XV

XV“Gerardo, Násaán ka?”Ang púlong na binagabag ng̃ demonyo ay mulîng pumayapà.Maging ang mg̃a laláki at maging ang mg̃a babáe ay áayaw sumukò; áayaw pumáyag na lansagin ang kapisánan.Aywan kung dáhil sa anóng kababalaghán, aywan kung dáhil sa talumpatì ni Gerardo ó kung dáhil sa pagsipót ng̃ demonyo, ang lahat ng̃ mg̃ataga-“Dakilàng Mithî” ay nakitáan noóng mg̃a sandalîng iyón ng̃ isáng kagúlat-gúlat na pagbabágo. Katúlad sila nina Adán at Eva na nang mapagkurò ang kaniláng pagka-hubád ay nang̃ahiyâ’t dálidáling nagsipágtapî; katulad silá ni San Lázaro na nang patindigin ni Krísto, sa kanyáng libing ay tumindíg ng̃â’t muling nabúhay. Anopa’t sa minsángsábi, ang naunsiyaming siglá ng̃ “Dakiláng Mithî” wari baga’y muling nanariwà.Pinagkáisahan na ipatutúloy ang lahát at báwa’t isá ng̃ mg̃a panukalàng nabibitin; álalaóng bagá’y ang úkol sa páaralán, aklátan papúlong, mg̃acampaña, atb. At noón ding gabing iyón ay nag-ambágan ang lahát, máliban na lang ang ilán na talagáng ibig nang tumiwalág sa samahán; kaya’t walang kamalák-malák ay nakatípon at súkat ang ing̃at-yáman ng̃ salapîng sapát at katamtáman upang maisagawâ ang kaniláng mg̃a matatáyog na pang̃árap na muntî nang mabulók.Sa hulîng bahági ng̃ púlong ay nagkaroón ng̃ kaunting pagtatálo; pinagtalúnan ang kung nararápat ó hindî na ang kapisánan ay manghimások sapolitika.Si Faure ay nagsasabing nararápat; at siyá ang nagpalagay na ang kapisanan ay maaáring lumahok sa polítika; samantálang sa kabilang panig si Juancho namán ay nagmamatigás na di nararápat. Itóng hulí ay bumigkás ng̃ isáng mahabàng talumpatì na dinulúhan ng̃ mg̃a ganitóng pang̃ung̃usap:—“Manghimasok táyo sa polítika?... Kay samâng palagáy!... Táyo na mg̃a batàng-batàpa, ¿anó ang áting masasápit sa gáwaing iyán?... Huwag táyong pakasúlong, mg̃a kabinatà, huwág mang̃ahás sa di nátin káya... Kailang̃an dito’y mahabàng pag-aáral, mg̃a malalálim na pagkukurò at pag-iísip na hinóg at di hiláw na gáya ng̃ átin. Ipaubayà iyán sa mg̃a matatandâ; iya’y di nábabágay sa kabatàan”....Si Juancho ay umupô; pagdáka nama’y tumindíg sa dákong likod niyá si Faure.—“G. Pang̃ulo”—anya—“di ako namamanghâ sa pagsalung̃át ni ginoóng Santos sa áking palagáy; kamí ay láging magkalayô ng̃ damdámin; siya’y isá sa mg̃a sumásambá sa bandilàng áyaw hiwalayán ng̃ mg̃a Pederal; ang ng̃álan ko nama’y nakatítik saplataformang̃ Partido Nacionalista.... Wikà niya’y di táyo dápat manghimások sa polítika, sapagka’t táyo raw ay mg̃a batàngbatà pa, sapagka’t tayo’y walâ pang káya.... Di ko hinahanápan ang ginoó ng̃ ibáng paghahakà.... Walâng káya! Iyán ang bukáng-bibig ng̃ mg̃a gaya niyáng Pederal at ng̃ kaniláng mg̃a amá-amáhan; iyán ang kaniláng pang̃arap araw gabi, iyán ang lagì niláng naguguni-gunitâ, dinádasál-dasál, ibinúbulóng-bulóng... Ipinahihiwátig ko sa aking katálo na sa pagnanasà kong pumások ang kapisánan sa bakúran ng̃ polítika, ay walâ akóng minimithî kundi ang pagsikápang liwanágan angmg̃a tungkúlin ng̃ mg̃a mámamáyan sa kaniláng Tinubúan; bakáhin iyáng ating namamalas ng̃ayóng mg̃a kahálay hálay na pagwawalang bahalà, mg̃a kasagwâan ng̃ ilán sa ating mg̃a pinunò, at ang mg̃a duwág na pagyuyukô ng̃ ulo sa haráp ng̃ mg̃a mapagharì-harìan. Hiláhin sa liwánag ng̃ áraw at ihantád sa matá ng̃ Bayan ang mg̃a kaáway niyáng lihim, sina Masasakim, sina Mapagbalatkayó, sina Kukong-lawin. Pukáwin ang lakás ng̃ lahì upáng palayasin dito ang mg̃a dayúhang magdarayà na sumasalung̃at sa kanyáng pinakamámahal na damdámin at náis, at yumuyúrak nang líhim sa karapatán at kalayàan na pamána ng̃ Diyós sa kanyá. Ipaála-ála sa kanyáng lagì na ang Báyang di kumikilos ng̃ ganitó, ang Báyang nagtítiís sa pagwawalâng kibô at nagkakasya na lamang sa lihim na pananang̃is, kapág siya’y dinudusta, ang bayang iya’y alípin, busabos, duwág... Itó, mg̃a kababayan, ang pinakamimithi kong layunin ng̃ ating kapisánan. ¿At alin ang kaluluwáng may dang̃al, matandâ man ó batà, na makapagsasabing siya’y walang lakás at káya na tumupad na ganitóng dakilang katungkúlan?“Mg̃a batà pa raw táyo! Ang isip yata’y pulós na matatandâng hukluban lamang ang marúnong sumurì sa mg̃a bágay na iyán!... Sa isáng binatà ay walâng dápat makasindák, walang dápat makapígilsa kanyáng paglakad, waláng dapat makahadláng sa kaniyang iniíbig; kaya’t walâ sa matwid ang isang magsábing tayo’y walâng káya na maghimasok sa polítika.”Si Juancho noo’y kasalukuyangninenerbyos. Di magkantututo sa pagsigaw ng̃:—“G. Pang̃ulo; hindi ko maáayunan ang mg̃a ipinahayag ng̃ hulíng nagsalitâ, hindi ng̃a po, at makásanglibong hindî!!...” (at dito’y pinang̃inig pa mandin ang boses na ubos-diin) “Ipinalálagay ko pong ipaliban ang pagtatalo sa...”Isáng malakás na pukpok sa lamesa ng̃ Pang̃ulo ang ikinaputol.—“Di matátanggap ng̃ mesa ang inyóng palagáy,”—anya—“sapagka’t di pa napasisiyahán ng̃ pulong ang palagay ni G. Faure na kinatigan ni G. Lauro.”Dali-daling umupô si Juancho. Nagpatuloy ang Pang̃ulo:—“Mayroón pa bang pagtatalo tungkól sa bagay na ito?... Kung wala, lahat ng̃ umaáyon sa mungkahi na ang kapisanan ay maáaring manghimasok sa polítika, ay magsitindig.”Sa apat na pu’t tatlong kaanib na naroroón, ay anim lang ang di tumindig.—“Ginoóng Pang̃ulo”—ang mulîng bigkás ni Faure—“Ipinalálagay ko pô na ang ‘Dakilàng Mithî’ sa pamamagitan ng̃ kaníyáng pang̃ulo,at kalihim ay magpadalá ng̃ isáng kalatás sa bawa’t kapisánan ng̃ kabatáang natátatag sa Sangkapulûan, upang sila’y anyayáhan na umánib sa átin sa paghing̃î sa Báyang amerikano ng̃ lalòng madalî at karakarakang Pagsasarilí ng̃ Filipinas.”—“Kinakatigan ko pô ang palagáy ni G. Faure”—ang pagdaka’y isinunod ni Pacita.Lahát ng̃ matá ay nakasulyap kay Juancho, na sapagka’tleaderng̃ mg̃a pederal sa “Dakilàng Mithî” ay siyang lalòng may katungkúlang sumalung̃at sa gayóng mungkahì.Nakaraan ang iláng sandalî.Si Juancho ay dî umiímik! Nakapakò ang paning̃ín sa kanyáng orasán na para bagáng binibilang ang mg̃a¡tiktak-tiktak!nitó. Manaká-nakáng ting̃alaín at pakiramdaman ang bubóng na páwid ng̃ báhay. Ang boông anyô niyá ay gaya ng̃ sa isáng mang̃ang̃áso, na mulâ sa malayò ay nakikiníg sa takbuhan ng̃ mg̃a usá.Sa gayóng lagay ni Juancho, ay di niyá nápapansín ang ikinindát-kindát sa kanyá ng̃ kanyáng mg̃a manók na ang ibig sabihi’y “Lantakan mo!”; di niya nararamdamán ang mg̃a kalabít sa kanyá ng̃ mg̃a násalikod; di niya alumána ang pang̃ung̃unot ng̃ noó ng̃ naka-itim na nang di na makapagbatá ay biglánglumundág at úbos lakás na inahiyáw ang isáng matápang na—“G. Pang̃ulo!!”—“G. Kabúyas”—ang tugón namán ng̃ pang̃ulo.Si Kabúyas ay naghágis muna kay Juancho ng̃ isáng nanglilísik na ting̃in, bágo nagpatuloy:—“Sa ng̃alan pô ng̃ dang̃ál ng̃ ‘Dakilang Mithî’ ay tinututúlan kong mahigpit ang mungkahì ni G. Faure.“Hindî ko mapagkurò kung bakit ang isáng magiting na ginoóng gaya ni G. Faure ay makaísip na magharáp dito ng̃ isáng palagáy na waláng kaúlo-úlo at walâng maibubung̃a kundî libo-libong pulà sa katalinuhan ng̃ ‘Dakilang Mithî!’”—“Bravo! Bravo!!”—ang di magkamáyaw na sigaw ng̃ mg̃a pederál. Ito’y lalò pa manding nagpainit kay Kabúyas.—“Oo ng̃a pô, mg̃a binibinì at ginoó, kapag ang kapisánang ito aytinanggápang palagáy ni G. Faure, ang kakamtán natin ay di lang libo-libo, kundî yutà-yutàng pulà!!“Anó pô ang ating mahihitâ sakali ma’t umanib sa atin ang ibáng mg̃a Kapisánan sa paghing̃î ng̃ karakarakang pagsasarilí sa Báyang amerikano?“Didinggín bagá táyo ng̃ pamahaaán? Makikitúng̃oba ang pamahalaáng iyan sa mg̃a gáya nating musmós?“Kung ang Kapulung̃ang Báyanng̃âay di pinakitung̃uhan nang huming̃î itó ng̃ Pagsasarili, ¿táyo pa kayâ?“Malaking katiwalìan ang nilaláyon ni G. Faure!“Kung ang kapisánan ay may talino at dang̃ál, ang palágay na ito’y di niyá sasang-ayúnan.”Si Kabúyas ay naupô sa gitnâ ng̃ boông kasiyaháng loób. Si Faure namán ang tumindíg.—“Mg̃a kasamahan,”—anyá—“itinatanóng ni G. Kabúyas kun anó raw ang mahihitâ ng̃ kabatàan sa paghing̃î ng̃ karakarakang Pagsasarilí. Hindî pulà gáya ng̃ maling hinágap ng̃ áking katálo kundî pagpúri pa ng̃â ng̃ ating báyan sa ganitong pagkilos.“Hindî man táyo dinggin ng̃ Báyang amerikano ¿ay anó?Makagaganáp tayo sa isang katungkúlan! Katungkúlan ng̃ bawa’t táo na hing̃in ang Kalayàan ng̃ kanyáng Lupà kapág ito’y handâ nang lumayà. Mg̃a busabos lang ang ayáw huming̃î ng̃ Kalayàan. Ang Pilipinas ay maláon nang handâ sa isáng Malayàng Búhay. Ibig ba nátin na ang kabatàang Pilipino ay pang̃anláng mg̃a busábos?“Hindî lang pagganáp sa isáng katungkúlan ang nilalayon ng̃ áking mungkahì. Ibig ko ringipamatá sa Pamunúang amerikáno ang katotohánan na di lang ang mg̃a matatandâng pilipino, kundî patí ang kabatàan ay nagkákaisá sa pananalig na ang pagsasarilí ng̃ Pilipinas ay dápat nang ibigáy sa kanyá; at dáhil sa katotohánang ito ay panahon na ng̃ayóng ang Pamahalaáng iya’y magbágo ng̃ kilos; dápat na ng̃ayóng manaíng̃a at mag-áral gumálang sa damdáming isinisigáw ng̃ Káluluwá ng̃ Báyang namamanhík sa gitnâ ng̃ dúsa. Panahón na ng̃ayóng dápat ipamálas ng̃ Amerika, di lamang sa haráp ng̃ Kapilipinúhan kundî patí sa harap ng̃ Sangsinúkob, na siyá ay may isáng púsong túnay na bayáni ng̃ Kalayàan. Panahón na ng̃ayóng dapat isagawâ ang pang̃ung̃úsap ni McKinley, na ang hang̃ad ng̃ Báyang amerikano, sa kanilang panghihimasok díto, ay di ang pagsúpil kundî ang pagpapalayà sa mg̃a pilipino, (not as a conquering, but rather as a liberating nation.) At panahón na rin ng̃ayóng dapat ipagsigáwan sa mapagbing̃íbing̃íhang Amérika ang di maitátakwíl na katotohánan, na isáng panglulúpig at walâ kundî panglulúpig ang magharì sa áyaw paharì; na isáng ásal-ganid ang pagsikíl sa buhay ng̃ may karapatáng mabúhay nang malayà; na isáng ásal-háyop ang pagsasamantala ng̃ Malakás sa Mahinà!...“Anó pa ang hinihintáy ng̃ Pamahalaáng nakasásakóp? Ibig ba ng̃ Pamahalaáng iyán na si Washington at ang kanyáng mg̃a kapanahóng namuhúnan ng̃ dugo, sa pagtatagúyod sa hang̃ád ng̃ báyan nila nangmaghimagsik; ibig ba ng̃ Pamahalaáng amerikano, aking inuulit, na magsibalikwás ang mabubunying kaluluwang itó sa kaniláng libing̃an at siyá ay sisíhin sa di pagtupád sa kanyáng tungkúlin? Alin pang áraw ang ibig dumating? Kun kailan ba pumutî ang uwak?”...Napútol dito ang talumpatì ni Faure. Si Juancho noón ay biglang lumundag mulâ sa kanyáng upô at nagsisigáw ng̃—“Sunog! Sunog!! Sunog!!!”At siyá ng̃â namang totoo! Nagliliáb ang palupo ng̃ báhay!Nang̃amutlâ ang lahát. Di magkamáyaw ang mg̃a “tubig!” at “Diyos ko!” Nang̃agtilían ang mg̃a babáe. Nang̃ag-iyákan ang mg̃a batà.Takbó ríni at takbó roón; sigáw dini at sigáw doón.Nang̃ag-unahán ang lahat sa pagpanáog.Lumalakí ang apóy! Tupók na ang bubóng ng̃ báhay.Samantalang nagkákaguló ang lahat sa lupà, doon naman sa itaás ay may ibang nangyayári.Dalawáng táo ang nakatayô sa punò ng̃ hagdan: isang babáe na pinipigil ng̃ isáng lalaki.—“Elena,”—ang mabang̃ís na wikà nitong hulí—“sasáma ka sa ákin ó ikáw ay mamámatay!”—“Ulól! at síno kang sasamáhan ko?”—“¡Ang katawán mo ó ang iyong búhay!!”—ang muling sigaw ng̃ lalaki at lalòng hinigpitán ang pigil sa kamay ni Elena.—“Háyop! bitíwan mo akó!”—“Di maaarì!”Sa kapipitlág ni Elena ay nabitáwan ng̃ pumipigil ang kanyáng kamáy. Hálos palundág na nanáog. Ng̃uni’t di pa hálos nararatíng ang kalahatìan ng̃ hagdán, siya’y inábot na namán ng̃ taksíl. Ang pang̃ing̃ibábaw ng̃ Malakás sa Mahinà ay mulíng napatunayan.Sinapúpo ng̃ lalaki ang binibining nanglalambót; ipinanhík mulî, at saka ipinanáog doón sa kabiláng hagdán, sa bandáng likód ng̃ báhay. Walâ doón ni isáng táo, sapagka’t ang lahát ay nagkakatípon sa harapán.—“Gerardo, oh Gerardo! násaan ka?”—ang táng̃ing naisigáw ni Elena.—“Gerardo?, anóng Gerardo?”—ang pairíng na tugón ng̃ lalaki.—“Anó pa ang Gegerarduhin mo ng̃ayón? Si Gerardo’y patáy ná!”—“Tampalasang táo!!”—“Yaóng nanhík kanínang suót demónyo ang siyáng umutás sa kanyá!”—“Oh mg̃a tampalásan!!”Si Elena ay hinimatay.—“Lalong mabuti!”—ang sa sarilí’y nawikà ni Juancho, at pagdaka’y inalúlan ang abâng siElíngsa kalesa niyáng doo’y inihandâng talagá.—“Kutsero, pika!!”XVISa iláng ng̃ mg̃a AswángAng líham natinanggápni Gerardo ay lábis nang nag-úlat sa kanyá na sa gabing iyón ay pilit siyáng makasasagupà ng̃ isang kataksilán.Lábis din niyáng alám na ang pagpáyag na sumáma sa demónyo ay lubhâng mapang̃ánib.Dápwa’t umúrong sa pang̃anib ay ugalì lang ng̃ mg̃a pusong marurupók, hindî ng̃ mg̃a gaya niyáng walâng tákot na kinikilala kundî ang tákot sa kaniláng Diyós at Báyan; hindî ng̃ mg̃a“Mapagbiróng lagì sa tampó ng̃ buhay“Mapaglarô kahi’t sa labì ng̃ hukay.”Ang gabí noón ay sakdal ng̃ dilim. Sa maulap at masung̃it na lang̃it, ay walâ ni isa mang bituin.Nang siná Gerardo ay mapaláot na sa gayong kadilimán, ang demonyo ay nagtumúlin ng̃ lakad. Si Gerardo naman ay nagliksí din.—“Sabihin na, páre, kung kayo’y sino;”—ang patawang wika ng̃ binatà sa kanyang kasama.Ang pagkapípi ng̃ demonyo ay patúloy pa rin. Walang itinugón kay Gerardo kundî mg̃a di mawatásang bulóng; at lalòng binilisán ang hakbáng.Saán silá patúng̃o? Itó maráhil ang ibig na maaláman ng̃ bumabasa.Dapat munang unawain na ang báhay nina Pepe na kanilang pinanggaling̃an ay nagíisang nakatayô sa labás ng̃ báyan ng̃ Libis, sa tabi ng̃ isang mahabàng dáan na patung̃o sa Maynilà. Mulâ sa bahay na iyón, ang isáng maglalakbay sa Maynilà ay kailang̃ang lumakad ng̃ mg̃a isáng óras bago dumating sa kapwà báhay. Ang dáang itó na patung̃o sa Maynilà, ay siyáng tinatalakták nina Gerardo. Kalahating óras na siláng naglálakad ng̃uni’t di pa tumitigil. Naiinip na si Gerardo, dapwa’t gayón na lang yatà ang kagandahan ng̃ kanyáng ugalì na kahi’t ang isáng pagkainip ay áayaw ipahalatâ kahi’t sa isáng demonyo. Bukód sa rito’y talagá namáng nátigasán niyá ang pakikipagtagálan sa kanyáng kasáma saan man siya dalhín palibhasa’t malaki ang nais niyáng mabatid kung tunay ng̃ang matutupad ang mg̃a sumbat sa kanyá na natatalâ sa tinanggáp na liham.Sa di kawasa’y lumikô ang demonyo sa isáng landás. Ang binatà nama’y lumiko din.Di naláon at sila’y sumápit sa isáng iláng, na dáhil sa kasukálan, ay matatawag nang gúbat. Isang bahagi ng̃ iláng na íto ay pinang̃ing̃ilagang lubhâ ng̃ mg̃a matatakuting taga-Libis túlad ng̃ pang̃ing̃ilag nilá sa isáng libing̃an. Di umano’y may mg̃a lunggâ doón ang mg̃a aswáng. Di umano’y ang mang̃ahas na máglagalág doón sa kalalíman ng̃ gabí ay nawawalâ’t súkat. May mg̃a báboy daw na sung̃ayan, mg̃a kalabáw na parang bága ang mg̃a matá, at mg̃a ásong singlalakí ng̃ kabáyo, na parapárang nanghaharang doón.Itó ang lugal na tinutung̃o ng̃ demónyo.—“Abá pare,”—ang birò ng̃ binatà—“¡baka tayo’y harang̃in diyán ng̃ aswang!”Lalòng nagtumúlin ng̃ lákad ang demónyo at saka tumigil ng̃ biglâng-biglâ.Dinukot sa bulsá ang isang aywan kung anó, bago inalápit sa mg̃a labì. Hinipan. Ang tunóg ay katúlad ng̃ huni ng̃ ahas. Noon di’y pahang̃os na tumátakbo sa kanilang kinatatayuán ang isáng...¿aswáng na kayâ?... putót na putót ng̃ damit na itím—tulad sa itím ng̃ gabí.Ang bágong-datíng at sakâ ang demónyo ay lumayo sa binatá ng̃ iláng dipá, at nagbulung̃an.Sandalî lamang at ang demónyo’y pasugód na lumápit kay Gerardo. Sinaklót itó sa liig, at sakâ nagng̃i-ng̃itng̃it na tumanóng:—“Walâng-hiyâ, ¿kilalá mo ba akó?”Kumulô ang dugô ni Gerardo sa ginawâng iyón sa kanyá. Isang suntók na úbos diín sa sikmurà ng̃ demonyó ang kanyang iginanti. Ang liíg niya’y nabitiwan at súkat ng̃ pang̃ahás na ng̃atál na ng̃atál sa poot, at di magkantutúto sa pagsigáw ng̃ sunódsunód na.——“Waláng-hiyâ!! magsísi ka ná ng̃ iyóng kasálanan! ng̃ayón, ng̃ayon mo akó makikilala!!”Sa sasál ng̃ gálit, at sa gitnâ ng̃ pagng̃i-ng̃itng̃ít, ay di nabatá ang di damukúsin ang mukhâ ni Gerardo.Si Gerardo na noó’y pigil sa bisig ng̃ kasapakát ng̃ kanyáng kaáway, palibhasá’t nadaíg siyá noón sa lakás, ay walâng naitugón kundî mg̃a sipà.—“Ulupóng!! mg̃a duwág!! Ganyán ang mg̃a duwág!!”—“Pápatayin, pápatayin kitá, salbáhe!!” ... Umúrong ang demonyo ng̃ isáng hakbáng; itinaás ang kanang kamáy, at nagpatúloy:—“Nakikíta mo ito, anák ng̃...?”—Noón ay kumidlát; at sa pamamagitan ng̃ liwanag nito, ay napagmalas ng̃ binatà ang kakilakilabot na talibong ng̃ kaaway.—“Itó, itó, ang sa iyo, ng̃ayóy uutás! Uutás! nauunawàanmoba?”—“Sa mg̃a duwag akó’y di natatákot!”—ang nakabibing̃ing sigaw ni Gerardo; at úbos lakasna nagpumilit makakulagpós sa pumipigil sa kanyá. Walâng nasapit ang abâng binatà sa mg̃a bakal na bisíg ng̃ yumáyapós sa kanyáng katawan ¡Isa pang saksi ng̃ pang̃ing̃ibabaw ng̃ Lakás sa Hinà!—“Binagábag mo ang mapayapà kong buhay;”—ang dugtóng ng̃ demonyo—“isiniwálat mo ang mg̃a lihim na pinakaiing̃at-ing̃atan ko, ginising mo ang poot sa akin ng̃ isang báyang dati’y nakayukô sa aking bawá’t maibigan, pinakalaitlait mo ako, pinakadustâdustâ sa matá ng̃ lahat,—ano ang sa aki’y nalálabí? Anó ang dápat kong gawín? ¡Hindì akó isáng babáe na sa gitnâ ng̃ pagkasawî, ay masisiyahan sa pagtutukmol, sa pananambitan, at pananang̃is! ¡Hindî ako ang ulól na magsisisi sa aking mg̃a nagawâ; hindî ako batàng musmos na mapalúluhód sa aking mg̃a ipinahámak úpang sila’y hing̃an ng̃ tawad! Ah, hindî!... ¡Akó ay isáng tunay na laláki—isáng laláking buháy na lagì ang loób!—Akó ang bantóg na si Kapitang Memò na di nagugúlat kahima’t sa kamatayan! ¡Akó ang laláki na marúnong maghigantí!!... Ah, walâng hiyâ! Tálastasin mo na isinumpâ ko ang ikáw ay patayín! patayín!! patayín!!! Unawâin mopatayin!!! Nárito, nárito akó, nárito si Kapitang Memò upang tumupád sa kanyáng sumpâ!!”Mulîng itinaás ng̃ sukáb ang kánang kamáy; ¡dápwa’t ang karawaldawal na náis ay di nagwagí!... Isáng sing-bilís ng̃ kidlát ang noo’y namagitnâ, pumigil sa nakayambáng kamáy, at umágaw sa matúlis na patalím.Sa sumunód na sandalî, si Kapitang Memò ay nábulagtâ. Si Gerardo’y ligtas; iniligtas siyá ni Florante, na sa gitnâ ng̃ gayóng kabayanihan at pagwawagí, di kinukusa’y napasigaw ng̃—“Oh mg̃a swail!! Ang Diyos ay hindî natutúlog!”Nang mámalas ang pagkakátimbuwáng ni Kapitang Memò, ang kanina’y pumipigil kay Gerardo ay kumaripas ng̃ takbó.Sinundán siyá ng̃ dalawáng magkatóto, dapwa’t di inabutan. Biglâng nawalâ. Kinupkóp ng̃ dilím!...Oh ang nagagawâ ng̃ dilím ng̃ gabí!Ang kadilimán bagáng iya’y nilaláng na talagá úpang makatúlong sa mg̃a karúmaldúmal na adhikâ, at mapagtagúan ng̃ mg̃a sukáb?Kung túnay na ang Diyós ay siyáng lumaláng sa kadilimáng iyán, .... ang katotohánang itó, kung katotohánan ng̃â, ay nakapagpapa-alinlang̃ang lubhâ sa pagka-makatwiran ng̃ Diyós na iyán!...XVIIDiyata’t buháy ka pa?Dumating ang magkatoto sa mahabang daan na patung̃o sa Maynilà.Kaginsaginsa’y naulinigan nilá mulâ sa malayò ang isang sasakyang humahagunot... Lumaláon ay lumalakas, sa kanilang pakinig, ang kalugkog ng̃ mg̃a gulong; lumalaon ay tumitingkad, sa kanilang paning̃ín, ang dalawang ilaw ng̃ sasakyan. Di nagtagal at nálapit ang kalesa sa magkaibigan.Tuming̃in ang dalawang binatà sa loob. Nakilala nila ang lulan: si Elena at ang taksíl! Nagulamihanan si Gerardo. Natigilan sandalî, at ... kagaya ng̃ isang ulol na hinagad ang sasakyang lumilipad. Sinundan siya ni Florante.Sino ang makatatatáp sa makamandág na mg̃a damdaming noo’y gumigiyagis at sumásakal sa pusò ni Gerardo?... Oh! Diyatà? Ang kanyang kasi sa piling ng̃ ibá, sa piling ng̃ isang kaaway? Diyatà? At sa gayóng dilím ng̃ gabi? At sa gayóng mg̃a pook?... Oh! Kataksilan!... At yaong mabilís na takbóng iyon, ¿anó ang kahulugan?...Paninibughô, poot, pagka-awà sa kanyangirog, ay sunod-sunod na dumatál sa boô niyang katauhan. Ang sigaw ng̃ kanyang dang̃al, ng̃ dang̃al ng̃ kanyang pagkalalaki, ay daglíng pinukaw ang bang̃ís at init ng̃ silang̃an niyang dugô, pinawì ang pagkahapò ng̃ kanyang katawan, at nagdulot ng̃ ibayong lakás at siglá sa nanglulumóng dibdib.Walâng tugot ng̃ katatakbó ang dalawang magkatóto. Lumalaon ay lumalaki ang pagitan nila at ng̃ sasakyan. Sasabihin ng̃ mg̃a pusòng mahihinà, na sila’y walâ nang pag-asa. Dapwa’t di gayon. Sa mg̃a kawal na iyon ng̃ kabayanihan, ang pag-asa sa isang pagwawagí ay lalong kumikinang at nagbabaga habang napápabíng̃it sa pang̃anib, pagkasawî at kamatayan.Talagáng ganyan ang mg̃a bayani!Talagang ganyán ang mg̃a naghahabol at umuusig sa ng̃alan ng̃ Matwíd, sa ng̃alan ng̃ Dang̃ál, sa ng̃alan ng̃ isáng dalisay na Pag-ibig! Parating buháy ang Pag-asa! Papaano’y buháy na lagi ang pananalig na, sapagka’t katwiran ang hánap, ay may isáng makatwirang Bathalà sa Lang̃it na sa kanila’y tutulong at magdudulot ng̃ tagumpay.Pagkaráan ng̃ ilang sandalî, ang sasakyáng hinahábol ay sumapit sa isáng tuláy na lumà. Sa isáng dulo ng̃ tuláy na iyon ay may isáng malakíng bútas na, sapagka’t di pa natatagalan ay di alám niJuancho, ni ng̃ kutserong si Kikò, ni ng̃ kanilang kabáyo.Nangyari ang di hinihintáy: Ang mg̃a páang unahán ng̃ hayop ay tumamà sa butas,—kaya’t dagling napatigil. Ang kabáyo ay di makabáng̃onbang̃on sa pagkasubásob. Nagkangbabalì ang latiko at nagkangmamálat si Kikò sa pagsigáw, dapwa’t maanong natinag ang hayop sa pagkápang̃aw!Si Juancho ay galít na galít sa kanyang kutsero. Bumaba sa kalesa at pagdaka’y binatukan nang makalawa ang abang si Kikò.—“Torpe! animal! bruto! Mang̃utsero lang ay di ka marunong!... Bakit di kalagin angtirante, cabrón?”Si Kiko nama’y susukot-sukot na isinauli ang latiko sa lalagyan, at saka susukot-sukot ding kinalág angtirante. ¡Kaybaitna tao! Pagkababàbabà ng̃ loob! ¡Kaygandangugalì! Mg̃a taong gayá niya’y dapatpagkawang-gawaanng̃ lahat ng̃ mg̃a nang̃ang̃arap at nagmamalasakit sa isang maligayang bukas ng̃ Bayang Pilipino! Dapat patulugin ang mg̃a taong ganyan sa isangpalasiona may isangdinamitasa ilalim!... ¡Ang busabos ay busabos lang ang iaanák!... Kung kayâ may mapangbusábos na pang̃inóon, ay sapagka’t may napabubusabos!...Samantalang tinutupad ni Kikò ang banal na utos ng̃ kanyang mahal naamo, ay siyang pagdating ng̃ dalawang binatang hang̃ós na hang̃ós.Lumapit ang isa kay Elena na noo’y nakahilig sa loob ng̃ sasakyan at kasalukuyang hinihimatay na naman, samantalang ang isa nama’y sinugod si Juancho at pasigáw na tumanong:—“Síno ka?”—“At ikaw, sino ka?”Si Juancho’y biglang napaurong ng̃ mamalas ang tindig ng̃ nang̃ang̃alit na si Gerardo.—“Ha? Gerardo?”—ang kanyang pamanghang tanóng.—“Diyata’t si Gerardo ka? Diyata’t buháy ka pa?”Inaunat ni Gerardo ang kanang kamay na may pigil na isang patalim at nang̃ing̃inig na nang̃usap:—“Taksil, anó ang ginawâ mo kay Elena?... Sumagot kaagad ó ikaw ay mamámatay!”Si Elíng noo’y nasaulian na ng̃ diwà. Nadinig niya ang boses ni Gerardo; at nakilala ang kanyang irog na ibinalitang namatay. Lumuksóang binibini sa kalesa at hihikbî-hikbîng niyakap ang binatà.—“Oh, Elena!”—ang mapanglaw na bigkas ni Gerardo;—“Anó ang ibig sabíhin ng̃ lahat ng̃ ito?—Ako’y námamanghâ!... Bakit ka nápaparito?”—“Ginahás akó ng̃ táong iyan!”—“Oh tampalasang lalaki! Walang pusò! Di mo na inalaálang akó ay may kamay!”Ang mapusok na binatà ay biglang lumundag sa kinatatayuan ni Juancho. Tangka niyáng itarak sa dibdib ng̃ sukáb ang hawak na patalím. Dapwa’t di itó nangyari. Si Elena ay namagitnâ.—“Gerardo, oh Gerardo!”—ang kanyang hibik;—“huwag kang papatay ng̃ iyong kapwà, tang̃ing pamanhik!”—“Bayaan ako, Elena!—Alam ko ang aking ginágawâ!—Pumatay ng̃ kapwà ay di laging kasalanan!—Ang kamay ko ay di nang̃íng̃imìng magpatulò sa dugông maitím!—Inibig ng̃ lalaking itó na iluksó ang iyong puri, at nang sa gayo’y madung̃isan ang aking karang̃alan!”—“Ha! ha! ha!”—ang pairíng na halakhak ni Juancho—“Tinatawanan kita, Gerardong hambog! ha! ha! ha!”Muling sinugod ni Gerardo ang kaaway, dapwa’t namagitnâng mulî si Elena.—“Giliw ko, nalalabuan ka ng̃ isip, napadadaig ka sa kainitan ng̃ iyong dugô; huwag oh, huwag! Maghunós dili ka!”—“Bayaan mo akó Elena!”—“Gerardo, may mg̃a hukuman, may Justicia, may Diyós!”—“At may Juancho na di nagugulat sa sanglibong gáya mo, palalò!!”—ang pagdaka’y isinabad ng̃ swail.—“Diyatà, Elena, at ipagtatanggol mo pa ang isa kong kaaway?”—“Hindî ko ibig na siya’y ipagtanggol. Ang kalulwa mo ang siya kong alaála. Ayokong madung̃isan ang kanyang linis; ayokong sumuway siya sa bilin at utos ni Bathalà!”—“Malayò, Elena malayò sa akin! Ni Dios, ni ikaw, ni sinopa manay di ako dapat sisihin sa aking gagawin!... Malayò!”Nagpumiglás si Gerardo; nabitiwan ni Elena ang kanyáng katawan, dapwa’t hindi ang kamay na may hawak sa sandata.—“Pumayapà ka, Gerardo!Huwag mong ikikilós ang iyong kamay, kung ibig mong huwag akong masugatan. Bitiwan mo iyáng patalim, ó mahihiwá ang mg̃a dalirì ko! Bitíw, aking irog, bitíw!”Sumukò din sa wakás ang kapusúkan ng̃ binatà.—“Duwag! ha! ha! ha! talagá kang duwag!”—ang sigaw ni Juancho na anaki’y isang bukod na matapang.Si Florante na mulâ nang dumating sa tulay ay di umi-imik, ng̃ayo’y humarap kay Juancho at banayad na nang̃usap:—“Ang táo ay malayà hanggan siya’y gumagalang sa matwid; kapag binaluktot niya ang katwiran, kapag siya’y lumabag sa makatwirang mg̃a utos, ang kanyang kalayaan ay dapat bawiin. Ikaw ay sumalansang sa inaáatas ng̃ matwid. Kami ay may karapatang kumatawan sa Justicia. Isukò mo sa amin ang iyong kalayáan.”—“Ha! maginoong Florante! At sino pô kayo na aking susukuan?”—“Walang maraming salitâ!Sasáma ka sa hukúman ó hindî?”—“At sino pô kayó na aking sásamahan?”—“Mg̃a kapantay mo, na ng̃ayo’y may karapatáng makapangyári sa iyó!... Sasáma ka ó hindî?”—“Baka ikaw ay nahihílo!”—“Sumagót ka ng̃ tapát, sasáma ka ó hindî?”—“Híndî!!”—“Ulol! Ibig mo pang ikaw ay gamítan ng̃ lakás?”—“Hitsura ninyong iyán ang aking uurung̃an!”Si Juancho ay naglilís ng̃ manggás at inawasíwas ang kanyáng sundang. Si Florante nama’y biglang inalantad ang dala-dalang talibóng na inagaw kang̃ína kay Kapitang Memò.—“Halíng!”—ang kanyang sigaw—“Nakikita mo ito?”Tiningnan ni Juancho ang sandata. Napaurong. Nangdididilat. Nakilala ang talibong.—“Bakit iya’y nasa sa iyó? At bakit iya’y may dugô?”—ang pahiyaw na usisà—“Inanó mo ang aking kapatid?”—“Ginawâ ko sa kanya ang gagawin ko sa iyo kapag di ka sumunod sa amin!”—“Anó ang ginawâ mo sa kanya?”—“Siya’y pinatayko!”Isang pailalím na saksák sa sikmurà ni Florante ang itinugon ni Juancho. Si Florante sa lakás ng̃ saksák ay daglíng nabaligtad, dapwa’t noon sandaling iyon ang kanyang kaaway ay dinaluhong ni Gerardo, nagkágulong-gulong sa tulay at sa wakas ay nahulog sa ilog.Ang tubig ng̃ ilog na iyon ay may labinglimang dipá ang lalim; at si Juancho ay di marunong lumang̃oy.Si Kiko na may kaunting pagkabinabae ay nápakurús nang makalawá, pagkukurús na sinalíwan ng̃ sunód-sunód na “Susmariosep” at “Kaawàan ka ng̃ Diyós!” Sa kalakihán ng̃tákot ay dalì-dalìng lumulan sa kalesa at talagáng tangkâ niya’y patakbuhíng mulî ang kabáyong nakawalâ ná sa pagkakásilat, dapwa’t nang hahagkisín ná ang háyop ay siyang pagsigaw sa kanyá ni Gerardo ng̃:—“Hoy!! Saan ka paparoon?”Si Kiko’y kinilíg at parang tulíg na bumulalás ng̃ di mawawàang mg̃a:—“Aba hindî pô, dine pô lang, walâ pô!”Pagdaka’y inalúlan ni Gerardo sa kalesa ang sugatáng si Florante at si Elíng, na noo’y putlângputlâ, nang̃ing̃inig, at nanghihinà.Nilísan nilá ang tuláy na iyon, na ayon kay Kikò ay lubhâng kakilakilabot.XVIIIPahimakás ni Florante.Sa sumunód na sanglinggóng singkád, sa boông bayan ng̃ Libís, ay walâng napaguusápan ang síno-síno man, saán mang súlok magkatatagpô kundî ang matalinghagàng gabí na sumaksi sa gayóng mg̃a pangyayáring nakapanghihilakbot na lubhâ, at hálos di mapaniniwaláan ng̃ mg̃a di mapaniwalâing taga-Libís, dáng̃an lang at may isáng Gerardo, isang Elena, at isáng Floranteng sugatán, na nagpapatúnay sa mg̃a nangyári.Lahát ng̃ makadinig sa kasaysáyan ng̃ gabíng iyón ay nagkakaisá na ang sinápit ni Kapitang Memò at ng̃ kanyáng kapatid ay “isang marápat na gantíng palà ng̃ Lang̃it sa kanilang mg̃a inasal.” Subalì, anó ang nangyári kay Kapitang Memò? Walâ táyong nababatíd kundî ang katotohánan na siya’y nasugátan. Dápwa’t namatáy kayâ ang bantóg na mámamatay? Ni si Florante, ni si Gerardo ay di itó masagót nang tahásan. At tila ng̃â di matitiyák nino man ang bágay na itó, sapagka’t kung túnay man na mabisà ang pagkakasaksák ni Florante,—bágay na pinatotohánan nangpagka-walâng malaytáo ni Kapitang Memò ng̃ siya’y iwan nina Gerardo—ay túnay din naman na dáhil sa kadilima’y di matiyák ng̃ binatà kung saáng bahági ng̃ katawán tumamà ang patalím, kung sa dibdib, kung sa sikmurà ó kung sa tiyán. Tang̃í rito nang dalawin kabukasan ang mg̃a poók na iyón ay walâng napagkita kundî ang namumuông dugô ng̃ nasawîng pinunò. Maaárì na siya’y namatáy noón ding gabing iyón, at ang kanyáng bangkáy ay dinalá sa ibáng pook at ibinaon ng̃ kasama niyáng nakataanán kina Florante. Maaárì na hindî siya nagtulóy sa pagkamatáy; na nang masaulían na ng̃ diwà ay nakapag-inót na lumakad at tumung̃o sa isáng kublí at maláyong bahági ng̃ iláng.Sa dalawang “maaarìng” itó, alín kayâ ang túnay na nangyári? Mag-gáwad ng̃ pasiyá ang bumabása.Iniaátas ng̃ kahusáyan na usigin kaagád ng̃ hukuman ang madugông sigalot, upang sa gayo’y mapatunáyan kun sino ang may sála sa boông kasiyaháng-loób ng̃ lahát, at sa ibáyo ng̃ lahat ng̃ mg̃a pag-aálinláng̃an.Tatlóng áraw na ang nakararáan. May mg̃a higing na sina Gerardo’y ipadadakip, dapwa’thiging lang. Kundang̃a’y sa boông bayan ng̃ Libis, sina Kapitáng Memò ay walâ ni isang kamag-ánakang malápit ni kaibigan na nagkaloób na pumúkaw sa kapangyaríhang nagwawalâng-bahalà. Ng̃uni’t saán útang ang pagwawalâng-bahálang itó ng̃ mg̃a pinunò? Aywan natin. Lubhâ siyang kataká-taká.Hindî masasábing mahírap dakpin sina Gerardo; sapagka’t ang mg̃a itó ay walang alís sa Libis. Si Gerardo’y waláng iniintay óras-óras kundî ang siya’y ipatáwag ng̃ hukúman; samantalang si Florante namán ... oh, si Florante! Lalòng madalî siyáng hulihin!Kahabaghabag na binatà! Pagkatapos na masagip sa pang̃anib ang isáng kaibigan, pagkatapos na masunód ang átas ng̃ matwid, ay siyá pa ng̃ayón ang papagdudusáhin sa gitnâ ng̃ isáng mapaít na kapaláran! Ang kanyáng súgat ay lumulubhâ. Walâng lagót hálos ang di maampát na tulò ng̃ dugô. Araw-áraw ay humihinà ang dati’y malusóg, sariwà, at malakás niyáng katawán; tumatamláy ang mg̃a matá na dati’y maningning na lagì; pumapangláw ang dati’y masayá at palang̃itíng mukhâ.Si Gerardo ay balisángbalisá sa paglubhâng itó ng̃ mahál na kaibigang nagligtas sa buhay niyá. Hindî siya humihiwalay kahi’t sumandalîsa piling ni Florante, tang̃ì na lamang kung kailang̃ang totoo.Siyá ang nagpapakain, siya ang umaalíw, siyá ang nagbibihis, siyá ang tumatánod sa may sakít araw-gabí. Kusang nilimot, isinatabí na muna ang ligayang tuwî na’y hinihing̃î ng̃ kanyáng pusò, ang pakikiuláyaw, ang matamis na pakikipagtitigan, ang paghalík sa bang̃ó, at pagtatamasá ng̃ boong luwalhatì at láyaw sa kandung̃an ng̃ kanyáng Julieta.Dapwa’t sáyang na pagpapágod ang kay Gerardo! Sa likód ng̃ maíng̃at niyáng pagaalagá sa maysakít, ay walâ siyáng námalas kundî ang lalò pa manding paglubhâ nitó, ang lalòng panghihinà ng̃ katawan, ang lalòng pagdalang ng̃ tibók ng̃ buhay, hanggang sa wakas ay sumápit ang mapaít na sandalî nang ang mg̃amanggagámotsa gitnâ ng̃ di masáyod na pang̃ang̃ambá ng̃ lahat ay tahásang nagpahayag na sila’y walâ nang pag-ásang mailigtás pa ang may sakit.—“Ginámit na namin ang lahát ng̃ paráang sakláw ng̃ áming kaya”—ang wikà nila—“Walâ na kaming magágawâ. Gayón ma’y magsidulóg kayó sa ibáng manggagamot na lalòng pantás kay sa ámin,—siná Valdez, Angeles, halimbawà.”Háting gabíng malálim nang ang pagsukòng itó ay ipahayag.Minabuti ni Gerardo ang pagtáwag ng̃ibáng manggagámot sa Maynilà. Tinangkáng lumuwás, ng̃uni’t kailán? Pagbubukáng liwayway? Makasanglibong hindî! Si Gerardo ay isáng táo na kapag iníbig na gawín ang isáng bágay, ay di marunong magpabukás. Noon din sandalîng iyón siya’y napa-Maynilà. Ni tren, ni bapor, ni kalesa ay walâ; kaya’t nang̃abayo, nang̃abáyong sumagupà sa gayóng dilím ng̃ gabí!Sa pagdáan niyá sa tapat ng báhay ni Elena, ay nagkatáong nakadung̃aw ang kanyáng kasi. Tumigil sandalî, ipinahiwátig sa tatlóng salitâ ang lagay ni Florante, at daglîng nawalâ: parang palasô na lumipád sa Kamaynilàan.Si Elíng ay balisáng-balisá; nagbihis, at noón din ay napasáma sa bahay ni Florante.Nang siya’y dumatíng ang may sakit ay kasalukuyang nagsasalitâ.—“Nanay”—ang wikà sa iná, kay aling Tinay.—(Si Florante’y wala nang amá.) “Ayoko nang nakahigâ, ibig ko’y nakasandal.” Nang masunod ang hilíng ay tinitigan ang lahat ng̃ nang̃ároon. Bukod kay Elena at sa kanyang iná ay nakilala ng̃ may sakit ang mg̃a katoto niyáng si Faure, si Lauro, si Baltazar, at saka ang magagandáng Pacita, Nena, at Milíng.—“Elena, si Gerardo?”—ang pagdaka’y itinanóng ng̃ makitang walâ roón ang tang̃i niyang kaisáng-loób.—“Lumuwás siyá, upang tumáwag ng̃ manggagámot.”—“Para sa akin?”—“Oo.”Nagbuntong-hining̃a ang may sakít.—“Oh!”—anya,—“bákit kayâ at nagpapakapagod ng̃ ganitó si Gerardo? Papaano kayâ ang dapat kong gawín úpang makagantí sa kanyá?”—“Florante, malakí ang útang ng̃ loób ni Gerardo sa iyó. Iniligtás mo ang kanyáng búhay!”—“O, ay anó iyón? Bakit siya kikilala ng̃ útang ng̃ loób sa akin gayóng walâ akong ginagawâ kundî tumupád ng̃ katungkulan?... Para namang siya’y di si Gerardo!”—“Kung gayón, Florante, ni ikáw ay di rin dápat kumilála ng̃ utang sa kanya, sapagka’t ang pagpapágod niyáng ginugúgol sa iyó ay isang katungkúlang nagbubúhat sa alin mang mabuting pagtiting̃ínan ng̃ mg̃a magkakaibigan, magkakasáma, at magkakapatid sa isáng adhikâ.”Si Florante ay napang̃itî nang maunawàang siya’y nadaíg sa pang̃ang̃atwiran ni Elena.—“Tálo mo akó, Elíng”—ang kanyáng wikà—“At ako’y sumusukò... Sabihin mo kay Gerardo na maraming salamat!”Pumikít ang may sakít at may kalahating-óras na di kumibô.Walâng anó-ano’y dumilat, at pagkatapos na maibaling ang paning̃in sa lahát ng̃ dáko ay binigkás ng̃ hálos pautál-útal ang sumúsunod:—“Mg̃a kaibígan,—ano bagáng bagay na mahalagá ... ang umípon sa inyó ... sa aming marálitang tahánan? Batíd ba ninyó ... na dito’y inyóng madadamá ... ang mg̃a hulíng galáw ng̃ ísip ... na dito’y inyóng madidiníg ang mg̃a hulíng anás ng̃ kálulwa ... ang mg̃a hulíng tibók ng̃ pusò ... ng̃ isang sawîng palad na gaya ko?“Oo, sawíng pálad! Iyán ang dápat itáwag ... sa akin na mamámatay nang walâ man lang nagagawâ ... sa kanyáng Bayan!“Sawing pálad ang gaya kong ... hihimláy sa libing ... na tagláy ang alaálang masung̃it ... na inaangkin ng̃ isáng bandílang dayuhan ... ang Lúpang sa kanya’y paglilibing̃an!“Sawing pálad ako, na walâng napagkita ... sa boô niyang buhay ... kundî mg̃a úlap, mg̃a luhà, mg̃a paták ... ng̃ dugông ninanakaw! Ah! mamámatay ako ... nang di ko nakikita ... ang paghihiganti ng̃ sugatáng pusò ng̃ isáng Apí! Mamámatay ako ng̃ di ko namamálas ... ang pagbabang̃ong puri ng̃ isáng Dinuduhagi! Mamámatay ako ng̃ di ko naitataás yaring kamay ... sa ng̃alan ng̃ Kalayaan! Mamámatay akó ... ng̃ di ko mamamálas yaong alapaáp ... na lilitawán ng̃ Dakilang Lintík ... na tutúpok sa lahat ... ng̃ mg̃a pusòng duwágmahihina’t walang dang̃al ... ang Lintík na magpapalubóg ... sa lahát ng̃ Kapangyarihang dáyo, at magpapasikat ng̃ boông ding̃ál sa isáng ...Araw at tatlong Bituin!!”Kinapós ng̃ hining̃á ang may sakít. Ibig pang magsalitâ, dapwa’t di na maarì. Tináwag ang iná, hinagkán at niyákap.Tumahimík. Itinirik ang mg̃a matá. Akalà ng̃ lahát ay patáy ná. Dapwa’t hindî. Mulìng nang̃usap sa isáng mahinà at paós na boses:—“Nánay, balútin ang aking katawán ... at ataúl sa bandilà ng̃ Bayan...!“Paálam na ... giliw kong Pilipinas ... Isáng malayàng ... Bágong Búhay!...”Tumigíl ang tibók ng̃ pusò; napútol ang galáw ng̃ ísip; pumaitaás ang kálulwa, úpang kailán ma’y huwag nang magbalík. Walâng naíwan kundî isáng bangkáy, isáng ng̃alan, isáng halimbawà, isáng alaala, isáng binhî ng̃ katapang̃an....

XV“Gerardo, Násaán ka?”Ang púlong na binagabag ng̃ demonyo ay mulîng pumayapà.Maging ang mg̃a laláki at maging ang mg̃a babáe ay áayaw sumukò; áayaw pumáyag na lansagin ang kapisánan.Aywan kung dáhil sa anóng kababalaghán, aywan kung dáhil sa talumpatì ni Gerardo ó kung dáhil sa pagsipót ng̃ demonyo, ang lahat ng̃ mg̃ataga-“Dakilàng Mithî” ay nakitáan noóng mg̃a sandalîng iyón ng̃ isáng kagúlat-gúlat na pagbabágo. Katúlad sila nina Adán at Eva na nang mapagkurò ang kaniláng pagka-hubád ay nang̃ahiyâ’t dálidáling nagsipágtapî; katulad silá ni San Lázaro na nang patindigin ni Krísto, sa kanyáng libing ay tumindíg ng̃â’t muling nabúhay. Anopa’t sa minsángsábi, ang naunsiyaming siglá ng̃ “Dakiláng Mithî” wari baga’y muling nanariwà.Pinagkáisahan na ipatutúloy ang lahát at báwa’t isá ng̃ mg̃a panukalàng nabibitin; álalaóng bagá’y ang úkol sa páaralán, aklátan papúlong, mg̃acampaña, atb. At noón ding gabing iyón ay nag-ambágan ang lahát, máliban na lang ang ilán na talagáng ibig nang tumiwalág sa samahán; kaya’t walang kamalák-malák ay nakatípon at súkat ang ing̃at-yáman ng̃ salapîng sapát at katamtáman upang maisagawâ ang kaniláng mg̃a matatáyog na pang̃árap na muntî nang mabulók.Sa hulîng bahági ng̃ púlong ay nagkaroón ng̃ kaunting pagtatálo; pinagtalúnan ang kung nararápat ó hindî na ang kapisánan ay manghimások sapolitika.Si Faure ay nagsasabing nararápat; at siyá ang nagpalagay na ang kapisanan ay maaáring lumahok sa polítika; samantálang sa kabilang panig si Juancho namán ay nagmamatigás na di nararápat. Itóng hulí ay bumigkás ng̃ isáng mahabàng talumpatì na dinulúhan ng̃ mg̃a ganitóng pang̃ung̃usap:—“Manghimasok táyo sa polítika?... Kay samâng palagáy!... Táyo na mg̃a batàng-batàpa, ¿anó ang áting masasápit sa gáwaing iyán?... Huwag táyong pakasúlong, mg̃a kabinatà, huwág mang̃ahás sa di nátin káya... Kailang̃an dito’y mahabàng pag-aáral, mg̃a malalálim na pagkukurò at pag-iísip na hinóg at di hiláw na gáya ng̃ átin. Ipaubayà iyán sa mg̃a matatandâ; iya’y di nábabágay sa kabatàan”....Si Juancho ay umupô; pagdáka nama’y tumindíg sa dákong likod niyá si Faure.—“G. Pang̃ulo”—anya—“di ako namamanghâ sa pagsalung̃át ni ginoóng Santos sa áking palagáy; kamí ay láging magkalayô ng̃ damdámin; siya’y isá sa mg̃a sumásambá sa bandilàng áyaw hiwalayán ng̃ mg̃a Pederal; ang ng̃álan ko nama’y nakatítik saplataformang̃ Partido Nacionalista.... Wikà niya’y di táyo dápat manghimások sa polítika, sapagka’t táyo raw ay mg̃a batàngbatà pa, sapagka’t tayo’y walâ pang káya.... Di ko hinahanápan ang ginoó ng̃ ibáng paghahakà.... Walâng káya! Iyán ang bukáng-bibig ng̃ mg̃a gaya niyáng Pederal at ng̃ kaniláng mg̃a amá-amáhan; iyán ang kaniláng pang̃arap araw gabi, iyán ang lagì niláng naguguni-gunitâ, dinádasál-dasál, ibinúbulóng-bulóng... Ipinahihiwátig ko sa aking katálo na sa pagnanasà kong pumások ang kapisánan sa bakúran ng̃ polítika, ay walâ akóng minimithî kundi ang pagsikápang liwanágan angmg̃a tungkúlin ng̃ mg̃a mámamáyan sa kaniláng Tinubúan; bakáhin iyáng ating namamalas ng̃ayóng mg̃a kahálay hálay na pagwawalang bahalà, mg̃a kasagwâan ng̃ ilán sa ating mg̃a pinunò, at ang mg̃a duwág na pagyuyukô ng̃ ulo sa haráp ng̃ mg̃a mapagharì-harìan. Hiláhin sa liwánag ng̃ áraw at ihantád sa matá ng̃ Bayan ang mg̃a kaáway niyáng lihim, sina Masasakim, sina Mapagbalatkayó, sina Kukong-lawin. Pukáwin ang lakás ng̃ lahì upáng palayasin dito ang mg̃a dayúhang magdarayà na sumasalung̃at sa kanyáng pinakamámahal na damdámin at náis, at yumuyúrak nang líhim sa karapatán at kalayàan na pamána ng̃ Diyós sa kanyá. Ipaála-ála sa kanyáng lagì na ang Báyang di kumikilos ng̃ ganitó, ang Báyang nagtítiís sa pagwawalâng kibô at nagkakasya na lamang sa lihim na pananang̃is, kapág siya’y dinudusta, ang bayang iya’y alípin, busabos, duwág... Itó, mg̃a kababayan, ang pinakamimithi kong layunin ng̃ ating kapisánan. ¿At alin ang kaluluwáng may dang̃al, matandâ man ó batà, na makapagsasabing siya’y walang lakás at káya na tumupad na ganitóng dakilang katungkúlan?“Mg̃a batà pa raw táyo! Ang isip yata’y pulós na matatandâng hukluban lamang ang marúnong sumurì sa mg̃a bágay na iyán!... Sa isáng binatà ay walâng dápat makasindák, walang dápat makapígilsa kanyáng paglakad, waláng dapat makahadláng sa kaniyang iniíbig; kaya’t walâ sa matwid ang isang magsábing tayo’y walâng káya na maghimasok sa polítika.”Si Juancho noo’y kasalukuyangninenerbyos. Di magkantututo sa pagsigaw ng̃:—“G. Pang̃ulo; hindi ko maáayunan ang mg̃a ipinahayag ng̃ hulíng nagsalitâ, hindi ng̃a po, at makásanglibong hindî!!...” (at dito’y pinang̃inig pa mandin ang boses na ubos-diin) “Ipinalálagay ko pong ipaliban ang pagtatalo sa...”Isáng malakás na pukpok sa lamesa ng̃ Pang̃ulo ang ikinaputol.—“Di matátanggap ng̃ mesa ang inyóng palagáy,”—anya—“sapagka’t di pa napasisiyahán ng̃ pulong ang palagay ni G. Faure na kinatigan ni G. Lauro.”Dali-daling umupô si Juancho. Nagpatuloy ang Pang̃ulo:—“Mayroón pa bang pagtatalo tungkól sa bagay na ito?... Kung wala, lahat ng̃ umaáyon sa mungkahi na ang kapisanan ay maáaring manghimasok sa polítika, ay magsitindig.”Sa apat na pu’t tatlong kaanib na naroroón, ay anim lang ang di tumindig.—“Ginoóng Pang̃ulo”—ang mulîng bigkás ni Faure—“Ipinalálagay ko pô na ang ‘Dakilàng Mithî’ sa pamamagitan ng̃ kaníyáng pang̃ulo,at kalihim ay magpadalá ng̃ isáng kalatás sa bawa’t kapisánan ng̃ kabatáang natátatag sa Sangkapulûan, upang sila’y anyayáhan na umánib sa átin sa paghing̃î sa Báyang amerikano ng̃ lalòng madalî at karakarakang Pagsasarilí ng̃ Filipinas.”—“Kinakatigan ko pô ang palagáy ni G. Faure”—ang pagdaka’y isinunod ni Pacita.Lahát ng̃ matá ay nakasulyap kay Juancho, na sapagka’tleaderng̃ mg̃a pederal sa “Dakilàng Mithî” ay siyang lalòng may katungkúlang sumalung̃at sa gayóng mungkahì.Nakaraan ang iláng sandalî.Si Juancho ay dî umiímik! Nakapakò ang paning̃ín sa kanyáng orasán na para bagáng binibilang ang mg̃a¡tiktak-tiktak!nitó. Manaká-nakáng ting̃alaín at pakiramdaman ang bubóng na páwid ng̃ báhay. Ang boông anyô niyá ay gaya ng̃ sa isáng mang̃ang̃áso, na mulâ sa malayò ay nakikiníg sa takbuhan ng̃ mg̃a usá.Sa gayóng lagay ni Juancho, ay di niyá nápapansín ang ikinindát-kindát sa kanyá ng̃ kanyáng mg̃a manók na ang ibig sabihi’y “Lantakan mo!”; di niya nararamdamán ang mg̃a kalabít sa kanyá ng̃ mg̃a násalikod; di niya alumána ang pang̃ung̃unot ng̃ noó ng̃ naka-itim na nang di na makapagbatá ay biglánglumundág at úbos lakás na inahiyáw ang isáng matápang na—“G. Pang̃ulo!!”—“G. Kabúyas”—ang tugón namán ng̃ pang̃ulo.Si Kabúyas ay naghágis muna kay Juancho ng̃ isáng nanglilísik na ting̃in, bágo nagpatuloy:—“Sa ng̃alan pô ng̃ dang̃ál ng̃ ‘Dakilang Mithî’ ay tinututúlan kong mahigpit ang mungkahì ni G. Faure.“Hindî ko mapagkurò kung bakit ang isáng magiting na ginoóng gaya ni G. Faure ay makaísip na magharáp dito ng̃ isáng palagáy na waláng kaúlo-úlo at walâng maibubung̃a kundî libo-libong pulà sa katalinuhan ng̃ ‘Dakilang Mithî!’”—“Bravo! Bravo!!”—ang di magkamáyaw na sigaw ng̃ mg̃a pederál. Ito’y lalò pa manding nagpainit kay Kabúyas.—“Oo ng̃a pô, mg̃a binibinì at ginoó, kapag ang kapisánang ito aytinanggápang palagáy ni G. Faure, ang kakamtán natin ay di lang libo-libo, kundî yutà-yutàng pulà!!“Anó pô ang ating mahihitâ sakali ma’t umanib sa atin ang ibáng mg̃a Kapisánan sa paghing̃î ng̃ karakarakang pagsasarilí sa Báyang amerikano?“Didinggín bagá táyo ng̃ pamahaaán? Makikitúng̃oba ang pamahalaáng iyan sa mg̃a gáya nating musmós?“Kung ang Kapulung̃ang Báyanng̃âay di pinakitung̃uhan nang huming̃î itó ng̃ Pagsasarili, ¿táyo pa kayâ?“Malaking katiwalìan ang nilaláyon ni G. Faure!“Kung ang kapisánan ay may talino at dang̃ál, ang palágay na ito’y di niyá sasang-ayúnan.”Si Kabúyas ay naupô sa gitnâ ng̃ boông kasiyaháng loób. Si Faure namán ang tumindíg.—“Mg̃a kasamahan,”—anyá—“itinatanóng ni G. Kabúyas kun anó raw ang mahihitâ ng̃ kabatàan sa paghing̃î ng̃ karakarakang Pagsasarilí. Hindî pulà gáya ng̃ maling hinágap ng̃ áking katálo kundî pagpúri pa ng̃â ng̃ ating báyan sa ganitong pagkilos.“Hindî man táyo dinggin ng̃ Báyang amerikano ¿ay anó?Makagaganáp tayo sa isang katungkúlan! Katungkúlan ng̃ bawa’t táo na hing̃in ang Kalayàan ng̃ kanyáng Lupà kapág ito’y handâ nang lumayà. Mg̃a busabos lang ang ayáw huming̃î ng̃ Kalayàan. Ang Pilipinas ay maláon nang handâ sa isáng Malayàng Búhay. Ibig ba nátin na ang kabatàang Pilipino ay pang̃anláng mg̃a busábos?“Hindî lang pagganáp sa isáng katungkúlan ang nilalayon ng̃ áking mungkahì. Ibig ko ringipamatá sa Pamunúang amerikáno ang katotohánan na di lang ang mg̃a matatandâng pilipino, kundî patí ang kabatàan ay nagkákaisá sa pananalig na ang pagsasarilí ng̃ Pilipinas ay dápat nang ibigáy sa kanyá; at dáhil sa katotohánang ito ay panahon na ng̃ayóng ang Pamahalaáng iya’y magbágo ng̃ kilos; dápat na ng̃ayóng manaíng̃a at mag-áral gumálang sa damdáming isinisigáw ng̃ Káluluwá ng̃ Báyang namamanhík sa gitnâ ng̃ dúsa. Panahón na ng̃ayóng dápat ipamálas ng̃ Amerika, di lamang sa haráp ng̃ Kapilipinúhan kundî patí sa harap ng̃ Sangsinúkob, na siyá ay may isáng púsong túnay na bayáni ng̃ Kalayàan. Panahón na ng̃ayóng dapat isagawâ ang pang̃ung̃úsap ni McKinley, na ang hang̃ad ng̃ Báyang amerikano, sa kanilang panghihimasok díto, ay di ang pagsúpil kundî ang pagpapalayà sa mg̃a pilipino, (not as a conquering, but rather as a liberating nation.) At panahón na rin ng̃ayóng dapat ipagsigáwan sa mapagbing̃íbing̃íhang Amérika ang di maitátakwíl na katotohánan, na isáng panglulúpig at walâ kundî panglulúpig ang magharì sa áyaw paharì; na isáng ásal-ganid ang pagsikíl sa buhay ng̃ may karapatáng mabúhay nang malayà; na isáng ásal-háyop ang pagsasamantala ng̃ Malakás sa Mahinà!...“Anó pa ang hinihintáy ng̃ Pamahalaáng nakasásakóp? Ibig ba ng̃ Pamahalaáng iyán na si Washington at ang kanyáng mg̃a kapanahóng namuhúnan ng̃ dugo, sa pagtatagúyod sa hang̃ád ng̃ báyan nila nangmaghimagsik; ibig ba ng̃ Pamahalaáng amerikano, aking inuulit, na magsibalikwás ang mabubunying kaluluwang itó sa kaniláng libing̃an at siyá ay sisíhin sa di pagtupád sa kanyáng tungkúlin? Alin pang áraw ang ibig dumating? Kun kailan ba pumutî ang uwak?”...Napútol dito ang talumpatì ni Faure. Si Juancho noón ay biglang lumundag mulâ sa kanyáng upô at nagsisigáw ng̃—“Sunog! Sunog!! Sunog!!!”At siyá ng̃â namang totoo! Nagliliáb ang palupo ng̃ báhay!Nang̃amutlâ ang lahát. Di magkamáyaw ang mg̃a “tubig!” at “Diyos ko!” Nang̃agtilían ang mg̃a babáe. Nang̃ag-iyákan ang mg̃a batà.Takbó ríni at takbó roón; sigáw dini at sigáw doón.Nang̃ag-unahán ang lahat sa pagpanáog.Lumalakí ang apóy! Tupók na ang bubóng ng̃ báhay.Samantalang nagkákaguló ang lahat sa lupà, doon naman sa itaás ay may ibang nangyayári.Dalawáng táo ang nakatayô sa punò ng̃ hagdan: isang babáe na pinipigil ng̃ isáng lalaki.—“Elena,”—ang mabang̃ís na wikà nitong hulí—“sasáma ka sa ákin ó ikáw ay mamámatay!”—“Ulól! at síno kang sasamáhan ko?”—“¡Ang katawán mo ó ang iyong búhay!!”—ang muling sigaw ng̃ lalaki at lalòng hinigpitán ang pigil sa kamay ni Elena.—“Háyop! bitíwan mo akó!”—“Di maaarì!”Sa kapipitlág ni Elena ay nabitáwan ng̃ pumipigil ang kanyáng kamáy. Hálos palundág na nanáog. Ng̃uni’t di pa hálos nararatíng ang kalahatìan ng̃ hagdán, siya’y inábot na namán ng̃ taksíl. Ang pang̃ing̃ibábaw ng̃ Malakás sa Mahinà ay mulíng napatunayan.Sinapúpo ng̃ lalaki ang binibining nanglalambót; ipinanhík mulî, at saka ipinanáog doón sa kabiláng hagdán, sa bandáng likód ng̃ báhay. Walâ doón ni isáng táo, sapagka’t ang lahát ay nagkakatípon sa harapán.—“Gerardo, oh Gerardo! násaan ka?”—ang táng̃ing naisigáw ni Elena.—“Gerardo?, anóng Gerardo?”—ang pairíng na tugón ng̃ lalaki.—“Anó pa ang Gegerarduhin mo ng̃ayón? Si Gerardo’y patáy ná!”—“Tampalasang táo!!”—“Yaóng nanhík kanínang suót demónyo ang siyáng umutás sa kanyá!”—“Oh mg̃a tampalásan!!”Si Elena ay hinimatay.—“Lalong mabuti!”—ang sa sarilí’y nawikà ni Juancho, at pagdaka’y inalúlan ang abâng siElíngsa kalesa niyáng doo’y inihandâng talagá.—“Kutsero, pika!!”

XV“Gerardo, Násaán ka?”

Ang púlong na binagabag ng̃ demonyo ay mulîng pumayapà.Maging ang mg̃a laláki at maging ang mg̃a babáe ay áayaw sumukò; áayaw pumáyag na lansagin ang kapisánan.Aywan kung dáhil sa anóng kababalaghán, aywan kung dáhil sa talumpatì ni Gerardo ó kung dáhil sa pagsipót ng̃ demonyo, ang lahat ng̃ mg̃ataga-“Dakilàng Mithî” ay nakitáan noóng mg̃a sandalîng iyón ng̃ isáng kagúlat-gúlat na pagbabágo. Katúlad sila nina Adán at Eva na nang mapagkurò ang kaniláng pagka-hubád ay nang̃ahiyâ’t dálidáling nagsipágtapî; katulad silá ni San Lázaro na nang patindigin ni Krísto, sa kanyáng libing ay tumindíg ng̃â’t muling nabúhay. Anopa’t sa minsángsábi, ang naunsiyaming siglá ng̃ “Dakiláng Mithî” wari baga’y muling nanariwà.Pinagkáisahan na ipatutúloy ang lahát at báwa’t isá ng̃ mg̃a panukalàng nabibitin; álalaóng bagá’y ang úkol sa páaralán, aklátan papúlong, mg̃acampaña, atb. At noón ding gabing iyón ay nag-ambágan ang lahát, máliban na lang ang ilán na talagáng ibig nang tumiwalág sa samahán; kaya’t walang kamalák-malák ay nakatípon at súkat ang ing̃at-yáman ng̃ salapîng sapát at katamtáman upang maisagawâ ang kaniláng mg̃a matatáyog na pang̃árap na muntî nang mabulók.Sa hulîng bahági ng̃ púlong ay nagkaroón ng̃ kaunting pagtatálo; pinagtalúnan ang kung nararápat ó hindî na ang kapisánan ay manghimások sapolitika.Si Faure ay nagsasabing nararápat; at siyá ang nagpalagay na ang kapisanan ay maaáring lumahok sa polítika; samantálang sa kabilang panig si Juancho namán ay nagmamatigás na di nararápat. Itóng hulí ay bumigkás ng̃ isáng mahabàng talumpatì na dinulúhan ng̃ mg̃a ganitóng pang̃ung̃usap:—“Manghimasok táyo sa polítika?... Kay samâng palagáy!... Táyo na mg̃a batàng-batàpa, ¿anó ang áting masasápit sa gáwaing iyán?... Huwag táyong pakasúlong, mg̃a kabinatà, huwág mang̃ahás sa di nátin káya... Kailang̃an dito’y mahabàng pag-aáral, mg̃a malalálim na pagkukurò at pag-iísip na hinóg at di hiláw na gáya ng̃ átin. Ipaubayà iyán sa mg̃a matatandâ; iya’y di nábabágay sa kabatàan”....Si Juancho ay umupô; pagdáka nama’y tumindíg sa dákong likod niyá si Faure.—“G. Pang̃ulo”—anya—“di ako namamanghâ sa pagsalung̃át ni ginoóng Santos sa áking palagáy; kamí ay láging magkalayô ng̃ damdámin; siya’y isá sa mg̃a sumásambá sa bandilàng áyaw hiwalayán ng̃ mg̃a Pederal; ang ng̃álan ko nama’y nakatítik saplataformang̃ Partido Nacionalista.... Wikà niya’y di táyo dápat manghimások sa polítika, sapagka’t táyo raw ay mg̃a batàngbatà pa, sapagka’t tayo’y walâ pang káya.... Di ko hinahanápan ang ginoó ng̃ ibáng paghahakà.... Walâng káya! Iyán ang bukáng-bibig ng̃ mg̃a gaya niyáng Pederal at ng̃ kaniláng mg̃a amá-amáhan; iyán ang kaniláng pang̃arap araw gabi, iyán ang lagì niláng naguguni-gunitâ, dinádasál-dasál, ibinúbulóng-bulóng... Ipinahihiwátig ko sa aking katálo na sa pagnanasà kong pumások ang kapisánan sa bakúran ng̃ polítika, ay walâ akóng minimithî kundi ang pagsikápang liwanágan angmg̃a tungkúlin ng̃ mg̃a mámamáyan sa kaniláng Tinubúan; bakáhin iyáng ating namamalas ng̃ayóng mg̃a kahálay hálay na pagwawalang bahalà, mg̃a kasagwâan ng̃ ilán sa ating mg̃a pinunò, at ang mg̃a duwág na pagyuyukô ng̃ ulo sa haráp ng̃ mg̃a mapagharì-harìan. Hiláhin sa liwánag ng̃ áraw at ihantád sa matá ng̃ Bayan ang mg̃a kaáway niyáng lihim, sina Masasakim, sina Mapagbalatkayó, sina Kukong-lawin. Pukáwin ang lakás ng̃ lahì upáng palayasin dito ang mg̃a dayúhang magdarayà na sumasalung̃at sa kanyáng pinakamámahal na damdámin at náis, at yumuyúrak nang líhim sa karapatán at kalayàan na pamána ng̃ Diyós sa kanyá. Ipaála-ála sa kanyáng lagì na ang Báyang di kumikilos ng̃ ganitó, ang Báyang nagtítiís sa pagwawalâng kibô at nagkakasya na lamang sa lihim na pananang̃is, kapág siya’y dinudusta, ang bayang iya’y alípin, busabos, duwág... Itó, mg̃a kababayan, ang pinakamimithi kong layunin ng̃ ating kapisánan. ¿At alin ang kaluluwáng may dang̃al, matandâ man ó batà, na makapagsasabing siya’y walang lakás at káya na tumupad na ganitóng dakilang katungkúlan?“Mg̃a batà pa raw táyo! Ang isip yata’y pulós na matatandâng hukluban lamang ang marúnong sumurì sa mg̃a bágay na iyán!... Sa isáng binatà ay walâng dápat makasindák, walang dápat makapígilsa kanyáng paglakad, waláng dapat makahadláng sa kaniyang iniíbig; kaya’t walâ sa matwid ang isang magsábing tayo’y walâng káya na maghimasok sa polítika.”Si Juancho noo’y kasalukuyangninenerbyos. Di magkantututo sa pagsigaw ng̃:—“G. Pang̃ulo; hindi ko maáayunan ang mg̃a ipinahayag ng̃ hulíng nagsalitâ, hindi ng̃a po, at makásanglibong hindî!!...” (at dito’y pinang̃inig pa mandin ang boses na ubos-diin) “Ipinalálagay ko pong ipaliban ang pagtatalo sa...”Isáng malakás na pukpok sa lamesa ng̃ Pang̃ulo ang ikinaputol.—“Di matátanggap ng̃ mesa ang inyóng palagáy,”—anya—“sapagka’t di pa napasisiyahán ng̃ pulong ang palagay ni G. Faure na kinatigan ni G. Lauro.”Dali-daling umupô si Juancho. Nagpatuloy ang Pang̃ulo:—“Mayroón pa bang pagtatalo tungkól sa bagay na ito?... Kung wala, lahat ng̃ umaáyon sa mungkahi na ang kapisanan ay maáaring manghimasok sa polítika, ay magsitindig.”Sa apat na pu’t tatlong kaanib na naroroón, ay anim lang ang di tumindig.—“Ginoóng Pang̃ulo”—ang mulîng bigkás ni Faure—“Ipinalálagay ko pô na ang ‘Dakilàng Mithî’ sa pamamagitan ng̃ kaníyáng pang̃ulo,at kalihim ay magpadalá ng̃ isáng kalatás sa bawa’t kapisánan ng̃ kabatáang natátatag sa Sangkapulûan, upang sila’y anyayáhan na umánib sa átin sa paghing̃î sa Báyang amerikano ng̃ lalòng madalî at karakarakang Pagsasarilí ng̃ Filipinas.”—“Kinakatigan ko pô ang palagáy ni G. Faure”—ang pagdaka’y isinunod ni Pacita.Lahát ng̃ matá ay nakasulyap kay Juancho, na sapagka’tleaderng̃ mg̃a pederal sa “Dakilàng Mithî” ay siyang lalòng may katungkúlang sumalung̃at sa gayóng mungkahì.Nakaraan ang iláng sandalî.Si Juancho ay dî umiímik! Nakapakò ang paning̃ín sa kanyáng orasán na para bagáng binibilang ang mg̃a¡tiktak-tiktak!nitó. Manaká-nakáng ting̃alaín at pakiramdaman ang bubóng na páwid ng̃ báhay. Ang boông anyô niyá ay gaya ng̃ sa isáng mang̃ang̃áso, na mulâ sa malayò ay nakikiníg sa takbuhan ng̃ mg̃a usá.Sa gayóng lagay ni Juancho, ay di niyá nápapansín ang ikinindát-kindát sa kanyá ng̃ kanyáng mg̃a manók na ang ibig sabihi’y “Lantakan mo!”; di niya nararamdamán ang mg̃a kalabít sa kanyá ng̃ mg̃a násalikod; di niya alumána ang pang̃ung̃unot ng̃ noó ng̃ naka-itim na nang di na makapagbatá ay biglánglumundág at úbos lakás na inahiyáw ang isáng matápang na—“G. Pang̃ulo!!”—“G. Kabúyas”—ang tugón namán ng̃ pang̃ulo.Si Kabúyas ay naghágis muna kay Juancho ng̃ isáng nanglilísik na ting̃in, bágo nagpatuloy:—“Sa ng̃alan pô ng̃ dang̃ál ng̃ ‘Dakilang Mithî’ ay tinututúlan kong mahigpit ang mungkahì ni G. Faure.“Hindî ko mapagkurò kung bakit ang isáng magiting na ginoóng gaya ni G. Faure ay makaísip na magharáp dito ng̃ isáng palagáy na waláng kaúlo-úlo at walâng maibubung̃a kundî libo-libong pulà sa katalinuhan ng̃ ‘Dakilang Mithî!’”—“Bravo! Bravo!!”—ang di magkamáyaw na sigaw ng̃ mg̃a pederál. Ito’y lalò pa manding nagpainit kay Kabúyas.—“Oo ng̃a pô, mg̃a binibinì at ginoó, kapag ang kapisánang ito aytinanggápang palagáy ni G. Faure, ang kakamtán natin ay di lang libo-libo, kundî yutà-yutàng pulà!!“Anó pô ang ating mahihitâ sakali ma’t umanib sa atin ang ibáng mg̃a Kapisánan sa paghing̃î ng̃ karakarakang pagsasarilí sa Báyang amerikano?“Didinggín bagá táyo ng̃ pamahaaán? Makikitúng̃oba ang pamahalaáng iyan sa mg̃a gáya nating musmós?“Kung ang Kapulung̃ang Báyanng̃âay di pinakitung̃uhan nang huming̃î itó ng̃ Pagsasarili, ¿táyo pa kayâ?“Malaking katiwalìan ang nilaláyon ni G. Faure!“Kung ang kapisánan ay may talino at dang̃ál, ang palágay na ito’y di niyá sasang-ayúnan.”Si Kabúyas ay naupô sa gitnâ ng̃ boông kasiyaháng loób. Si Faure namán ang tumindíg.—“Mg̃a kasamahan,”—anyá—“itinatanóng ni G. Kabúyas kun anó raw ang mahihitâ ng̃ kabatàan sa paghing̃î ng̃ karakarakang Pagsasarilí. Hindî pulà gáya ng̃ maling hinágap ng̃ áking katálo kundî pagpúri pa ng̃â ng̃ ating báyan sa ganitong pagkilos.“Hindî man táyo dinggin ng̃ Báyang amerikano ¿ay anó?Makagaganáp tayo sa isang katungkúlan! Katungkúlan ng̃ bawa’t táo na hing̃in ang Kalayàan ng̃ kanyáng Lupà kapág ito’y handâ nang lumayà. Mg̃a busabos lang ang ayáw huming̃î ng̃ Kalayàan. Ang Pilipinas ay maláon nang handâ sa isáng Malayàng Búhay. Ibig ba nátin na ang kabatàang Pilipino ay pang̃anláng mg̃a busábos?“Hindî lang pagganáp sa isáng katungkúlan ang nilalayon ng̃ áking mungkahì. Ibig ko ringipamatá sa Pamunúang amerikáno ang katotohánan na di lang ang mg̃a matatandâng pilipino, kundî patí ang kabatàan ay nagkákaisá sa pananalig na ang pagsasarilí ng̃ Pilipinas ay dápat nang ibigáy sa kanyá; at dáhil sa katotohánang ito ay panahon na ng̃ayóng ang Pamahalaáng iya’y magbágo ng̃ kilos; dápat na ng̃ayóng manaíng̃a at mag-áral gumálang sa damdáming isinisigáw ng̃ Káluluwá ng̃ Báyang namamanhík sa gitnâ ng̃ dúsa. Panahón na ng̃ayóng dápat ipamálas ng̃ Amerika, di lamang sa haráp ng̃ Kapilipinúhan kundî patí sa harap ng̃ Sangsinúkob, na siyá ay may isáng púsong túnay na bayáni ng̃ Kalayàan. Panahón na ng̃ayóng dapat isagawâ ang pang̃ung̃úsap ni McKinley, na ang hang̃ad ng̃ Báyang amerikano, sa kanilang panghihimasok díto, ay di ang pagsúpil kundî ang pagpapalayà sa mg̃a pilipino, (not as a conquering, but rather as a liberating nation.) At panahón na rin ng̃ayóng dapat ipagsigáwan sa mapagbing̃íbing̃íhang Amérika ang di maitátakwíl na katotohánan, na isáng panglulúpig at walâ kundî panglulúpig ang magharì sa áyaw paharì; na isáng ásal-ganid ang pagsikíl sa buhay ng̃ may karapatáng mabúhay nang malayà; na isáng ásal-háyop ang pagsasamantala ng̃ Malakás sa Mahinà!...“Anó pa ang hinihintáy ng̃ Pamahalaáng nakasásakóp? Ibig ba ng̃ Pamahalaáng iyán na si Washington at ang kanyáng mg̃a kapanahóng namuhúnan ng̃ dugo, sa pagtatagúyod sa hang̃ád ng̃ báyan nila nangmaghimagsik; ibig ba ng̃ Pamahalaáng amerikano, aking inuulit, na magsibalikwás ang mabubunying kaluluwang itó sa kaniláng libing̃an at siyá ay sisíhin sa di pagtupád sa kanyáng tungkúlin? Alin pang áraw ang ibig dumating? Kun kailan ba pumutî ang uwak?”...Napútol dito ang talumpatì ni Faure. Si Juancho noón ay biglang lumundag mulâ sa kanyáng upô at nagsisigáw ng̃—“Sunog! Sunog!! Sunog!!!”At siyá ng̃â namang totoo! Nagliliáb ang palupo ng̃ báhay!Nang̃amutlâ ang lahát. Di magkamáyaw ang mg̃a “tubig!” at “Diyos ko!” Nang̃agtilían ang mg̃a babáe. Nang̃ag-iyákan ang mg̃a batà.Takbó ríni at takbó roón; sigáw dini at sigáw doón.Nang̃ag-unahán ang lahat sa pagpanáog.Lumalakí ang apóy! Tupók na ang bubóng ng̃ báhay.Samantalang nagkákaguló ang lahat sa lupà, doon naman sa itaás ay may ibang nangyayári.Dalawáng táo ang nakatayô sa punò ng̃ hagdan: isang babáe na pinipigil ng̃ isáng lalaki.—“Elena,”—ang mabang̃ís na wikà nitong hulí—“sasáma ka sa ákin ó ikáw ay mamámatay!”—“Ulól! at síno kang sasamáhan ko?”—“¡Ang katawán mo ó ang iyong búhay!!”—ang muling sigaw ng̃ lalaki at lalòng hinigpitán ang pigil sa kamay ni Elena.—“Háyop! bitíwan mo akó!”—“Di maaarì!”Sa kapipitlág ni Elena ay nabitáwan ng̃ pumipigil ang kanyáng kamáy. Hálos palundág na nanáog. Ng̃uni’t di pa hálos nararatíng ang kalahatìan ng̃ hagdán, siya’y inábot na namán ng̃ taksíl. Ang pang̃ing̃ibábaw ng̃ Malakás sa Mahinà ay mulíng napatunayan.Sinapúpo ng̃ lalaki ang binibining nanglalambót; ipinanhík mulî, at saka ipinanáog doón sa kabiláng hagdán, sa bandáng likód ng̃ báhay. Walâ doón ni isáng táo, sapagka’t ang lahát ay nagkakatípon sa harapán.—“Gerardo, oh Gerardo! násaan ka?”—ang táng̃ing naisigáw ni Elena.—“Gerardo?, anóng Gerardo?”—ang pairíng na tugón ng̃ lalaki.—“Anó pa ang Gegerarduhin mo ng̃ayón? Si Gerardo’y patáy ná!”—“Tampalasang táo!!”—“Yaóng nanhík kanínang suót demónyo ang siyáng umutás sa kanyá!”—“Oh mg̃a tampalásan!!”Si Elena ay hinimatay.—“Lalong mabuti!”—ang sa sarilí’y nawikà ni Juancho, at pagdaka’y inalúlan ang abâng siElíngsa kalesa niyáng doo’y inihandâng talagá.—“Kutsero, pika!!”

Ang púlong na binagabag ng̃ demonyo ay mulîng pumayapà.

Maging ang mg̃a laláki at maging ang mg̃a babáe ay áayaw sumukò; áayaw pumáyag na lansagin ang kapisánan.

Aywan kung dáhil sa anóng kababalaghán, aywan kung dáhil sa talumpatì ni Gerardo ó kung dáhil sa pagsipót ng̃ demonyo, ang lahat ng̃ mg̃ataga-“Dakilàng Mithî” ay nakitáan noóng mg̃a sandalîng iyón ng̃ isáng kagúlat-gúlat na pagbabágo. Katúlad sila nina Adán at Eva na nang mapagkurò ang kaniláng pagka-hubád ay nang̃ahiyâ’t dálidáling nagsipágtapî; katulad silá ni San Lázaro na nang patindigin ni Krísto, sa kanyáng libing ay tumindíg ng̃â’t muling nabúhay. Anopa’t sa minsángsábi, ang naunsiyaming siglá ng̃ “Dakiláng Mithî” wari baga’y muling nanariwà.

Pinagkáisahan na ipatutúloy ang lahát at báwa’t isá ng̃ mg̃a panukalàng nabibitin; álalaóng bagá’y ang úkol sa páaralán, aklátan papúlong, mg̃acampaña, atb. At noón ding gabing iyón ay nag-ambágan ang lahát, máliban na lang ang ilán na talagáng ibig nang tumiwalág sa samahán; kaya’t walang kamalák-malák ay nakatípon at súkat ang ing̃at-yáman ng̃ salapîng sapát at katamtáman upang maisagawâ ang kaniláng mg̃a matatáyog na pang̃árap na muntî nang mabulók.

Sa hulîng bahági ng̃ púlong ay nagkaroón ng̃ kaunting pagtatálo; pinagtalúnan ang kung nararápat ó hindî na ang kapisánan ay manghimások sapolitika.

Si Faure ay nagsasabing nararápat; at siyá ang nagpalagay na ang kapisanan ay maaáring lumahok sa polítika; samantálang sa kabilang panig si Juancho namán ay nagmamatigás na di nararápat. Itóng hulí ay bumigkás ng̃ isáng mahabàng talumpatì na dinulúhan ng̃ mg̃a ganitóng pang̃ung̃usap:

—“Manghimasok táyo sa polítika?... Kay samâng palagáy!... Táyo na mg̃a batàng-batàpa, ¿anó ang áting masasápit sa gáwaing iyán?... Huwag táyong pakasúlong, mg̃a kabinatà, huwág mang̃ahás sa di nátin káya... Kailang̃an dito’y mahabàng pag-aáral, mg̃a malalálim na pagkukurò at pag-iísip na hinóg at di hiláw na gáya ng̃ átin. Ipaubayà iyán sa mg̃a matatandâ; iya’y di nábabágay sa kabatàan”....

Si Juancho ay umupô; pagdáka nama’y tumindíg sa dákong likod niyá si Faure.

—“G. Pang̃ulo”—anya—“di ako namamanghâ sa pagsalung̃át ni ginoóng Santos sa áking palagáy; kamí ay láging magkalayô ng̃ damdámin; siya’y isá sa mg̃a sumásambá sa bandilàng áyaw hiwalayán ng̃ mg̃a Pederal; ang ng̃álan ko nama’y nakatítik saplataformang̃ Partido Nacionalista.... Wikà niya’y di táyo dápat manghimások sa polítika, sapagka’t táyo raw ay mg̃a batàngbatà pa, sapagka’t tayo’y walâ pang káya.... Di ko hinahanápan ang ginoó ng̃ ibáng paghahakà.... Walâng káya! Iyán ang bukáng-bibig ng̃ mg̃a gaya niyáng Pederal at ng̃ kaniláng mg̃a amá-amáhan; iyán ang kaniláng pang̃arap araw gabi, iyán ang lagì niláng naguguni-gunitâ, dinádasál-dasál, ibinúbulóng-bulóng... Ipinahihiwátig ko sa aking katálo na sa pagnanasà kong pumások ang kapisánan sa bakúran ng̃ polítika, ay walâ akóng minimithî kundi ang pagsikápang liwanágan angmg̃a tungkúlin ng̃ mg̃a mámamáyan sa kaniláng Tinubúan; bakáhin iyáng ating namamalas ng̃ayóng mg̃a kahálay hálay na pagwawalang bahalà, mg̃a kasagwâan ng̃ ilán sa ating mg̃a pinunò, at ang mg̃a duwág na pagyuyukô ng̃ ulo sa haráp ng̃ mg̃a mapagharì-harìan. Hiláhin sa liwánag ng̃ áraw at ihantád sa matá ng̃ Bayan ang mg̃a kaáway niyáng lihim, sina Masasakim, sina Mapagbalatkayó, sina Kukong-lawin. Pukáwin ang lakás ng̃ lahì upáng palayasin dito ang mg̃a dayúhang magdarayà na sumasalung̃at sa kanyáng pinakamámahal na damdámin at náis, at yumuyúrak nang líhim sa karapatán at kalayàan na pamána ng̃ Diyós sa kanyá. Ipaála-ála sa kanyáng lagì na ang Báyang di kumikilos ng̃ ganitó, ang Báyang nagtítiís sa pagwawalâng kibô at nagkakasya na lamang sa lihim na pananang̃is, kapág siya’y dinudusta, ang bayang iya’y alípin, busabos, duwág... Itó, mg̃a kababayan, ang pinakamimithi kong layunin ng̃ ating kapisánan. ¿At alin ang kaluluwáng may dang̃al, matandâ man ó batà, na makapagsasabing siya’y walang lakás at káya na tumupad na ganitóng dakilang katungkúlan?

“Mg̃a batà pa raw táyo! Ang isip yata’y pulós na matatandâng hukluban lamang ang marúnong sumurì sa mg̃a bágay na iyán!... Sa isáng binatà ay walâng dápat makasindák, walang dápat makapígilsa kanyáng paglakad, waláng dapat makahadláng sa kaniyang iniíbig; kaya’t walâ sa matwid ang isang magsábing tayo’y walâng káya na maghimasok sa polítika.”

Si Juancho noo’y kasalukuyangninenerbyos. Di magkantututo sa pagsigaw ng̃:

—“G. Pang̃ulo; hindi ko maáayunan ang mg̃a ipinahayag ng̃ hulíng nagsalitâ, hindi ng̃a po, at makásanglibong hindî!!...” (at dito’y pinang̃inig pa mandin ang boses na ubos-diin) “Ipinalálagay ko pong ipaliban ang pagtatalo sa...”

Isáng malakás na pukpok sa lamesa ng̃ Pang̃ulo ang ikinaputol.

—“Di matátanggap ng̃ mesa ang inyóng palagáy,”—anya—“sapagka’t di pa napasisiyahán ng̃ pulong ang palagay ni G. Faure na kinatigan ni G. Lauro.”

Dali-daling umupô si Juancho. Nagpatuloy ang Pang̃ulo:

—“Mayroón pa bang pagtatalo tungkól sa bagay na ito?... Kung wala, lahat ng̃ umaáyon sa mungkahi na ang kapisanan ay maáaring manghimasok sa polítika, ay magsitindig.”

Sa apat na pu’t tatlong kaanib na naroroón, ay anim lang ang di tumindig.

—“Ginoóng Pang̃ulo”—ang mulîng bigkás ni Faure—“Ipinalálagay ko pô na ang ‘Dakilàng Mithî’ sa pamamagitan ng̃ kaníyáng pang̃ulo,at kalihim ay magpadalá ng̃ isáng kalatás sa bawa’t kapisánan ng̃ kabatáang natátatag sa Sangkapulûan, upang sila’y anyayáhan na umánib sa átin sa paghing̃î sa Báyang amerikano ng̃ lalòng madalî at karakarakang Pagsasarilí ng̃ Filipinas.”

—“Kinakatigan ko pô ang palagáy ni G. Faure”—ang pagdaka’y isinunod ni Pacita.

Lahát ng̃ matá ay nakasulyap kay Juancho, na sapagka’tleaderng̃ mg̃a pederal sa “Dakilàng Mithî” ay siyang lalòng may katungkúlang sumalung̃at sa gayóng mungkahì.

Nakaraan ang iláng sandalî.

Si Juancho ay dî umiímik! Nakapakò ang paning̃ín sa kanyáng orasán na para bagáng binibilang ang mg̃a¡tiktak-tiktak!nitó. Manaká-nakáng ting̃alaín at pakiramdaman ang bubóng na páwid ng̃ báhay. Ang boông anyô niyá ay gaya ng̃ sa isáng mang̃ang̃áso, na mulâ sa malayò ay nakikiníg sa takbuhan ng̃ mg̃a usá.

Sa gayóng lagay ni Juancho, ay di niyá nápapansín ang ikinindát-kindát sa kanyá ng̃ kanyáng mg̃a manók na ang ibig sabihi’y “Lantakan mo!”; di niya nararamdamán ang mg̃a kalabít sa kanyá ng̃ mg̃a násalikod; di niya alumána ang pang̃ung̃unot ng̃ noó ng̃ naka-itim na nang di na makapagbatá ay biglánglumundág at úbos lakás na inahiyáw ang isáng matápang na

—“G. Pang̃ulo!!”

—“G. Kabúyas”—ang tugón namán ng̃ pang̃ulo.

Si Kabúyas ay naghágis muna kay Juancho ng̃ isáng nanglilísik na ting̃in, bágo nagpatuloy:

—“Sa ng̃alan pô ng̃ dang̃ál ng̃ ‘Dakilang Mithî’ ay tinututúlan kong mahigpit ang mungkahì ni G. Faure.

“Hindî ko mapagkurò kung bakit ang isáng magiting na ginoóng gaya ni G. Faure ay makaísip na magharáp dito ng̃ isáng palagáy na waláng kaúlo-úlo at walâng maibubung̃a kundî libo-libong pulà sa katalinuhan ng̃ ‘Dakilang Mithî!’”

—“Bravo! Bravo!!”—ang di magkamáyaw na sigaw ng̃ mg̃a pederál. Ito’y lalò pa manding nagpainit kay Kabúyas.

—“Oo ng̃a pô, mg̃a binibinì at ginoó, kapag ang kapisánang ito aytinanggápang palagáy ni G. Faure, ang kakamtán natin ay di lang libo-libo, kundî yutà-yutàng pulà!!

“Anó pô ang ating mahihitâ sakali ma’t umanib sa atin ang ibáng mg̃a Kapisánan sa paghing̃î ng̃ karakarakang pagsasarilí sa Báyang amerikano?

“Didinggín bagá táyo ng̃ pamahaaán? Makikitúng̃oba ang pamahalaáng iyan sa mg̃a gáya nating musmós?

“Kung ang Kapulung̃ang Báyanng̃âay di pinakitung̃uhan nang huming̃î itó ng̃ Pagsasarili, ¿táyo pa kayâ?

“Malaking katiwalìan ang nilaláyon ni G. Faure!

“Kung ang kapisánan ay may talino at dang̃ál, ang palágay na ito’y di niyá sasang-ayúnan.”

Si Kabúyas ay naupô sa gitnâ ng̃ boông kasiyaháng loób. Si Faure namán ang tumindíg.

—“Mg̃a kasamahan,”—anyá—“itinatanóng ni G. Kabúyas kun anó raw ang mahihitâ ng̃ kabatàan sa paghing̃î ng̃ karakarakang Pagsasarilí. Hindî pulà gáya ng̃ maling hinágap ng̃ áking katálo kundî pagpúri pa ng̃â ng̃ ating báyan sa ganitong pagkilos.

“Hindî man táyo dinggin ng̃ Báyang amerikano ¿ay anó?Makagaganáp tayo sa isang katungkúlan! Katungkúlan ng̃ bawa’t táo na hing̃in ang Kalayàan ng̃ kanyáng Lupà kapág ito’y handâ nang lumayà. Mg̃a busabos lang ang ayáw huming̃î ng̃ Kalayàan. Ang Pilipinas ay maláon nang handâ sa isáng Malayàng Búhay. Ibig ba nátin na ang kabatàang Pilipino ay pang̃anláng mg̃a busábos?

“Hindî lang pagganáp sa isáng katungkúlan ang nilalayon ng̃ áking mungkahì. Ibig ko ringipamatá sa Pamunúang amerikáno ang katotohánan na di lang ang mg̃a matatandâng pilipino, kundî patí ang kabatàan ay nagkákaisá sa pananalig na ang pagsasarilí ng̃ Pilipinas ay dápat nang ibigáy sa kanyá; at dáhil sa katotohánang ito ay panahon na ng̃ayóng ang Pamahalaáng iya’y magbágo ng̃ kilos; dápat na ng̃ayóng manaíng̃a at mag-áral gumálang sa damdáming isinisigáw ng̃ Káluluwá ng̃ Báyang namamanhík sa gitnâ ng̃ dúsa. Panahón na ng̃ayóng dápat ipamálas ng̃ Amerika, di lamang sa haráp ng̃ Kapilipinúhan kundî patí sa harap ng̃ Sangsinúkob, na siyá ay may isáng púsong túnay na bayáni ng̃ Kalayàan. Panahón na ng̃ayóng dapat isagawâ ang pang̃ung̃úsap ni McKinley, na ang hang̃ad ng̃ Báyang amerikano, sa kanilang panghihimasok díto, ay di ang pagsúpil kundî ang pagpapalayà sa mg̃a pilipino, (not as a conquering, but rather as a liberating nation.) At panahón na rin ng̃ayóng dapat ipagsigáwan sa mapagbing̃íbing̃íhang Amérika ang di maitátakwíl na katotohánan, na isáng panglulúpig at walâ kundî panglulúpig ang magharì sa áyaw paharì; na isáng ásal-ganid ang pagsikíl sa buhay ng̃ may karapatáng mabúhay nang malayà; na isáng ásal-háyop ang pagsasamantala ng̃ Malakás sa Mahinà!...

“Anó pa ang hinihintáy ng̃ Pamahalaáng nakasásakóp? Ibig ba ng̃ Pamahalaáng iyán na si Washington at ang kanyáng mg̃a kapanahóng namuhúnan ng̃ dugo, sa pagtatagúyod sa hang̃ád ng̃ báyan nila nangmaghimagsik; ibig ba ng̃ Pamahalaáng amerikano, aking inuulit, na magsibalikwás ang mabubunying kaluluwang itó sa kaniláng libing̃an at siyá ay sisíhin sa di pagtupád sa kanyáng tungkúlin? Alin pang áraw ang ibig dumating? Kun kailan ba pumutî ang uwak?”...

Napútol dito ang talumpatì ni Faure. Si Juancho noón ay biglang lumundag mulâ sa kanyáng upô at nagsisigáw ng̃—“Sunog! Sunog!! Sunog!!!”

At siyá ng̃â namang totoo! Nagliliáb ang palupo ng̃ báhay!

Nang̃amutlâ ang lahát. Di magkamáyaw ang mg̃a “tubig!” at “Diyos ko!” Nang̃agtilían ang mg̃a babáe. Nang̃ag-iyákan ang mg̃a batà.

Takbó ríni at takbó roón; sigáw dini at sigáw doón.

Nang̃ag-unahán ang lahat sa pagpanáog.

Lumalakí ang apóy! Tupók na ang bubóng ng̃ báhay.

Samantalang nagkákaguló ang lahat sa lupà, doon naman sa itaás ay may ibang nangyayári.

Dalawáng táo ang nakatayô sa punò ng̃ hagdan: isang babáe na pinipigil ng̃ isáng lalaki.

—“Elena,”—ang mabang̃ís na wikà nitong hulí—“sasáma ka sa ákin ó ikáw ay mamámatay!”

—“Ulól! at síno kang sasamáhan ko?”

—“¡Ang katawán mo ó ang iyong búhay!!”—ang muling sigaw ng̃ lalaki at lalòng hinigpitán ang pigil sa kamay ni Elena.

—“Háyop! bitíwan mo akó!”

—“Di maaarì!”

Sa kapipitlág ni Elena ay nabitáwan ng̃ pumipigil ang kanyáng kamáy. Hálos palundág na nanáog. Ng̃uni’t di pa hálos nararatíng ang kalahatìan ng̃ hagdán, siya’y inábot na namán ng̃ taksíl. Ang pang̃ing̃ibábaw ng̃ Malakás sa Mahinà ay mulíng napatunayan.

Sinapúpo ng̃ lalaki ang binibining nanglalambót; ipinanhík mulî, at saka ipinanáog doón sa kabiláng hagdán, sa bandáng likód ng̃ báhay. Walâ doón ni isáng táo, sapagka’t ang lahát ay nagkakatípon sa harapán.

—“Gerardo, oh Gerardo! násaan ka?”—ang táng̃ing naisigáw ni Elena.

—“Gerardo?, anóng Gerardo?”—ang pairíng na tugón ng̃ lalaki.—“Anó pa ang Gegerarduhin mo ng̃ayón? Si Gerardo’y patáy ná!”

—“Tampalasang táo!!”

—“Yaóng nanhík kanínang suót demónyo ang siyáng umutás sa kanyá!”

—“Oh mg̃a tampalásan!!”

Si Elena ay hinimatay.

—“Lalong mabuti!”—ang sa sarilí’y nawikà ni Juancho, at pagdaka’y inalúlan ang abâng siElíngsa kalesa niyáng doo’y inihandâng talagá.—“Kutsero, pika!!”

XVISa iláng ng̃ mg̃a AswángAng líham natinanggápni Gerardo ay lábis nang nag-úlat sa kanyá na sa gabing iyón ay pilit siyáng makasasagupà ng̃ isang kataksilán.Lábis din niyáng alám na ang pagpáyag na sumáma sa demónyo ay lubhâng mapang̃ánib.Dápwa’t umúrong sa pang̃anib ay ugalì lang ng̃ mg̃a pusong marurupók, hindî ng̃ mg̃a gaya niyáng walâng tákot na kinikilala kundî ang tákot sa kaniláng Diyós at Báyan; hindî ng̃ mg̃a“Mapagbiróng lagì sa tampó ng̃ buhay“Mapaglarô kahi’t sa labì ng̃ hukay.”Ang gabí noón ay sakdal ng̃ dilim. Sa maulap at masung̃it na lang̃it, ay walâ ni isa mang bituin.Nang siná Gerardo ay mapaláot na sa gayong kadilimán, ang demonyo ay nagtumúlin ng̃ lakad. Si Gerardo naman ay nagliksí din.—“Sabihin na, páre, kung kayo’y sino;”—ang patawang wika ng̃ binatà sa kanyang kasama.Ang pagkapípi ng̃ demonyo ay patúloy pa rin. Walang itinugón kay Gerardo kundî mg̃a di mawatásang bulóng; at lalòng binilisán ang hakbáng.Saán silá patúng̃o? Itó maráhil ang ibig na maaláman ng̃ bumabasa.Dapat munang unawain na ang báhay nina Pepe na kanilang pinanggaling̃an ay nagíisang nakatayô sa labás ng̃ báyan ng̃ Libis, sa tabi ng̃ isang mahabàng dáan na patung̃o sa Maynilà. Mulâ sa bahay na iyón, ang isáng maglalakbay sa Maynilà ay kailang̃ang lumakad ng̃ mg̃a isáng óras bago dumating sa kapwà báhay. Ang dáang itó na patung̃o sa Maynilà, ay siyáng tinatalakták nina Gerardo. Kalahating óras na siláng naglálakad ng̃uni’t di pa tumitigil. Naiinip na si Gerardo, dapwa’t gayón na lang yatà ang kagandahan ng̃ kanyáng ugalì na kahi’t ang isáng pagkainip ay áayaw ipahalatâ kahi’t sa isáng demonyo. Bukód sa rito’y talagá namáng nátigasán niyá ang pakikipagtagálan sa kanyáng kasáma saan man siya dalhín palibhasa’t malaki ang nais niyáng mabatid kung tunay ng̃ang matutupad ang mg̃a sumbat sa kanyá na natatalâ sa tinanggáp na liham.Sa di kawasa’y lumikô ang demonyo sa isáng landás. Ang binatà nama’y lumiko din.Di naláon at sila’y sumápit sa isáng iláng, na dáhil sa kasukálan, ay matatawag nang gúbat. Isang bahagi ng̃ iláng na íto ay pinang̃ing̃ilagang lubhâ ng̃ mg̃a matatakuting taga-Libis túlad ng̃ pang̃ing̃ilag nilá sa isáng libing̃an. Di umano’y may mg̃a lunggâ doón ang mg̃a aswáng. Di umano’y ang mang̃ahas na máglagalág doón sa kalalíman ng̃ gabí ay nawawalâ’t súkat. May mg̃a báboy daw na sung̃ayan, mg̃a kalabáw na parang bága ang mg̃a matá, at mg̃a ásong singlalakí ng̃ kabáyo, na parapárang nanghaharang doón.Itó ang lugal na tinutung̃o ng̃ demónyo.—“Abá pare,”—ang birò ng̃ binatà—“¡baka tayo’y harang̃in diyán ng̃ aswang!”Lalòng nagtumúlin ng̃ lákad ang demónyo at saka tumigil ng̃ biglâng-biglâ.Dinukot sa bulsá ang isang aywan kung anó, bago inalápit sa mg̃a labì. Hinipan. Ang tunóg ay katúlad ng̃ huni ng̃ ahas. Noon di’y pahang̃os na tumátakbo sa kanilang kinatatayuán ang isáng...¿aswáng na kayâ?... putót na putót ng̃ damit na itím—tulad sa itím ng̃ gabí.Ang bágong-datíng at sakâ ang demónyo ay lumayo sa binatá ng̃ iláng dipá, at nagbulung̃an.Sandalî lamang at ang demónyo’y pasugód na lumápit kay Gerardo. Sinaklót itó sa liig, at sakâ nagng̃i-ng̃itng̃it na tumanóng:—“Walâng-hiyâ, ¿kilalá mo ba akó?”Kumulô ang dugô ni Gerardo sa ginawâng iyón sa kanyá. Isang suntók na úbos diín sa sikmurà ng̃ demonyó ang kanyang iginanti. Ang liíg niya’y nabitiwan at súkat ng̃ pang̃ahás na ng̃atál na ng̃atál sa poot, at di magkantutúto sa pagsigáw ng̃ sunódsunód na.——“Waláng-hiyâ!! magsísi ka ná ng̃ iyóng kasálanan! ng̃ayón, ng̃ayon mo akó makikilala!!”Sa sasál ng̃ gálit, at sa gitnâ ng̃ pagng̃i-ng̃itng̃ít, ay di nabatá ang di damukúsin ang mukhâ ni Gerardo.Si Gerardo na noó’y pigil sa bisig ng̃ kasapakát ng̃ kanyáng kaáway, palibhasá’t nadaíg siyá noón sa lakás, ay walâng naitugón kundî mg̃a sipà.—“Ulupóng!! mg̃a duwág!! Ganyán ang mg̃a duwág!!”—“Pápatayin, pápatayin kitá, salbáhe!!” ... Umúrong ang demonyo ng̃ isáng hakbáng; itinaás ang kanang kamáy, at nagpatúloy:—“Nakikíta mo ito, anák ng̃...?”—Noón ay kumidlát; at sa pamamagitan ng̃ liwanag nito, ay napagmalas ng̃ binatà ang kakilakilabot na talibong ng̃ kaaway.—“Itó, itó, ang sa iyo, ng̃ayóy uutás! Uutás! nauunawàanmoba?”—“Sa mg̃a duwag akó’y di natatákot!”—ang nakabibing̃ing sigaw ni Gerardo; at úbos lakasna nagpumilit makakulagpós sa pumipigil sa kanyá. Walâng nasapit ang abâng binatà sa mg̃a bakal na bisíg ng̃ yumáyapós sa kanyáng katawan ¡Isa pang saksi ng̃ pang̃ing̃ibabaw ng̃ Lakás sa Hinà!—“Binagábag mo ang mapayapà kong buhay;”—ang dugtóng ng̃ demonyo—“isiniwálat mo ang mg̃a lihim na pinakaiing̃at-ing̃atan ko, ginising mo ang poot sa akin ng̃ isang báyang dati’y nakayukô sa aking bawá’t maibigan, pinakalaitlait mo ako, pinakadustâdustâ sa matá ng̃ lahat,—ano ang sa aki’y nalálabí? Anó ang dápat kong gawín? ¡Hindì akó isáng babáe na sa gitnâ ng̃ pagkasawî, ay masisiyahan sa pagtutukmol, sa pananambitan, at pananang̃is! ¡Hindî ako ang ulól na magsisisi sa aking mg̃a nagawâ; hindî ako batàng musmos na mapalúluhód sa aking mg̃a ipinahámak úpang sila’y hing̃an ng̃ tawad! Ah, hindî!... ¡Akó ay isáng tunay na laláki—isáng laláking buháy na lagì ang loób!—Akó ang bantóg na si Kapitang Memò na di nagugúlat kahima’t sa kamatayan! ¡Akó ang laláki na marúnong maghigantí!!... Ah, walâng hiyâ! Tálastasin mo na isinumpâ ko ang ikáw ay patayín! patayín!! patayín!!! Unawâin mopatayin!!! Nárito, nárito akó, nárito si Kapitang Memò upang tumupád sa kanyáng sumpâ!!”Mulîng itinaás ng̃ sukáb ang kánang kamáy; ¡dápwa’t ang karawaldawal na náis ay di nagwagí!... Isáng sing-bilís ng̃ kidlát ang noo’y namagitnâ, pumigil sa nakayambáng kamáy, at umágaw sa matúlis na patalím.Sa sumunód na sandalî, si Kapitang Memò ay nábulagtâ. Si Gerardo’y ligtas; iniligtas siyá ni Florante, na sa gitnâ ng̃ gayóng kabayanihan at pagwawagí, di kinukusa’y napasigaw ng̃—“Oh mg̃a swail!! Ang Diyos ay hindî natutúlog!”Nang mámalas ang pagkakátimbuwáng ni Kapitang Memò, ang kanina’y pumipigil kay Gerardo ay kumaripas ng̃ takbó.Sinundán siyá ng̃ dalawáng magkatóto, dapwa’t di inabutan. Biglâng nawalâ. Kinupkóp ng̃ dilím!...Oh ang nagagawâ ng̃ dilím ng̃ gabí!Ang kadilimán bagáng iya’y nilaláng na talagá úpang makatúlong sa mg̃a karúmaldúmal na adhikâ, at mapagtagúan ng̃ mg̃a sukáb?Kung túnay na ang Diyós ay siyáng lumaláng sa kadilimáng iyán, .... ang katotohánang itó, kung katotohánan ng̃â, ay nakapagpapa-alinlang̃ang lubhâ sa pagka-makatwiran ng̃ Diyós na iyán!...

XVISa iláng ng̃ mg̃a Aswáng

Ang líham natinanggápni Gerardo ay lábis nang nag-úlat sa kanyá na sa gabing iyón ay pilit siyáng makasasagupà ng̃ isang kataksilán.Lábis din niyáng alám na ang pagpáyag na sumáma sa demónyo ay lubhâng mapang̃ánib.Dápwa’t umúrong sa pang̃anib ay ugalì lang ng̃ mg̃a pusong marurupók, hindî ng̃ mg̃a gaya niyáng walâng tákot na kinikilala kundî ang tákot sa kaniláng Diyós at Báyan; hindî ng̃ mg̃a“Mapagbiróng lagì sa tampó ng̃ buhay“Mapaglarô kahi’t sa labì ng̃ hukay.”Ang gabí noón ay sakdal ng̃ dilim. Sa maulap at masung̃it na lang̃it, ay walâ ni isa mang bituin.Nang siná Gerardo ay mapaláot na sa gayong kadilimán, ang demonyo ay nagtumúlin ng̃ lakad. Si Gerardo naman ay nagliksí din.—“Sabihin na, páre, kung kayo’y sino;”—ang patawang wika ng̃ binatà sa kanyang kasama.Ang pagkapípi ng̃ demonyo ay patúloy pa rin. Walang itinugón kay Gerardo kundî mg̃a di mawatásang bulóng; at lalòng binilisán ang hakbáng.Saán silá patúng̃o? Itó maráhil ang ibig na maaláman ng̃ bumabasa.Dapat munang unawain na ang báhay nina Pepe na kanilang pinanggaling̃an ay nagíisang nakatayô sa labás ng̃ báyan ng̃ Libis, sa tabi ng̃ isang mahabàng dáan na patung̃o sa Maynilà. Mulâ sa bahay na iyón, ang isáng maglalakbay sa Maynilà ay kailang̃ang lumakad ng̃ mg̃a isáng óras bago dumating sa kapwà báhay. Ang dáang itó na patung̃o sa Maynilà, ay siyáng tinatalakták nina Gerardo. Kalahating óras na siláng naglálakad ng̃uni’t di pa tumitigil. Naiinip na si Gerardo, dapwa’t gayón na lang yatà ang kagandahan ng̃ kanyáng ugalì na kahi’t ang isáng pagkainip ay áayaw ipahalatâ kahi’t sa isáng demonyo. Bukód sa rito’y talagá namáng nátigasán niyá ang pakikipagtagálan sa kanyáng kasáma saan man siya dalhín palibhasa’t malaki ang nais niyáng mabatid kung tunay ng̃ang matutupad ang mg̃a sumbat sa kanyá na natatalâ sa tinanggáp na liham.Sa di kawasa’y lumikô ang demonyo sa isáng landás. Ang binatà nama’y lumiko din.Di naláon at sila’y sumápit sa isáng iláng, na dáhil sa kasukálan, ay matatawag nang gúbat. Isang bahagi ng̃ iláng na íto ay pinang̃ing̃ilagang lubhâ ng̃ mg̃a matatakuting taga-Libis túlad ng̃ pang̃ing̃ilag nilá sa isáng libing̃an. Di umano’y may mg̃a lunggâ doón ang mg̃a aswáng. Di umano’y ang mang̃ahas na máglagalág doón sa kalalíman ng̃ gabí ay nawawalâ’t súkat. May mg̃a báboy daw na sung̃ayan, mg̃a kalabáw na parang bága ang mg̃a matá, at mg̃a ásong singlalakí ng̃ kabáyo, na parapárang nanghaharang doón.Itó ang lugal na tinutung̃o ng̃ demónyo.—“Abá pare,”—ang birò ng̃ binatà—“¡baka tayo’y harang̃in diyán ng̃ aswang!”Lalòng nagtumúlin ng̃ lákad ang demónyo at saka tumigil ng̃ biglâng-biglâ.Dinukot sa bulsá ang isang aywan kung anó, bago inalápit sa mg̃a labì. Hinipan. Ang tunóg ay katúlad ng̃ huni ng̃ ahas. Noon di’y pahang̃os na tumátakbo sa kanilang kinatatayuán ang isáng...¿aswáng na kayâ?... putót na putót ng̃ damit na itím—tulad sa itím ng̃ gabí.Ang bágong-datíng at sakâ ang demónyo ay lumayo sa binatá ng̃ iláng dipá, at nagbulung̃an.Sandalî lamang at ang demónyo’y pasugód na lumápit kay Gerardo. Sinaklót itó sa liig, at sakâ nagng̃i-ng̃itng̃it na tumanóng:—“Walâng-hiyâ, ¿kilalá mo ba akó?”Kumulô ang dugô ni Gerardo sa ginawâng iyón sa kanyá. Isang suntók na úbos diín sa sikmurà ng̃ demonyó ang kanyang iginanti. Ang liíg niya’y nabitiwan at súkat ng̃ pang̃ahás na ng̃atál na ng̃atál sa poot, at di magkantutúto sa pagsigáw ng̃ sunódsunód na.——“Waláng-hiyâ!! magsísi ka ná ng̃ iyóng kasálanan! ng̃ayón, ng̃ayon mo akó makikilala!!”Sa sasál ng̃ gálit, at sa gitnâ ng̃ pagng̃i-ng̃itng̃ít, ay di nabatá ang di damukúsin ang mukhâ ni Gerardo.Si Gerardo na noó’y pigil sa bisig ng̃ kasapakát ng̃ kanyáng kaáway, palibhasá’t nadaíg siyá noón sa lakás, ay walâng naitugón kundî mg̃a sipà.—“Ulupóng!! mg̃a duwág!! Ganyán ang mg̃a duwág!!”—“Pápatayin, pápatayin kitá, salbáhe!!” ... Umúrong ang demonyo ng̃ isáng hakbáng; itinaás ang kanang kamáy, at nagpatúloy:—“Nakikíta mo ito, anák ng̃...?”—Noón ay kumidlát; at sa pamamagitan ng̃ liwanag nito, ay napagmalas ng̃ binatà ang kakilakilabot na talibong ng̃ kaaway.—“Itó, itó, ang sa iyo, ng̃ayóy uutás! Uutás! nauunawàanmoba?”—“Sa mg̃a duwag akó’y di natatákot!”—ang nakabibing̃ing sigaw ni Gerardo; at úbos lakasna nagpumilit makakulagpós sa pumipigil sa kanyá. Walâng nasapit ang abâng binatà sa mg̃a bakal na bisíg ng̃ yumáyapós sa kanyáng katawan ¡Isa pang saksi ng̃ pang̃ing̃ibabaw ng̃ Lakás sa Hinà!—“Binagábag mo ang mapayapà kong buhay;”—ang dugtóng ng̃ demonyo—“isiniwálat mo ang mg̃a lihim na pinakaiing̃at-ing̃atan ko, ginising mo ang poot sa akin ng̃ isang báyang dati’y nakayukô sa aking bawá’t maibigan, pinakalaitlait mo ako, pinakadustâdustâ sa matá ng̃ lahat,—ano ang sa aki’y nalálabí? Anó ang dápat kong gawín? ¡Hindì akó isáng babáe na sa gitnâ ng̃ pagkasawî, ay masisiyahan sa pagtutukmol, sa pananambitan, at pananang̃is! ¡Hindî ako ang ulól na magsisisi sa aking mg̃a nagawâ; hindî ako batàng musmos na mapalúluhód sa aking mg̃a ipinahámak úpang sila’y hing̃an ng̃ tawad! Ah, hindî!... ¡Akó ay isáng tunay na laláki—isáng laláking buháy na lagì ang loób!—Akó ang bantóg na si Kapitang Memò na di nagugúlat kahima’t sa kamatayan! ¡Akó ang laláki na marúnong maghigantí!!... Ah, walâng hiyâ! Tálastasin mo na isinumpâ ko ang ikáw ay patayín! patayín!! patayín!!! Unawâin mopatayin!!! Nárito, nárito akó, nárito si Kapitang Memò upang tumupád sa kanyáng sumpâ!!”Mulîng itinaás ng̃ sukáb ang kánang kamáy; ¡dápwa’t ang karawaldawal na náis ay di nagwagí!... Isáng sing-bilís ng̃ kidlát ang noo’y namagitnâ, pumigil sa nakayambáng kamáy, at umágaw sa matúlis na patalím.Sa sumunód na sandalî, si Kapitang Memò ay nábulagtâ. Si Gerardo’y ligtas; iniligtas siyá ni Florante, na sa gitnâ ng̃ gayóng kabayanihan at pagwawagí, di kinukusa’y napasigaw ng̃—“Oh mg̃a swail!! Ang Diyos ay hindî natutúlog!”Nang mámalas ang pagkakátimbuwáng ni Kapitang Memò, ang kanina’y pumipigil kay Gerardo ay kumaripas ng̃ takbó.Sinundán siyá ng̃ dalawáng magkatóto, dapwa’t di inabutan. Biglâng nawalâ. Kinupkóp ng̃ dilím!...Oh ang nagagawâ ng̃ dilím ng̃ gabí!Ang kadilimán bagáng iya’y nilaláng na talagá úpang makatúlong sa mg̃a karúmaldúmal na adhikâ, at mapagtagúan ng̃ mg̃a sukáb?Kung túnay na ang Diyós ay siyáng lumaláng sa kadilimáng iyán, .... ang katotohánang itó, kung katotohánan ng̃â, ay nakapagpapa-alinlang̃ang lubhâ sa pagka-makatwiran ng̃ Diyós na iyán!...

Ang líham natinanggápni Gerardo ay lábis nang nag-úlat sa kanyá na sa gabing iyón ay pilit siyáng makasasagupà ng̃ isang kataksilán.

Lábis din niyáng alám na ang pagpáyag na sumáma sa demónyo ay lubhâng mapang̃ánib.

Dápwa’t umúrong sa pang̃anib ay ugalì lang ng̃ mg̃a pusong marurupók, hindî ng̃ mg̃a gaya niyáng walâng tákot na kinikilala kundî ang tákot sa kaniláng Diyós at Báyan; hindî ng̃ mg̃a

“Mapagbiróng lagì sa tampó ng̃ buhay“Mapaglarô kahi’t sa labì ng̃ hukay.”

“Mapagbiróng lagì sa tampó ng̃ buhay

“Mapaglarô kahi’t sa labì ng̃ hukay.”

Ang gabí noón ay sakdal ng̃ dilim. Sa maulap at masung̃it na lang̃it, ay walâ ni isa mang bituin.

Nang siná Gerardo ay mapaláot na sa gayong kadilimán, ang demonyo ay nagtumúlin ng̃ lakad. Si Gerardo naman ay nagliksí din.

—“Sabihin na, páre, kung kayo’y sino;”—ang patawang wika ng̃ binatà sa kanyang kasama.

Ang pagkapípi ng̃ demonyo ay patúloy pa rin. Walang itinugón kay Gerardo kundî mg̃a di mawatásang bulóng; at lalòng binilisán ang hakbáng.

Saán silá patúng̃o? Itó maráhil ang ibig na maaláman ng̃ bumabasa.

Dapat munang unawain na ang báhay nina Pepe na kanilang pinanggaling̃an ay nagíisang nakatayô sa labás ng̃ báyan ng̃ Libis, sa tabi ng̃ isang mahabàng dáan na patung̃o sa Maynilà. Mulâ sa bahay na iyón, ang isáng maglalakbay sa Maynilà ay kailang̃ang lumakad ng̃ mg̃a isáng óras bago dumating sa kapwà báhay. Ang dáang itó na patung̃o sa Maynilà, ay siyáng tinatalakták nina Gerardo. Kalahating óras na siláng naglálakad ng̃uni’t di pa tumitigil. Naiinip na si Gerardo, dapwa’t gayón na lang yatà ang kagandahan ng̃ kanyáng ugalì na kahi’t ang isáng pagkainip ay áayaw ipahalatâ kahi’t sa isáng demonyo. Bukód sa rito’y talagá namáng nátigasán niyá ang pakikipagtagálan sa kanyáng kasáma saan man siya dalhín palibhasa’t malaki ang nais niyáng mabatid kung tunay ng̃ang matutupad ang mg̃a sumbat sa kanyá na natatalâ sa tinanggáp na liham.

Sa di kawasa’y lumikô ang demonyo sa isáng landás. Ang binatà nama’y lumiko din.

Di naláon at sila’y sumápit sa isáng iláng, na dáhil sa kasukálan, ay matatawag nang gúbat. Isang bahagi ng̃ iláng na íto ay pinang̃ing̃ilagang lubhâ ng̃ mg̃a matatakuting taga-Libis túlad ng̃ pang̃ing̃ilag nilá sa isáng libing̃an. Di umano’y may mg̃a lunggâ doón ang mg̃a aswáng. Di umano’y ang mang̃ahas na máglagalág doón sa kalalíman ng̃ gabí ay nawawalâ’t súkat. May mg̃a báboy daw na sung̃ayan, mg̃a kalabáw na parang bága ang mg̃a matá, at mg̃a ásong singlalakí ng̃ kabáyo, na parapárang nanghaharang doón.

Itó ang lugal na tinutung̃o ng̃ demónyo.

—“Abá pare,”—ang birò ng̃ binatà—“¡baka tayo’y harang̃in diyán ng̃ aswang!”

Lalòng nagtumúlin ng̃ lákad ang demónyo at saka tumigil ng̃ biglâng-biglâ.

Dinukot sa bulsá ang isang aywan kung anó, bago inalápit sa mg̃a labì. Hinipan. Ang tunóg ay katúlad ng̃ huni ng̃ ahas. Noon di’y pahang̃os na tumátakbo sa kanilang kinatatayuán ang isáng...¿aswáng na kayâ?... putót na putót ng̃ damit na itím—tulad sa itím ng̃ gabí.

Ang bágong-datíng at sakâ ang demónyo ay lumayo sa binatá ng̃ iláng dipá, at nagbulung̃an.

Sandalî lamang at ang demónyo’y pasugód na lumápit kay Gerardo. Sinaklót itó sa liig, at sakâ nagng̃i-ng̃itng̃it na tumanóng:

—“Walâng-hiyâ, ¿kilalá mo ba akó?”

Kumulô ang dugô ni Gerardo sa ginawâng iyón sa kanyá. Isang suntók na úbos diín sa sikmurà ng̃ demonyó ang kanyang iginanti. Ang liíg niya’y nabitiwan at súkat ng̃ pang̃ahás na ng̃atál na ng̃atál sa poot, at di magkantutúto sa pagsigáw ng̃ sunódsunód na.—

—“Waláng-hiyâ!! magsísi ka ná ng̃ iyóng kasálanan! ng̃ayón, ng̃ayon mo akó makikilala!!”

Sa sasál ng̃ gálit, at sa gitnâ ng̃ pagng̃i-ng̃itng̃ít, ay di nabatá ang di damukúsin ang mukhâ ni Gerardo.

Si Gerardo na noó’y pigil sa bisig ng̃ kasapakát ng̃ kanyáng kaáway, palibhasá’t nadaíg siyá noón sa lakás, ay walâng naitugón kundî mg̃a sipà.

—“Ulupóng!! mg̃a duwág!! Ganyán ang mg̃a duwág!!”

—“Pápatayin, pápatayin kitá, salbáhe!!” ... Umúrong ang demonyo ng̃ isáng hakbáng; itinaás ang kanang kamáy, at nagpatúloy:

—“Nakikíta mo ito, anák ng̃...?”—Noón ay kumidlát; at sa pamamagitan ng̃ liwanag nito, ay napagmalas ng̃ binatà ang kakilakilabot na talibong ng̃ kaaway.—“Itó, itó, ang sa iyo, ng̃ayóy uutás! Uutás! nauunawàanmoba?”

—“Sa mg̃a duwag akó’y di natatákot!”—ang nakabibing̃ing sigaw ni Gerardo; at úbos lakasna nagpumilit makakulagpós sa pumipigil sa kanyá. Walâng nasapit ang abâng binatà sa mg̃a bakal na bisíg ng̃ yumáyapós sa kanyáng katawan ¡Isa pang saksi ng̃ pang̃ing̃ibabaw ng̃ Lakás sa Hinà!

—“Binagábag mo ang mapayapà kong buhay;”—ang dugtóng ng̃ demonyo—“isiniwálat mo ang mg̃a lihim na pinakaiing̃at-ing̃atan ko, ginising mo ang poot sa akin ng̃ isang báyang dati’y nakayukô sa aking bawá’t maibigan, pinakalaitlait mo ako, pinakadustâdustâ sa matá ng̃ lahat,—ano ang sa aki’y nalálabí? Anó ang dápat kong gawín? ¡Hindì akó isáng babáe na sa gitnâ ng̃ pagkasawî, ay masisiyahan sa pagtutukmol, sa pananambitan, at pananang̃is! ¡Hindî ako ang ulól na magsisisi sa aking mg̃a nagawâ; hindî ako batàng musmos na mapalúluhód sa aking mg̃a ipinahámak úpang sila’y hing̃an ng̃ tawad! Ah, hindî!... ¡Akó ay isáng tunay na laláki—isáng laláking buháy na lagì ang loób!—Akó ang bantóg na si Kapitang Memò na di nagugúlat kahima’t sa kamatayan! ¡Akó ang laláki na marúnong maghigantí!!... Ah, walâng hiyâ! Tálastasin mo na isinumpâ ko ang ikáw ay patayín! patayín!! patayín!!! Unawâin mopatayin!!! Nárito, nárito akó, nárito si Kapitang Memò upang tumupád sa kanyáng sumpâ!!”

Mulîng itinaás ng̃ sukáb ang kánang kamáy; ¡dápwa’t ang karawaldawal na náis ay di nagwagí!... Isáng sing-bilís ng̃ kidlát ang noo’y namagitnâ, pumigil sa nakayambáng kamáy, at umágaw sa matúlis na patalím.

Sa sumunód na sandalî, si Kapitang Memò ay nábulagtâ. Si Gerardo’y ligtas; iniligtas siyá ni Florante, na sa gitnâ ng̃ gayóng kabayanihan at pagwawagí, di kinukusa’y napasigaw ng̃—“Oh mg̃a swail!! Ang Diyos ay hindî natutúlog!”

Nang mámalas ang pagkakátimbuwáng ni Kapitang Memò, ang kanina’y pumipigil kay Gerardo ay kumaripas ng̃ takbó.

Sinundán siyá ng̃ dalawáng magkatóto, dapwa’t di inabutan. Biglâng nawalâ. Kinupkóp ng̃ dilím!...

Oh ang nagagawâ ng̃ dilím ng̃ gabí!

Ang kadilimán bagáng iya’y nilaláng na talagá úpang makatúlong sa mg̃a karúmaldúmal na adhikâ, at mapagtagúan ng̃ mg̃a sukáb?

Kung túnay na ang Diyós ay siyáng lumaláng sa kadilimáng iyán, .... ang katotohánang itó, kung katotohánan ng̃â, ay nakapagpapa-alinlang̃ang lubhâ sa pagka-makatwiran ng̃ Diyós na iyán!...

XVIIDiyata’t buháy ka pa?Dumating ang magkatoto sa mahabang daan na patung̃o sa Maynilà.Kaginsaginsa’y naulinigan nilá mulâ sa malayò ang isang sasakyang humahagunot... Lumaláon ay lumalakas, sa kanilang pakinig, ang kalugkog ng̃ mg̃a gulong; lumalaon ay tumitingkad, sa kanilang paning̃ín, ang dalawang ilaw ng̃ sasakyan. Di nagtagal at nálapit ang kalesa sa magkaibigan.Tuming̃in ang dalawang binatà sa loob. Nakilala nila ang lulan: si Elena at ang taksíl! Nagulamihanan si Gerardo. Natigilan sandalî, at ... kagaya ng̃ isang ulol na hinagad ang sasakyang lumilipad. Sinundan siya ni Florante.Sino ang makatatatáp sa makamandág na mg̃a damdaming noo’y gumigiyagis at sumásakal sa pusò ni Gerardo?... Oh! Diyatà? Ang kanyang kasi sa piling ng̃ ibá, sa piling ng̃ isang kaaway? Diyatà? At sa gayóng dilím ng̃ gabi? At sa gayóng mg̃a pook?... Oh! Kataksilan!... At yaong mabilís na takbóng iyon, ¿anó ang kahulugan?...Paninibughô, poot, pagka-awà sa kanyangirog, ay sunod-sunod na dumatál sa boô niyang katauhan. Ang sigaw ng̃ kanyang dang̃al, ng̃ dang̃al ng̃ kanyang pagkalalaki, ay daglíng pinukaw ang bang̃ís at init ng̃ silang̃an niyang dugô, pinawì ang pagkahapò ng̃ kanyang katawan, at nagdulot ng̃ ibayong lakás at siglá sa nanglulumóng dibdib.Walâng tugot ng̃ katatakbó ang dalawang magkatóto. Lumalaon ay lumalaki ang pagitan nila at ng̃ sasakyan. Sasabihin ng̃ mg̃a pusòng mahihinà, na sila’y walâ nang pag-asa. Dapwa’t di gayon. Sa mg̃a kawal na iyon ng̃ kabayanihan, ang pag-asa sa isang pagwawagí ay lalong kumikinang at nagbabaga habang napápabíng̃it sa pang̃anib, pagkasawî at kamatayan.Talagáng ganyan ang mg̃a bayani!Talagang ganyán ang mg̃a naghahabol at umuusig sa ng̃alan ng̃ Matwíd, sa ng̃alan ng̃ Dang̃ál, sa ng̃alan ng̃ isáng dalisay na Pag-ibig! Parating buháy ang Pag-asa! Papaano’y buháy na lagi ang pananalig na, sapagka’t katwiran ang hánap, ay may isáng makatwirang Bathalà sa Lang̃it na sa kanila’y tutulong at magdudulot ng̃ tagumpay.Pagkaráan ng̃ ilang sandalî, ang sasakyáng hinahábol ay sumapit sa isáng tuláy na lumà. Sa isáng dulo ng̃ tuláy na iyon ay may isáng malakíng bútas na, sapagka’t di pa natatagalan ay di alám niJuancho, ni ng̃ kutserong si Kikò, ni ng̃ kanilang kabáyo.Nangyari ang di hinihintáy: Ang mg̃a páang unahán ng̃ hayop ay tumamà sa butas,—kaya’t dagling napatigil. Ang kabáyo ay di makabáng̃onbang̃on sa pagkasubásob. Nagkangbabalì ang latiko at nagkangmamálat si Kikò sa pagsigáw, dapwa’t maanong natinag ang hayop sa pagkápang̃aw!Si Juancho ay galít na galít sa kanyang kutsero. Bumaba sa kalesa at pagdaka’y binatukan nang makalawa ang abang si Kikò.—“Torpe! animal! bruto! Mang̃utsero lang ay di ka marunong!... Bakit di kalagin angtirante, cabrón?”Si Kiko nama’y susukot-sukot na isinauli ang latiko sa lalagyan, at saka susukot-sukot ding kinalág angtirante. ¡Kaybaitna tao! Pagkababàbabà ng̃ loob! ¡Kaygandangugalì! Mg̃a taong gayá niya’y dapatpagkawang-gawaanng̃ lahat ng̃ mg̃a nang̃ang̃arap at nagmamalasakit sa isang maligayang bukas ng̃ Bayang Pilipino! Dapat patulugin ang mg̃a taong ganyan sa isangpalasiona may isangdinamitasa ilalim!... ¡Ang busabos ay busabos lang ang iaanák!... Kung kayâ may mapangbusábos na pang̃inóon, ay sapagka’t may napabubusabos!...Samantalang tinutupad ni Kikò ang banal na utos ng̃ kanyang mahal naamo, ay siyang pagdating ng̃ dalawang binatang hang̃ós na hang̃ós.Lumapit ang isa kay Elena na noo’y nakahilig sa loob ng̃ sasakyan at kasalukuyang hinihimatay na naman, samantalang ang isa nama’y sinugod si Juancho at pasigáw na tumanong:—“Síno ka?”—“At ikaw, sino ka?”Si Juancho’y biglang napaurong ng̃ mamalas ang tindig ng̃ nang̃ang̃alit na si Gerardo.—“Ha? Gerardo?”—ang kanyang pamanghang tanóng.—“Diyata’t si Gerardo ka? Diyata’t buháy ka pa?”Inaunat ni Gerardo ang kanang kamay na may pigil na isang patalim at nang̃ing̃inig na nang̃usap:—“Taksil, anó ang ginawâ mo kay Elena?... Sumagot kaagad ó ikaw ay mamámatay!”Si Elíng noo’y nasaulian na ng̃ diwà. Nadinig niya ang boses ni Gerardo; at nakilala ang kanyang irog na ibinalitang namatay. Lumuksóang binibini sa kalesa at hihikbî-hikbîng niyakap ang binatà.—“Oh, Elena!”—ang mapanglaw na bigkas ni Gerardo;—“Anó ang ibig sabíhin ng̃ lahat ng̃ ito?—Ako’y námamanghâ!... Bakit ka nápaparito?”—“Ginahás akó ng̃ táong iyan!”—“Oh tampalasang lalaki! Walang pusò! Di mo na inalaálang akó ay may kamay!”Ang mapusok na binatà ay biglang lumundag sa kinatatayuan ni Juancho. Tangka niyáng itarak sa dibdib ng̃ sukáb ang hawak na patalím. Dapwa’t di itó nangyari. Si Elena ay namagitnâ.—“Gerardo, oh Gerardo!”—ang kanyang hibik;—“huwag kang papatay ng̃ iyong kapwà, tang̃ing pamanhik!”—“Bayaan ako, Elena!—Alam ko ang aking ginágawâ!—Pumatay ng̃ kapwà ay di laging kasalanan!—Ang kamay ko ay di nang̃íng̃imìng magpatulò sa dugông maitím!—Inibig ng̃ lalaking itó na iluksó ang iyong puri, at nang sa gayo’y madung̃isan ang aking karang̃alan!”—“Ha! ha! ha!”—ang pairíng na halakhak ni Juancho—“Tinatawanan kita, Gerardong hambog! ha! ha! ha!”Muling sinugod ni Gerardo ang kaaway, dapwa’t namagitnâng mulî si Elena.—“Giliw ko, nalalabuan ka ng̃ isip, napadadaig ka sa kainitan ng̃ iyong dugô; huwag oh, huwag! Maghunós dili ka!”—“Bayaan mo akó Elena!”—“Gerardo, may mg̃a hukuman, may Justicia, may Diyós!”—“At may Juancho na di nagugulat sa sanglibong gáya mo, palalò!!”—ang pagdaka’y isinabad ng̃ swail.—“Diyatà, Elena, at ipagtatanggol mo pa ang isa kong kaaway?”—“Hindî ko ibig na siya’y ipagtanggol. Ang kalulwa mo ang siya kong alaála. Ayokong madung̃isan ang kanyang linis; ayokong sumuway siya sa bilin at utos ni Bathalà!”—“Malayò, Elena malayò sa akin! Ni Dios, ni ikaw, ni sinopa manay di ako dapat sisihin sa aking gagawin!... Malayò!”Nagpumiglás si Gerardo; nabitiwan ni Elena ang kanyáng katawan, dapwa’t hindi ang kamay na may hawak sa sandata.—“Pumayapà ka, Gerardo!Huwag mong ikikilós ang iyong kamay, kung ibig mong huwag akong masugatan. Bitiwan mo iyáng patalim, ó mahihiwá ang mg̃a dalirì ko! Bitíw, aking irog, bitíw!”Sumukò din sa wakás ang kapusúkan ng̃ binatà.—“Duwag! ha! ha! ha! talagá kang duwag!”—ang sigaw ni Juancho na anaki’y isang bukod na matapang.Si Florante na mulâ nang dumating sa tulay ay di umi-imik, ng̃ayo’y humarap kay Juancho at banayad na nang̃usap:—“Ang táo ay malayà hanggan siya’y gumagalang sa matwid; kapag binaluktot niya ang katwiran, kapag siya’y lumabag sa makatwirang mg̃a utos, ang kanyang kalayaan ay dapat bawiin. Ikaw ay sumalansang sa inaáatas ng̃ matwid. Kami ay may karapatang kumatawan sa Justicia. Isukò mo sa amin ang iyong kalayáan.”—“Ha! maginoong Florante! At sino pô kayo na aking susukuan?”—“Walang maraming salitâ!Sasáma ka sa hukúman ó hindî?”—“At sino pô kayó na aking sásamahan?”—“Mg̃a kapantay mo, na ng̃ayo’y may karapatáng makapangyári sa iyó!... Sasáma ka ó hindî?”—“Baka ikaw ay nahihílo!”—“Sumagót ka ng̃ tapát, sasáma ka ó hindî?”—“Híndî!!”—“Ulol! Ibig mo pang ikaw ay gamítan ng̃ lakás?”—“Hitsura ninyong iyán ang aking uurung̃an!”Si Juancho ay naglilís ng̃ manggás at inawasíwas ang kanyáng sundang. Si Florante nama’y biglang inalantad ang dala-dalang talibóng na inagaw kang̃ína kay Kapitang Memò.—“Halíng!”—ang kanyang sigaw—“Nakikita mo ito?”Tiningnan ni Juancho ang sandata. Napaurong. Nangdididilat. Nakilala ang talibong.—“Bakit iya’y nasa sa iyó? At bakit iya’y may dugô?”—ang pahiyaw na usisà—“Inanó mo ang aking kapatid?”—“Ginawâ ko sa kanya ang gagawin ko sa iyo kapag di ka sumunod sa amin!”—“Anó ang ginawâ mo sa kanya?”—“Siya’y pinatayko!”Isang pailalím na saksák sa sikmurà ni Florante ang itinugon ni Juancho. Si Florante sa lakás ng̃ saksák ay daglíng nabaligtad, dapwa’t noon sandaling iyon ang kanyang kaaway ay dinaluhong ni Gerardo, nagkágulong-gulong sa tulay at sa wakas ay nahulog sa ilog.Ang tubig ng̃ ilog na iyon ay may labinglimang dipá ang lalim; at si Juancho ay di marunong lumang̃oy.Si Kiko na may kaunting pagkabinabae ay nápakurús nang makalawá, pagkukurús na sinalíwan ng̃ sunód-sunód na “Susmariosep” at “Kaawàan ka ng̃ Diyós!” Sa kalakihán ng̃tákot ay dalì-dalìng lumulan sa kalesa at talagáng tangkâ niya’y patakbuhíng mulî ang kabáyong nakawalâ ná sa pagkakásilat, dapwa’t nang hahagkisín ná ang háyop ay siyang pagsigaw sa kanyá ni Gerardo ng̃:—“Hoy!! Saan ka paparoon?”Si Kiko’y kinilíg at parang tulíg na bumulalás ng̃ di mawawàang mg̃a:—“Aba hindî pô, dine pô lang, walâ pô!”Pagdaka’y inalúlan ni Gerardo sa kalesa ang sugatáng si Florante at si Elíng, na noo’y putlângputlâ, nang̃ing̃inig, at nanghihinà.Nilísan nilá ang tuláy na iyon, na ayon kay Kikò ay lubhâng kakilakilabot.

XVIIDiyata’t buháy ka pa?

Dumating ang magkatoto sa mahabang daan na patung̃o sa Maynilà.Kaginsaginsa’y naulinigan nilá mulâ sa malayò ang isang sasakyang humahagunot... Lumaláon ay lumalakas, sa kanilang pakinig, ang kalugkog ng̃ mg̃a gulong; lumalaon ay tumitingkad, sa kanilang paning̃ín, ang dalawang ilaw ng̃ sasakyan. Di nagtagal at nálapit ang kalesa sa magkaibigan.Tuming̃in ang dalawang binatà sa loob. Nakilala nila ang lulan: si Elena at ang taksíl! Nagulamihanan si Gerardo. Natigilan sandalî, at ... kagaya ng̃ isang ulol na hinagad ang sasakyang lumilipad. Sinundan siya ni Florante.Sino ang makatatatáp sa makamandág na mg̃a damdaming noo’y gumigiyagis at sumásakal sa pusò ni Gerardo?... Oh! Diyatà? Ang kanyang kasi sa piling ng̃ ibá, sa piling ng̃ isang kaaway? Diyatà? At sa gayóng dilím ng̃ gabi? At sa gayóng mg̃a pook?... Oh! Kataksilan!... At yaong mabilís na takbóng iyon, ¿anó ang kahulugan?...Paninibughô, poot, pagka-awà sa kanyangirog, ay sunod-sunod na dumatál sa boô niyang katauhan. Ang sigaw ng̃ kanyang dang̃al, ng̃ dang̃al ng̃ kanyang pagkalalaki, ay daglíng pinukaw ang bang̃ís at init ng̃ silang̃an niyang dugô, pinawì ang pagkahapò ng̃ kanyang katawan, at nagdulot ng̃ ibayong lakás at siglá sa nanglulumóng dibdib.Walâng tugot ng̃ katatakbó ang dalawang magkatóto. Lumalaon ay lumalaki ang pagitan nila at ng̃ sasakyan. Sasabihin ng̃ mg̃a pusòng mahihinà, na sila’y walâ nang pag-asa. Dapwa’t di gayon. Sa mg̃a kawal na iyon ng̃ kabayanihan, ang pag-asa sa isang pagwawagí ay lalong kumikinang at nagbabaga habang napápabíng̃it sa pang̃anib, pagkasawî at kamatayan.Talagáng ganyan ang mg̃a bayani!Talagang ganyán ang mg̃a naghahabol at umuusig sa ng̃alan ng̃ Matwíd, sa ng̃alan ng̃ Dang̃ál, sa ng̃alan ng̃ isáng dalisay na Pag-ibig! Parating buháy ang Pag-asa! Papaano’y buháy na lagi ang pananalig na, sapagka’t katwiran ang hánap, ay may isáng makatwirang Bathalà sa Lang̃it na sa kanila’y tutulong at magdudulot ng̃ tagumpay.Pagkaráan ng̃ ilang sandalî, ang sasakyáng hinahábol ay sumapit sa isáng tuláy na lumà. Sa isáng dulo ng̃ tuláy na iyon ay may isáng malakíng bútas na, sapagka’t di pa natatagalan ay di alám niJuancho, ni ng̃ kutserong si Kikò, ni ng̃ kanilang kabáyo.Nangyari ang di hinihintáy: Ang mg̃a páang unahán ng̃ hayop ay tumamà sa butas,—kaya’t dagling napatigil. Ang kabáyo ay di makabáng̃onbang̃on sa pagkasubásob. Nagkangbabalì ang latiko at nagkangmamálat si Kikò sa pagsigáw, dapwa’t maanong natinag ang hayop sa pagkápang̃aw!Si Juancho ay galít na galít sa kanyang kutsero. Bumaba sa kalesa at pagdaka’y binatukan nang makalawa ang abang si Kikò.—“Torpe! animal! bruto! Mang̃utsero lang ay di ka marunong!... Bakit di kalagin angtirante, cabrón?”Si Kiko nama’y susukot-sukot na isinauli ang latiko sa lalagyan, at saka susukot-sukot ding kinalág angtirante. ¡Kaybaitna tao! Pagkababàbabà ng̃ loob! ¡Kaygandangugalì! Mg̃a taong gayá niya’y dapatpagkawang-gawaanng̃ lahat ng̃ mg̃a nang̃ang̃arap at nagmamalasakit sa isang maligayang bukas ng̃ Bayang Pilipino! Dapat patulugin ang mg̃a taong ganyan sa isangpalasiona may isangdinamitasa ilalim!... ¡Ang busabos ay busabos lang ang iaanák!... Kung kayâ may mapangbusábos na pang̃inóon, ay sapagka’t may napabubusabos!...Samantalang tinutupad ni Kikò ang banal na utos ng̃ kanyang mahal naamo, ay siyang pagdating ng̃ dalawang binatang hang̃ós na hang̃ós.Lumapit ang isa kay Elena na noo’y nakahilig sa loob ng̃ sasakyan at kasalukuyang hinihimatay na naman, samantalang ang isa nama’y sinugod si Juancho at pasigáw na tumanong:—“Síno ka?”—“At ikaw, sino ka?”Si Juancho’y biglang napaurong ng̃ mamalas ang tindig ng̃ nang̃ang̃alit na si Gerardo.—“Ha? Gerardo?”—ang kanyang pamanghang tanóng.—“Diyata’t si Gerardo ka? Diyata’t buháy ka pa?”Inaunat ni Gerardo ang kanang kamay na may pigil na isang patalim at nang̃ing̃inig na nang̃usap:—“Taksil, anó ang ginawâ mo kay Elena?... Sumagot kaagad ó ikaw ay mamámatay!”Si Elíng noo’y nasaulian na ng̃ diwà. Nadinig niya ang boses ni Gerardo; at nakilala ang kanyang irog na ibinalitang namatay. Lumuksóang binibini sa kalesa at hihikbî-hikbîng niyakap ang binatà.—“Oh, Elena!”—ang mapanglaw na bigkas ni Gerardo;—“Anó ang ibig sabíhin ng̃ lahat ng̃ ito?—Ako’y námamanghâ!... Bakit ka nápaparito?”—“Ginahás akó ng̃ táong iyan!”—“Oh tampalasang lalaki! Walang pusò! Di mo na inalaálang akó ay may kamay!”Ang mapusok na binatà ay biglang lumundag sa kinatatayuan ni Juancho. Tangka niyáng itarak sa dibdib ng̃ sukáb ang hawak na patalím. Dapwa’t di itó nangyari. Si Elena ay namagitnâ.—“Gerardo, oh Gerardo!”—ang kanyang hibik;—“huwag kang papatay ng̃ iyong kapwà, tang̃ing pamanhik!”—“Bayaan ako, Elena!—Alam ko ang aking ginágawâ!—Pumatay ng̃ kapwà ay di laging kasalanan!—Ang kamay ko ay di nang̃íng̃imìng magpatulò sa dugông maitím!—Inibig ng̃ lalaking itó na iluksó ang iyong puri, at nang sa gayo’y madung̃isan ang aking karang̃alan!”—“Ha! ha! ha!”—ang pairíng na halakhak ni Juancho—“Tinatawanan kita, Gerardong hambog! ha! ha! ha!”Muling sinugod ni Gerardo ang kaaway, dapwa’t namagitnâng mulî si Elena.—“Giliw ko, nalalabuan ka ng̃ isip, napadadaig ka sa kainitan ng̃ iyong dugô; huwag oh, huwag! Maghunós dili ka!”—“Bayaan mo akó Elena!”—“Gerardo, may mg̃a hukuman, may Justicia, may Diyós!”—“At may Juancho na di nagugulat sa sanglibong gáya mo, palalò!!”—ang pagdaka’y isinabad ng̃ swail.—“Diyatà, Elena, at ipagtatanggol mo pa ang isa kong kaaway?”—“Hindî ko ibig na siya’y ipagtanggol. Ang kalulwa mo ang siya kong alaála. Ayokong madung̃isan ang kanyang linis; ayokong sumuway siya sa bilin at utos ni Bathalà!”—“Malayò, Elena malayò sa akin! Ni Dios, ni ikaw, ni sinopa manay di ako dapat sisihin sa aking gagawin!... Malayò!”Nagpumiglás si Gerardo; nabitiwan ni Elena ang kanyáng katawan, dapwa’t hindi ang kamay na may hawak sa sandata.—“Pumayapà ka, Gerardo!Huwag mong ikikilós ang iyong kamay, kung ibig mong huwag akong masugatan. Bitiwan mo iyáng patalim, ó mahihiwá ang mg̃a dalirì ko! Bitíw, aking irog, bitíw!”Sumukò din sa wakás ang kapusúkan ng̃ binatà.—“Duwag! ha! ha! ha! talagá kang duwag!”—ang sigaw ni Juancho na anaki’y isang bukod na matapang.Si Florante na mulâ nang dumating sa tulay ay di umi-imik, ng̃ayo’y humarap kay Juancho at banayad na nang̃usap:—“Ang táo ay malayà hanggan siya’y gumagalang sa matwid; kapag binaluktot niya ang katwiran, kapag siya’y lumabag sa makatwirang mg̃a utos, ang kanyang kalayaan ay dapat bawiin. Ikaw ay sumalansang sa inaáatas ng̃ matwid. Kami ay may karapatang kumatawan sa Justicia. Isukò mo sa amin ang iyong kalayáan.”—“Ha! maginoong Florante! At sino pô kayo na aking susukuan?”—“Walang maraming salitâ!Sasáma ka sa hukúman ó hindî?”—“At sino pô kayó na aking sásamahan?”—“Mg̃a kapantay mo, na ng̃ayo’y may karapatáng makapangyári sa iyó!... Sasáma ka ó hindî?”—“Baka ikaw ay nahihílo!”—“Sumagót ka ng̃ tapát, sasáma ka ó hindî?”—“Híndî!!”—“Ulol! Ibig mo pang ikaw ay gamítan ng̃ lakás?”—“Hitsura ninyong iyán ang aking uurung̃an!”Si Juancho ay naglilís ng̃ manggás at inawasíwas ang kanyáng sundang. Si Florante nama’y biglang inalantad ang dala-dalang talibóng na inagaw kang̃ína kay Kapitang Memò.—“Halíng!”—ang kanyang sigaw—“Nakikita mo ito?”Tiningnan ni Juancho ang sandata. Napaurong. Nangdididilat. Nakilala ang talibong.—“Bakit iya’y nasa sa iyó? At bakit iya’y may dugô?”—ang pahiyaw na usisà—“Inanó mo ang aking kapatid?”—“Ginawâ ko sa kanya ang gagawin ko sa iyo kapag di ka sumunod sa amin!”—“Anó ang ginawâ mo sa kanya?”—“Siya’y pinatayko!”Isang pailalím na saksák sa sikmurà ni Florante ang itinugon ni Juancho. Si Florante sa lakás ng̃ saksák ay daglíng nabaligtad, dapwa’t noon sandaling iyon ang kanyang kaaway ay dinaluhong ni Gerardo, nagkágulong-gulong sa tulay at sa wakas ay nahulog sa ilog.Ang tubig ng̃ ilog na iyon ay may labinglimang dipá ang lalim; at si Juancho ay di marunong lumang̃oy.Si Kiko na may kaunting pagkabinabae ay nápakurús nang makalawá, pagkukurús na sinalíwan ng̃ sunód-sunód na “Susmariosep” at “Kaawàan ka ng̃ Diyós!” Sa kalakihán ng̃tákot ay dalì-dalìng lumulan sa kalesa at talagáng tangkâ niya’y patakbuhíng mulî ang kabáyong nakawalâ ná sa pagkakásilat, dapwa’t nang hahagkisín ná ang háyop ay siyang pagsigaw sa kanyá ni Gerardo ng̃:—“Hoy!! Saan ka paparoon?”Si Kiko’y kinilíg at parang tulíg na bumulalás ng̃ di mawawàang mg̃a:—“Aba hindî pô, dine pô lang, walâ pô!”Pagdaka’y inalúlan ni Gerardo sa kalesa ang sugatáng si Florante at si Elíng, na noo’y putlângputlâ, nang̃ing̃inig, at nanghihinà.Nilísan nilá ang tuláy na iyon, na ayon kay Kikò ay lubhâng kakilakilabot.

Dumating ang magkatoto sa mahabang daan na patung̃o sa Maynilà.

Kaginsaginsa’y naulinigan nilá mulâ sa malayò ang isang sasakyang humahagunot... Lumaláon ay lumalakas, sa kanilang pakinig, ang kalugkog ng̃ mg̃a gulong; lumalaon ay tumitingkad, sa kanilang paning̃ín, ang dalawang ilaw ng̃ sasakyan. Di nagtagal at nálapit ang kalesa sa magkaibigan.

Tuming̃in ang dalawang binatà sa loob. Nakilala nila ang lulan: si Elena at ang taksíl! Nagulamihanan si Gerardo. Natigilan sandalî, at ... kagaya ng̃ isang ulol na hinagad ang sasakyang lumilipad. Sinundan siya ni Florante.

Sino ang makatatatáp sa makamandág na mg̃a damdaming noo’y gumigiyagis at sumásakal sa pusò ni Gerardo?... Oh! Diyatà? Ang kanyang kasi sa piling ng̃ ibá, sa piling ng̃ isang kaaway? Diyatà? At sa gayóng dilím ng̃ gabi? At sa gayóng mg̃a pook?... Oh! Kataksilan!... At yaong mabilís na takbóng iyon, ¿anó ang kahulugan?...

Paninibughô, poot, pagka-awà sa kanyangirog, ay sunod-sunod na dumatál sa boô niyang katauhan. Ang sigaw ng̃ kanyang dang̃al, ng̃ dang̃al ng̃ kanyang pagkalalaki, ay daglíng pinukaw ang bang̃ís at init ng̃ silang̃an niyang dugô, pinawì ang pagkahapò ng̃ kanyang katawan, at nagdulot ng̃ ibayong lakás at siglá sa nanglulumóng dibdib.

Walâng tugot ng̃ katatakbó ang dalawang magkatóto. Lumalaon ay lumalaki ang pagitan nila at ng̃ sasakyan. Sasabihin ng̃ mg̃a pusòng mahihinà, na sila’y walâ nang pag-asa. Dapwa’t di gayon. Sa mg̃a kawal na iyon ng̃ kabayanihan, ang pag-asa sa isang pagwawagí ay lalong kumikinang at nagbabaga habang napápabíng̃it sa pang̃anib, pagkasawî at kamatayan.

Talagáng ganyan ang mg̃a bayani!

Talagang ganyán ang mg̃a naghahabol at umuusig sa ng̃alan ng̃ Matwíd, sa ng̃alan ng̃ Dang̃ál, sa ng̃alan ng̃ isáng dalisay na Pag-ibig! Parating buháy ang Pag-asa! Papaano’y buháy na lagi ang pananalig na, sapagka’t katwiran ang hánap, ay may isáng makatwirang Bathalà sa Lang̃it na sa kanila’y tutulong at magdudulot ng̃ tagumpay.

Pagkaráan ng̃ ilang sandalî, ang sasakyáng hinahábol ay sumapit sa isáng tuláy na lumà. Sa isáng dulo ng̃ tuláy na iyon ay may isáng malakíng bútas na, sapagka’t di pa natatagalan ay di alám niJuancho, ni ng̃ kutserong si Kikò, ni ng̃ kanilang kabáyo.

Nangyari ang di hinihintáy: Ang mg̃a páang unahán ng̃ hayop ay tumamà sa butas,—kaya’t dagling napatigil. Ang kabáyo ay di makabáng̃onbang̃on sa pagkasubásob. Nagkangbabalì ang latiko at nagkangmamálat si Kikò sa pagsigáw, dapwa’t maanong natinag ang hayop sa pagkápang̃aw!

Si Juancho ay galít na galít sa kanyang kutsero. Bumaba sa kalesa at pagdaka’y binatukan nang makalawa ang abang si Kikò.

—“Torpe! animal! bruto! Mang̃utsero lang ay di ka marunong!... Bakit di kalagin angtirante, cabrón?”

Si Kiko nama’y susukot-sukot na isinauli ang latiko sa lalagyan, at saka susukot-sukot ding kinalág angtirante. ¡Kaybaitna tao! Pagkababàbabà ng̃ loob! ¡Kaygandangugalì! Mg̃a taong gayá niya’y dapatpagkawang-gawaanng̃ lahat ng̃ mg̃a nang̃ang̃arap at nagmamalasakit sa isang maligayang bukas ng̃ Bayang Pilipino! Dapat patulugin ang mg̃a taong ganyan sa isangpalasiona may isangdinamitasa ilalim!... ¡Ang busabos ay busabos lang ang iaanák!... Kung kayâ may mapangbusábos na pang̃inóon, ay sapagka’t may napabubusabos!...

Samantalang tinutupad ni Kikò ang banal na utos ng̃ kanyang mahal naamo, ay siyang pagdating ng̃ dalawang binatang hang̃ós na hang̃ós.

Lumapit ang isa kay Elena na noo’y nakahilig sa loob ng̃ sasakyan at kasalukuyang hinihimatay na naman, samantalang ang isa nama’y sinugod si Juancho at pasigáw na tumanong:

—“Síno ka?”

—“At ikaw, sino ka?”

Si Juancho’y biglang napaurong ng̃ mamalas ang tindig ng̃ nang̃ang̃alit na si Gerardo.

—“Ha? Gerardo?”—ang kanyang pamanghang tanóng.—“Diyata’t si Gerardo ka? Diyata’t buháy ka pa?”

Inaunat ni Gerardo ang kanang kamay na may pigil na isang patalim at nang̃ing̃inig na nang̃usap:

—“Taksil, anó ang ginawâ mo kay Elena?... Sumagot kaagad ó ikaw ay mamámatay!”

Si Elíng noo’y nasaulian na ng̃ diwà. Nadinig niya ang boses ni Gerardo; at nakilala ang kanyang irog na ibinalitang namatay. Lumuksóang binibini sa kalesa at hihikbî-hikbîng niyakap ang binatà.

—“Oh, Elena!”—ang mapanglaw na bigkas ni Gerardo;—“Anó ang ibig sabíhin ng̃ lahat ng̃ ito?—Ako’y námamanghâ!... Bakit ka nápaparito?”

—“Ginahás akó ng̃ táong iyan!”

—“Oh tampalasang lalaki! Walang pusò! Di mo na inalaálang akó ay may kamay!”

Ang mapusok na binatà ay biglang lumundag sa kinatatayuan ni Juancho. Tangka niyáng itarak sa dibdib ng̃ sukáb ang hawak na patalím. Dapwa’t di itó nangyari. Si Elena ay namagitnâ.

—“Gerardo, oh Gerardo!”—ang kanyang hibik;—“huwag kang papatay ng̃ iyong kapwà, tang̃ing pamanhik!”

—“Bayaan ako, Elena!—Alam ko ang aking ginágawâ!—Pumatay ng̃ kapwà ay di laging kasalanan!—Ang kamay ko ay di nang̃íng̃imìng magpatulò sa dugông maitím!—Inibig ng̃ lalaking itó na iluksó ang iyong puri, at nang sa gayo’y madung̃isan ang aking karang̃alan!”

—“Ha! ha! ha!”—ang pairíng na halakhak ni Juancho—“Tinatawanan kita, Gerardong hambog! ha! ha! ha!”

Muling sinugod ni Gerardo ang kaaway, dapwa’t namagitnâng mulî si Elena.

—“Giliw ko, nalalabuan ka ng̃ isip, napadadaig ka sa kainitan ng̃ iyong dugô; huwag oh, huwag! Maghunós dili ka!”

—“Bayaan mo akó Elena!”

—“Gerardo, may mg̃a hukuman, may Justicia, may Diyós!”

—“At may Juancho na di nagugulat sa sanglibong gáya mo, palalò!!”—ang pagdaka’y isinabad ng̃ swail.

—“Diyatà, Elena, at ipagtatanggol mo pa ang isa kong kaaway?”

—“Hindî ko ibig na siya’y ipagtanggol. Ang kalulwa mo ang siya kong alaála. Ayokong madung̃isan ang kanyang linis; ayokong sumuway siya sa bilin at utos ni Bathalà!”

—“Malayò, Elena malayò sa akin! Ni Dios, ni ikaw, ni sinopa manay di ako dapat sisihin sa aking gagawin!... Malayò!”

Nagpumiglás si Gerardo; nabitiwan ni Elena ang kanyáng katawan, dapwa’t hindi ang kamay na may hawak sa sandata.

—“Pumayapà ka, Gerardo!Huwag mong ikikilós ang iyong kamay, kung ibig mong huwag akong masugatan. Bitiwan mo iyáng patalim, ó mahihiwá ang mg̃a dalirì ko! Bitíw, aking irog, bitíw!”

Sumukò din sa wakás ang kapusúkan ng̃ binatà.

—“Duwag! ha! ha! ha! talagá kang duwag!”—ang sigaw ni Juancho na anaki’y isang bukod na matapang.

Si Florante na mulâ nang dumating sa tulay ay di umi-imik, ng̃ayo’y humarap kay Juancho at banayad na nang̃usap:

—“Ang táo ay malayà hanggan siya’y gumagalang sa matwid; kapag binaluktot niya ang katwiran, kapag siya’y lumabag sa makatwirang mg̃a utos, ang kanyang kalayaan ay dapat bawiin. Ikaw ay sumalansang sa inaáatas ng̃ matwid. Kami ay may karapatang kumatawan sa Justicia. Isukò mo sa amin ang iyong kalayáan.”

—“Ha! maginoong Florante! At sino pô kayo na aking susukuan?”

—“Walang maraming salitâ!Sasáma ka sa hukúman ó hindî?”

—“At sino pô kayó na aking sásamahan?”

—“Mg̃a kapantay mo, na ng̃ayo’y may karapatáng makapangyári sa iyó!... Sasáma ka ó hindî?”

—“Baka ikaw ay nahihílo!”

—“Sumagót ka ng̃ tapát, sasáma ka ó hindî?”

—“Híndî!!”

—“Ulol! Ibig mo pang ikaw ay gamítan ng̃ lakás?”

—“Hitsura ninyong iyán ang aking uurung̃an!”

Si Juancho ay naglilís ng̃ manggás at inawasíwas ang kanyáng sundang. Si Florante nama’y biglang inalantad ang dala-dalang talibóng na inagaw kang̃ína kay Kapitang Memò.

—“Halíng!”—ang kanyang sigaw—“Nakikita mo ito?”

Tiningnan ni Juancho ang sandata. Napaurong. Nangdididilat. Nakilala ang talibong.

—“Bakit iya’y nasa sa iyó? At bakit iya’y may dugô?”—ang pahiyaw na usisà—“Inanó mo ang aking kapatid?”

—“Ginawâ ko sa kanya ang gagawin ko sa iyo kapag di ka sumunod sa amin!”

—“Anó ang ginawâ mo sa kanya?”

—“Siya’y pinatayko!”

Isang pailalím na saksák sa sikmurà ni Florante ang itinugon ni Juancho. Si Florante sa lakás ng̃ saksák ay daglíng nabaligtad, dapwa’t noon sandaling iyon ang kanyang kaaway ay dinaluhong ni Gerardo, nagkágulong-gulong sa tulay at sa wakas ay nahulog sa ilog.

Ang tubig ng̃ ilog na iyon ay may labinglimang dipá ang lalim; at si Juancho ay di marunong lumang̃oy.

Si Kiko na may kaunting pagkabinabae ay nápakurús nang makalawá, pagkukurús na sinalíwan ng̃ sunód-sunód na “Susmariosep” at “Kaawàan ka ng̃ Diyós!” Sa kalakihán ng̃tákot ay dalì-dalìng lumulan sa kalesa at talagáng tangkâ niya’y patakbuhíng mulî ang kabáyong nakawalâ ná sa pagkakásilat, dapwa’t nang hahagkisín ná ang háyop ay siyang pagsigaw sa kanyá ni Gerardo ng̃:

—“Hoy!! Saan ka paparoon?”

Si Kiko’y kinilíg at parang tulíg na bumulalás ng̃ di mawawàang mg̃a:

—“Aba hindî pô, dine pô lang, walâ pô!”

Pagdaka’y inalúlan ni Gerardo sa kalesa ang sugatáng si Florante at si Elíng, na noo’y putlângputlâ, nang̃ing̃inig, at nanghihinà.

Nilísan nilá ang tuláy na iyon, na ayon kay Kikò ay lubhâng kakilakilabot.

XVIIIPahimakás ni Florante.Sa sumunód na sanglinggóng singkád, sa boông bayan ng̃ Libís, ay walâng napaguusápan ang síno-síno man, saán mang súlok magkatatagpô kundî ang matalinghagàng gabí na sumaksi sa gayóng mg̃a pangyayáring nakapanghihilakbot na lubhâ, at hálos di mapaniniwaláan ng̃ mg̃a di mapaniwalâing taga-Libís, dáng̃an lang at may isáng Gerardo, isang Elena, at isáng Floranteng sugatán, na nagpapatúnay sa mg̃a nangyári.Lahát ng̃ makadinig sa kasaysáyan ng̃ gabíng iyón ay nagkakaisá na ang sinápit ni Kapitang Memò at ng̃ kanyáng kapatid ay “isang marápat na gantíng palà ng̃ Lang̃it sa kanilang mg̃a inasal.” Subalì, anó ang nangyári kay Kapitang Memò? Walâ táyong nababatíd kundî ang katotohánan na siya’y nasugátan. Dápwa’t namatáy kayâ ang bantóg na mámamatay? Ni si Florante, ni si Gerardo ay di itó masagót nang tahásan. At tila ng̃â di matitiyák nino man ang bágay na itó, sapagka’t kung túnay man na mabisà ang pagkakasaksák ni Florante,—bágay na pinatotohánan nangpagka-walâng malaytáo ni Kapitang Memò ng̃ siya’y iwan nina Gerardo—ay túnay din naman na dáhil sa kadilima’y di matiyák ng̃ binatà kung saáng bahági ng̃ katawán tumamà ang patalím, kung sa dibdib, kung sa sikmurà ó kung sa tiyán. Tang̃í rito nang dalawin kabukasan ang mg̃a poók na iyón ay walâng napagkita kundî ang namumuông dugô ng̃ nasawîng pinunò. Maaárì na siya’y namatáy noón ding gabing iyón, at ang kanyáng bangkáy ay dinalá sa ibáng pook at ibinaon ng̃ kasama niyáng nakataanán kina Florante. Maaárì na hindî siya nagtulóy sa pagkamatáy; na nang masaulían na ng̃ diwà ay nakapag-inót na lumakad at tumung̃o sa isáng kublí at maláyong bahági ng̃ iláng.Sa dalawang “maaarìng” itó, alín kayâ ang túnay na nangyári? Mag-gáwad ng̃ pasiyá ang bumabása.Iniaátas ng̃ kahusáyan na usigin kaagád ng̃ hukuman ang madugông sigalot, upang sa gayo’y mapatunáyan kun sino ang may sála sa boông kasiyaháng-loób ng̃ lahát, at sa ibáyo ng̃ lahat ng̃ mg̃a pag-aálinláng̃an.Tatlóng áraw na ang nakararáan. May mg̃a higing na sina Gerardo’y ipadadakip, dapwa’thiging lang. Kundang̃a’y sa boông bayan ng̃ Libis, sina Kapitáng Memò ay walâ ni isang kamag-ánakang malápit ni kaibigan na nagkaloób na pumúkaw sa kapangyaríhang nagwawalâng-bahalà. Ng̃uni’t saán útang ang pagwawalâng-bahálang itó ng̃ mg̃a pinunò? Aywan natin. Lubhâ siyang kataká-taká.Hindî masasábing mahírap dakpin sina Gerardo; sapagka’t ang mg̃a itó ay walang alís sa Libis. Si Gerardo’y waláng iniintay óras-óras kundî ang siya’y ipatáwag ng̃ hukúman; samantalang si Florante namán ... oh, si Florante! Lalòng madalî siyáng hulihin!Kahabaghabag na binatà! Pagkatapos na masagip sa pang̃anib ang isáng kaibigan, pagkatapos na masunód ang átas ng̃ matwid, ay siyá pa ng̃ayón ang papagdudusáhin sa gitnâ ng̃ isáng mapaít na kapaláran! Ang kanyáng súgat ay lumulubhâ. Walâng lagót hálos ang di maampát na tulò ng̃ dugô. Araw-áraw ay humihinà ang dati’y malusóg, sariwà, at malakás niyáng katawán; tumatamláy ang mg̃a matá na dati’y maningning na lagì; pumapangláw ang dati’y masayá at palang̃itíng mukhâ.Si Gerardo ay balisángbalisá sa paglubhâng itó ng̃ mahál na kaibigang nagligtas sa buhay niyá. Hindî siya humihiwalay kahi’t sumandalîsa piling ni Florante, tang̃ì na lamang kung kailang̃ang totoo.Siyá ang nagpapakain, siya ang umaalíw, siyá ang nagbibihis, siyá ang tumatánod sa may sakít araw-gabí. Kusang nilimot, isinatabí na muna ang ligayang tuwî na’y hinihing̃î ng̃ kanyáng pusò, ang pakikiuláyaw, ang matamis na pakikipagtitigan, ang paghalík sa bang̃ó, at pagtatamasá ng̃ boong luwalhatì at láyaw sa kandung̃an ng̃ kanyáng Julieta.Dapwa’t sáyang na pagpapágod ang kay Gerardo! Sa likód ng̃ maíng̃at niyáng pagaalagá sa maysakít, ay walâ siyáng námalas kundî ang lalò pa manding paglubhâ nitó, ang lalòng panghihinà ng̃ katawan, ang lalòng pagdalang ng̃ tibók ng̃ buhay, hanggang sa wakas ay sumápit ang mapaít na sandalî nang ang mg̃amanggagámotsa gitnâ ng̃ di masáyod na pang̃ang̃ambá ng̃ lahat ay tahásang nagpahayag na sila’y walâ nang pag-ásang mailigtás pa ang may sakit.—“Ginámit na namin ang lahát ng̃ paráang sakláw ng̃ áming kaya”—ang wikà nila—“Walâ na kaming magágawâ. Gayón ma’y magsidulóg kayó sa ibáng manggagamot na lalòng pantás kay sa ámin,—siná Valdez, Angeles, halimbawà.”Háting gabíng malálim nang ang pagsukòng itó ay ipahayag.Minabuti ni Gerardo ang pagtáwag ng̃ibáng manggagámot sa Maynilà. Tinangkáng lumuwás, ng̃uni’t kailán? Pagbubukáng liwayway? Makasanglibong hindî! Si Gerardo ay isáng táo na kapag iníbig na gawín ang isáng bágay, ay di marunong magpabukás. Noon din sandalîng iyón siya’y napa-Maynilà. Ni tren, ni bapor, ni kalesa ay walâ; kaya’t nang̃abayo, nang̃abáyong sumagupà sa gayóng dilím ng̃ gabí!Sa pagdáan niyá sa tapat ng báhay ni Elena, ay nagkatáong nakadung̃aw ang kanyáng kasi. Tumigil sandalî, ipinahiwátig sa tatlóng salitâ ang lagay ni Florante, at daglîng nawalâ: parang palasô na lumipád sa Kamaynilàan.Si Elíng ay balisáng-balisá; nagbihis, at noón din ay napasáma sa bahay ni Florante.Nang siya’y dumatíng ang may sakit ay kasalukuyang nagsasalitâ.—“Nanay”—ang wikà sa iná, kay aling Tinay.—(Si Florante’y wala nang amá.) “Ayoko nang nakahigâ, ibig ko’y nakasandal.” Nang masunod ang hilíng ay tinitigan ang lahat ng̃ nang̃ároon. Bukod kay Elena at sa kanyang iná ay nakilala ng̃ may sakit ang mg̃a katoto niyáng si Faure, si Lauro, si Baltazar, at saka ang magagandáng Pacita, Nena, at Milíng.—“Elena, si Gerardo?”—ang pagdaka’y itinanóng ng̃ makitang walâ roón ang tang̃i niyang kaisáng-loób.—“Lumuwás siyá, upang tumáwag ng̃ manggagámot.”—“Para sa akin?”—“Oo.”Nagbuntong-hining̃a ang may sakít.—“Oh!”—anya,—“bákit kayâ at nagpapakapagod ng̃ ganitó si Gerardo? Papaano kayâ ang dapat kong gawín úpang makagantí sa kanyá?”—“Florante, malakí ang útang ng̃ loób ni Gerardo sa iyó. Iniligtás mo ang kanyáng búhay!”—“O, ay anó iyón? Bakit siya kikilala ng̃ útang ng̃ loób sa akin gayóng walâ akong ginagawâ kundî tumupád ng̃ katungkulan?... Para namang siya’y di si Gerardo!”—“Kung gayón, Florante, ni ikáw ay di rin dápat kumilála ng̃ utang sa kanya, sapagka’t ang pagpapágod niyáng ginugúgol sa iyó ay isang katungkúlang nagbubúhat sa alin mang mabuting pagtiting̃ínan ng̃ mg̃a magkakaibigan, magkakasáma, at magkakapatid sa isáng adhikâ.”Si Florante ay napang̃itî nang maunawàang siya’y nadaíg sa pang̃ang̃atwiran ni Elena.—“Tálo mo akó, Elíng”—ang kanyáng wikà—“At ako’y sumusukò... Sabihin mo kay Gerardo na maraming salamat!”Pumikít ang may sakít at may kalahating-óras na di kumibô.Walâng anó-ano’y dumilat, at pagkatapos na maibaling ang paning̃in sa lahát ng̃ dáko ay binigkás ng̃ hálos pautál-útal ang sumúsunod:—“Mg̃a kaibígan,—ano bagáng bagay na mahalagá ... ang umípon sa inyó ... sa aming marálitang tahánan? Batíd ba ninyó ... na dito’y inyóng madadamá ... ang mg̃a hulíng galáw ng̃ ísip ... na dito’y inyóng madidiníg ang mg̃a hulíng anás ng̃ kálulwa ... ang mg̃a hulíng tibók ng̃ pusò ... ng̃ isang sawîng palad na gaya ko?“Oo, sawíng pálad! Iyán ang dápat itáwag ... sa akin na mamámatay nang walâ man lang nagagawâ ... sa kanyáng Bayan!“Sawing pálad ang gaya kong ... hihimláy sa libing ... na tagláy ang alaálang masung̃it ... na inaangkin ng̃ isáng bandílang dayuhan ... ang Lúpang sa kanya’y paglilibing̃an!“Sawing pálad ako, na walâng napagkita ... sa boô niyang buhay ... kundî mg̃a úlap, mg̃a luhà, mg̃a paták ... ng̃ dugông ninanakaw! Ah! mamámatay ako ... nang di ko nakikita ... ang paghihiganti ng̃ sugatáng pusò ng̃ isáng Apí! Mamámatay ako ng̃ di ko namamálas ... ang pagbabang̃ong puri ng̃ isáng Dinuduhagi! Mamámatay ako ng̃ di ko naitataás yaring kamay ... sa ng̃alan ng̃ Kalayaan! Mamámatay akó ... ng̃ di ko mamamálas yaong alapaáp ... na lilitawán ng̃ Dakilang Lintík ... na tutúpok sa lahat ... ng̃ mg̃a pusòng duwágmahihina’t walang dang̃al ... ang Lintík na magpapalubóg ... sa lahát ng̃ Kapangyarihang dáyo, at magpapasikat ng̃ boông ding̃ál sa isáng ...Araw at tatlong Bituin!!”Kinapós ng̃ hining̃á ang may sakít. Ibig pang magsalitâ, dapwa’t di na maarì. Tináwag ang iná, hinagkán at niyákap.Tumahimík. Itinirik ang mg̃a matá. Akalà ng̃ lahát ay patáy ná. Dapwa’t hindî. Mulìng nang̃usap sa isáng mahinà at paós na boses:—“Nánay, balútin ang aking katawán ... at ataúl sa bandilà ng̃ Bayan...!“Paálam na ... giliw kong Pilipinas ... Isáng malayàng ... Bágong Búhay!...”Tumigíl ang tibók ng̃ pusò; napútol ang galáw ng̃ ísip; pumaitaás ang kálulwa, úpang kailán ma’y huwag nang magbalík. Walâng naíwan kundî isáng bangkáy, isáng ng̃alan, isáng halimbawà, isáng alaala, isáng binhî ng̃ katapang̃an....

XVIIIPahimakás ni Florante.

Sa sumunód na sanglinggóng singkád, sa boông bayan ng̃ Libís, ay walâng napaguusápan ang síno-síno man, saán mang súlok magkatatagpô kundî ang matalinghagàng gabí na sumaksi sa gayóng mg̃a pangyayáring nakapanghihilakbot na lubhâ, at hálos di mapaniniwaláan ng̃ mg̃a di mapaniwalâing taga-Libís, dáng̃an lang at may isáng Gerardo, isang Elena, at isáng Floranteng sugatán, na nagpapatúnay sa mg̃a nangyári.Lahát ng̃ makadinig sa kasaysáyan ng̃ gabíng iyón ay nagkakaisá na ang sinápit ni Kapitang Memò at ng̃ kanyáng kapatid ay “isang marápat na gantíng palà ng̃ Lang̃it sa kanilang mg̃a inasal.” Subalì, anó ang nangyári kay Kapitang Memò? Walâ táyong nababatíd kundî ang katotohánan na siya’y nasugátan. Dápwa’t namatáy kayâ ang bantóg na mámamatay? Ni si Florante, ni si Gerardo ay di itó masagót nang tahásan. At tila ng̃â di matitiyák nino man ang bágay na itó, sapagka’t kung túnay man na mabisà ang pagkakasaksák ni Florante,—bágay na pinatotohánan nangpagka-walâng malaytáo ni Kapitang Memò ng̃ siya’y iwan nina Gerardo—ay túnay din naman na dáhil sa kadilima’y di matiyák ng̃ binatà kung saáng bahági ng̃ katawán tumamà ang patalím, kung sa dibdib, kung sa sikmurà ó kung sa tiyán. Tang̃í rito nang dalawin kabukasan ang mg̃a poók na iyón ay walâng napagkita kundî ang namumuông dugô ng̃ nasawîng pinunò. Maaárì na siya’y namatáy noón ding gabing iyón, at ang kanyáng bangkáy ay dinalá sa ibáng pook at ibinaon ng̃ kasama niyáng nakataanán kina Florante. Maaárì na hindî siya nagtulóy sa pagkamatáy; na nang masaulían na ng̃ diwà ay nakapag-inót na lumakad at tumung̃o sa isáng kublí at maláyong bahági ng̃ iláng.Sa dalawang “maaarìng” itó, alín kayâ ang túnay na nangyári? Mag-gáwad ng̃ pasiyá ang bumabása.Iniaátas ng̃ kahusáyan na usigin kaagád ng̃ hukuman ang madugông sigalot, upang sa gayo’y mapatunáyan kun sino ang may sála sa boông kasiyaháng-loób ng̃ lahát, at sa ibáyo ng̃ lahat ng̃ mg̃a pag-aálinláng̃an.Tatlóng áraw na ang nakararáan. May mg̃a higing na sina Gerardo’y ipadadakip, dapwa’thiging lang. Kundang̃a’y sa boông bayan ng̃ Libis, sina Kapitáng Memò ay walâ ni isang kamag-ánakang malápit ni kaibigan na nagkaloób na pumúkaw sa kapangyaríhang nagwawalâng-bahalà. Ng̃uni’t saán útang ang pagwawalâng-bahálang itó ng̃ mg̃a pinunò? Aywan natin. Lubhâ siyang kataká-taká.Hindî masasábing mahírap dakpin sina Gerardo; sapagka’t ang mg̃a itó ay walang alís sa Libis. Si Gerardo’y waláng iniintay óras-óras kundî ang siya’y ipatáwag ng̃ hukúman; samantalang si Florante namán ... oh, si Florante! Lalòng madalî siyáng hulihin!Kahabaghabag na binatà! Pagkatapos na masagip sa pang̃anib ang isáng kaibigan, pagkatapos na masunód ang átas ng̃ matwid, ay siyá pa ng̃ayón ang papagdudusáhin sa gitnâ ng̃ isáng mapaít na kapaláran! Ang kanyáng súgat ay lumulubhâ. Walâng lagót hálos ang di maampát na tulò ng̃ dugô. Araw-áraw ay humihinà ang dati’y malusóg, sariwà, at malakás niyáng katawán; tumatamláy ang mg̃a matá na dati’y maningning na lagì; pumapangláw ang dati’y masayá at palang̃itíng mukhâ.Si Gerardo ay balisángbalisá sa paglubhâng itó ng̃ mahál na kaibigang nagligtas sa buhay niyá. Hindî siya humihiwalay kahi’t sumandalîsa piling ni Florante, tang̃ì na lamang kung kailang̃ang totoo.Siyá ang nagpapakain, siya ang umaalíw, siyá ang nagbibihis, siyá ang tumatánod sa may sakít araw-gabí. Kusang nilimot, isinatabí na muna ang ligayang tuwî na’y hinihing̃î ng̃ kanyáng pusò, ang pakikiuláyaw, ang matamis na pakikipagtitigan, ang paghalík sa bang̃ó, at pagtatamasá ng̃ boong luwalhatì at láyaw sa kandung̃an ng̃ kanyáng Julieta.Dapwa’t sáyang na pagpapágod ang kay Gerardo! Sa likód ng̃ maíng̃at niyáng pagaalagá sa maysakít, ay walâ siyáng námalas kundî ang lalò pa manding paglubhâ nitó, ang lalòng panghihinà ng̃ katawan, ang lalòng pagdalang ng̃ tibók ng̃ buhay, hanggang sa wakas ay sumápit ang mapaít na sandalî nang ang mg̃amanggagámotsa gitnâ ng̃ di masáyod na pang̃ang̃ambá ng̃ lahat ay tahásang nagpahayag na sila’y walâ nang pag-ásang mailigtás pa ang may sakit.—“Ginámit na namin ang lahát ng̃ paráang sakláw ng̃ áming kaya”—ang wikà nila—“Walâ na kaming magágawâ. Gayón ma’y magsidulóg kayó sa ibáng manggagamot na lalòng pantás kay sa ámin,—siná Valdez, Angeles, halimbawà.”Háting gabíng malálim nang ang pagsukòng itó ay ipahayag.Minabuti ni Gerardo ang pagtáwag ng̃ibáng manggagámot sa Maynilà. Tinangkáng lumuwás, ng̃uni’t kailán? Pagbubukáng liwayway? Makasanglibong hindî! Si Gerardo ay isáng táo na kapag iníbig na gawín ang isáng bágay, ay di marunong magpabukás. Noon din sandalîng iyón siya’y napa-Maynilà. Ni tren, ni bapor, ni kalesa ay walâ; kaya’t nang̃abayo, nang̃abáyong sumagupà sa gayóng dilím ng̃ gabí!Sa pagdáan niyá sa tapat ng báhay ni Elena, ay nagkatáong nakadung̃aw ang kanyáng kasi. Tumigil sandalî, ipinahiwátig sa tatlóng salitâ ang lagay ni Florante, at daglîng nawalâ: parang palasô na lumipád sa Kamaynilàan.Si Elíng ay balisáng-balisá; nagbihis, at noón din ay napasáma sa bahay ni Florante.Nang siya’y dumatíng ang may sakit ay kasalukuyang nagsasalitâ.—“Nanay”—ang wikà sa iná, kay aling Tinay.—(Si Florante’y wala nang amá.) “Ayoko nang nakahigâ, ibig ko’y nakasandal.” Nang masunod ang hilíng ay tinitigan ang lahat ng̃ nang̃ároon. Bukod kay Elena at sa kanyang iná ay nakilala ng̃ may sakit ang mg̃a katoto niyáng si Faure, si Lauro, si Baltazar, at saka ang magagandáng Pacita, Nena, at Milíng.—“Elena, si Gerardo?”—ang pagdaka’y itinanóng ng̃ makitang walâ roón ang tang̃i niyang kaisáng-loób.—“Lumuwás siyá, upang tumáwag ng̃ manggagámot.”—“Para sa akin?”—“Oo.”Nagbuntong-hining̃a ang may sakít.—“Oh!”—anya,—“bákit kayâ at nagpapakapagod ng̃ ganitó si Gerardo? Papaano kayâ ang dapat kong gawín úpang makagantí sa kanyá?”—“Florante, malakí ang útang ng̃ loób ni Gerardo sa iyó. Iniligtás mo ang kanyáng búhay!”—“O, ay anó iyón? Bakit siya kikilala ng̃ útang ng̃ loób sa akin gayóng walâ akong ginagawâ kundî tumupád ng̃ katungkulan?... Para namang siya’y di si Gerardo!”—“Kung gayón, Florante, ni ikáw ay di rin dápat kumilála ng̃ utang sa kanya, sapagka’t ang pagpapágod niyáng ginugúgol sa iyó ay isang katungkúlang nagbubúhat sa alin mang mabuting pagtiting̃ínan ng̃ mg̃a magkakaibigan, magkakasáma, at magkakapatid sa isáng adhikâ.”Si Florante ay napang̃itî nang maunawàang siya’y nadaíg sa pang̃ang̃atwiran ni Elena.—“Tálo mo akó, Elíng”—ang kanyáng wikà—“At ako’y sumusukò... Sabihin mo kay Gerardo na maraming salamat!”Pumikít ang may sakít at may kalahating-óras na di kumibô.Walâng anó-ano’y dumilat, at pagkatapos na maibaling ang paning̃in sa lahát ng̃ dáko ay binigkás ng̃ hálos pautál-útal ang sumúsunod:—“Mg̃a kaibígan,—ano bagáng bagay na mahalagá ... ang umípon sa inyó ... sa aming marálitang tahánan? Batíd ba ninyó ... na dito’y inyóng madadamá ... ang mg̃a hulíng galáw ng̃ ísip ... na dito’y inyóng madidiníg ang mg̃a hulíng anás ng̃ kálulwa ... ang mg̃a hulíng tibók ng̃ pusò ... ng̃ isang sawîng palad na gaya ko?“Oo, sawíng pálad! Iyán ang dápat itáwag ... sa akin na mamámatay nang walâ man lang nagagawâ ... sa kanyáng Bayan!“Sawing pálad ang gaya kong ... hihimláy sa libing ... na tagláy ang alaálang masung̃it ... na inaangkin ng̃ isáng bandílang dayuhan ... ang Lúpang sa kanya’y paglilibing̃an!“Sawing pálad ako, na walâng napagkita ... sa boô niyang buhay ... kundî mg̃a úlap, mg̃a luhà, mg̃a paták ... ng̃ dugông ninanakaw! Ah! mamámatay ako ... nang di ko nakikita ... ang paghihiganti ng̃ sugatáng pusò ng̃ isáng Apí! Mamámatay ako ng̃ di ko namamálas ... ang pagbabang̃ong puri ng̃ isáng Dinuduhagi! Mamámatay ako ng̃ di ko naitataás yaring kamay ... sa ng̃alan ng̃ Kalayaan! Mamámatay akó ... ng̃ di ko mamamálas yaong alapaáp ... na lilitawán ng̃ Dakilang Lintík ... na tutúpok sa lahat ... ng̃ mg̃a pusòng duwágmahihina’t walang dang̃al ... ang Lintík na magpapalubóg ... sa lahát ng̃ Kapangyarihang dáyo, at magpapasikat ng̃ boông ding̃ál sa isáng ...Araw at tatlong Bituin!!”Kinapós ng̃ hining̃á ang may sakít. Ibig pang magsalitâ, dapwa’t di na maarì. Tináwag ang iná, hinagkán at niyákap.Tumahimík. Itinirik ang mg̃a matá. Akalà ng̃ lahát ay patáy ná. Dapwa’t hindî. Mulìng nang̃usap sa isáng mahinà at paós na boses:—“Nánay, balútin ang aking katawán ... at ataúl sa bandilà ng̃ Bayan...!“Paálam na ... giliw kong Pilipinas ... Isáng malayàng ... Bágong Búhay!...”Tumigíl ang tibók ng̃ pusò; napútol ang galáw ng̃ ísip; pumaitaás ang kálulwa, úpang kailán ma’y huwag nang magbalík. Walâng naíwan kundî isáng bangkáy, isáng ng̃alan, isáng halimbawà, isáng alaala, isáng binhî ng̃ katapang̃an....

Sa sumunód na sanglinggóng singkád, sa boông bayan ng̃ Libís, ay walâng napaguusápan ang síno-síno man, saán mang súlok magkatatagpô kundî ang matalinghagàng gabí na sumaksi sa gayóng mg̃a pangyayáring nakapanghihilakbot na lubhâ, at hálos di mapaniniwaláan ng̃ mg̃a di mapaniwalâing taga-Libís, dáng̃an lang at may isáng Gerardo, isang Elena, at isáng Floranteng sugatán, na nagpapatúnay sa mg̃a nangyári.

Lahát ng̃ makadinig sa kasaysáyan ng̃ gabíng iyón ay nagkakaisá na ang sinápit ni Kapitang Memò at ng̃ kanyáng kapatid ay “isang marápat na gantíng palà ng̃ Lang̃it sa kanilang mg̃a inasal.” Subalì, anó ang nangyári kay Kapitang Memò? Walâ táyong nababatíd kundî ang katotohánan na siya’y nasugátan. Dápwa’t namatáy kayâ ang bantóg na mámamatay? Ni si Florante, ni si Gerardo ay di itó masagót nang tahásan. At tila ng̃â di matitiyák nino man ang bágay na itó, sapagka’t kung túnay man na mabisà ang pagkakasaksák ni Florante,—bágay na pinatotohánan nangpagka-walâng malaytáo ni Kapitang Memò ng̃ siya’y iwan nina Gerardo—ay túnay din naman na dáhil sa kadilima’y di matiyák ng̃ binatà kung saáng bahági ng̃ katawán tumamà ang patalím, kung sa dibdib, kung sa sikmurà ó kung sa tiyán. Tang̃í rito nang dalawin kabukasan ang mg̃a poók na iyón ay walâng napagkita kundî ang namumuông dugô ng̃ nasawîng pinunò. Maaárì na siya’y namatáy noón ding gabing iyón, at ang kanyáng bangkáy ay dinalá sa ibáng pook at ibinaon ng̃ kasama niyáng nakataanán kina Florante. Maaárì na hindî siya nagtulóy sa pagkamatáy; na nang masaulían na ng̃ diwà ay nakapag-inót na lumakad at tumung̃o sa isáng kublí at maláyong bahági ng̃ iláng.

Sa dalawang “maaarìng” itó, alín kayâ ang túnay na nangyári? Mag-gáwad ng̃ pasiyá ang bumabása.

Iniaátas ng̃ kahusáyan na usigin kaagád ng̃ hukuman ang madugông sigalot, upang sa gayo’y mapatunáyan kun sino ang may sála sa boông kasiyaháng-loób ng̃ lahát, at sa ibáyo ng̃ lahat ng̃ mg̃a pag-aálinláng̃an.

Tatlóng áraw na ang nakararáan. May mg̃a higing na sina Gerardo’y ipadadakip, dapwa’thiging lang. Kundang̃a’y sa boông bayan ng̃ Libis, sina Kapitáng Memò ay walâ ni isang kamag-ánakang malápit ni kaibigan na nagkaloób na pumúkaw sa kapangyaríhang nagwawalâng-bahalà. Ng̃uni’t saán útang ang pagwawalâng-bahálang itó ng̃ mg̃a pinunò? Aywan natin. Lubhâ siyang kataká-taká.

Hindî masasábing mahírap dakpin sina Gerardo; sapagka’t ang mg̃a itó ay walang alís sa Libis. Si Gerardo’y waláng iniintay óras-óras kundî ang siya’y ipatáwag ng̃ hukúman; samantalang si Florante namán ... oh, si Florante! Lalòng madalî siyáng hulihin!

Kahabaghabag na binatà! Pagkatapos na masagip sa pang̃anib ang isáng kaibigan, pagkatapos na masunód ang átas ng̃ matwid, ay siyá pa ng̃ayón ang papagdudusáhin sa gitnâ ng̃ isáng mapaít na kapaláran! Ang kanyáng súgat ay lumulubhâ. Walâng lagót hálos ang di maampát na tulò ng̃ dugô. Araw-áraw ay humihinà ang dati’y malusóg, sariwà, at malakás niyáng katawán; tumatamláy ang mg̃a matá na dati’y maningning na lagì; pumapangláw ang dati’y masayá at palang̃itíng mukhâ.

Si Gerardo ay balisángbalisá sa paglubhâng itó ng̃ mahál na kaibigang nagligtas sa buhay niyá. Hindî siya humihiwalay kahi’t sumandalîsa piling ni Florante, tang̃ì na lamang kung kailang̃ang totoo.

Siyá ang nagpapakain, siya ang umaalíw, siyá ang nagbibihis, siyá ang tumatánod sa may sakít araw-gabí. Kusang nilimot, isinatabí na muna ang ligayang tuwî na’y hinihing̃î ng̃ kanyáng pusò, ang pakikiuláyaw, ang matamis na pakikipagtitigan, ang paghalík sa bang̃ó, at pagtatamasá ng̃ boong luwalhatì at láyaw sa kandung̃an ng̃ kanyáng Julieta.

Dapwa’t sáyang na pagpapágod ang kay Gerardo! Sa likód ng̃ maíng̃at niyáng pagaalagá sa maysakít, ay walâ siyáng námalas kundî ang lalò pa manding paglubhâ nitó, ang lalòng panghihinà ng̃ katawan, ang lalòng pagdalang ng̃ tibók ng̃ buhay, hanggang sa wakas ay sumápit ang mapaít na sandalî nang ang mg̃amanggagámotsa gitnâ ng̃ di masáyod na pang̃ang̃ambá ng̃ lahat ay tahásang nagpahayag na sila’y walâ nang pag-ásang mailigtás pa ang may sakit.

—“Ginámit na namin ang lahát ng̃ paráang sakláw ng̃ áming kaya”—ang wikà nila—“Walâ na kaming magágawâ. Gayón ma’y magsidulóg kayó sa ibáng manggagamot na lalòng pantás kay sa ámin,—siná Valdez, Angeles, halimbawà.”

Háting gabíng malálim nang ang pagsukòng itó ay ipahayag.

Minabuti ni Gerardo ang pagtáwag ng̃ibáng manggagámot sa Maynilà. Tinangkáng lumuwás, ng̃uni’t kailán? Pagbubukáng liwayway? Makasanglibong hindî! Si Gerardo ay isáng táo na kapag iníbig na gawín ang isáng bágay, ay di marunong magpabukás. Noon din sandalîng iyón siya’y napa-Maynilà. Ni tren, ni bapor, ni kalesa ay walâ; kaya’t nang̃abayo, nang̃abáyong sumagupà sa gayóng dilím ng̃ gabí!

Sa pagdáan niyá sa tapat ng báhay ni Elena, ay nagkatáong nakadung̃aw ang kanyáng kasi. Tumigil sandalî, ipinahiwátig sa tatlóng salitâ ang lagay ni Florante, at daglîng nawalâ: parang palasô na lumipád sa Kamaynilàan.

Si Elíng ay balisáng-balisá; nagbihis, at noón din ay napasáma sa bahay ni Florante.

Nang siya’y dumatíng ang may sakit ay kasalukuyang nagsasalitâ.

—“Nanay”—ang wikà sa iná, kay aling Tinay.—(Si Florante’y wala nang amá.) “Ayoko nang nakahigâ, ibig ko’y nakasandal.” Nang masunod ang hilíng ay tinitigan ang lahat ng̃ nang̃ároon. Bukod kay Elena at sa kanyang iná ay nakilala ng̃ may sakit ang mg̃a katoto niyáng si Faure, si Lauro, si Baltazar, at saka ang magagandáng Pacita, Nena, at Milíng.

—“Elena, si Gerardo?”—ang pagdaka’y itinanóng ng̃ makitang walâ roón ang tang̃i niyang kaisáng-loób.

—“Lumuwás siyá, upang tumáwag ng̃ manggagámot.”

—“Para sa akin?”

—“Oo.”

Nagbuntong-hining̃a ang may sakít.

—“Oh!”—anya,—“bákit kayâ at nagpapakapagod ng̃ ganitó si Gerardo? Papaano kayâ ang dapat kong gawín úpang makagantí sa kanyá?”

—“Florante, malakí ang útang ng̃ loób ni Gerardo sa iyó. Iniligtás mo ang kanyáng búhay!”

—“O, ay anó iyón? Bakit siya kikilala ng̃ útang ng̃ loób sa akin gayóng walâ akong ginagawâ kundî tumupád ng̃ katungkulan?... Para namang siya’y di si Gerardo!”

—“Kung gayón, Florante, ni ikáw ay di rin dápat kumilála ng̃ utang sa kanya, sapagka’t ang pagpapágod niyáng ginugúgol sa iyó ay isang katungkúlang nagbubúhat sa alin mang mabuting pagtiting̃ínan ng̃ mg̃a magkakaibigan, magkakasáma, at magkakapatid sa isáng adhikâ.”

Si Florante ay napang̃itî nang maunawàang siya’y nadaíg sa pang̃ang̃atwiran ni Elena.

—“Tálo mo akó, Elíng”—ang kanyáng wikà—“At ako’y sumusukò... Sabihin mo kay Gerardo na maraming salamat!”

Pumikít ang may sakít at may kalahating-óras na di kumibô.

Walâng anó-ano’y dumilat, at pagkatapos na maibaling ang paning̃in sa lahát ng̃ dáko ay binigkás ng̃ hálos pautál-útal ang sumúsunod:

—“Mg̃a kaibígan,—ano bagáng bagay na mahalagá ... ang umípon sa inyó ... sa aming marálitang tahánan? Batíd ba ninyó ... na dito’y inyóng madadamá ... ang mg̃a hulíng galáw ng̃ ísip ... na dito’y inyóng madidiníg ang mg̃a hulíng anás ng̃ kálulwa ... ang mg̃a hulíng tibók ng̃ pusò ... ng̃ isang sawîng palad na gaya ko?

“Oo, sawíng pálad! Iyán ang dápat itáwag ... sa akin na mamámatay nang walâ man lang nagagawâ ... sa kanyáng Bayan!

“Sawing pálad ang gaya kong ... hihimláy sa libing ... na tagláy ang alaálang masung̃it ... na inaangkin ng̃ isáng bandílang dayuhan ... ang Lúpang sa kanya’y paglilibing̃an!

“Sawing pálad ako, na walâng napagkita ... sa boô niyang buhay ... kundî mg̃a úlap, mg̃a luhà, mg̃a paták ... ng̃ dugông ninanakaw! Ah! mamámatay ako ... nang di ko nakikita ... ang paghihiganti ng̃ sugatáng pusò ng̃ isáng Apí! Mamámatay ako ng̃ di ko namamálas ... ang pagbabang̃ong puri ng̃ isáng Dinuduhagi! Mamámatay ako ng̃ di ko naitataás yaring kamay ... sa ng̃alan ng̃ Kalayaan! Mamámatay akó ... ng̃ di ko mamamálas yaong alapaáp ... na lilitawán ng̃ Dakilang Lintík ... na tutúpok sa lahat ... ng̃ mg̃a pusòng duwágmahihina’t walang dang̃al ... ang Lintík na magpapalubóg ... sa lahát ng̃ Kapangyarihang dáyo, at magpapasikat ng̃ boông ding̃ál sa isáng ...Araw at tatlong Bituin!!”

Kinapós ng̃ hining̃á ang may sakít. Ibig pang magsalitâ, dapwa’t di na maarì. Tináwag ang iná, hinagkán at niyákap.

Tumahimík. Itinirik ang mg̃a matá. Akalà ng̃ lahát ay patáy ná. Dapwa’t hindî. Mulìng nang̃usap sa isáng mahinà at paós na boses:

—“Nánay, balútin ang aking katawán ... at ataúl sa bandilà ng̃ Bayan...!

“Paálam na ... giliw kong Pilipinas ... Isáng malayàng ... Bágong Búhay!...”

Tumigíl ang tibók ng̃ pusò; napútol ang galáw ng̃ ísip; pumaitaás ang kálulwa, úpang kailán ma’y huwag nang magbalík. Walâng naíwan kundî isáng bangkáy, isáng ng̃alan, isáng halimbawà, isáng alaala, isáng binhî ng̃ katapang̃an....


Back to IndexNext