinilabánay minsan sikláb lang at walâ ná, ang kapisánang iyón ng̃ mg̃a náturang pag-ása ni Rizal (pa naman!), pagkaraán ng̃ mg̃aúnang buwan,pagkatápos na makapagdáos ng̃ iláng sayáwang malalakí, nang isasagawâ na ang mg̃a panukálang binalangkás ng̃ boông sípag at talíno,—ang kapisánang iyón ay biglâng dinatalán sa noó ng̃ karumaldúmal na kamandág ng̃ panglalamíg, pagkahapò at pagwawalàng bahalà ng̃ hálos lahát ng̃ mg̃a kaánib!Sinimulán ná ang isang búhay kapisánang kukutápkutáp, kagáya ng̃ isang ílaw na nauubúsan ng̃ lang̃ís.Anó mang pagsusumákit ang kalasagin ng̃ Páng̃ulo at Kalihim, ang bahay-kapisánan ayláging áalóg-alóg tuwîng tatáwag ng̃ púlong. Lahát ay nang̃ang̃akóng dádaló, dápwa’t pagsápit ng̃ oras ay pálad na pálad ná kung sumipót ang sampû.—“Anó ang dápat gawin úpang maipon ang mg̃a iyán?”—Itó ang pabuntóng-hining̃áng tanóng ng̃ pang̃úlo ng̃ kapisánan.—“Upang maipon?”—ang sambót ni Gerardo na kanyáng kaharáp,—“kung úpang maipon lang ay may isang paráang madalî. Búkas pistá din lang ay ikálat nátin ang balità na sa kinágabihán ay magkákaroón sa inyó ng̃ isang malakíng sayáwang handóg sa Samahán. Anyayáhan ang mg̃a kinalílituhan diyang binibinì, ang lahát ng̃ mg̃a makikísig sumayáw, at maniwalà ka, katóto, na mamúmunô ang iyóng báhay... Pag handoón ng̃ lahát ay paalisin ang orkésta at simulán ang púlong.”At ganitó ng̃a ang kaniláng ginawâ.Madilímdilim pa kábukásan, ay sumabog na sa impápawíd ang balità na sa ika 7 oras ng̃ gabí ay magdadáos sa báhay nina Pepe ng̃ isangmaring̃al, atmahabangsayáwan na handóg ng̃ pang̃úlo samasisipagna mg̃a ginóo at binibinìng bumubuò sa “Dakilang Mithî.”Hindî nagkabulâ ang hulà ni Gerardo. Orasyón pa lang aypulúpulutóngna ang mg̃a panaúhingnagsisiratíng. Ika 7 óras na ganáp ay natitipon doón ang ápatnapû sa limangpûng kaánib sa “Dakilàng Mithî.”Lahát ay galák na galák lubhâ na ang mg̃a binatâ. Walang labì na di nakang̃itî, walang matáng di nagniningning, walâng kílos na mabágal. At sino ng̃â namán ang di magágalák, alíng pusò ang di lálakasán ng̃ tibók, kanínong damdámin ang di mapupúkaw sa lílim ng̃ mapanghalina’t malalagkit na títig, at sa halík ng̃ bang̃óng núnukal sa mg̃a sutlâng talúlot ng̃ mg̃a gayóng “bulaklák ng̃ búhay” na doo’y naliligò sa mahínhing liwanag ng̃ mg̃a “Reina de las luces”? At sinong mahiligin sa sayáw ang makukuhang magtulug-tulugan, kaninong mg̃a páa ang mapapakalí sa gayong idinulásdulas ng̃ sahíg na binudburán ng̃ pirápirásongballena, sa inihabá-haba’t inaluwang-lúwang ng̃ pagsásayawángsalassa anyáya ng̃ malalambíng na tugtúging handóg ng̃ orkésta?Iká 7:15 na ng̃ gabí, ng̃uni’t ang sayáwan ay di pa pinasísimulán. Hálos lahát ay iníp na iníp na. Dáng̃an lang at sila’y nadadaíg ng̃ hiyâ, marami na sanà ang nagúumikit noón sandalîng iyón, káhi’t na walâng anyáya ó pahintúlot ng̃ may báhay.Samantaláng naghihintáy ay makinig táyo sa mg̃a sáli-salitáan.Sa isáng súlok ng̃salas, ay nakaupóng magkaharáp ang dalawáng binibinì na kung mámasdán ang kaniláng mg̃a mukhâ, ay mapaghuhúlong sila’y may isáng mahalagáng bagay na pinagúusapan.—“Bákit, Pacita,”—ang bigkás ng̃ isa,—“bakit wikà mo’y di ka na makapagaáral?... Sáyang na sáyang pag nagkátaon!”Si Pacita’y isang bulaklák na kabubuká pa lang. Lalabing-apat na taon ang kanyang gulang.—“Walâ akong magagawâ, Elíng. Ang mg̃a tátay ang siyáng áyaw pumáyag na ako’y magpatúloy.”—“Ayaw pumáyag?... Diyata’t áyaw pumáyag? At anó namán ang dahil?”—“Ang sabi nila’y sapát na sapát na ang kauntî kong nátutuhan saPrimary grade; na ang isáng babáe raw ay di kailáng̃ang mag-áral nang matagál, súkat na lang ang siya’y matutong sumúlat at bumása; walâ raw siyáng katungkúlan kundî ang maglínis, maghúsay at tumáo sa bahay; maglingkód sa kanyáng mg̃a magúlang at asáwa, at mag-alagà sa mg̃a anák kun sakali’t magkaroon.”—“At pati ba namán ang mg̃a tatay mo, Pacita, ay napadádaig sa mg̃a ganyáng bulág napaniniwalà na dápat sumpain ng̃ lahat! Diyatà namán at tayóng mg̃a bábae ay di kailáng̃ang mag-áral ng̃ anomán máliban na lang sa pagsúlat at pagbása ng̃ kauntî? At ang karunúng̃an sa isáng wastô at ginháwang pamumúhay, ang mg̃a mararang̃al at tumpak na paguugali, ang mg̃a katungkúlan natin sa Kapisanan, sa ating báyan, at sa Sangkataúhan—ang mg̃a bagay báng iyán ay pagpipikitán na natín ng̃ matá, di na natin paguukúlan ng̃ panahón?“Laking kamalían!“Túnay ng̃â na katungkúlan ng̃ isáng iná ang mag-álagà sa kanyáng mg̃a anák; datapwa’t ang pag-aalagà sa isáng anák ay di basta’t siya’y palakihin, padamitan, pakanin, iligtás sa mg̃a sakit, sundin ang bawa’t maibigan at palakasin ang kanyang katawán. Hindî, hindî humahanggá ríyán ang mg̃a katungkulan ng̃ iná sa anák. May ibá pa siyáng tungkúlin na lalong dakilà!“Italâ sa noo at pusò ng̃ anák, sa pamamagitan ng̃ halimbawà, ang katotohánan na siyá ay táong malayà, may púri, dang̃ál at mg̃a karapatán; na walâ siyang Diyós ó pang̃inóon sa ibábaw ng̃ lupà kundî ang sariling Bayan, ang dakilàng Matwíd, ang Katotohánan at ang Katungkúlan; na ang táo ay dapat múnang magpakamatáy bago siya manakáwan ng̃ kanyangkalayáan, bago madung̃ísan ang kanyáng dang̃ál, bago siyá mahubdán ng̃ kanyáng mg̃a karapatán, bago umiwas sa isang katungkulan, bago mámalas na ang Bayan niya’y talúnan at abâ, bágo makitang ang matwíd ay nilulúpig at binabaluktót ang katotohánan... Ikintál sa kanyang diwâ sa pamamagitan ng̃ halimbawà, na ang panahon ay gintô, at dahil dito’y di dapat sayang̃in sa mg̃a halíng na pang̃arap kundî gúgulin sa mg̃a bágay na pakikinabáng̃an niyá at ng̃ kanyáng mg̃a kapwà; na ang táo ay di nilaláng upang mabúhay at pagkatápos ay mamatay, tulad sa mg̃a gamógamó; kundî upang sa pamamagitan ng̃ kanyang lakás ay makatulong siyá, kahima’t gabuhang̃in lang, sa lalòng ikasusúlong at ikadadakilà ng̃ Sangkataúhan. Iyán at marami pang katulad niyán, ang mabibigat na tungkulin ng̃ iná sa anák. At ng̃ayon ay aking itinátanong: ¿Anó ang magagawâ ng̃ isang ináng hang̃ál sa haráp ng̃ mg̃a ganyáng katungkúlan?“Sinasábing katungkúlan ng̃ isang babáe ang maglingkód sa kanyáng mg̃a magúlang at kabyák ng̃ dibdíb. Mabúti! Ng̃uni’t di masasábi na itó ang hanggán ng̃ katungkúlan niyáng paglilingkód. Bakit? Sapagká’t gaya rin ng̃ mg̃a lalaki siya’y may isáng Inang Báyan na dapat niyang ling̃apin.—May isang Lupàng siniláng̃án,Lupà na kanyáng pinagkukúnan ng̃ lahát ng̃ ikabubúhay—Lupà na tinubuàn at kinalibing̃án ng̃ kanyang mg̃a nunò! Di kayâ marápat na ang Báyang iyán ay kanyá ring paglingkurán, at paka-ibiging higit sa sariling búhay, higit sa kanino man, higit sa kanyáng mg̃a magúlang, asáwa’t mg̃a anák?“Oh Pacita! marámi pa sa áting mg̃a matatandâ ang di nakababatíd sa di mapupuwíng na katotohánan na ang katubúsan ng̃ Lahì aynasasakamaydin nátin na magiging mg̃a iná sa araw ng̃ búkas!...”May ilán pa sanàng paghahakà na inulat siElena;dapwá’tsa lálapit noon sa dalawang magkaibigan ang isang binatà na nang masulyapán ni Elíng ay biglâng nagpapulá sa kanya nang gayon na lang at ikináputol tuloy ng̃ salitaan nila ni Pacita.Iwan nátin siláng tatló, at tayo’y makiníg sa bulúngbulúng̃an sa kabiláng pánig ng̃ salas. Pulos na laláki ang náhandoón. Pinagkákalipumpunán nilá ang isáng malápad na papel na nakapakò sa dindíng at kinatititíkan ng̃ salitângprograma. Sa ibabâ nitó ay ipinaaálam na ang sayáwan ay bubuoín ng̃ labingánim naWaltz, labindalawángtwo-stepsat dalawángrigodon.—“Ano’t mayrigodonpa?”—ang payamót na tanóng ng̃ isáng naka-lanasa kanyáng kálapit—“Que torpe!Anóng mahihitâ sarigodon?... Walâ kundî.... kamáy. Mapapágod ka ng̃ walâng... saysáy. Nakaaaksáya ng̃ panahón! Kalukúhan sa ákin iyán!”—“Masamâ namán ang walângrigodon, katoto,”—ang sagót ng̃ isáng naka-térnong-itím.—“At si Choy?”—“QueChoyni quebáchoy!”—ang áng̃il ng̃ naka-lana, at hinagisan ng̃ dalawang ing̃os ang isáng naka-kakengkulot ang buhók na sa pagka’t lubhâng mahiluhín ay walâng ináabang̃an sa alín mang sayawan kundî ang pasimulâng-tugtóg ng̃ mg̃arigodon. Itó ang si Choy na noo’y kasalukúyang nagpapantíng ang mg̃a tayng̃a, sapagka’t malayôlayô man siya’y kanyang naulinígan ang salitaan ng̃ dalawa. Mang̃aníng̃aníng sugurin ang naka-lanaat sikang̃an ang walâng pitagang bung̃ang̃à nitó. At kamuntî na ng̃ang manugod noon ang ating si Choy, kundî niya naala-alang gagawâ siya ng̃ malakíng kahiyâhiyâ, at kundî niya nataunan ang isang malambíng na títig ni Mameng—títig na wari’y inahihímok sa kanya ang, “Pacencia, Choy ko!”...—“Pero, demonyo!”—ang mulîng putók ng̃ naka-lana—“Anó ang hinihintáy nitóng siPepe?... Bakit áyaw pang simulán ang sayáwan,diantre?.... Co—! naghihintay ang mg̃avisita,—pu—!”—“Huwág kang mainip, katóto”—anáng naka-itím—“huwag kang mainip at sásapulan na raw!”—“Sásapulan!perokailán pa?¡demonyo!”Isang binatà ang noón ay pumagitnâ sa karamíhan, at pagkatápos na makaupô ang lahat, ay bumigkás ng̃ ganitó:—
Utang sa síkap ni Gerardo at ng̃ iláng kabinatà niyá, sa di kawasa’y nátatag sa Libis ang isáng kapisánan na pinamagatáng “Dakilang Mithî.”
Kagáya ng̃ lahát ng̃ mg̃a samaháng pilipino, ang “Dakilang Mithî” ay ulirán sa gílas at siglánoóng kanyáng mg̃a únang buwán.
Noóng mg̃a únang buwán, ang kapisanan ay makálawá sanglinggó kung magpúlong, at ang bilang ng̃ mg̃a nagsisidaló sa mg̃a púlong na itó ay di lumiliít sa tatlongpû.
Noóng mg̃a únang buwán, ang mg̃a talumpatì, pagtatálo at ang mg̃a bálak na inihaharáp tuwíng magpupúlong ay punông-punô ng̃ mahahalagáng láyon at madláng kaparaánang magagámit upang lalong mapalúsog at mapadakilà ang kapisánan. Náriyan ang pagtatayô ng̃ isáng aklátán (biblioteca); náriyan ang pagbubukás ng̃ isang paaralán sa gabí, na walâng úpa; náriyan ang pagpapalabás ng̃ isáng paháyagang-linggúhan; náriyan ang pagdadáos ng̃ mg̃a papúlong; náriyan ang mg̃a sárì-sarìngcampañalában saBisyo—laban sa sugál at sábong—labansa mg̃a mahahálay at di wastông kaugalían, hílig, atb.: at nariyan ang kung anó-anó pang matatáyog na panukalà.
Ang lahat ng̃ kasiglaháng itó na napagmálas sa loób ng “Dakilang Mithî,”noóng mg̃a unang buwánay lubhâng ikinaalíw ng̃ mg̃a nagsipagtatág sa kapisánang iyon. Naákit siláng umasám-asám sa isáng maligáyang búkas at napanibúlos silá sa pag-ásang madalî ó maláon ay málalasáp nilá ang masasagánang búng̃a ng̃ kaniláng mg̃a pinuhúnang págod.
Dapwa’t ¡ay! Katúlad ng̃ isáng kimpal na kugon, napag sinilabánay minsan sikláb lang at walâ ná, ang kapisánang iyón ng̃ mg̃a náturang pag-ása ni Rizal (pa naman!), pagkaraán ng̃ mg̃aúnang buwan,pagkatápos na makapagdáos ng̃ iláng sayáwang malalakí, nang isasagawâ na ang mg̃a panukálang binalangkás ng̃ boông sípag at talíno,—ang kapisánang iyón ay biglâng dinatalán sa noó ng̃ karumaldúmal na kamandág ng̃ panglalamíg, pagkahapò at pagwawalàng bahalà ng̃ hálos lahát ng̃ mg̃a kaánib!
Sinimulán ná ang isang búhay kapisánang kukutápkutáp, kagáya ng̃ isang ílaw na nauubúsan ng̃ lang̃ís.
Anó mang pagsusumákit ang kalasagin ng̃ Páng̃ulo at Kalihim, ang bahay-kapisánan ayláging áalóg-alóg tuwîng tatáwag ng̃ púlong. Lahát ay nang̃ang̃akóng dádaló, dápwa’t pagsápit ng̃ oras ay pálad na pálad ná kung sumipót ang sampû.
—“Anó ang dápat gawin úpang maipon ang mg̃a iyán?”—Itó ang pabuntóng-hining̃áng tanóng ng̃ pang̃úlo ng̃ kapisánan.
—“Upang maipon?”—ang sambót ni Gerardo na kanyáng kaharáp,—“kung úpang maipon lang ay may isang paráang madalî. Búkas pistá din lang ay ikálat nátin ang balità na sa kinágabihán ay magkákaroón sa inyó ng̃ isang malakíng sayáwang handóg sa Samahán. Anyayáhan ang mg̃a kinalílituhan diyang binibinì, ang lahát ng̃ mg̃a makikísig sumayáw, at maniwalà ka, katóto, na mamúmunô ang iyóng báhay... Pag handoón ng̃ lahát ay paalisin ang orkésta at simulán ang púlong.”
At ganitó ng̃a ang kaniláng ginawâ.
Madilímdilim pa kábukásan, ay sumabog na sa impápawíd ang balità na sa ika 7 oras ng̃ gabí ay magdadáos sa báhay nina Pepe ng̃ isangmaring̃al, atmahabangsayáwan na handóg ng̃ pang̃úlo samasisipagna mg̃a ginóo at binibinìng bumubuò sa “Dakilang Mithî.”
Hindî nagkabulâ ang hulà ni Gerardo. Orasyón pa lang aypulúpulutóngna ang mg̃a panaúhingnagsisiratíng. Ika 7 óras na ganáp ay natitipon doón ang ápatnapû sa limangpûng kaánib sa “Dakilàng Mithî.”
Lahát ay galák na galák lubhâ na ang mg̃a binatâ. Walang labì na di nakang̃itî, walang matáng di nagniningning, walâng kílos na mabágal. At sino ng̃â namán ang di magágalák, alíng pusò ang di lálakasán ng̃ tibók, kanínong damdámin ang di mapupúkaw sa lílim ng̃ mapanghalina’t malalagkit na títig, at sa halík ng̃ bang̃óng núnukal sa mg̃a sutlâng talúlot ng̃ mg̃a gayóng “bulaklák ng̃ búhay” na doo’y naliligò sa mahínhing liwanag ng̃ mg̃a “Reina de las luces”? At sinong mahiligin sa sayáw ang makukuhang magtulug-tulugan, kaninong mg̃a páa ang mapapakalí sa gayong idinulásdulas ng̃ sahíg na binudburán ng̃ pirápirásongballena, sa inihabá-haba’t inaluwang-lúwang ng̃ pagsásayawángsalassa anyáya ng̃ malalambíng na tugtúging handóg ng̃ orkésta?
Iká 7:15 na ng̃ gabí, ng̃uni’t ang sayáwan ay di pa pinasísimulán. Hálos lahát ay iníp na iníp na. Dáng̃an lang at sila’y nadadaíg ng̃ hiyâ, marami na sanà ang nagúumikit noón sandalîng iyón, káhi’t na walâng anyáya ó pahintúlot ng̃ may báhay.
Samantaláng naghihintáy ay makinig táyo sa mg̃a sáli-salitáan.
Sa isáng súlok ng̃salas, ay nakaupóng magkaharáp ang dalawáng binibinì na kung mámasdán ang kaniláng mg̃a mukhâ, ay mapaghuhúlong sila’y may isáng mahalagáng bagay na pinagúusapan.
—“Bákit, Pacita,”—ang bigkás ng̃ isa,—“bakit wikà mo’y di ka na makapagaáral?... Sáyang na sáyang pag nagkátaon!”
Si Pacita’y isang bulaklák na kabubuká pa lang. Lalabing-apat na taon ang kanyang gulang.
—“Walâ akong magagawâ, Elíng. Ang mg̃a tátay ang siyáng áyaw pumáyag na ako’y magpatúloy.”
—“Ayaw pumáyag?... Diyata’t áyaw pumáyag? At anó namán ang dahil?”
—“Ang sabi nila’y sapát na sapát na ang kauntî kong nátutuhan saPrimary grade; na ang isáng babáe raw ay di kailáng̃ang mag-áral nang matagál, súkat na lang ang siya’y matutong sumúlat at bumása; walâ raw siyáng katungkúlan kundî ang maglínis, maghúsay at tumáo sa bahay; maglingkód sa kanyáng mg̃a magúlang at asáwa, at mag-alagà sa mg̃a anák kun sakali’t magkaroon.”
—“At pati ba namán ang mg̃a tatay mo, Pacita, ay napadádaig sa mg̃a ganyáng bulág napaniniwalà na dápat sumpain ng̃ lahat! Diyatà namán at tayóng mg̃a bábae ay di kailáng̃ang mag-áral ng̃ anomán máliban na lang sa pagsúlat at pagbása ng̃ kauntî? At ang karunúng̃an sa isáng wastô at ginháwang pamumúhay, ang mg̃a mararang̃al at tumpak na paguugali, ang mg̃a katungkúlan natin sa Kapisanan, sa ating báyan, at sa Sangkataúhan—ang mg̃a bagay báng iyán ay pagpipikitán na natín ng̃ matá, di na natin paguukúlan ng̃ panahón?
“Laking kamalían!
“Túnay ng̃â na katungkúlan ng̃ isáng iná ang mag-álagà sa kanyáng mg̃a anák; datapwa’t ang pag-aalagà sa isáng anák ay di basta’t siya’y palakihin, padamitan, pakanin, iligtás sa mg̃a sakit, sundin ang bawa’t maibigan at palakasin ang kanyang katawán. Hindî, hindî humahanggá ríyán ang mg̃a katungkulan ng̃ iná sa anák. May ibá pa siyáng tungkúlin na lalong dakilà!
“Italâ sa noo at pusò ng̃ anák, sa pamamagitan ng̃ halimbawà, ang katotohánan na siyá ay táong malayà, may púri, dang̃ál at mg̃a karapatán; na walâ siyang Diyós ó pang̃inóon sa ibábaw ng̃ lupà kundî ang sariling Bayan, ang dakilàng Matwíd, ang Katotohánan at ang Katungkúlan; na ang táo ay dapat múnang magpakamatáy bago siya manakáwan ng̃ kanyangkalayáan, bago madung̃ísan ang kanyáng dang̃ál, bago siyá mahubdán ng̃ kanyáng mg̃a karapatán, bago umiwas sa isang katungkulan, bago mámalas na ang Bayan niya’y talúnan at abâ, bágo makitang ang matwíd ay nilulúpig at binabaluktót ang katotohánan... Ikintál sa kanyang diwâ sa pamamagitan ng̃ halimbawà, na ang panahon ay gintô, at dahil dito’y di dapat sayang̃in sa mg̃a halíng na pang̃arap kundî gúgulin sa mg̃a bágay na pakikinabáng̃an niyá at ng̃ kanyáng mg̃a kapwà; na ang táo ay di nilaláng upang mabúhay at pagkatápos ay mamatay, tulad sa mg̃a gamógamó; kundî upang sa pamamagitan ng̃ kanyang lakás ay makatulong siyá, kahima’t gabuhang̃in lang, sa lalòng ikasusúlong at ikadadakilà ng̃ Sangkataúhan. Iyán at marami pang katulad niyán, ang mabibigat na tungkulin ng̃ iná sa anák. At ng̃ayon ay aking itinátanong: ¿Anó ang magagawâ ng̃ isang ináng hang̃ál sa haráp ng̃ mg̃a ganyáng katungkúlan?
“Sinasábing katungkúlan ng̃ isang babáe ang maglingkód sa kanyáng mg̃a magúlang at kabyák ng̃ dibdíb. Mabúti! Ng̃uni’t di masasábi na itó ang hanggán ng̃ katungkúlan niyáng paglilingkód. Bakit? Sapagká’t gaya rin ng̃ mg̃a lalaki siya’y may isáng Inang Báyan na dapat niyang ling̃apin.—May isang Lupàng siniláng̃án,Lupà na kanyáng pinagkukúnan ng̃ lahát ng̃ ikabubúhay—Lupà na tinubuàn at kinalibing̃án ng̃ kanyang mg̃a nunò! Di kayâ marápat na ang Báyang iyán ay kanyá ring paglingkurán, at paka-ibiging higit sa sariling búhay, higit sa kanino man, higit sa kanyáng mg̃a magúlang, asáwa’t mg̃a anák?
“Oh Pacita! marámi pa sa áting mg̃a matatandâ ang di nakababatíd sa di mapupuwíng na katotohánan na ang katubúsan ng̃ Lahì aynasasakamaydin nátin na magiging mg̃a iná sa araw ng̃ búkas!...”
May ilán pa sanàng paghahakà na inulat siElena;dapwá’tsa lálapit noon sa dalawang magkaibigan ang isang binatà na nang masulyapán ni Elíng ay biglâng nagpapulá sa kanya nang gayon na lang at ikináputol tuloy ng̃ salitaan nila ni Pacita.
Iwan nátin siláng tatló, at tayo’y makiníg sa bulúngbulúng̃an sa kabiláng pánig ng̃ salas. Pulos na laláki ang náhandoón. Pinagkákalipumpunán nilá ang isáng malápad na papel na nakapakò sa dindíng at kinatititíkan ng̃ salitângprograma. Sa ibabâ nitó ay ipinaaálam na ang sayáwan ay bubuoín ng̃ labingánim naWaltz, labindalawángtwo-stepsat dalawángrigodon.
—“Ano’t mayrigodonpa?”—ang payamót na tanóng ng̃ isáng naka-lanasa kanyáng kálapit—“Que torpe!Anóng mahihitâ sarigodon?... Walâ kundî.... kamáy. Mapapágod ka ng̃ walâng... saysáy. Nakaaaksáya ng̃ panahón! Kalukúhan sa ákin iyán!”
—“Masamâ namán ang walângrigodon, katoto,”—ang sagót ng̃ isáng naka-térnong-itím.—“At si Choy?”
—“QueChoyni quebáchoy!”—ang áng̃il ng̃ naka-lana, at hinagisan ng̃ dalawang ing̃os ang isáng naka-kakengkulot ang buhók na sa pagka’t lubhâng mahiluhín ay walâng ináabang̃an sa alín mang sayawan kundî ang pasimulâng-tugtóg ng̃ mg̃arigodon. Itó ang si Choy na noo’y kasalukúyang nagpapantíng ang mg̃a tayng̃a, sapagka’t malayôlayô man siya’y kanyang naulinígan ang salitaan ng̃ dalawa. Mang̃aníng̃aníng sugurin ang naka-lanaat sikang̃an ang walâng pitagang bung̃ang̃à nitó. At kamuntî na ng̃ang manugod noon ang ating si Choy, kundî niya naala-alang gagawâ siya ng̃ malakíng kahiyâhiyâ, at kundî niya nataunan ang isang malambíng na títig ni Mameng—títig na wari’y inahihímok sa kanya ang, “Pacencia, Choy ko!”...
—“Pero, demonyo!”—ang mulîng putók ng̃ naka-lana—“Anó ang hinihintáy nitóng siPepe?... Bakit áyaw pang simulán ang sayáwan,diantre?.... Co—! naghihintay ang mg̃avisita,—pu—!”
—“Huwág kang mainip, katóto”—anáng naka-itím—“huwag kang mainip at sásapulan na raw!”
—“Sásapulan!perokailán pa?¡demonyo!”
Isang binatà ang noón ay pumagitnâ sa karamíhan, at pagkatápos na makaupô ang lahat, ay bumigkás ng̃ ganitó:—
XIVAko’y Nang̃ang̃amba!...“Mg̃a binibinì at ginoóng kaánib sa ‘Dakiláng Mithî’:—“Kayóng lahát ay pumarito na tagláy sa pusò ang masaráp na pag-ása, na táyo’y uumagáhing pára-pára sa pagpapasasà sa isáng malambíng na sáyawan. Hindî kayó mabibigô mg̃a ginóong magigitíng.“Sáyawan at walâng ibá kundî sayáwan ang inyong ipinarito, kaya’t sáyawan at walâng ibá kundî sayawan ang dito’y áting pagdudumugan.“Akin lang ipinagpapauna na ang sáyawang itó ay kakaibá sa lahat ng̃ sáyawan na inyóng alám. Wikà ng̃â’y, bágongsistema; mapapálad kayo sapagka’t kayó ang unang makakákilala sa kanya!“Sapagkâ ng̃â’t bágo, ay kailáng̃ang siya’y ating ipaaninaw mabúti. Sa sayáwan pong itó, mg̃a ginoó at binibinì, ay hindî mg̃a páa, kamáy at baywang ang magsisiindák. Ang dito po’y magpapakitáan ng̃ gílas at kisig, ay ang mg̃a dilà’t ng̃alá-ng̃alá;kaya’tsayawan ng̃ mg̃a dilà’t ng̃alá-ng̃alá ang sa ng̃ayóng gabí ay siyáng yáyaníg sa báhay ng̃ ating pang̃úlo!”—“Nilint... na!!”—anáng naka-itim.—“Pero que bruto”—ang tugon namán ng̃ galít sarigodon.—“Batid ninyóng lahát mg̃a binibinì at ginóo,”—ang patúloy ni Gerardo—“na dito sa ating báyan ay may isang kapisanang di pa nalaláon ay ítinayô ng̃ kabatáan. Batíd din ninyóng lahat na sa mg̃a sandalîng itó ang kapisánang iyán ay kasalukúyang naghihilik sa lálim ng̃ pagkahimbing.“Ang di na yatà makasanglibong pagtawag ng̃ púlong na laging nabibigô, ay labis na nag-uulat sa katotohanang itó. Ang pagkakabitin sa impapawíd ng̃ lahat ng̃ mg̃a panukalang inaharap at pinag tíbay sa lóob ng̃ kapisanan, ang pagkabigô ng̃ aklatang itatatag, ang pagkabigô ng̃ páhayagáng palálabasin, ang pagkabigô ng̃ mg̃a papúlong, ng̃ paaralán sa gabí, at ng̃ mg̃a kung anó-anóngcampañana sagánà sa hang̃in—ang lahát ng̃ iyán mg̃a binibinì at ginóo, ay isa pang di mapupuwing na saksí ng̃ pagkaúring mantikang-tulóg ng̃ ating Kapisánang kagúlatgúlat noóng kanyáng mg̃a únang áraw!“Sa gitnâ ng̃ ganitóng kalagáyang dápat ikahiyâ ng̃ kabatáang Libís, síno ang áting dápat sisíhin?“Ang mg̃a nang̃ung̃ulo sa kapisánan?“Akó na maláon nang nagmamasíd sa ginagawâ niláng pagtupád sa kanikaniláng tungkúlin, ay walâng úlikúlik na makakapagsábi na ang mg̃a ginóong iyán ay nagawâ ná ang lahat ng̃ abót ng̃ kaniláng káya.“Ipinatútúpad ng̃ pang̃úlo sa áting mg̃a kaanib, ang palatuntúnan at mg̃a alituntúnin, dápwa’t áayaw táyong magsisunód! Kaniláng iminumungkahì na isagawà ang mg̃a panukala’t bátas na pinagkayarian nátin, dápwa’t áayaw tayong magsikilos!“Tumatáwag ang kalihim ng̃ púlong áraw-áraw halos dápwa’t áayaw táyong magsidaló!“Mahúsay na hinihing̃î ng̃ Ing̃at-yáman ang ambag sa bawa’t buwan ng̃ bawa’t isa, ng̃uni’t átin siyáng pinagtátaguan!“Síno ng̃ayón ang dápat managót sa pagkadiwarà ng̃ kapisánang itó?“Síno ang dápat lagpakán ng̃ ating pagsisisi kundî táyo rin—táyo na bubuô ng̃ isang kautusán at pagkatápos ay táyo rin ang sa kanya’y susúay?“Síno ang dápat nating sumpâin kundî ang átin ding mg̃a katawán—Táyo, na lilikhâ ng̃ isang matáyog na panukalà para sa ikabubuti ng̃ bayan at pagkatápos kapag isasagawâ ná, ay tayo rin ang kaunáunahang malululà, ang kaunaunáhang uurong?“Síno ang dapat managót sa lahát ng̃ itó, mg̃a ginóo, kundî tayo rin—táyo na kadalasa’y dahil lang sa kaunting sakít ng̃ ulo, ó kaya’y ng̃ ng̃ipin, ó dúlo ng̃ kukó; dahil lang sa kauntíng ulán, sa kauntíng ínit ng̃ áraw, sa kauntíng antók, sa kauntíng layò ng̃ pagpúpulung̃an, sa pagkawalâng mákasáma, ó sa pagkawalângmabuntutan—dáhil na dáhil lang diya’y di na táyo magsisidaló sa púlong?... ¡¡Samantalàng kápag isáng sáyawan ang atíng dádayúhin, ay sumasagasà táyo sa unós at buháwi, nawawalâ ang sakít ng̃ ulo, napapawì ang antók, di iniindá ang ínit ng̃ áraw ni sinusukat ang layò ng̃ pagdaraanan!!“Sino ang dápat kilabútan sa hiyâ kundî táyo rin na kung makaísip mang dumaló sa púlong, ay panayon na lang mg̃a hulí—panayón na lang animo’y mg̃a kúhol?—Táyo na muntíng maantig ang bulsá, munting mahing̃an ng̃ maipagtatawid búhay ang kapisánan, ay magpápakalayô-layô na di na maáapúhap kahi’t na nakakayanan ang halagáng hinihing̃î? ¡¡Samantaláng kapág ang isáng sáyawan ang paguukúlan, ay malúwag na malúwag at galák na gálak táyong nagkakaloób ng̃ píso, piso’t isang salapì, at kung minsan pa’y hanggang dalawá!!“¡Ah, mg̃a kabábayan!... Kung ang mg̃a katotohanang itó na sakdál ng̃ papaít ay nakasusúgatsa inyóng mg̃a damdámin, ako’y di nagsisisi! ¡Tinutupád ko ang áking katungkúlan!“Karápatdápat at kailáng̃ang mabatíd nating lahát ang hubád at wagás na katotohánan, na, ang kabatáan sa bayang itó ay kúlang pa ng̃ lakás, kulang pa ng̃ tyagâ, pagtitiis, at siglâng walâng máliw! Walâ pa ditong tunay na kalakasan ng̃ loob na kinakailang̃an upang maisagawâ ang isang adhikâng mataas!“Ah, Kabatáan, Kabatáan! Kay lakás mong mang̃árap, dapwa’t kay dalî mong masawan, kay dalîng manglumó ng̃ iyong pusò, kay dalî kang panghináan ng̃ túhod!...“Iyán ba ang kabatáang pinang̃ápang̃árap ng̃ Dakilàng Rizal?“Iyán ba ang kabatáang inaasahang tútubós sa Báyang itó na ng̃ayo’y nábibing̃it sa bang̃in ng̃ kamatáyan?“Iyán ba angmg̃a kawal ng̃ tagumpay Bukas?“¡Ah, Kabatáan! kung ang mg̃a malilíit na kapisanan ay di mo mapagtiyagaang buháyin, papaáno kayâng pagbúhay ang iyong gágawin sa isâng Bayang malayà?“Kaunti pang paghuhunosdilì, kaunti pang pagling̃ap sa dang̃al ng̃ katungkulan! Kauntî pang pag aáalaála sa kinábukasan!“Samantálang ikáw, Kabataan ay waláng hanapkundî sayá at ligaya, samantálang di ka natutútong umibig sa walâng likát na pagpapágod, pagbabatà ng̃ hirap, at pagsusunóg ng̃ kílay; samantalang, di ka natutútong tumalikod sa mapanghalinang kawáy ng̃ mg̃a bulaklák, sa matatamis na awit ng̃ mg̃asirena, úpang makatupád sa isáng katungkúlan; samantalang ikáw ay nabúbuhay sa himpapawíd ng̃ mg̃a pang̃árap at di sa párang ng̃ paggawâ; samantalang ikaw ay walâng loob na íukol sa sarili mong bayan ang bawa’t galaw ng̃ iyong isip, bawa’t tibók ng̃ pusò, bawa’t sandalî ng̃ iyong panahón, bawa’t paták ng̃ iyong dugô; samantalang nananatili ka sa mg̃a ganyáng kalagáyan, ikáw, kabataan, ikaw ay di dapat tawagingPag-asang̃ tinubuan mong lupà; ang dápat itáwag sa iyó ayHampasng̃ Diyós sa iyóng Lahì!”Pinútol dito ni Gerardo ang kanyáng talumpatì. Dátí-dáti tuwî siyáng magsasalitâ nang hayág, ay di maúbos-úbos ang papuri sa kanyá ng̃ madlâ; ng̃uni’t ng̃ayón, maánong nagtamó siyá nang kahi’t gaputók na palakpák!Sa mg̃a binatà marámi ang sa kanya’y ng̃ung̃usò-ng̃usò at iírap-irap; may iláng dadábog-dábog at búbulong-bulóng.Si Choy ay tuwâng-tuwâ nang maalámang di mátutulóy ang ipinang̃akong sayáwan. Kamuntî na siyáng makalápit sa naka-lanaupangito’y mábigyan ng̃ isáng mabining “Hiilatt!” Ang mukhâ ng̃ naka-lanaay di maipintá noón.Hindi nagkásiya sa isinimásimáng̃ot at ipinisépshe. Sa huling bahági ng̃ talumpatì ni Gerardo ay walâng ibinubugá ang nagkakangng̃ing̃iwi niyang mg̃a labì, kungdî payak na:—“Suplado!Hambug! Hi...! Palalò! Yabang!... Para ka riyang isang lélong na nang̃ang̃aral sa amin ah! Cu...!”Pabulóng kun bigkasín ang mg̃a salitáng itó, na anopa’t walâng nakáririníg kundî yaong mg̃a malalapit sa kanyá!Hindî lang ang bibig ng naka-lanaang nang̃ung̃usap: ang mg̃a matá niya ay may lalong mahalagáng bágay na inihahayág. Ang mg̃a namumutèng matáng iyón kun titígan si Gerardo nang siya’y nagsasalitâ ay parang tumitítig sa isang nag-papaálam na bibitayin, kundi man sa isang kabaong na, sa isang tigmak na sa dugô!Ang naka-lanaay si Juancho!—si Juanchong masidhing kaaway ni Gerardo sa lahat ng̃ bagay; ang nabigôngkandidatosa kamay ni Elena, ang bunsong kapatid ni Kápitang Memò na kanyang kinasapakat sa madugô niyáng paghihigantí kay Gerardo!—paghihigantíng gáganapin nilá sa gabí ding iyón!....Nang matápos ang talumpatì ni Gerardo, ang pang̃ulo namán ng̃ “Dakilàng Mithî” ang pumagitnâ. Siyá ay isáng táo na di-masalitâ; at kung magsalitâ man siyá ay banayad, parang tinitimbáng ang mg̃a sinasábi; hindi siyá gumagámit ng̃ mg̃a salitâng labis at di kailang̃an; walâng bulá-bulaklák, waláng pahá-paháng̃in, gaya ng̃ daan-daan diyang mg̃a mananalumpatî na tuwing magsasalitâ ay walang nagagawâ kundi lunurin sa háng̃in ang sa kanila’y nakíkinig. Ang pang̃ulo ng̃ “Dakilang Mithî” (kun ibig ng̃ bumábasa na siya’y lalong mákilala) ay isang nagaaral ng̃Derechosa isang bantóg na paaralán sa Maynilà; ilang taón na lang at siya’y tútupad na sa dakilàng tungkuling pagtatanggól sa kápwa.—“Hindî bagay sa iyó ang mag-abogado, Abraham!”—ang láging iginigiit sa kanyá ng̃ mg̃a kaibigan—“Ang dapat mag-abogadoay yaóng mg̃a táongmasalita, hindî ang mg̃awalang kibóna gaya mo!” Labis na batid ni Abraham ang kaululan at kahang̃alang isinisiwálat ng̃ mg̃a gayóng pang̃ung̃usap; kaya’t lalò niyang tinikís. Samantalang hinihigpitán ang kapit niyá sa pagaaral ng̃Derechoay lalòng pinag-ibáyo niya ang pagtitipid ng̃ salitâ. Sa paninikis na ito ni Abraham, ay ibig mandín niyang ipamatâ sa mg̃a bulág na pag-iísip ng̃ kanyáng mg̃a kakilála na upang maging isángmapagwagîngabogadoay di kailang̃an na magíng isangdaldalero!... Kay rumami ng̃â namán ang nagkakamalî sa bahaging ito ng̃ Karunúng̃an, ang akalà nila’y sa pamamagìtan ng̃ isáng bung̃ang̃ang walang tahán ng̃ kábubugá, ay mapasusukò ng̃ isangabogado, sa alin mang usapin, ang kanyáng kalában; at ang isang táongbung̃ang̃eroay pílit na magíging isang maningníng naabogado.Kung gayo’y dapat manding imungkahì sa pamahaláan, na magtatág ng̃ isangEscuela de Derechosa loób ng̃Hospicio de San Josepara sa mg̃a nakukulóng doón, na kahi’t nagiisa ay... ¡usáp pa rin ng̃ usáp!...Oh, magsipagtahan kayó mg̃a úlong marurupok!Hindî pa ninyó batíd yaong mg̃a palásak na kasabihang: “Ang pantas ay walang kibo” alalaong baga’y hindìdaldaleronidaldalera. (He who is wise, keeps still.) (Hombre de poco habla mucho piensa.) At, “ang salita ayPilak(¡ng̃unì’t!)ang pananahimik ayGINTO!” (Speech isSilver,silence isGOLD!)Hindî pa rin ninyó batid ang mg̃a katotohánang sumusunód:1.—Na, upang maging pantás sa alin mang hánapbuhay, maging sa pag-aabogado at maging sa pag-memedico, atb., ay dalawáng bagay angkailang̃an: Una,Magmasid; ikalawa,Kumuro. Ng̃ayon, ako’y nagtatanóng, sino ang lalong malínawmagmasidatkumuro: ang isang walâng humpay ng̃katututtuttut, ó ang isang tahímik na nakíkiníg at umiísip, maíng̃at na tumíting̃in at tumitimbang sa bawa’t tamaan ng̃ matá?2.—Angabogado, ó sino mang táong di masalitâ, tang̃i na lang ang mg̃a mangmang, ay may panahon upang pagarálan at lubáhing mabúti sa kanyáng ulo, ang isang pagkukurò, bago ihayág; nakapipilì siyá ng̃ mg̃a salitang angkóp at matitíbay; napipilì niyá ang lalong matíbay na paglalahad sa ibig sabíhin. Ano ang ibinubung̃a? Kaliwanagan! Lakas! Ang kaliwanágan ng̃ pang̃ung̃usap ay kapangyaríhan sa isang pagtatalo!Samantalang sa kabilang dáko, ang isáng walâng pahing̃a ng̃ daldál, tang̃i pa sa nakayáyamót at nakaaaksayá ng̃ panahón (hindî lang ng̃ kanyáng panahon kundî patí ng̃ panahón ng̃ kausap) ay di nagagáwing timbang̃in at kuruìng mabuti ang isáng bágay bago ihayág; di napipilì ang mg̃a salitang dapat gamítin; walâng mahúsay at makatwirangpagkakasunódsunódang kanyáng isinásalaysáy; nálalahók ang mg̃a bágay na waláng kabuluhán at di kaíláng̃an, at kun minsan pa’y sa kadalasán ng̃ salitâ ay di naiísip ni naaalaman angmg̃a pinagsasabí! Anó ang napapala? Kahinàan! Kagusután! Kalabuan!At ang isangabogadongmahinang mang̃atwíran, magusút kung umisip at malábong mang̃úsap ay isángabogadong... ¡kahabág-habág!3.—Ang mg̃aabogadona kapag nagtatanggól sa isáng paglilítis, ay walang nalálakasán kundî payák na paháng̃in at daldal, mg̃a paikot-ikot at walâng katuturáng pang̃ung̃úsap, ay paraparang kinasúsunukán, kinarírimaríman at hindi pinagdídidiníg sa loób ng̃ mg̃a hukúmang ináabot ng̃ liwánag ng̃ siglo XX... Ang tinatangkílik, ang kinasasabikán, ang dinídinig, ang kiníkiling̃an, di man sinasadyâ, ng̃ hiyáng ósimpatíang̃ isang taál at pantás na hukom, at yaóngabogadona di nagaaksáya ng̃ salitâ, yaóng di nagsasalitâ kundi kailáng̃an, yaóng maalam ihayág ang ibig sabihin sa íilan at pinilìng salitâ, yaóng malumánay, banáyad, dapwa’t matibay at matalínong mang̃ang̃atwíran, yaóng bawa’t bigkasín ay may kahulugán, bawa’t isalaysáy ay malínaw at mahúsay—iyán ang túnay naabogadongdapat kilalánin ng̃ lahat.Dápwa’t, gíliw na bumabasa, tayo mandin ay lubhang napapakálulong sa pagkakalayo sa sinúlid ng̃ ating kasaysáyan. Tayo’y búmalik at pakinggan natin kung anó ang sásabihin ng̃pang̃ulo ng̃ “Dakilang Mithî” sa kanyáng mg̃a kasamahán.“Mg̃a kasáma:“Upang tayo’y magkatipon, at makapagdáos ng̃ púlong, ako’y náyag na kayo’y dayàin.“Ang pagdadayà ay masamâ.“Ng̃uni’t kung minsán ay kailang̃ang gumawâ ng̃ masamâ upang matamó ang isang kabutihan.“Kailang̃ang barilín ng̃ isáng pinunò ang sundálo niyáng tumátakbó sa labanán upang ang ibá ay huwag magáyang umúrong.“Kailang̃ang sugátan ang bató upang mapalabás ang kanyáng apoy.“Ng̃ayon: alam na ninyó kung bakit kayo’y aming dinayà.“Ayókong aksayahín pa ang mahalagá ninyóng panahón.“Pasimulán nátin ang púlong.“Mg̃a ginoó: anó ang inyóng pasiya? Sa áking akala’y ang kapisánang itó ay dapat nang lansagín.“Dapat lansagín ang sabí ko sapagka’t walang kabutihan siyang nililikhâ; bagkus pa ng̃ang payak na kasamâan ang kanyang ibinubung̃a.“Sa kapisánang itó nagbubúhat ang pagbibigátan ng̃ loób, díto nababanáag ang lahat ng̃ mg̃a ugáling karumaldúmal ng̃ kabataang Libis; dito nádadamá ang maráming katotohanangmasasakláp na dápat ikahiyâ ng̃ ating mg̃a nunò sa kabiláng búhay.“Hindî kayâ marápat na lansagín ná ang kapísanang iyán?“Hintáy ko ang pasiyá ng̃ kapulúng̃an.”Ang kapulúng̃an ay di sumásagot. Ang banáyad ng̃uni’t matitinding pang̃ung̃usap ng̃ pang̃ulo, ang nang̃ing̃inig niyáng bóses, ang kanyang nagbabagang paning̃in, ay nagpayukô sa lahat. Ni si Juancho, ni si Choy, ni ang naka-itim ay walâng naihumá.Naghaharì sa boóng báhay ang piping katahimikan. Nakaraan ang limangminuto; walâ pa ring sagót.Walang kamalák-malák ay nang̃agtilian ang mg̃a babáe.“Demónyo! Tatay ko! Demónyo! Nanay ko! Demónyong sung̃ayan! Demónyong may buntot!”—ang sigaw niláng dî magkamáyaw.At demónyo ng̃â namán!... (Noon ay kasalukúyang nagdadaos ng̃ Karnabál sa Maynilà.)Sinalúbong ng̃ pang̃ulo sa hagdánan ang nakabalat-kayô.Isáng liham para kay Gerardo ang taglay niyá.—“Síno kayâ itó?”—anang naka-itim at pagdaka’y lumápit sa demonyo na nakating̃in kay Gerardo samantalang binabasa nito ang tinanggap na liham.—“Sino ka bagá, ha?”—ang mulîng tanong ng̃ naka-itim, at pagdaka’y sinulot sa tagilíran ang nakabalatkayô.—“Aruy!Tinamaan ka ng̃...!”Ang¡aruy!ay ibinung̃a ng̃ isáng tábig ng̃ demonyóng nakilitî—tabig na tumamà sa sikmurà ng̃ pang̃ahas. Dalì-dalìng umupo ang naka-itim na tutóp ang tiyán.Humúgong sa tawa ang boong bahay.Ang pang̃ulo ay pumukpók sa kanyang laménsa. Naputol ang tawánan dapwa’t di ang bulúngbulúng̃an, di ang pagsulyáp sa demónyo at sa tinábig niyáng napang̃iwi’t súkat.—“Síno ng̃a kayâ iyan?” ang mulîng usisa ng̃ bálana.—“Ah, kilala ko na! iyán ay si Tunyò”—anang isa.—“Hindî, si Basio iyán!”—anang isa pa—“tingnán mo’t ang katawán ay Basiong-basio!”—“Hindî; maniwalà kayó,”—ang sabád namán ni Choy—“iyan eh si kumpáring Kulás.”Malî silang lahat. Si Juancho lámang ang nakababatid kun sino ang demonyóng iyon!—“Pagsalitaín ng̃â natin”—ang bigkas ng̃ isang pingkaw—“Hoy demónyo! demónyo! magsalitâ ka ng̃â.”Ang demónyo’y parang bing̃í. Hindi ináalis ang ting̃in kay Gerardo na pagkatápos na mabása ang sulat ay lumapit sa may dalá at tumanóng:—“Sino kayo?”Ang demonyo’y parang pipi. Kumumpás-kumpás na lang at iginaláwgaláw ang ulo na tila ang ibig sabihi’y:“Manáog ka sa lupa’t doón táyo magkakaalam!”Si Gerardo ay napang̃itî na lang sa ikinumpás-kumpás ng̃ nakabalatkayô. Dapat kayâ siyáng sumáma? Tiningnán ang liham at sandaling nag-alinláng̃an; pagkwa’y,—“Táyo!”—anya, at inakbayán pa mandín ng̃ demonyo, bágo silá nanáog.—“Naku! Si Gerardo!”—ang di man kinukusa’y nalaglág sa mg̃a labì ni Pacita na malakíng totoó ang tákot sa demonyo, palibhasa’t noón lang siyá nakakita ng̃ gayóng gayák.Si Elena namán ay putlâng-putlâ; kákabá-kabá ang kanyáng dibdib.—“Kilalá mo ba iyón?”—ang pang̃atál na tanóng kay Florante na kanyáng kaibigan, at noó’y kasiping sa upô.—“Hindi, ah!”—“Masamâ ang kutob ng̃ áking loób. Nagíisási Gerardo—Baka siya’y kung anhin!... Ako’y nang̃ang̃ambá!”...—“Susundán ko!”—“Para mo nang awà Florante.”Noón di’y nanáog ang binatà.
XIVAko’y Nang̃ang̃amba!...
“Mg̃a binibinì at ginoóng kaánib sa ‘Dakiláng Mithî’:—“Kayóng lahát ay pumarito na tagláy sa pusò ang masaráp na pag-ása, na táyo’y uumagáhing pára-pára sa pagpapasasà sa isáng malambíng na sáyawan. Hindî kayó mabibigô mg̃a ginóong magigitíng.“Sáyawan at walâng ibá kundî sayáwan ang inyong ipinarito, kaya’t sáyawan at walâng ibá kundî sayawan ang dito’y áting pagdudumugan.“Akin lang ipinagpapauna na ang sáyawang itó ay kakaibá sa lahat ng̃ sáyawan na inyóng alám. Wikà ng̃â’y, bágongsistema; mapapálad kayo sapagka’t kayó ang unang makakákilala sa kanya!“Sapagkâ ng̃â’t bágo, ay kailáng̃ang siya’y ating ipaaninaw mabúti. Sa sayáwan pong itó, mg̃a ginoó at binibinì, ay hindî mg̃a páa, kamáy at baywang ang magsisiindák. Ang dito po’y magpapakitáan ng̃ gílas at kisig, ay ang mg̃a dilà’t ng̃alá-ng̃alá;kaya’tsayawan ng̃ mg̃a dilà’t ng̃alá-ng̃alá ang sa ng̃ayóng gabí ay siyáng yáyaníg sa báhay ng̃ ating pang̃úlo!”—“Nilint... na!!”—anáng naka-itim.—“Pero que bruto”—ang tugon namán ng̃ galít sarigodon.—“Batid ninyóng lahát mg̃a binibinì at ginóo,”—ang patúloy ni Gerardo—“na dito sa ating báyan ay may isang kapisanang di pa nalaláon ay ítinayô ng̃ kabatáan. Batíd din ninyóng lahat na sa mg̃a sandalîng itó ang kapisánang iyán ay kasalukúyang naghihilik sa lálim ng̃ pagkahimbing.“Ang di na yatà makasanglibong pagtawag ng̃ púlong na laging nabibigô, ay labis na nag-uulat sa katotohanang itó. Ang pagkakabitin sa impapawíd ng̃ lahat ng̃ mg̃a panukalang inaharap at pinag tíbay sa lóob ng̃ kapisanan, ang pagkabigô ng̃ aklatang itatatag, ang pagkabigô ng̃ páhayagáng palálabasin, ang pagkabigô ng̃ mg̃a papúlong, ng̃ paaralán sa gabí, at ng̃ mg̃a kung anó-anóngcampañana sagánà sa hang̃in—ang lahát ng̃ iyán mg̃a binibinì at ginóo, ay isa pang di mapupuwing na saksí ng̃ pagkaúring mantikang-tulóg ng̃ ating Kapisánang kagúlatgúlat noóng kanyáng mg̃a únang áraw!“Sa gitnâ ng̃ ganitóng kalagáyang dápat ikahiyâ ng̃ kabatáang Libís, síno ang áting dápat sisíhin?“Ang mg̃a nang̃ung̃ulo sa kapisánan?“Akó na maláon nang nagmamasíd sa ginagawâ niláng pagtupád sa kanikaniláng tungkúlin, ay walâng úlikúlik na makakapagsábi na ang mg̃a ginóong iyán ay nagawâ ná ang lahat ng̃ abót ng̃ kaniláng káya.“Ipinatútúpad ng̃ pang̃úlo sa áting mg̃a kaanib, ang palatuntúnan at mg̃a alituntúnin, dápwa’t áayaw táyong magsisunód! Kaniláng iminumungkahì na isagawà ang mg̃a panukala’t bátas na pinagkayarian nátin, dápwa’t áayaw tayong magsikilos!“Tumatáwag ang kalihim ng̃ púlong áraw-áraw halos dápwa’t áayaw táyong magsidaló!“Mahúsay na hinihing̃î ng̃ Ing̃at-yáman ang ambag sa bawa’t buwan ng̃ bawa’t isa, ng̃uni’t átin siyáng pinagtátaguan!“Síno ng̃ayón ang dápat managót sa pagkadiwarà ng̃ kapisánang itó?“Síno ang dápat lagpakán ng̃ ating pagsisisi kundî táyo rin—táyo na bubuô ng̃ isang kautusán at pagkatápos ay táyo rin ang sa kanya’y susúay?“Síno ang dápat nating sumpâin kundî ang átin ding mg̃a katawán—Táyo, na lilikhâ ng̃ isang matáyog na panukalà para sa ikabubuti ng̃ bayan at pagkatápos kapag isasagawâ ná, ay tayo rin ang kaunáunahang malululà, ang kaunaunáhang uurong?“Síno ang dapat managót sa lahát ng̃ itó, mg̃a ginóo, kundî tayo rin—táyo na kadalasa’y dahil lang sa kaunting sakít ng̃ ulo, ó kaya’y ng̃ ng̃ipin, ó dúlo ng̃ kukó; dahil lang sa kauntíng ulán, sa kauntíng ínit ng̃ áraw, sa kauntíng antók, sa kauntíng layò ng̃ pagpúpulung̃an, sa pagkawalâng mákasáma, ó sa pagkawalângmabuntutan—dáhil na dáhil lang diya’y di na táyo magsisidaló sa púlong?... ¡¡Samantalàng kápag isáng sáyawan ang atíng dádayúhin, ay sumasagasà táyo sa unós at buháwi, nawawalâ ang sakít ng̃ ulo, napapawì ang antók, di iniindá ang ínit ng̃ áraw ni sinusukat ang layò ng̃ pagdaraanan!!“Sino ang dápat kilabútan sa hiyâ kundî táyo rin na kung makaísip mang dumaló sa púlong, ay panayon na lang mg̃a hulí—panayón na lang animo’y mg̃a kúhol?—Táyo na muntíng maantig ang bulsá, munting mahing̃an ng̃ maipagtatawid búhay ang kapisánan, ay magpápakalayô-layô na di na maáapúhap kahi’t na nakakayanan ang halagáng hinihing̃î? ¡¡Samantaláng kapág ang isáng sáyawan ang paguukúlan, ay malúwag na malúwag at galák na gálak táyong nagkakaloób ng̃ píso, piso’t isang salapì, at kung minsan pa’y hanggang dalawá!!“¡Ah, mg̃a kabábayan!... Kung ang mg̃a katotohanang itó na sakdál ng̃ papaít ay nakasusúgatsa inyóng mg̃a damdámin, ako’y di nagsisisi! ¡Tinutupád ko ang áking katungkúlan!“Karápatdápat at kailáng̃ang mabatíd nating lahát ang hubád at wagás na katotohánan, na, ang kabatáan sa bayang itó ay kúlang pa ng̃ lakás, kulang pa ng̃ tyagâ, pagtitiis, at siglâng walâng máliw! Walâ pa ditong tunay na kalakasan ng̃ loob na kinakailang̃an upang maisagawâ ang isang adhikâng mataas!“Ah, Kabatáan, Kabatáan! Kay lakás mong mang̃árap, dapwa’t kay dalî mong masawan, kay dalîng manglumó ng̃ iyong pusò, kay dalî kang panghináan ng̃ túhod!...“Iyán ba ang kabatáang pinang̃ápang̃árap ng̃ Dakilàng Rizal?“Iyán ba ang kabatáang inaasahang tútubós sa Báyang itó na ng̃ayo’y nábibing̃it sa bang̃in ng̃ kamatáyan?“Iyán ba angmg̃a kawal ng̃ tagumpay Bukas?“¡Ah, Kabatáan! kung ang mg̃a malilíit na kapisanan ay di mo mapagtiyagaang buháyin, papaáno kayâng pagbúhay ang iyong gágawin sa isâng Bayang malayà?“Kaunti pang paghuhunosdilì, kaunti pang pagling̃ap sa dang̃al ng̃ katungkulan! Kauntî pang pag aáalaála sa kinábukasan!“Samantálang ikáw, Kabataan ay waláng hanapkundî sayá at ligaya, samantálang di ka natutútong umibig sa walâng likát na pagpapágod, pagbabatà ng̃ hirap, at pagsusunóg ng̃ kílay; samantalang, di ka natutútong tumalikod sa mapanghalinang kawáy ng̃ mg̃a bulaklák, sa matatamis na awit ng̃ mg̃asirena, úpang makatupád sa isáng katungkúlan; samantalang ikáw ay nabúbuhay sa himpapawíd ng̃ mg̃a pang̃árap at di sa párang ng̃ paggawâ; samantalang ikaw ay walâng loob na íukol sa sarili mong bayan ang bawa’t galaw ng̃ iyong isip, bawa’t tibók ng̃ pusò, bawa’t sandalî ng̃ iyong panahón, bawa’t paták ng̃ iyong dugô; samantalang nananatili ka sa mg̃a ganyáng kalagáyan, ikáw, kabataan, ikaw ay di dapat tawagingPag-asang̃ tinubuan mong lupà; ang dápat itáwag sa iyó ayHampasng̃ Diyós sa iyóng Lahì!”Pinútol dito ni Gerardo ang kanyáng talumpatì. Dátí-dáti tuwî siyáng magsasalitâ nang hayág, ay di maúbos-úbos ang papuri sa kanyá ng̃ madlâ; ng̃uni’t ng̃ayón, maánong nagtamó siyá nang kahi’t gaputók na palakpák!Sa mg̃a binatà marámi ang sa kanya’y ng̃ung̃usò-ng̃usò at iírap-irap; may iláng dadábog-dábog at búbulong-bulóng.Si Choy ay tuwâng-tuwâ nang maalámang di mátutulóy ang ipinang̃akong sayáwan. Kamuntî na siyáng makalápit sa naka-lanaupangito’y mábigyan ng̃ isáng mabining “Hiilatt!” Ang mukhâ ng̃ naka-lanaay di maipintá noón.Hindi nagkásiya sa isinimásimáng̃ot at ipinisépshe. Sa huling bahági ng̃ talumpatì ni Gerardo ay walâng ibinubugá ang nagkakangng̃ing̃iwi niyang mg̃a labì, kungdî payak na:—“Suplado!Hambug! Hi...! Palalò! Yabang!... Para ka riyang isang lélong na nang̃ang̃aral sa amin ah! Cu...!”Pabulóng kun bigkasín ang mg̃a salitáng itó, na anopa’t walâng nakáririníg kundî yaong mg̃a malalapit sa kanyá!Hindî lang ang bibig ng naka-lanaang nang̃ung̃usap: ang mg̃a matá niya ay may lalong mahalagáng bágay na inihahayág. Ang mg̃a namumutèng matáng iyón kun titígan si Gerardo nang siya’y nagsasalitâ ay parang tumitítig sa isang nag-papaálam na bibitayin, kundi man sa isang kabaong na, sa isang tigmak na sa dugô!Ang naka-lanaay si Juancho!—si Juanchong masidhing kaaway ni Gerardo sa lahat ng̃ bagay; ang nabigôngkandidatosa kamay ni Elena, ang bunsong kapatid ni Kápitang Memò na kanyang kinasapakat sa madugô niyáng paghihigantí kay Gerardo!—paghihigantíng gáganapin nilá sa gabí ding iyón!....Nang matápos ang talumpatì ni Gerardo, ang pang̃ulo namán ng̃ “Dakilàng Mithî” ang pumagitnâ. Siyá ay isáng táo na di-masalitâ; at kung magsalitâ man siyá ay banayad, parang tinitimbáng ang mg̃a sinasábi; hindi siyá gumagámit ng̃ mg̃a salitâng labis at di kailang̃an; walâng bulá-bulaklák, waláng pahá-paháng̃in, gaya ng̃ daan-daan diyang mg̃a mananalumpatî na tuwing magsasalitâ ay walang nagagawâ kundi lunurin sa háng̃in ang sa kanila’y nakíkinig. Ang pang̃ulo ng̃ “Dakilang Mithî” (kun ibig ng̃ bumábasa na siya’y lalong mákilala) ay isang nagaaral ng̃Derechosa isang bantóg na paaralán sa Maynilà; ilang taón na lang at siya’y tútupad na sa dakilàng tungkuling pagtatanggól sa kápwa.—“Hindî bagay sa iyó ang mag-abogado, Abraham!”—ang láging iginigiit sa kanyá ng̃ mg̃a kaibigan—“Ang dapat mag-abogadoay yaóng mg̃a táongmasalita, hindî ang mg̃awalang kibóna gaya mo!” Labis na batid ni Abraham ang kaululan at kahang̃alang isinisiwálat ng̃ mg̃a gayóng pang̃ung̃usap; kaya’t lalò niyang tinikís. Samantalang hinihigpitán ang kapit niyá sa pagaaral ng̃Derechoay lalòng pinag-ibáyo niya ang pagtitipid ng̃ salitâ. Sa paninikis na ito ni Abraham, ay ibig mandín niyang ipamatâ sa mg̃a bulág na pag-iísip ng̃ kanyáng mg̃a kakilála na upang maging isángmapagwagîngabogadoay di kailang̃an na magíng isangdaldalero!... Kay rumami ng̃â namán ang nagkakamalî sa bahaging ito ng̃ Karunúng̃an, ang akalà nila’y sa pamamagìtan ng̃ isáng bung̃ang̃ang walang tahán ng̃ kábubugá, ay mapasusukò ng̃ isangabogado, sa alin mang usapin, ang kanyáng kalában; at ang isang táongbung̃ang̃eroay pílit na magíging isang maningníng naabogado.Kung gayo’y dapat manding imungkahì sa pamahaláan, na magtatág ng̃ isangEscuela de Derechosa loób ng̃Hospicio de San Josepara sa mg̃a nakukulóng doón, na kahi’t nagiisa ay... ¡usáp pa rin ng̃ usáp!...Oh, magsipagtahan kayó mg̃a úlong marurupok!Hindî pa ninyó batíd yaong mg̃a palásak na kasabihang: “Ang pantas ay walang kibo” alalaong baga’y hindìdaldaleronidaldalera. (He who is wise, keeps still.) (Hombre de poco habla mucho piensa.) At, “ang salita ayPilak(¡ng̃unì’t!)ang pananahimik ayGINTO!” (Speech isSilver,silence isGOLD!)Hindî pa rin ninyó batid ang mg̃a katotohánang sumusunód:1.—Na, upang maging pantás sa alin mang hánapbuhay, maging sa pag-aabogado at maging sa pag-memedico, atb., ay dalawáng bagay angkailang̃an: Una,Magmasid; ikalawa,Kumuro. Ng̃ayon, ako’y nagtatanóng, sino ang lalong malínawmagmasidatkumuro: ang isang walâng humpay ng̃katututtuttut, ó ang isang tahímik na nakíkiníg at umiísip, maíng̃at na tumíting̃in at tumitimbang sa bawa’t tamaan ng̃ matá?2.—Angabogado, ó sino mang táong di masalitâ, tang̃i na lang ang mg̃a mangmang, ay may panahon upang pagarálan at lubáhing mabúti sa kanyáng ulo, ang isang pagkukurò, bago ihayág; nakapipilì siyá ng̃ mg̃a salitang angkóp at matitíbay; napipilì niyá ang lalong matíbay na paglalahad sa ibig sabíhin. Ano ang ibinubung̃a? Kaliwanagan! Lakas! Ang kaliwanágan ng̃ pang̃ung̃usap ay kapangyaríhan sa isang pagtatalo!Samantalang sa kabilang dáko, ang isáng walâng pahing̃a ng̃ daldál, tang̃i pa sa nakayáyamót at nakaaaksayá ng̃ panahón (hindî lang ng̃ kanyáng panahon kundî patí ng̃ panahón ng̃ kausap) ay di nagagáwing timbang̃in at kuruìng mabuti ang isáng bágay bago ihayág; di napipilì ang mg̃a salitang dapat gamítin; walâng mahúsay at makatwirangpagkakasunódsunódang kanyáng isinásalaysáy; nálalahók ang mg̃a bágay na waláng kabuluhán at di kaíláng̃an, at kun minsan pa’y sa kadalasán ng̃ salitâ ay di naiísip ni naaalaman angmg̃a pinagsasabí! Anó ang napapala? Kahinàan! Kagusután! Kalabuan!At ang isangabogadongmahinang mang̃atwíran, magusút kung umisip at malábong mang̃úsap ay isángabogadong... ¡kahabág-habág!3.—Ang mg̃aabogadona kapag nagtatanggól sa isáng paglilítis, ay walang nalálakasán kundî payák na paháng̃in at daldal, mg̃a paikot-ikot at walâng katuturáng pang̃ung̃úsap, ay paraparang kinasúsunukán, kinarírimaríman at hindi pinagdídidiníg sa loób ng̃ mg̃a hukúmang ináabot ng̃ liwánag ng̃ siglo XX... Ang tinatangkílik, ang kinasasabikán, ang dinídinig, ang kiníkiling̃an, di man sinasadyâ, ng̃ hiyáng ósimpatíang̃ isang taál at pantás na hukom, at yaóngabogadona di nagaaksáya ng̃ salitâ, yaóng di nagsasalitâ kundi kailáng̃an, yaóng maalam ihayág ang ibig sabihin sa íilan at pinilìng salitâ, yaóng malumánay, banáyad, dapwa’t matibay at matalínong mang̃ang̃atwíran, yaóng bawa’t bigkasín ay may kahulugán, bawa’t isalaysáy ay malínaw at mahúsay—iyán ang túnay naabogadongdapat kilalánin ng̃ lahat.Dápwa’t, gíliw na bumabasa, tayo mandin ay lubhang napapakálulong sa pagkakalayo sa sinúlid ng̃ ating kasaysáyan. Tayo’y búmalik at pakinggan natin kung anó ang sásabihin ng̃pang̃ulo ng̃ “Dakilang Mithî” sa kanyáng mg̃a kasamahán.“Mg̃a kasáma:“Upang tayo’y magkatipon, at makapagdáos ng̃ púlong, ako’y náyag na kayo’y dayàin.“Ang pagdadayà ay masamâ.“Ng̃uni’t kung minsán ay kailang̃ang gumawâ ng̃ masamâ upang matamó ang isang kabutihan.“Kailang̃ang barilín ng̃ isáng pinunò ang sundálo niyáng tumátakbó sa labanán upang ang ibá ay huwag magáyang umúrong.“Kailang̃ang sugátan ang bató upang mapalabás ang kanyáng apoy.“Ng̃ayon: alam na ninyó kung bakit kayo’y aming dinayà.“Ayókong aksayahín pa ang mahalagá ninyóng panahón.“Pasimulán nátin ang púlong.“Mg̃a ginoó: anó ang inyóng pasiya? Sa áking akala’y ang kapisánang itó ay dapat nang lansagín.“Dapat lansagín ang sabí ko sapagka’t walang kabutihan siyang nililikhâ; bagkus pa ng̃ang payak na kasamâan ang kanyang ibinubung̃a.“Sa kapisánang itó nagbubúhat ang pagbibigátan ng̃ loób, díto nababanáag ang lahat ng̃ mg̃a ugáling karumaldúmal ng̃ kabataang Libis; dito nádadamá ang maráming katotohanangmasasakláp na dápat ikahiyâ ng̃ ating mg̃a nunò sa kabiláng búhay.“Hindî kayâ marápat na lansagín ná ang kapísanang iyán?“Hintáy ko ang pasiyá ng̃ kapulúng̃an.”Ang kapulúng̃an ay di sumásagot. Ang banáyad ng̃uni’t matitinding pang̃ung̃usap ng̃ pang̃ulo, ang nang̃ing̃inig niyáng bóses, ang kanyang nagbabagang paning̃in, ay nagpayukô sa lahat. Ni si Juancho, ni si Choy, ni ang naka-itim ay walâng naihumá.Naghaharì sa boóng báhay ang piping katahimikan. Nakaraan ang limangminuto; walâ pa ring sagót.Walang kamalák-malák ay nang̃agtilian ang mg̃a babáe.“Demónyo! Tatay ko! Demónyo! Nanay ko! Demónyong sung̃ayan! Demónyong may buntot!”—ang sigaw niláng dî magkamáyaw.At demónyo ng̃â namán!... (Noon ay kasalukúyang nagdadaos ng̃ Karnabál sa Maynilà.)Sinalúbong ng̃ pang̃ulo sa hagdánan ang nakabalat-kayô.Isáng liham para kay Gerardo ang taglay niyá.—“Síno kayâ itó?”—anang naka-itim at pagdaka’y lumápit sa demonyo na nakating̃in kay Gerardo samantalang binabasa nito ang tinanggap na liham.—“Sino ka bagá, ha?”—ang mulîng tanong ng̃ naka-itim, at pagdaka’y sinulot sa tagilíran ang nakabalatkayô.—“Aruy!Tinamaan ka ng̃...!”Ang¡aruy!ay ibinung̃a ng̃ isáng tábig ng̃ demonyóng nakilitî—tabig na tumamà sa sikmurà ng̃ pang̃ahas. Dalì-dalìng umupo ang naka-itim na tutóp ang tiyán.Humúgong sa tawa ang boong bahay.Ang pang̃ulo ay pumukpók sa kanyang laménsa. Naputol ang tawánan dapwa’t di ang bulúngbulúng̃an, di ang pagsulyáp sa demónyo at sa tinábig niyáng napang̃iwi’t súkat.—“Síno ng̃a kayâ iyan?” ang mulîng usisa ng̃ bálana.—“Ah, kilala ko na! iyán ay si Tunyò”—anang isa.—“Hindî, si Basio iyán!”—anang isa pa—“tingnán mo’t ang katawán ay Basiong-basio!”—“Hindî; maniwalà kayó,”—ang sabád namán ni Choy—“iyan eh si kumpáring Kulás.”Malî silang lahat. Si Juancho lámang ang nakababatid kun sino ang demonyóng iyon!—“Pagsalitaín ng̃â natin”—ang bigkas ng̃ isang pingkaw—“Hoy demónyo! demónyo! magsalitâ ka ng̃â.”Ang demónyo’y parang bing̃í. Hindi ináalis ang ting̃in kay Gerardo na pagkatápos na mabása ang sulat ay lumapit sa may dalá at tumanóng:—“Sino kayo?”Ang demonyo’y parang pipi. Kumumpás-kumpás na lang at iginaláwgaláw ang ulo na tila ang ibig sabihi’y:“Manáog ka sa lupa’t doón táyo magkakaalam!”Si Gerardo ay napang̃itî na lang sa ikinumpás-kumpás ng̃ nakabalatkayô. Dapat kayâ siyáng sumáma? Tiningnán ang liham at sandaling nag-alinláng̃an; pagkwa’y,—“Táyo!”—anya, at inakbayán pa mandín ng̃ demonyo, bágo silá nanáog.—“Naku! Si Gerardo!”—ang di man kinukusa’y nalaglág sa mg̃a labì ni Pacita na malakíng totoó ang tákot sa demonyo, palibhasa’t noón lang siyá nakakita ng̃ gayóng gayák.Si Elena namán ay putlâng-putlâ; kákabá-kabá ang kanyáng dibdib.—“Kilalá mo ba iyón?”—ang pang̃atál na tanóng kay Florante na kanyáng kaibigan, at noó’y kasiping sa upô.—“Hindi, ah!”—“Masamâ ang kutob ng̃ áking loób. Nagíisási Gerardo—Baka siya’y kung anhin!... Ako’y nang̃ang̃ambá!”...—“Susundán ko!”—“Para mo nang awà Florante.”Noón di’y nanáog ang binatà.
“Mg̃a binibinì at ginoóng kaánib sa ‘Dakiláng Mithî’:—
“Kayóng lahát ay pumarito na tagláy sa pusò ang masaráp na pag-ása, na táyo’y uumagáhing pára-pára sa pagpapasasà sa isáng malambíng na sáyawan. Hindî kayó mabibigô mg̃a ginóong magigitíng.
“Sáyawan at walâng ibá kundî sayáwan ang inyong ipinarito, kaya’t sáyawan at walâng ibá kundî sayawan ang dito’y áting pagdudumugan.
“Akin lang ipinagpapauna na ang sáyawang itó ay kakaibá sa lahat ng̃ sáyawan na inyóng alám. Wikà ng̃â’y, bágongsistema; mapapálad kayo sapagka’t kayó ang unang makakákilala sa kanya!
“Sapagkâ ng̃â’t bágo, ay kailáng̃ang siya’y ating ipaaninaw mabúti. Sa sayáwan pong itó, mg̃a ginoó at binibinì, ay hindî mg̃a páa, kamáy at baywang ang magsisiindák. Ang dito po’y magpapakitáan ng̃ gílas at kisig, ay ang mg̃a dilà’t ng̃alá-ng̃alá;kaya’tsayawan ng̃ mg̃a dilà’t ng̃alá-ng̃alá ang sa ng̃ayóng gabí ay siyáng yáyaníg sa báhay ng̃ ating pang̃úlo!”
—“Nilint... na!!”—anáng naka-itim.
—“Pero que bruto”—ang tugon namán ng̃ galít sarigodon.
—“Batid ninyóng lahát mg̃a binibinì at ginóo,”—ang patúloy ni Gerardo—“na dito sa ating báyan ay may isang kapisanang di pa nalaláon ay ítinayô ng̃ kabatáan. Batíd din ninyóng lahat na sa mg̃a sandalîng itó ang kapisánang iyán ay kasalukúyang naghihilik sa lálim ng̃ pagkahimbing.
“Ang di na yatà makasanglibong pagtawag ng̃ púlong na laging nabibigô, ay labis na nag-uulat sa katotohanang itó. Ang pagkakabitin sa impapawíd ng̃ lahat ng̃ mg̃a panukalang inaharap at pinag tíbay sa lóob ng̃ kapisanan, ang pagkabigô ng̃ aklatang itatatag, ang pagkabigô ng̃ páhayagáng palálabasin, ang pagkabigô ng̃ mg̃a papúlong, ng̃ paaralán sa gabí, at ng̃ mg̃a kung anó-anóngcampañana sagánà sa hang̃in—ang lahát ng̃ iyán mg̃a binibinì at ginóo, ay isa pang di mapupuwing na saksí ng̃ pagkaúring mantikang-tulóg ng̃ ating Kapisánang kagúlatgúlat noóng kanyáng mg̃a únang áraw!
“Sa gitnâ ng̃ ganitóng kalagáyang dápat ikahiyâ ng̃ kabatáang Libís, síno ang áting dápat sisíhin?
“Ang mg̃a nang̃ung̃ulo sa kapisánan?
“Akó na maláon nang nagmamasíd sa ginagawâ niláng pagtupád sa kanikaniláng tungkúlin, ay walâng úlikúlik na makakapagsábi na ang mg̃a ginóong iyán ay nagawâ ná ang lahat ng̃ abót ng̃ kaniláng káya.
“Ipinatútúpad ng̃ pang̃úlo sa áting mg̃a kaanib, ang palatuntúnan at mg̃a alituntúnin, dápwa’t áayaw táyong magsisunód! Kaniláng iminumungkahì na isagawà ang mg̃a panukala’t bátas na pinagkayarian nátin, dápwa’t áayaw tayong magsikilos!
“Tumatáwag ang kalihim ng̃ púlong áraw-áraw halos dápwa’t áayaw táyong magsidaló!
“Mahúsay na hinihing̃î ng̃ Ing̃at-yáman ang ambag sa bawa’t buwan ng̃ bawa’t isa, ng̃uni’t átin siyáng pinagtátaguan!
“Síno ng̃ayón ang dápat managót sa pagkadiwarà ng̃ kapisánang itó?
“Síno ang dápat lagpakán ng̃ ating pagsisisi kundî táyo rin—táyo na bubuô ng̃ isang kautusán at pagkatápos ay táyo rin ang sa kanya’y susúay?
“Síno ang dápat nating sumpâin kundî ang átin ding mg̃a katawán—Táyo, na lilikhâ ng̃ isang matáyog na panukalà para sa ikabubuti ng̃ bayan at pagkatápos kapag isasagawâ ná, ay tayo rin ang kaunáunahang malululà, ang kaunaunáhang uurong?
“Síno ang dapat managót sa lahát ng̃ itó, mg̃a ginóo, kundî tayo rin—táyo na kadalasa’y dahil lang sa kaunting sakít ng̃ ulo, ó kaya’y ng̃ ng̃ipin, ó dúlo ng̃ kukó; dahil lang sa kauntíng ulán, sa kauntíng ínit ng̃ áraw, sa kauntíng antók, sa kauntíng layò ng̃ pagpúpulung̃an, sa pagkawalâng mákasáma, ó sa pagkawalângmabuntutan—dáhil na dáhil lang diya’y di na táyo magsisidaló sa púlong?... ¡¡Samantalàng kápag isáng sáyawan ang atíng dádayúhin, ay sumasagasà táyo sa unós at buháwi, nawawalâ ang sakít ng̃ ulo, napapawì ang antók, di iniindá ang ínit ng̃ áraw ni sinusukat ang layò ng̃ pagdaraanan!!
“Sino ang dápat kilabútan sa hiyâ kundî táyo rin na kung makaísip mang dumaló sa púlong, ay panayon na lang mg̃a hulí—panayón na lang animo’y mg̃a kúhol?—Táyo na muntíng maantig ang bulsá, munting mahing̃an ng̃ maipagtatawid búhay ang kapisánan, ay magpápakalayô-layô na di na maáapúhap kahi’t na nakakayanan ang halagáng hinihing̃î? ¡¡Samantaláng kapág ang isáng sáyawan ang paguukúlan, ay malúwag na malúwag at galák na gálak táyong nagkakaloób ng̃ píso, piso’t isang salapì, at kung minsan pa’y hanggang dalawá!!
“¡Ah, mg̃a kabábayan!... Kung ang mg̃a katotohanang itó na sakdál ng̃ papaít ay nakasusúgatsa inyóng mg̃a damdámin, ako’y di nagsisisi! ¡Tinutupád ko ang áking katungkúlan!
“Karápatdápat at kailáng̃ang mabatíd nating lahát ang hubád at wagás na katotohánan, na, ang kabatáan sa bayang itó ay kúlang pa ng̃ lakás, kulang pa ng̃ tyagâ, pagtitiis, at siglâng walâng máliw! Walâ pa ditong tunay na kalakasan ng̃ loob na kinakailang̃an upang maisagawâ ang isang adhikâng mataas!
“Ah, Kabatáan, Kabatáan! Kay lakás mong mang̃árap, dapwa’t kay dalî mong masawan, kay dalîng manglumó ng̃ iyong pusò, kay dalî kang panghináan ng̃ túhod!...
“Iyán ba ang kabatáang pinang̃ápang̃árap ng̃ Dakilàng Rizal?
“Iyán ba ang kabatáang inaasahang tútubós sa Báyang itó na ng̃ayo’y nábibing̃it sa bang̃in ng̃ kamatáyan?
“Iyán ba angmg̃a kawal ng̃ tagumpay Bukas?
“¡Ah, Kabatáan! kung ang mg̃a malilíit na kapisanan ay di mo mapagtiyagaang buháyin, papaáno kayâng pagbúhay ang iyong gágawin sa isâng Bayang malayà?
“Kaunti pang paghuhunosdilì, kaunti pang pagling̃ap sa dang̃al ng̃ katungkulan! Kauntî pang pag aáalaála sa kinábukasan!
“Samantálang ikáw, Kabataan ay waláng hanapkundî sayá at ligaya, samantálang di ka natutútong umibig sa walâng likát na pagpapágod, pagbabatà ng̃ hirap, at pagsusunóg ng̃ kílay; samantalang, di ka natutútong tumalikod sa mapanghalinang kawáy ng̃ mg̃a bulaklák, sa matatamis na awit ng̃ mg̃asirena, úpang makatupád sa isáng katungkúlan; samantalang ikáw ay nabúbuhay sa himpapawíd ng̃ mg̃a pang̃árap at di sa párang ng̃ paggawâ; samantalang ikaw ay walâng loob na íukol sa sarili mong bayan ang bawa’t galaw ng̃ iyong isip, bawa’t tibók ng̃ pusò, bawa’t sandalî ng̃ iyong panahón, bawa’t paták ng̃ iyong dugô; samantalang nananatili ka sa mg̃a ganyáng kalagáyan, ikáw, kabataan, ikaw ay di dapat tawagingPag-asang̃ tinubuan mong lupà; ang dápat itáwag sa iyó ayHampasng̃ Diyós sa iyóng Lahì!”
Pinútol dito ni Gerardo ang kanyáng talumpatì. Dátí-dáti tuwî siyáng magsasalitâ nang hayág, ay di maúbos-úbos ang papuri sa kanyá ng̃ madlâ; ng̃uni’t ng̃ayón, maánong nagtamó siyá nang kahi’t gaputók na palakpák!
Sa mg̃a binatà marámi ang sa kanya’y ng̃ung̃usò-ng̃usò at iírap-irap; may iláng dadábog-dábog at búbulong-bulóng.
Si Choy ay tuwâng-tuwâ nang maalámang di mátutulóy ang ipinang̃akong sayáwan. Kamuntî na siyáng makalápit sa naka-lanaupangito’y mábigyan ng̃ isáng mabining “Hiilatt!” Ang mukhâ ng̃ naka-lanaay di maipintá noón.Hindi nagkásiya sa isinimásimáng̃ot at ipinisépshe. Sa huling bahági ng̃ talumpatì ni Gerardo ay walâng ibinubugá ang nagkakangng̃ing̃iwi niyang mg̃a labì, kungdî payak na:
—“Suplado!Hambug! Hi...! Palalò! Yabang!... Para ka riyang isang lélong na nang̃ang̃aral sa amin ah! Cu...!”
Pabulóng kun bigkasín ang mg̃a salitáng itó, na anopa’t walâng nakáririníg kundî yaong mg̃a malalapit sa kanyá!
Hindî lang ang bibig ng naka-lanaang nang̃ung̃usap: ang mg̃a matá niya ay may lalong mahalagáng bágay na inihahayág. Ang mg̃a namumutèng matáng iyón kun titígan si Gerardo nang siya’y nagsasalitâ ay parang tumitítig sa isang nag-papaálam na bibitayin, kundi man sa isang kabaong na, sa isang tigmak na sa dugô!
Ang naka-lanaay si Juancho!—si Juanchong masidhing kaaway ni Gerardo sa lahat ng̃ bagay; ang nabigôngkandidatosa kamay ni Elena, ang bunsong kapatid ni Kápitang Memò na kanyang kinasapakat sa madugô niyáng paghihigantí kay Gerardo!—paghihigantíng gáganapin nilá sa gabí ding iyón!....
Nang matápos ang talumpatì ni Gerardo, ang pang̃ulo namán ng̃ “Dakilàng Mithî” ang pumagitnâ. Siyá ay isáng táo na di-masalitâ; at kung magsalitâ man siyá ay banayad, parang tinitimbáng ang mg̃a sinasábi; hindi siyá gumagámit ng̃ mg̃a salitâng labis at di kailang̃an; walâng bulá-bulaklák, waláng pahá-paháng̃in, gaya ng̃ daan-daan diyang mg̃a mananalumpatî na tuwing magsasalitâ ay walang nagagawâ kundi lunurin sa háng̃in ang sa kanila’y nakíkinig. Ang pang̃ulo ng̃ “Dakilang Mithî” (kun ibig ng̃ bumábasa na siya’y lalong mákilala) ay isang nagaaral ng̃Derechosa isang bantóg na paaralán sa Maynilà; ilang taón na lang at siya’y tútupad na sa dakilàng tungkuling pagtatanggól sa kápwa.—“Hindî bagay sa iyó ang mag-abogado, Abraham!”—ang láging iginigiit sa kanyá ng̃ mg̃a kaibigan—“Ang dapat mag-abogadoay yaóng mg̃a táongmasalita, hindî ang mg̃awalang kibóna gaya mo!” Labis na batid ni Abraham ang kaululan at kahang̃alang isinisiwálat ng̃ mg̃a gayóng pang̃ung̃usap; kaya’t lalò niyang tinikís. Samantalang hinihigpitán ang kapit niyá sa pagaaral ng̃Derechoay lalòng pinag-ibáyo niya ang pagtitipid ng̃ salitâ. Sa paninikis na ito ni Abraham, ay ibig mandín niyang ipamatâ sa mg̃a bulág na pag-iísip ng̃ kanyáng mg̃a kakilála na upang maging isángmapagwagîngabogadoay di kailang̃an na magíng isangdaldalero!... Kay rumami ng̃â namán ang nagkakamalî sa bahaging ito ng̃ Karunúng̃an, ang akalà nila’y sa pamamagìtan ng̃ isáng bung̃ang̃ang walang tahán ng̃ kábubugá, ay mapasusukò ng̃ isangabogado, sa alin mang usapin, ang kanyáng kalában; at ang isang táongbung̃ang̃eroay pílit na magíging isang maningníng naabogado.
Kung gayo’y dapat manding imungkahì sa pamahaláan, na magtatág ng̃ isangEscuela de Derechosa loób ng̃Hospicio de San Josepara sa mg̃a nakukulóng doón, na kahi’t nagiisa ay... ¡usáp pa rin ng̃ usáp!...
Oh, magsipagtahan kayó mg̃a úlong marurupok!
Hindî pa ninyó batíd yaong mg̃a palásak na kasabihang: “Ang pantas ay walang kibo” alalaong baga’y hindìdaldaleronidaldalera. (He who is wise, keeps still.) (Hombre de poco habla mucho piensa.) At, “ang salita ayPilak(¡ng̃unì’t!)ang pananahimik ayGINTO!” (Speech isSilver,silence isGOLD!)
Hindî pa rin ninyó batid ang mg̃a katotohánang sumusunód:
1.—Na, upang maging pantás sa alin mang hánapbuhay, maging sa pag-aabogado at maging sa pag-memedico, atb., ay dalawáng bagay angkailang̃an: Una,Magmasid; ikalawa,Kumuro. Ng̃ayon, ako’y nagtatanóng, sino ang lalong malínawmagmasidatkumuro: ang isang walâng humpay ng̃katututtuttut, ó ang isang tahímik na nakíkiníg at umiísip, maíng̃at na tumíting̃in at tumitimbang sa bawa’t tamaan ng̃ matá?
2.—Angabogado, ó sino mang táong di masalitâ, tang̃i na lang ang mg̃a mangmang, ay may panahon upang pagarálan at lubáhing mabúti sa kanyáng ulo, ang isang pagkukurò, bago ihayág; nakapipilì siyá ng̃ mg̃a salitang angkóp at matitíbay; napipilì niyá ang lalong matíbay na paglalahad sa ibig sabíhin. Ano ang ibinubung̃a? Kaliwanagan! Lakas! Ang kaliwanágan ng̃ pang̃ung̃usap ay kapangyaríhan sa isang pagtatalo!
Samantalang sa kabilang dáko, ang isáng walâng pahing̃a ng̃ daldál, tang̃i pa sa nakayáyamót at nakaaaksayá ng̃ panahón (hindî lang ng̃ kanyáng panahon kundî patí ng̃ panahón ng̃ kausap) ay di nagagáwing timbang̃in at kuruìng mabuti ang isáng bágay bago ihayág; di napipilì ang mg̃a salitang dapat gamítin; walâng mahúsay at makatwirangpagkakasunódsunódang kanyáng isinásalaysáy; nálalahók ang mg̃a bágay na waláng kabuluhán at di kaíláng̃an, at kun minsan pa’y sa kadalasán ng̃ salitâ ay di naiísip ni naaalaman angmg̃a pinagsasabí! Anó ang napapala? Kahinàan! Kagusután! Kalabuan!
At ang isangabogadongmahinang mang̃atwíran, magusút kung umisip at malábong mang̃úsap ay isángabogadong... ¡kahabág-habág!
3.—Ang mg̃aabogadona kapag nagtatanggól sa isáng paglilítis, ay walang nalálakasán kundî payák na paháng̃in at daldal, mg̃a paikot-ikot at walâng katuturáng pang̃ung̃úsap, ay paraparang kinasúsunukán, kinarírimaríman at hindi pinagdídidiníg sa loób ng̃ mg̃a hukúmang ináabot ng̃ liwánag ng̃ siglo XX... Ang tinatangkílik, ang kinasasabikán, ang dinídinig, ang kiníkiling̃an, di man sinasadyâ, ng̃ hiyáng ósimpatíang̃ isang taál at pantás na hukom, at yaóngabogadona di nagaaksáya ng̃ salitâ, yaóng di nagsasalitâ kundi kailáng̃an, yaóng maalam ihayág ang ibig sabihin sa íilan at pinilìng salitâ, yaóng malumánay, banáyad, dapwa’t matibay at matalínong mang̃ang̃atwíran, yaóng bawa’t bigkasín ay may kahulugán, bawa’t isalaysáy ay malínaw at mahúsay—iyán ang túnay naabogadongdapat kilalánin ng̃ lahat.
Dápwa’t, gíliw na bumabasa, tayo mandin ay lubhang napapakálulong sa pagkakalayo sa sinúlid ng̃ ating kasaysáyan. Tayo’y búmalik at pakinggan natin kung anó ang sásabihin ng̃pang̃ulo ng̃ “Dakilang Mithî” sa kanyáng mg̃a kasamahán.
“Mg̃a kasáma:
“Upang tayo’y magkatipon, at makapagdáos ng̃ púlong, ako’y náyag na kayo’y dayàin.
“Ang pagdadayà ay masamâ.
“Ng̃uni’t kung minsán ay kailang̃ang gumawâ ng̃ masamâ upang matamó ang isang kabutihan.
“Kailang̃ang barilín ng̃ isáng pinunò ang sundálo niyáng tumátakbó sa labanán upang ang ibá ay huwag magáyang umúrong.
“Kailang̃ang sugátan ang bató upang mapalabás ang kanyáng apoy.
“Ng̃ayon: alam na ninyó kung bakit kayo’y aming dinayà.
“Ayókong aksayahín pa ang mahalagá ninyóng panahón.
“Pasimulán nátin ang púlong.
“Mg̃a ginoó: anó ang inyóng pasiya? Sa áking akala’y ang kapisánang itó ay dapat nang lansagín.
“Dapat lansagín ang sabí ko sapagka’t walang kabutihan siyang nililikhâ; bagkus pa ng̃ang payak na kasamâan ang kanyang ibinubung̃a.
“Sa kapisánang itó nagbubúhat ang pagbibigátan ng̃ loób, díto nababanáag ang lahat ng̃ mg̃a ugáling karumaldúmal ng̃ kabataang Libis; dito nádadamá ang maráming katotohanangmasasakláp na dápat ikahiyâ ng̃ ating mg̃a nunò sa kabiláng búhay.
“Hindî kayâ marápat na lansagín ná ang kapísanang iyán?
“Hintáy ko ang pasiyá ng̃ kapulúng̃an.”
Ang kapulúng̃an ay di sumásagot. Ang banáyad ng̃uni’t matitinding pang̃ung̃usap ng̃ pang̃ulo, ang nang̃ing̃inig niyáng bóses, ang kanyang nagbabagang paning̃in, ay nagpayukô sa lahat. Ni si Juancho, ni si Choy, ni ang naka-itim ay walâng naihumá.
Naghaharì sa boóng báhay ang piping katahimikan. Nakaraan ang limangminuto; walâ pa ring sagót.
Walang kamalák-malák ay nang̃agtilian ang mg̃a babáe.
“Demónyo! Tatay ko! Demónyo! Nanay ko! Demónyong sung̃ayan! Demónyong may buntot!”—ang sigaw niláng dî magkamáyaw.
At demónyo ng̃â namán!... (Noon ay kasalukúyang nagdadaos ng̃ Karnabál sa Maynilà.)
Sinalúbong ng̃ pang̃ulo sa hagdánan ang nakabalat-kayô.Isáng liham para kay Gerardo ang taglay niyá.
—“Síno kayâ itó?”—anang naka-itim at pagdaka’y lumápit sa demonyo na nakating̃in kay Gerardo samantalang binabasa nito ang tinanggap na liham.
—“Sino ka bagá, ha?”—ang mulîng tanong ng̃ naka-itim, at pagdaka’y sinulot sa tagilíran ang nakabalatkayô.
—“Aruy!Tinamaan ka ng̃...!”
Ang¡aruy!ay ibinung̃a ng̃ isáng tábig ng̃ demonyóng nakilitî—tabig na tumamà sa sikmurà ng̃ pang̃ahas. Dalì-dalìng umupo ang naka-itim na tutóp ang tiyán.
Humúgong sa tawa ang boong bahay.
Ang pang̃ulo ay pumukpók sa kanyang laménsa. Naputol ang tawánan dapwa’t di ang bulúngbulúng̃an, di ang pagsulyáp sa demónyo at sa tinábig niyáng napang̃iwi’t súkat.
—“Síno ng̃a kayâ iyan?” ang mulîng usisa ng̃ bálana.
—“Ah, kilala ko na! iyán ay si Tunyò”—anang isa.
—“Hindî, si Basio iyán!”—anang isa pa—“tingnán mo’t ang katawán ay Basiong-basio!”
—“Hindî; maniwalà kayó,”—ang sabád namán ni Choy—“iyan eh si kumpáring Kulás.”
Malî silang lahat. Si Juancho lámang ang nakababatid kun sino ang demonyóng iyon!
—“Pagsalitaín ng̃â natin”—ang bigkas ng̃ isang pingkaw—“Hoy demónyo! demónyo! magsalitâ ka ng̃â.”
Ang demónyo’y parang bing̃í. Hindi ináalis ang ting̃in kay Gerardo na pagkatápos na mabása ang sulat ay lumapit sa may dalá at tumanóng:
—“Sino kayo?”
Ang demonyo’y parang pipi. Kumumpás-kumpás na lang at iginaláwgaláw ang ulo na tila ang ibig sabihi’y:
“Manáog ka sa lupa’t doón táyo magkakaalam!”
Si Gerardo ay napang̃itî na lang sa ikinumpás-kumpás ng̃ nakabalatkayô. Dapat kayâ siyáng sumáma? Tiningnán ang liham at sandaling nag-alinláng̃an; pagkwa’y,
—“Táyo!”—anya, at inakbayán pa mandín ng̃ demonyo, bágo silá nanáog.
—“Naku! Si Gerardo!”—ang di man kinukusa’y nalaglág sa mg̃a labì ni Pacita na malakíng totoó ang tákot sa demonyo, palibhasa’t noón lang siyá nakakita ng̃ gayóng gayák.
Si Elena namán ay putlâng-putlâ; kákabá-kabá ang kanyáng dibdib.
—“Kilalá mo ba iyón?”—ang pang̃atál na tanóng kay Florante na kanyáng kaibigan, at noó’y kasiping sa upô.
—“Hindi, ah!”
—“Masamâ ang kutob ng̃ áking loób. Nagíisási Gerardo—Baka siya’y kung anhin!... Ako’y nang̃ang̃ambá!”...
—“Susundán ko!”
—“Para mo nang awà Florante.”
Noón di’y nanáog ang binatà.