Yaon ang dahilang di icagupilingat laguing sa Dios ay idinadaing,na ipagcaloob nauang pagaling̃inang caniyang bunsong pinacaguiguiliw.Saca sa asaua'y isinamo namanna ipagpagaua siya nang Simbahan,na laang caniyang pananalang̃inansa Dios na Amáng macapangyarihan.Cahiling̃ang yaon nang mahal na Reynaay sinunod naman nang sintang asaua,sa dagling panaho'y nagpagaua siyaayon sa pagtupad nang pang̃aco niya.Hari palibhasa ang siyang may atasang nang̃agsigaua'y daming dili hamac,caya't nayari rin namang ualang liuagang Simbahang hiling nang Reynang marilag.Pinitang Simbaha'y sa Reynang maliningna magagaua nang doo'y manalang̃in,isang batóng marmol ay nagpacuha rinat ipinag-utos na pacalinisin.At doon sa guitna'y ipinaukit niyaang pang̃alan nang Vírgen Santa María,nang mayari nama'y ipinalagay nasa guinauang Altar na itinalaga.Cusang pinag-ayos na pinakarikitat madlang pamuti ang doo'y guinamit,doon nanalang̃ing taimtim sa dibdibsa ng̃alan nang Vírgen matá'y nacatitig.Nang pananagano nang mahal na Reynasa Dios na Poon at Vírgen María.marami rin ng̃ang sa caniya'y gumayana nagsidalang̃ing nanicluhod sila.Sa pananalang̃in nang naroong lahatmay nading̃ig silang voces na nang̃usap,na labis nang tinig at lubhang malacascaya't silang tanan ay nacatalastas.Niyong uicang Reyna'y natanto cong tunayang lahat nang iyong mang̃a caraing̃an,cung magcristiano na ang Franciang calac-hanay di malulubos cahit masira man.At may binyagan ding hindi titiualagcay Cristong bacura't hindi ng̃a ang lahat,at mananatili sa tunay na landasna cay Jesucristong dito'y itinatag.Cung tumalicod man sa pagcabinyaganay ang natitira'y marami rin naman,at ang isip nila'y maliliuanaganniyong pagkilala sa catotohanan.Bagaman sa Reynang voces ay naliningang pananalang̃in ay itinuloy rin,malumanay niyang pinacahihilingna ipagcaloob nauang pagaling̃in.Yaong caramdaman nang caniyang Anácat bigyan pa naman nang buhay at lacas,nang hindi magalit ang Haring marilagat sisihin siya niyong pagcabinyag.Caniya rin naman na iniluluhogsa di matingcalang darakilang Dios,na yaong asaua ay magbagong loobat cusang talicdan ang mang̃a Idolos.Moli't moli niyang ipinananaingsa Dios na Poon at sa Inang Vírgen.dining̃ig din yaong caniyang dalang̃inang sakít nang bata ay biglang gumaling.Lumacas at yaong cataua'y humusayna anaki parang nagdahilan lamang,Hari ay nagtaca sa ganoong bagayat inaasahan na niyang mamamatay.Caya ng̃a't ang toua niya'y hindi hamacat hindi masayod ang panguiguilalas,gayon ma'y hindi rin cusang nahicayatang caniyang pusong malabis nang tigas.Tunay at lubos din yaong pananaligsa caniyang mang̃a sinasambang Dioses,at di rin nanglumay yaong batóng dibdibdoon sa malaking biyayang namasid.Patuloy ang dating camalian niyasa lihis na gauang pagsampalataya,nang nananahimic ay caracaracaay dumating yaong sugong embajada.Ano'y nang maharap sa Haring cay Clovisang canilang layon ay ipinagsulit,anila ay cami inutusang tikisniyong aming Haring sa tapang ay labis.Na namamahala sa Reynong Italiaat dalauang bagay yaong hing̃i niya,ialay ng̃ayon din ang Cetro't Coronaó ang pasalual tayo't magbatalla.Caya magnilay ca't iyong pag-isipinang capahamacang iyong sasapitin,cun di ca susuco'y ang calaguim-laguimna casacunaa'y siyang tatamuhin.Ang sa Haring Clovis namang casagutanang corona't cetro'y di maiaálay,at doon sa campo cayo ay maghintayat lalabas caming hindi maliliban.Napaalam na ng̃a yaong embajadaanila'y maglucsa na ng̃ayon ang Francia,sa buhay na mang̃a mapapalamarana mang̃a-aamis sa pagbabatalla.Sila'y lumacad na't sinabi ang sagotna canilang Haring nagbigay nang utos,anila'y hintayi't dito'y maglalagosat natatalagang sila'y makihamoc.Nang oras ding yao'y tinipon pagdacanang Haring si Clovis ang basallos niya,at niyong matipo'y ipinabilang nacay Aurellano na General baga.Cabilang̃ang lahat nang mang̃a soldado'yhustong isang daan at tatlumpong libo,ibig din matanto nila cung gaanoyaong cabilang̃an nang calabang dayo.Ang guinaua nama'y nagpabihag siyanang isang soldado nang taga Italia,na nagsisilibot sa caharian nilaat yaon ang siyang inusisa baga.Na ang cabilang̃an nila'y cung gaanona makikibaca na laang soldado,(aniya) ay caming nang̃aglacbay dito'yhustong cabilang̃an ay limangpung libo.Matapos sabihin ang ganoong bagaysoldadong binihag nila'y pinaualan,at natanto nilang cacaunti lamangang mang̃a cristiano na macacalaban.Inilacad nang̃a ang canilang tropaat sampon nang Haring Clovis ay casama,tinung̃o ang lual nang mang̃a cabacaat nang̃ag-ayos na ang isa at isa.Makita nang Hari yaong caramihannang soldado niyang makikipaglaban,at yaong Cristiano ay cacaunti lamangcaya't mananalo na inaasahan.Nagsagupa na ng̃a ang hukbong dalauaat pinasimulan yaong pagbabaca,mang̃a lobong gutom ang siyang caparanang pagpapamooc nang isa at isa.Pagcapalibhasa'y ang mang̃a cristianoay nang̃ananalig sa totoong Dios,na pinagtitibay sa canilang loobcaya ng̃a't ang tapang ay lubos na lubos.At ang Hari nama'y nanalang̃ing cusasa Dios at lubos na napacaling̃a,at buong-buo niyang ipinaubayasa capangyarihan nang Amáng lumic-ha.Hinihing̃i niyang bigyang calacasanang caniyang campon sa pakikilaban,upang makilala ang Dios na tunayat ang pagca moro'y canilang talicdan.Sa di naglulubag na pagpapamoocnang dalauang hucbong cakilakilabot,ang calac-hang tropa'y nagcasabog-sabognang taga Franciang cay Clovis na sacop.At di macasahò nang pakikilabanat nang̃agagahis nang mang̃a binyagan,bagaman at sila'y totoong macapalay lubhang marami naman ang napatay.Nang sila ay mang̃agcatiua-tiualagdoon sa canilang mang̃a paglalamas,ay napilitan din na cusang tumacasang Haring si Clovis sa malaking sindac.At tinung̃o niya yaong cagubatanat doon nagtago sa tacot na taglay,at doon na lamang niya tinatanawang caniyang campong nakikipaglaban.Saca sa malayo ay minalas niyaang caniyang campong nakikipag-baca.ay tunay na nang̃agsisipanglumay naat di na magauang makipaglaban pa.Totoong marami ang mang̃a napatayna pauang guinahis ng̃ mang̃a caauay,caya't caramihan ay binibitiuanang mang̃a sandata at nagtatacbuhan.Nang makita ninya ang ganoong ayosay tantong nasira ang caniyang loob,sa caniyang campong nagcasabogsabogat ualang magaua nang pakikihamoc.Dito na sinisi't cusang pinaglaitang caniyang mang̃a sinasambang Dioses,(aniya) ay sayang ng̃ aking malabisna suyo sa inyo't mang̃a pananalig.¿Ang capangyarihan ninyo ay nasaanat hindi gamitin ng̃ayong cailang̃anano't natitiis at binabayaanang mang̃a campong co at hindi tulung̃an?Sa pakikibaca't upang di maamistanang vasallos co na iyo ring cabig,saclolo mo'y ano at ikinacaitng̃ayong cailang̃an sa pakikicaliz.Bakit ng̃ayo'y parang di mo dinaramdamna nang̃alulupig nang mg̃a caauay,ang cabagsican mo naman ay nasaanat hindi gamitin sa ganitong araw.Sayang ng̃ lahat cong mang̃a paggugugolsa inyo't pagsambang mahabang panahoncung aco ay datnan pala ng̃ lingatongay di ca mangyari namang macatulong.Nang casalucuyang siya'y nagagalitna pinagmumura yaong mang̃a Dioses,ualang ano ano ay siyang paglapitnang ilan sa caniyang mang̃a Generales.At ang uica'y Haring pang̃inoon namincung loob mo'y dinguin yaring sasabihin,ayon sa ganitong pagcasahol natincaya mahinahong icaw po'y malining.Isinagot naman nang Haring si Clovisna ang voces niya'y tantong nang̃ing̃inig,cun anong mabuting inyong iniisipsabihin ng̃ayon di't nang aking mabatid.Cay Aurellanong uica ay dahilansa napagsasapit nang iyo pong caual,ualang calahati ang mang̃a binyaga'ycung bakit sila pa ang nagtatagumpay.Tanang Dioses natin cung sila'y may lacasat capangyarihang magagauang dapat,ay di babayaan niyang mapahamacang caniyang campon sa pakikilamas.Pagcapalibhasa'y ualang cabuluha'tdi gaya ng̃ Dios ng̃ mang̃a binyagan,cung sila'y may ganap na capangyarihanpanahon na'y bakit hindi saclolohan.Caya ang laon nang ipinagsasabina iyo, ng̃ aming Reynang si Clotilde,ay siyang sambahi't doon mamaratiat siyang sa atin ay magcacandili.At tunay ng̃ang siyang Dios na totooyaong sinasamba nang mg̃a Cristiano,siyang sa canila ay sumasaclolocaya ng̃a ang hiling ng̃ Reyna'y sundin mo.Siya ang lubos mong sampalatayananng̃ taos sa puso at siyang tauagan,at nang upang ating camtan ang tagumpaysa ang campon mo po'y bigyang catapang̃an.Matapos ang gayong mang̃a pang̃ung̃usapang ulo nang Hari tambing itinaas,mang̃a vasallos niya ay cusang namalasna nagtatacbuha't ang tung̃o'y sa gubat.Ipinagtatapon ang mang̃a sandataat nag-uunahang mang̃agtago sila,sapagca't maraming nang̃apapatay nana nalulugami sa pakikibaca.Caya ng̃a ang luha niya ay dumaloysa pagcapahamac nang caniyang campon,pinasisimulan na ang mang̃a pagtaghoyat pamimintuho sa Dios na Poon.Mataimtim niya na sinasamahannang sampalatayang totoong matibay,na taos sa pusò niya't caloobangayari ang uicang mang̃a sinasaysay.¡O Pang̃inoon co aniyang Jesucristona Anác nang isang Dios na totoo,icaw ang sinasampalatayanan coat lubos ang aking pag-asa sa iyo.Icaw ang madalas sa aking iaralnang aking asauang tunay na binyagan,cung nang una kita'y tinanguihan manng̃ayon ang Dios co'y uala cundi icaw.Lubos na lubos ng̃ang umaasa acosa mahal mong aua't tunay na saclolo,yamang ang sinomang paampon sa iyosa casacunaa'y itinatangol mo.Caya sumasamong lauitan mong habagacong lumulung̃oy sa mahal mong harap,yayamang sa mang̃a pang̃anib at sindac,capangyarihan mo'y siyang nagliligtas.Ling̃apin mo na po't iyong isangalangsa hucbong mabang̃is na aming caauay,taos sa pusò co na inaasahanang mahal mong graciang aming macacamtan.Mabalino ca po't iyong timauainang napipipilang calagayan namin,yamang sa dunong mo'y ang balang ibiguinualang caliuaga't mangyayaring tambing.Pahayag nang aking asaua ay gayoncaya ng̃a sa iyo'y humihing̃ing tulong,sa iligtas mo po't huag ding masaholsa mang̃a cabacang mahiguit sa leon.At ang cabagsican ay magsipang-lumayniyong mababang̃is na aming caauay,at tunay pong aco ay magbibinyagansampon nang lahat cong nang̃asasacupan.Ualang salang sila'y patatangaping conang tubig na mahal nang Santo Bautismomatibay na aking pang̃aco sa iyocaya po iligtas sa sacunang ito.Lahat ng̃ anito'y aking tatalicdanat ang mang̃a Dioses ay gayon din naman,at uaualin co na silang cabuluha'tang sasambahing co'y uala cundi icaw.Ipaguiguiba co ang lahat nang Temploat mang̃a mezquita ng̃ tanang Idolo,sa buong cahariang nasasacupang cosampong Altar nila'y gagauing cong abó.Saca ang canilang lahat na larawanipamumunglay cong ualang caliuagan,ualang ititira ni cahit isa manat magbabago na acong calooban.Matapos ang gayong mang̃a panalang̃inang vasallo niya'y muling tinanaw rin,ay nakita niyang nang̃agsipagtiguilang mang̃a cristiano't tapang ay nagmaliw.At uala mang utos yaong puno nilaay nang̃agsiurong silang paraparasa tayo ng̃ dating calagayan nilaniyong pasimulan ang pagbabatalla.Makita ni Clovis yaong pagcabiglanang sa Dios bagang mang̃a pagcaaualalo nang nalubos ang paniniualasa capangyarihan nang Amáng lumic-ha.Cusang nanaimtim na ng̃a sa puso niyayaong matibay na pagsampalataya,na tutupdin niya na ualang pagsalaang mang̃a pang̃aco na di mag-iiba.Tanang vasallos niya'y tinipong madaliat sa caharian sila'y nagsiouimarami mang búhay yaong nalugaming̃uni't ang nanalo'y sila rin sa uri.Nang sila'y dumating sa Reyno ng̃ Franciaay agad sinabi sa sintang asaua,malabis ang toua nang mahal na Reynasa himalang yaon ng̃ Dios na Amá.Lalo nang sabihing siya ay tatanggapnang Santo Bautismo't cusang pagbibinyag,caya't sa Borgoña'y agad nagpatauagng̃ isang Obispong cabanala'y ganap.Di lubhang nalao'y dumating sa Franciabanal na Obispo na si Rami baga,niyong maharap na sa mahal na Reynaboong cagalacang nang̃agbati sila.Ang uica ng̃ Reyna sa Obispong mahalang Hari po'y iyo ng̃ayong pang̃aralan,na ipakilala ang Dios na tunaysapagca't tatangap nang pagcabinyagan.Kinacailang̃an mo pong ipatalosang mang̃a tadhana at utos nang Dios,at sa puso niya'y ikinintal na lubosyaong sa cristianong mang̃a sinusunod.Sa Obispo namang sinunod pagdacatanang cahiling̃an nang mahal na Reynaat mahinahong pinang̃aralan niyaang mahal na Hari nang yamang maganda.Ipinatalastas yaong bagay-bagayna dapat asalin nang cristianong tunay,at ang isang Dios na ualang capantayna lumic-ha nitong boong santinacpan.At bagaman turing na tatlong Personaay ang pagca Dios nila ay iisa,ualang huli't una naman sa canilaat saca uala rin macapapantay pa.Siya ng̃a ang Hari nang lupa at lang̃itna sa carunung̃a'y ualang cahalilip,siya ring sumacop sa guinauang lihisni Ada't ni Evang naraya ang isip.Uala ring gagauing maliuag na bagaysa caniya't yari balang maibigan,siyang nagbibigay nang caparusahannang sa mang̃a utos niya'y sumusuay.At ang gumaganti naman ay siya rinnang lang̃it, sa mang̃a may gauang magalingsa caniya nama'y ualang nalilihimmaguing gaua't uica't iniisip natin.Nang talos ng̃ lahat ng̃ Haring marang̃alang bagay na dapat sampalatayanan,uica ng̃ Obispo'y iutos mo namanna magpatayo ca nang mang̃a Simbahan.Sa boong cahariang nang̃asasacop mobaua't isa'y lagyan niyong Bautisteriona pagbibinyagang laan sa cristiano'tsiyang cailang̃an ang bagay na ito.Tuloy mo rin namang palagyan ng̃ Altarang ipatatayong lahat nang Simbahan,doon sasambahin nang boong pag-galangang Dios na Amang macapangyarihan.Palagyan mo namang larauan ang lahatnang cagalang-galang na Santa Trinidad,na sila ay tatlo sa pagca Personasat sa pagca Dios ay iisang ganap.Nang araw ring yao'y nagpatauag namannang magsisigaua nang mang̃a Simbahanat nang dumating na uica'y pasimulanang Simbaha'y gaui't aking cailang̃an.Cayo ay humanap ng̃ maraming taosa dagling panahon ay yariin ninyo,at cung matapos na ang hiling cong itosa lahat nang baya'y magtatayo cayo.Ang gagauin ninyo ay pacatibayinat lalong maganda na pacarikitinat saca ang Altar naman ay gayon dinat doon ang lahat ay mananalang̃in.Cahi't bayang lalong na sa cabunducanay tatayuan din nang mg̃a Simbahan,at tayong lahat ay mang̃agbibinyaganat ang pagca gentil ay ating iiuan.Sapagca't cung hindi sa totoong Diosaco, dumalang̃in nang buong pagluhog,nalipol marahil ang tanang soldadosat ang ating Reyno ay naguing busabos.Gayong pagtauag co sa ating Diosesnang ang ating hucbo ay nasa pang̃anib,ang mang̃a cristiano'y lalong bumabang̃isat hindi maglubay nang pamimiyapis.Nang ang tauaguing co'y Dios nang binyaganay biglang humupa yaong catapang̃an,nang mang̃a cristiano't agad tiniguilanang marahas nila na mang̃a pagpatay.Doong co natantong pauang sinung̃alingang mang̃a Idolong sinasamba natin,caya mula ng̃ayo'y ating lilisani'tDios nang cristianong ating sasambahin.Tanang inutusa'y agad nagsilacadhiling na Simbahan ay guinauang agad,ang Haring si Clovis ay moling nag-atasnoon din sa mang̃a campon niyang lahat.Na huag maliban at sunuguing pilitang Templo't mezkita nang lahat nang Dioses,at tanang Idolo't tadhanang mahigpitmagpahangang bundoc ay pugnauing tikis.Pagcapalibhasa'y Hari ang nag-utostanang inutusa'y agad nagsisunod,ang mang̃a Dioses at Templo'y sinunogsa lahat nang lupang cay Clovis na sacop.Saca nang mayari naman ang Simbahanang Haring si Clovis doon ay naglacbay,casama ang lahat nang caguinoohanat siya'y tumangap nang pagcabinyagan.Obispong S. Rami ang siyang buminyagsa mahal na Haring nagtamo nang palad,at si Clodoveo ng̃alang itinauagnang pagca cristianong caniyang tinangap.At nang papahiran nang mahal na crismana ayon sa utos nang Santa Iglesia,ay isang himala ang nakita nilangbiyayang caloob nang Dios na Amá.Isang calapating sa lang̃it nagmulana sacdal nang puti na catua-tua,na sa loob niyong Simbahan bumabaat isang redomo ang taglay sa tuca.Na punó nang lana, ó crisma ang tauagna pauang nakita nang naroong lahat,sa loob nang Templo, caya't natalastasang himalang yaong canilang namalas.Siyang ipinahid nang bunying Obisposa mahal na Hari na si Clodoveo,ang crismang sa lang̃it nagmulang totoona padala niyong Amang masaclolo.Ano pa't nabantog sa boong caharianang himalang yaon nang Dios na mahal,na kilala nila ang capangyarihannang tunay na Dios na ualang capantay.Caya ng̃a't ang tanang guinoo sa Franciapinagcayariang sang-usapan nila,ang balang mag Hari na sinoman siyasiyang gagamitin ang himalang crisma.Mula noo'y siyang naguing calacaranna sa maghahari gagamitin lamang,yaong ng̃a ang siyang pinagcaratihanmula pa sa unang nayaring usapan.Caya't magpang̃ayon ay naroron paredomang sa lang̃it ay nangaling bagá,na kinalalagyan nang mahal na lanadoon cay S. Raming Simbahang talaga.Ang mahal na Hari ay nang mabinyaganyaong boong Reyno'y isinunod naman,ipinaunauang lubhang malumanayang mang̃a biyaya, niyong calang̃itan.Doon sa pagtangap nang agua Bautismona caugalian nang mang̃a cristiano,na ang pagbibinyag ang tandang totoona nasa loob nang bacuran ni Cristo.Siyang pumapaui niyong casalananna mana sa Nunong cay Eva't cay Adan,at ipagtatamo niyong calang̃itanna cung baga banal na sila'y mamatay.Gayon din ang madlang utos na susundinat ang cababaang loob na gagauin,na nauucol ng̃ang dapat ugaliinat ang mang̃a kilos na sucat asalin.Dapat naman nilang paing̃at-ing̃atanang ayos at bucang bibig na mahalay,at yaon ang siyang kinasusuklamanng̃ Dios na ualang hangang carunung̃an.Cailang̃ang sundin ng̃ mang̃a cristianoang aral na lagda ng̃ Poong si Cristo,nang panahong siya'y dirito sa Mundona magagaling na capalarang nalo.Ang pagcacasala'y ating catacutanat di nating talos yaong camatayan,cung tayo ay datning na sa salang mortalhirap sa Infierno ang pilit cacamtan.Cung culang̃ing palad na doon mabuliday ano pa caya ang mapagsasapit,gaano mang gauing sisi at pagtang̃isay uala nang daang doo'y macaalis.Haring Clodoveo ay nang binyagan naat maguing cristiano yaong boong Francia,doon nila lubos na napagkilalaang mang̃a ugali't kilos na maganda.Doon din ng̃a naman nila nasunduanang tunay na landas nang capayapaan,at sila ay tambing namang kinasihanng̃ gracia nang Dios na Poong Maycapal.Sampong mang̃a bata'y guinising ang loobpagdaca sa gauang umibig sa Dios,cung matutuhan na'y saca isusunodyaong paghahanap buhay na maayos.Hindi nagnanasa sila niyong pilacna ang pagmumulan ay masamang hanap,at kinikilalang sa Dios sy labagang ganoong gauang di carapatdapat.Di masayod yaong canilang catuaansa pagsusunurang lubhang malumanay,at ang mapayapa nilang pamumuhaysa pagca-cristiano'y cusang nasumpung̃an.Nacaaakit pang lalo sa canilaay ang cahinhinan ng̃ mahal na Reyna,at ang cabaitan nilang nakikitaang siyang totoong nacaliligaya.Gayon din ang Hari na si Clodoveona naguing uliran ng̃ lahat ng̃ tao,sa binilóg bilog nang canyang Reynoyaong cabutihang loob na totoo.Iisang caniyang palagay sa madlamaguing sa mayaman at sa lalong duc-ha,sa mang̃a may dang̃al maguing sa timauaay uala isa mang turing na inaba.Sabihin ang toua nang lahat nang sacopsa cay Clodoveong magandang pasunod,caya ng̃a't ang Francia'y totoong na bantogniyong cabaitan umibig sa Dios.Ang Hari't ang Reyna'y nagcaisang tunaynang canilang taglay na caugalian,at cung mag-utos man sila'y malumanaysa lahat nang campong nang̃asasacupan.Mulang yaong Francia ay maguing cristianoay naguing kilabot niyong mang̃a moro,at cusang natanyag ang pagca-guerrerolalo nang mag Hari ay si Carlomagno.At si Clodoveo'y nang tumanda na siyaang corona't cetro ay isinalin na,doon ng̃a sa Anác niyang sinisintana bunying Príncipe Sigesmundo baga.Haring Sigesmundo'y namahala namanna lubhang maayos sa nasasacupan,at isa ring tang̃i na kinaguiliuannang lahat nang caniyang pinaghaharian.Naguing Anác niyong Haring Sigesmundo'ydalauang lalaking una'y Hilderico,at ang icalaua'y Principe Pepinona sila sa Francia'y bilang heredero.Haring Sigesmundo ay niyong mamataysi Hildericos ang humalili naman,na ang Haring ito ay totoong banalat sa Mundo'y hindi nahilig na tunay.Caya hindi niya macaling̃ang lubosang Reyno, at ualang laguing na sa loobcundi ang dalisay niyang paglilingcodsa di matingcalang darakilang Dios.At nang manatili sa bagay na itoay pumasoc tuloy na mag Religioso,at cusang linisan ang bagay sa Mundodaang pa sa lang̃it ang siyang tinung̃o.Yaong paghahari ay cusang linisannang mapambulos yaong calooban,nang pananagano sa Dios na tunayna may lic-ha nitong buong sangtinacpan.At alam ng̃a niyang ang lahat nang taoay ualang pagsalang iiuan ang Mundo,ang dang̃al at yama'y cahima't gaanolilisani't pauang catulad ay asó.Capagbinaui na ang búhay na hiramnang Dios na Amáng tunay na lumalang,ang cahima't sinong ualang cabanalanhirap sa Infierno ang cahahanganan.Lahat namang yaon palibhasa'y talosnang banal na Hari na si Hildericos,caya ng̃a't uinalang bahala sa loobyaong pagca Hari't sa religio'y nasoc.Upang ang pusò niya ay huag malibangsa handog nang Mundong malicmatang layaw,ay cusang lumigpit at nang masunduanyaong ualang hanga na caligayahan.Matanto nang tanang mang̃a consejerosyaong guinaua nang Haring Hildericos,sila'y nagcatipo't nag-usap na lubosnang dapat mag-Hari sa Reyno't mag-ayos.Pinagca-isahan nang mang̃a consejona mag Hari yaong Príncipe Pepino,at ang casipaga'y ganap na totoosa pamamahala nang tungcol sa Reyno.At sagana naman cung sa catapang̃ancaya't siya nilang pinagcaisahan,nang magca-ayos na sa gayong usapansa Papa'y inisip na magbigay alam.Caya't naghalal nang embajada't agadna pinaparoon sa Papa Zacarias,at ipinasabi cun alin ang dapatna maghari bagang sa Reyno'y maghauac.Na cung ang may tapang at cáyang saganaat may tang̃ing sipag sa pang̃ang̃asiua,nang Reyno, at ganap sa pagcacaling̃aat di nagtataglay nang pagpapabaya.Oh ang isang Haring na sa loob lamangyaong pagca-hari't ang nasasacupan,ay di caling̃ai't pinababayaanayon sa pag-gaua niyong cabanalan.Lumacad noon din yaong embajadaat agad humarap sa mahal na Papa,at sinabi yaong utos sa caniyana cung nararapat ang gagauin nila.Na ang Hari nila na si Hildericossa pananalang̃in ay hilig ang loob,lagui nang ang puso lamang ay sa Diosano pa't ang Reyno'y hindi maiayos.Caya't ilinagay nang mang̃a consejona Hari ay yaong Príncipe Pepino,at may sadyang tapang ang Príncipeng itoat masipag namang mag-ayos nang Reyno.Yamang capua rin heredero silanang corona't cetro nang Reyno nang Francia,caya ang consejo'y pauang nagcaisangPríncipe Pepino'y siyang magcorona.Matanto nang Papa ang ganoong saadnapaayon nama't cusang minarapat,ang mapag-alaga aniya't masicapsa Reyno, ang siyang ucol na maghamac.At ang gumaganap nang pagca-justicia,at sa nasasacop ay macaling̃a pa,yaon ng̃a ang siyang tunay na magandana mag-Hari't siyang lubos na may caya.Matanto ang gayong mang̃a casagutannang Papa, ay agad namang napaalam,yaong embajada't nang siya'y dumatalsa Francia'y sinabi yaong casagutan.
Yaon ang dahilang di icagupilingat laguing sa Dios ay idinadaing,na ipagcaloob nauang pagaling̃inang caniyang bunsong pinacaguiguiliw.
Yaon ang dahilang di icagupiling
at laguing sa Dios ay idinadaing,
na ipagcaloob nauang pagaling̃in
ang caniyang bunsong pinacaguiguiliw.
Saca sa asaua'y isinamo namanna ipagpagaua siya nang Simbahan,na laang caniyang pananalang̃inansa Dios na Amáng macapangyarihan.
Saca sa asaua'y isinamo naman
na ipagpagaua siya nang Simbahan,
na laang caniyang pananalang̃inan
sa Dios na Amáng macapangyarihan.
Cahiling̃ang yaon nang mahal na Reynaay sinunod naman nang sintang asaua,sa dagling panaho'y nagpagaua siyaayon sa pagtupad nang pang̃aco niya.
Cahiling̃ang yaon nang mahal na Reyna
ay sinunod naman nang sintang asaua,
sa dagling panaho'y nagpagaua siya
ayon sa pagtupad nang pang̃aco niya.
Hari palibhasa ang siyang may atasang nang̃agsigaua'y daming dili hamac,caya't nayari rin namang ualang liuagang Simbahang hiling nang Reynang marilag.
Hari palibhasa ang siyang may atas
ang nang̃agsigaua'y daming dili hamac,
caya't nayari rin namang ualang liuag
ang Simbahang hiling nang Reynang marilag.
Pinitang Simbaha'y sa Reynang maliningna magagaua nang doo'y manalang̃in,isang batóng marmol ay nagpacuha rinat ipinag-utos na pacalinisin.
Pinitang Simbaha'y sa Reynang malining
na magagaua nang doo'y manalang̃in,
isang batóng marmol ay nagpacuha rin
at ipinag-utos na pacalinisin.
At doon sa guitna'y ipinaukit niyaang pang̃alan nang Vírgen Santa María,nang mayari nama'y ipinalagay nasa guinauang Altar na itinalaga.
At doon sa guitna'y ipinaukit niya
ang pang̃alan nang Vírgen Santa María,
nang mayari nama'y ipinalagay na
sa guinauang Altar na itinalaga.
Cusang pinag-ayos na pinakarikitat madlang pamuti ang doo'y guinamit,doon nanalang̃ing taimtim sa dibdibsa ng̃alan nang Vírgen matá'y nacatitig.
Cusang pinag-ayos na pinakarikit
at madlang pamuti ang doo'y guinamit,
doon nanalang̃ing taimtim sa dibdib
sa ng̃alan nang Vírgen matá'y nacatitig.
Nang pananagano nang mahal na Reynasa Dios na Poon at Vírgen María.marami rin ng̃ang sa caniya'y gumayana nagsidalang̃ing nanicluhod sila.
Nang pananagano nang mahal na Reyna
sa Dios na Poon at Vírgen María.
marami rin ng̃ang sa caniya'y gumaya
na nagsidalang̃ing nanicluhod sila.
Sa pananalang̃in nang naroong lahatmay nading̃ig silang voces na nang̃usap,na labis nang tinig at lubhang malacascaya't silang tanan ay nacatalastas.
Sa pananalang̃in nang naroong lahat
may nading̃ig silang voces na nang̃usap,
na labis nang tinig at lubhang malacas
caya't silang tanan ay nacatalastas.
Niyong uicang Reyna'y natanto cong tunayang lahat nang iyong mang̃a caraing̃an,cung magcristiano na ang Franciang calac-hanay di malulubos cahit masira man.
Niyong uicang Reyna'y natanto cong tunay
ang lahat nang iyong mang̃a caraing̃an,
cung magcristiano na ang Franciang calac-han
ay di malulubos cahit masira man.
At may binyagan ding hindi titiualagcay Cristong bacura't hindi ng̃a ang lahat,at mananatili sa tunay na landasna cay Jesucristong dito'y itinatag.
At may binyagan ding hindi titiualag
cay Cristong bacura't hindi ng̃a ang lahat,
at mananatili sa tunay na landas
na cay Jesucristong dito'y itinatag.
Cung tumalicod man sa pagcabinyaganay ang natitira'y marami rin naman,at ang isip nila'y maliliuanaganniyong pagkilala sa catotohanan.
Cung tumalicod man sa pagcabinyagan
ay ang natitira'y marami rin naman,
at ang isip nila'y maliliuanagan
niyong pagkilala sa catotohanan.
Bagaman sa Reynang voces ay naliningang pananalang̃in ay itinuloy rin,malumanay niyang pinacahihilingna ipagcaloob nauang pagaling̃in.
Bagaman sa Reynang voces ay nalining
ang pananalang̃in ay itinuloy rin,
malumanay niyang pinacahihiling
na ipagcaloob nauang pagaling̃in.
Yaong caramdaman nang caniyang Anácat bigyan pa naman nang buhay at lacas,nang hindi magalit ang Haring marilagat sisihin siya niyong pagcabinyag.
Yaong caramdaman nang caniyang Anác
at bigyan pa naman nang buhay at lacas,
nang hindi magalit ang Haring marilag
at sisihin siya niyong pagcabinyag.
Caniya rin naman na iniluluhogsa di matingcalang darakilang Dios,na yaong asaua ay magbagong loobat cusang talicdan ang mang̃a Idolos.
Caniya rin naman na iniluluhog
sa di matingcalang darakilang Dios,
na yaong asaua ay magbagong loob
at cusang talicdan ang mang̃a Idolos.
Moli't moli niyang ipinananaingsa Dios na Poon at sa Inang Vírgen.dining̃ig din yaong caniyang dalang̃inang sakít nang bata ay biglang gumaling.
Moli't moli niyang ipinananaing
sa Dios na Poon at sa Inang Vírgen.
dining̃ig din yaong caniyang dalang̃in
ang sakít nang bata ay biglang gumaling.
Lumacas at yaong cataua'y humusayna anaki parang nagdahilan lamang,Hari ay nagtaca sa ganoong bagayat inaasahan na niyang mamamatay.
Lumacas at yaong cataua'y humusay
na anaki parang nagdahilan lamang,
Hari ay nagtaca sa ganoong bagay
at inaasahan na niyang mamamatay.
Caya ng̃a't ang toua niya'y hindi hamacat hindi masayod ang panguiguilalas,gayon ma'y hindi rin cusang nahicayatang caniyang pusong malabis nang tigas.
Caya ng̃a't ang toua niya'y hindi hamac
at hindi masayod ang panguiguilalas,
gayon ma'y hindi rin cusang nahicayat
ang caniyang pusong malabis nang tigas.
Tunay at lubos din yaong pananaligsa caniyang mang̃a sinasambang Dioses,at di rin nanglumay yaong batóng dibdibdoon sa malaking biyayang namasid.
Tunay at lubos din yaong pananalig
sa caniyang mang̃a sinasambang Dioses,
at di rin nanglumay yaong batóng dibdib
doon sa malaking biyayang namasid.
Patuloy ang dating camalian niyasa lihis na gauang pagsampalataya,nang nananahimic ay caracaracaay dumating yaong sugong embajada.
Patuloy ang dating camalian niya
sa lihis na gauang pagsampalataya,
nang nananahimic ay caracaraca
ay dumating yaong sugong embajada.
Ano'y nang maharap sa Haring cay Clovisang canilang layon ay ipinagsulit,anila ay cami inutusang tikisniyong aming Haring sa tapang ay labis.
Ano'y nang maharap sa Haring cay Clovis
ang canilang layon ay ipinagsulit,
anila ay cami inutusang tikis
niyong aming Haring sa tapang ay labis.
Na namamahala sa Reynong Italiaat dalauang bagay yaong hing̃i niya,ialay ng̃ayon din ang Cetro't Coronaó ang pasalual tayo't magbatalla.
Na namamahala sa Reynong Italia
at dalauang bagay yaong hing̃i niya,
ialay ng̃ayon din ang Cetro't Corona
ó ang pasalual tayo't magbatalla.
Caya magnilay ca't iyong pag-isipinang capahamacang iyong sasapitin,cun di ca susuco'y ang calaguim-laguimna casacunaa'y siyang tatamuhin.
Caya magnilay ca't iyong pag-isipin
ang capahamacang iyong sasapitin,
cun di ca susuco'y ang calaguim-laguim
na casacunaa'y siyang tatamuhin.
Ang sa Haring Clovis namang casagutanang corona't cetro'y di maiaálay,at doon sa campo cayo ay maghintayat lalabas caming hindi maliliban.
Ang sa Haring Clovis namang casagutan
ang corona't cetro'y di maiaálay,
at doon sa campo cayo ay maghintay
at lalabas caming hindi maliliban.
Napaalam na ng̃a yaong embajadaanila'y maglucsa na ng̃ayon ang Francia,sa buhay na mang̃a mapapalamarana mang̃a-aamis sa pagbabatalla.
Napaalam na ng̃a yaong embajada
anila'y maglucsa na ng̃ayon ang Francia,
sa buhay na mang̃a mapapalamara
na mang̃a-aamis sa pagbabatalla.
Sila'y lumacad na't sinabi ang sagotna canilang Haring nagbigay nang utos,anila'y hintayi't dito'y maglalagosat natatalagang sila'y makihamoc.
Sila'y lumacad na't sinabi ang sagot
na canilang Haring nagbigay nang utos,
anila'y hintayi't dito'y maglalagos
at natatalagang sila'y makihamoc.
Nang oras ding yao'y tinipon pagdacanang Haring si Clovis ang basallos niya,at niyong matipo'y ipinabilang nacay Aurellano na General baga.
Nang oras ding yao'y tinipon pagdaca
nang Haring si Clovis ang basallos niya,
at niyong matipo'y ipinabilang na
cay Aurellano na General baga.
Cabilang̃ang lahat nang mang̃a soldado'yhustong isang daan at tatlumpong libo,ibig din matanto nila cung gaanoyaong cabilang̃an nang calabang dayo.
Cabilang̃ang lahat nang mang̃a soldado'y
hustong isang daan at tatlumpong libo,
ibig din matanto nila cung gaano
yaong cabilang̃an nang calabang dayo.
Ang guinaua nama'y nagpabihag siyanang isang soldado nang taga Italia,na nagsisilibot sa caharian nilaat yaon ang siyang inusisa baga.
Ang guinaua nama'y nagpabihag siya
nang isang soldado nang taga Italia,
na nagsisilibot sa caharian nila
at yaon ang siyang inusisa baga.
Na ang cabilang̃an nila'y cung gaanona makikibaca na laang soldado,(aniya) ay caming nang̃aglacbay dito'yhustong cabilang̃an ay limangpung libo.
Na ang cabilang̃an nila'y cung gaano
na makikibaca na laang soldado,
(aniya) ay caming nang̃aglacbay dito'y
hustong cabilang̃an ay limangpung libo.
Matapos sabihin ang ganoong bagaysoldadong binihag nila'y pinaualan,at natanto nilang cacaunti lamangang mang̃a cristiano na macacalaban.
Matapos sabihin ang ganoong bagay
soldadong binihag nila'y pinaualan,
at natanto nilang cacaunti lamang
ang mang̃a cristiano na macacalaban.
Inilacad nang̃a ang canilang tropaat sampon nang Haring Clovis ay casama,tinung̃o ang lual nang mang̃a cabacaat nang̃ag-ayos na ang isa at isa.
Inilacad nang̃a ang canilang tropa
at sampon nang Haring Clovis ay casama,
tinung̃o ang lual nang mang̃a cabaca
at nang̃ag-ayos na ang isa at isa.
Makita nang Hari yaong caramihannang soldado niyang makikipaglaban,at yaong Cristiano ay cacaunti lamangcaya't mananalo na inaasahan.
Makita nang Hari yaong caramihan
nang soldado niyang makikipaglaban,
at yaong Cristiano ay cacaunti lamang
caya't mananalo na inaasahan.
Nagsagupa na ng̃a ang hukbong dalauaat pinasimulan yaong pagbabaca,mang̃a lobong gutom ang siyang caparanang pagpapamooc nang isa at isa.
Nagsagupa na ng̃a ang hukbong dalaua
at pinasimulan yaong pagbabaca,
mang̃a lobong gutom ang siyang capara
nang pagpapamooc nang isa at isa.
Pagcapalibhasa'y ang mang̃a cristianoay nang̃ananalig sa totoong Dios,na pinagtitibay sa canilang loobcaya ng̃a't ang tapang ay lubos na lubos.
Pagcapalibhasa'y ang mang̃a cristiano
ay nang̃ananalig sa totoong Dios,
na pinagtitibay sa canilang loob
caya ng̃a't ang tapang ay lubos na lubos.
At ang Hari nama'y nanalang̃ing cusasa Dios at lubos na napacaling̃a,at buong-buo niyang ipinaubayasa capangyarihan nang Amáng lumic-ha.
At ang Hari nama'y nanalang̃ing cusa
sa Dios at lubos na napacaling̃a,
at buong-buo niyang ipinaubaya
sa capangyarihan nang Amáng lumic-ha.
Hinihing̃i niyang bigyang calacasanang caniyang campon sa pakikilaban,upang makilala ang Dios na tunayat ang pagca moro'y canilang talicdan.
Hinihing̃i niyang bigyang calacasan
ang caniyang campon sa pakikilaban,
upang makilala ang Dios na tunay
at ang pagca moro'y canilang talicdan.
Sa di naglulubag na pagpapamoocnang dalauang hucbong cakilakilabot,ang calac-hang tropa'y nagcasabog-sabognang taga Franciang cay Clovis na sacop.
Sa di naglulubag na pagpapamooc
nang dalauang hucbong cakilakilabot,
ang calac-hang tropa'y nagcasabog-sabog
nang taga Franciang cay Clovis na sacop.
At di macasahò nang pakikilabanat nang̃agagahis nang mang̃a binyagan,bagaman at sila'y totoong macapalay lubhang marami naman ang napatay.
At di macasahò nang pakikilaban
at nang̃agagahis nang mang̃a binyagan,
bagaman at sila'y totoong macapal
ay lubhang marami naman ang napatay.
Nang sila ay mang̃agcatiua-tiualagdoon sa canilang mang̃a paglalamas,ay napilitan din na cusang tumacasang Haring si Clovis sa malaking sindac.
Nang sila ay mang̃agcatiua-tiualag
doon sa canilang mang̃a paglalamas,
ay napilitan din na cusang tumacas
ang Haring si Clovis sa malaking sindac.
At tinung̃o niya yaong cagubatanat doon nagtago sa tacot na taglay,at doon na lamang niya tinatanawang caniyang campong nakikipaglaban.
At tinung̃o niya yaong cagubatan
at doon nagtago sa tacot na taglay,
at doon na lamang niya tinatanaw
ang caniyang campong nakikipaglaban.
Saca sa malayo ay minalas niyaang caniyang campong nakikipag-baca.ay tunay na nang̃agsisipanglumay naat di na magauang makipaglaban pa.
Saca sa malayo ay minalas niya
ang caniyang campong nakikipag-baca.
ay tunay na nang̃agsisipanglumay na
at di na magauang makipaglaban pa.
Totoong marami ang mang̃a napatayna pauang guinahis ng̃ mang̃a caauay,caya't caramihan ay binibitiuanang mang̃a sandata at nagtatacbuhan.
Totoong marami ang mang̃a napatay
na pauang guinahis ng̃ mang̃a caauay,
caya't caramihan ay binibitiuan
ang mang̃a sandata at nagtatacbuhan.
Nang makita ninya ang ganoong ayosay tantong nasira ang caniyang loob,sa caniyang campong nagcasabogsabogat ualang magaua nang pakikihamoc.
Nang makita ninya ang ganoong ayos
ay tantong nasira ang caniyang loob,
sa caniyang campong nagcasabogsabog
at ualang magaua nang pakikihamoc.
Dito na sinisi't cusang pinaglaitang caniyang mang̃a sinasambang Dioses,(aniya) ay sayang ng̃ aking malabisna suyo sa inyo't mang̃a pananalig.
Dito na sinisi't cusang pinaglait
ang caniyang mang̃a sinasambang Dioses,
(aniya) ay sayang ng̃ aking malabis
na suyo sa inyo't mang̃a pananalig.
¿Ang capangyarihan ninyo ay nasaanat hindi gamitin ng̃ayong cailang̃anano't natitiis at binabayaanang mang̃a campong co at hindi tulung̃an?
¿Ang capangyarihan ninyo ay nasaan
at hindi gamitin ng̃ayong cailang̃an
ano't natitiis at binabayaan
ang mang̃a campong co at hindi tulung̃an?
Sa pakikibaca't upang di maamistanang vasallos co na iyo ring cabig,saclolo mo'y ano at ikinacaitng̃ayong cailang̃an sa pakikicaliz.
Sa pakikibaca't upang di maamis
tanang vasallos co na iyo ring cabig,
saclolo mo'y ano at ikinacait
ng̃ayong cailang̃an sa pakikicaliz.
Bakit ng̃ayo'y parang di mo dinaramdamna nang̃alulupig nang mg̃a caauay,ang cabagsican mo naman ay nasaanat hindi gamitin sa ganitong araw.
Bakit ng̃ayo'y parang di mo dinaramdam
na nang̃alulupig nang mg̃a caauay,
ang cabagsican mo naman ay nasaan
at hindi gamitin sa ganitong araw.
Sayang ng̃ lahat cong mang̃a paggugugolsa inyo't pagsambang mahabang panahoncung aco ay datnan pala ng̃ lingatongay di ca mangyari namang macatulong.
Sayang ng̃ lahat cong mang̃a paggugugol
sa inyo't pagsambang mahabang panahon
cung aco ay datnan pala ng̃ lingatong
ay di ca mangyari namang macatulong.
Nang casalucuyang siya'y nagagalitna pinagmumura yaong mang̃a Dioses,ualang ano ano ay siyang paglapitnang ilan sa caniyang mang̃a Generales.
Nang casalucuyang siya'y nagagalit
na pinagmumura yaong mang̃a Dioses,
ualang ano ano ay siyang paglapit
nang ilan sa caniyang mang̃a Generales.
At ang uica'y Haring pang̃inoon namincung loob mo'y dinguin yaring sasabihin,ayon sa ganitong pagcasahol natincaya mahinahong icaw po'y malining.
At ang uica'y Haring pang̃inoon namin
cung loob mo'y dinguin yaring sasabihin,
ayon sa ganitong pagcasahol natin
caya mahinahong icaw po'y malining.
Isinagot naman nang Haring si Clovisna ang voces niya'y tantong nang̃ing̃inig,cun anong mabuting inyong iniisipsabihin ng̃ayon di't nang aking mabatid.
Isinagot naman nang Haring si Clovis
na ang voces niya'y tantong nang̃ing̃inig,
cun anong mabuting inyong iniisip
sabihin ng̃ayon di't nang aking mabatid.
Cay Aurellanong uica ay dahilansa napagsasapit nang iyo pong caual,ualang calahati ang mang̃a binyaga'ycung bakit sila pa ang nagtatagumpay.
Cay Aurellanong uica ay dahilan
sa napagsasapit nang iyo pong caual,
ualang calahati ang mang̃a binyaga'y
cung bakit sila pa ang nagtatagumpay.
Tanang Dioses natin cung sila'y may lacasat capangyarihang magagauang dapat,ay di babayaan niyang mapahamacang caniyang campon sa pakikilamas.
Tanang Dioses natin cung sila'y may lacas
at capangyarihang magagauang dapat,
ay di babayaan niyang mapahamac
ang caniyang campon sa pakikilamas.
Pagcapalibhasa'y ualang cabuluha'tdi gaya ng̃ Dios ng̃ mang̃a binyagan,cung sila'y may ganap na capangyarihanpanahon na'y bakit hindi saclolohan.
Pagcapalibhasa'y ualang cabuluha't
di gaya ng̃ Dios ng̃ mang̃a binyagan,
cung sila'y may ganap na capangyarihan
panahon na'y bakit hindi saclolohan.
Caya ang laon nang ipinagsasabina iyo, ng̃ aming Reynang si Clotilde,ay siyang sambahi't doon mamaratiat siyang sa atin ay magcacandili.
Caya ang laon nang ipinagsasabi
na iyo, ng̃ aming Reynang si Clotilde,
ay siyang sambahi't doon mamarati
at siyang sa atin ay magcacandili.
At tunay ng̃ang siyang Dios na totooyaong sinasamba nang mg̃a Cristiano,siyang sa canila ay sumasaclolocaya ng̃a ang hiling ng̃ Reyna'y sundin mo.
At tunay ng̃ang siyang Dios na totoo
yaong sinasamba nang mg̃a Cristiano,
siyang sa canila ay sumasaclolo
caya ng̃a ang hiling ng̃ Reyna'y sundin mo.
Siya ang lubos mong sampalatayananng̃ taos sa puso at siyang tauagan,at nang upang ating camtan ang tagumpaysa ang campon mo po'y bigyang catapang̃an.
Siya ang lubos mong sampalatayanan
ng̃ taos sa puso at siyang tauagan,
at nang upang ating camtan ang tagumpay
sa ang campon mo po'y bigyang catapang̃an.
Matapos ang gayong mang̃a pang̃ung̃usapang ulo nang Hari tambing itinaas,mang̃a vasallos niya ay cusang namalasna nagtatacbuha't ang tung̃o'y sa gubat.
Matapos ang gayong mang̃a pang̃ung̃usap
ang ulo nang Hari tambing itinaas,
mang̃a vasallos niya ay cusang namalas
na nagtatacbuha't ang tung̃o'y sa gubat.
Ipinagtatapon ang mang̃a sandataat nag-uunahang mang̃agtago sila,sapagca't maraming nang̃apapatay nana nalulugami sa pakikibaca.
Ipinagtatapon ang mang̃a sandata
at nag-uunahang mang̃agtago sila,
sapagca't maraming nang̃apapatay na
na nalulugami sa pakikibaca.
Caya ng̃a ang luha niya ay dumaloysa pagcapahamac nang caniyang campon,pinasisimulan na ang mang̃a pagtaghoyat pamimintuho sa Dios na Poon.
Caya ng̃a ang luha niya ay dumaloy
sa pagcapahamac nang caniyang campon,
pinasisimulan na ang mang̃a pagtaghoy
at pamimintuho sa Dios na Poon.
Mataimtim niya na sinasamahannang sampalatayang totoong matibay,na taos sa pusò niya't caloobangayari ang uicang mang̃a sinasaysay.
Mataimtim niya na sinasamahan
nang sampalatayang totoong matibay,
na taos sa pusò niya't calooban
gayari ang uicang mang̃a sinasaysay.
¡O Pang̃inoon co aniyang Jesucristona Anác nang isang Dios na totoo,icaw ang sinasampalatayanan coat lubos ang aking pag-asa sa iyo.
¡O Pang̃inoon co aniyang Jesucristo
na Anác nang isang Dios na totoo,
icaw ang sinasampalatayanan co
at lubos ang aking pag-asa sa iyo.
Icaw ang madalas sa aking iaralnang aking asauang tunay na binyagan,cung nang una kita'y tinanguihan manng̃ayon ang Dios co'y uala cundi icaw.
Icaw ang madalas sa aking iaral
nang aking asauang tunay na binyagan,
cung nang una kita'y tinanguihan man
ng̃ayon ang Dios co'y uala cundi icaw.
Lubos na lubos ng̃ang umaasa acosa mahal mong aua't tunay na saclolo,yamang ang sinomang paampon sa iyosa casacunaa'y itinatangol mo.
Lubos na lubos ng̃ang umaasa aco
sa mahal mong aua't tunay na saclolo,
yamang ang sinomang paampon sa iyo
sa casacunaa'y itinatangol mo.
Caya sumasamong lauitan mong habagacong lumulung̃oy sa mahal mong harap,yayamang sa mang̃a pang̃anib at sindac,capangyarihan mo'y siyang nagliligtas.
Caya sumasamong lauitan mong habag
acong lumulung̃oy sa mahal mong harap,
yayamang sa mang̃a pang̃anib at sindac,
capangyarihan mo'y siyang nagliligtas.
Ling̃apin mo na po't iyong isangalangsa hucbong mabang̃is na aming caauay,taos sa pusò co na inaasahanang mahal mong graciang aming macacamtan.
Ling̃apin mo na po't iyong isangalang
sa hucbong mabang̃is na aming caauay,
taos sa pusò co na inaasahan
ang mahal mong graciang aming macacamtan.
Mabalino ca po't iyong timauainang napipipilang calagayan namin,yamang sa dunong mo'y ang balang ibiguinualang caliuaga't mangyayaring tambing.
Mabalino ca po't iyong timauain
ang napipipilang calagayan namin,
yamang sa dunong mo'y ang balang ibiguin
ualang caliuaga't mangyayaring tambing.
Pahayag nang aking asaua ay gayoncaya ng̃a sa iyo'y humihing̃ing tulong,sa iligtas mo po't huag ding masaholsa mang̃a cabacang mahiguit sa leon.
Pahayag nang aking asaua ay gayon
caya ng̃a sa iyo'y humihing̃ing tulong,
sa iligtas mo po't huag ding masahol
sa mang̃a cabacang mahiguit sa leon.
At ang cabagsican ay magsipang-lumayniyong mababang̃is na aming caauay,at tunay pong aco ay magbibinyagansampon nang lahat cong nang̃asasacupan.
At ang cabagsican ay magsipang-lumay
niyong mababang̃is na aming caauay,
at tunay pong aco ay magbibinyagan
sampon nang lahat cong nang̃asasacupan.
Ualang salang sila'y patatangaping conang tubig na mahal nang Santo Bautismomatibay na aking pang̃aco sa iyocaya po iligtas sa sacunang ito.
Ualang salang sila'y patatangaping co
nang tubig na mahal nang Santo Bautismo
matibay na aking pang̃aco sa iyo
caya po iligtas sa sacunang ito.
Lahat ng̃ anito'y aking tatalicdanat ang mang̃a Dioses ay gayon din naman,at uaualin co na silang cabuluha'tang sasambahing co'y uala cundi icaw.
Lahat ng̃ anito'y aking tatalicdan
at ang mang̃a Dioses ay gayon din naman,
at uaualin co na silang cabuluha't
ang sasambahing co'y uala cundi icaw.
Ipaguiguiba co ang lahat nang Temploat mang̃a mezquita ng̃ tanang Idolo,sa buong cahariang nasasacupang cosampong Altar nila'y gagauing cong abó.
Ipaguiguiba co ang lahat nang Templo
at mang̃a mezquita ng̃ tanang Idolo,
sa buong cahariang nasasacupang co
sampong Altar nila'y gagauing cong abó.
Saca ang canilang lahat na larawanipamumunglay cong ualang caliuagan,ualang ititira ni cahit isa manat magbabago na acong calooban.
Saca ang canilang lahat na larawan
ipamumunglay cong ualang caliuagan,
ualang ititira ni cahit isa man
at magbabago na acong calooban.
Matapos ang gayong mang̃a panalang̃inang vasallo niya'y muling tinanaw rin,ay nakita niyang nang̃agsipagtiguilang mang̃a cristiano't tapang ay nagmaliw.
Matapos ang gayong mang̃a panalang̃in
ang vasallo niya'y muling tinanaw rin,
ay nakita niyang nang̃agsipagtiguil
ang mang̃a cristiano't tapang ay nagmaliw.
At uala mang utos yaong puno nilaay nang̃agsiurong silang paraparasa tayo ng̃ dating calagayan nilaniyong pasimulan ang pagbabatalla.
At uala mang utos yaong puno nila
ay nang̃agsiurong silang parapara
sa tayo ng̃ dating calagayan nila
niyong pasimulan ang pagbabatalla.
Makita ni Clovis yaong pagcabiglanang sa Dios bagang mang̃a pagcaaualalo nang nalubos ang paniniualasa capangyarihan nang Amáng lumic-ha.
Makita ni Clovis yaong pagcabigla
nang sa Dios bagang mang̃a pagcaaua
lalo nang nalubos ang paniniuala
sa capangyarihan nang Amáng lumic-ha.
Cusang nanaimtim na ng̃a sa puso niyayaong matibay na pagsampalataya,na tutupdin niya na ualang pagsalaang mang̃a pang̃aco na di mag-iiba.
Cusang nanaimtim na ng̃a sa puso niya
yaong matibay na pagsampalataya,
na tutupdin niya na ualang pagsala
ang mang̃a pang̃aco na di mag-iiba.
Tanang vasallos niya'y tinipong madaliat sa caharian sila'y nagsiouimarami mang búhay yaong nalugaming̃uni't ang nanalo'y sila rin sa uri.
Tanang vasallos niya'y tinipong madali
at sa caharian sila'y nagsioui
marami mang búhay yaong nalugami
ng̃uni't ang nanalo'y sila rin sa uri.
Nang sila'y dumating sa Reyno ng̃ Franciaay agad sinabi sa sintang asaua,malabis ang toua nang mahal na Reynasa himalang yaon ng̃ Dios na Amá.
Nang sila'y dumating sa Reyno ng̃ Francia
ay agad sinabi sa sintang asaua,
malabis ang toua nang mahal na Reyna
sa himalang yaon ng̃ Dios na Amá.
Lalo nang sabihing siya ay tatanggapnang Santo Bautismo't cusang pagbibinyag,caya't sa Borgoña'y agad nagpatauagng̃ isang Obispong cabanala'y ganap.
Lalo nang sabihing siya ay tatanggap
nang Santo Bautismo't cusang pagbibinyag,
caya't sa Borgoña'y agad nagpatauag
ng̃ isang Obispong cabanala'y ganap.
Di lubhang nalao'y dumating sa Franciabanal na Obispo na si Rami baga,niyong maharap na sa mahal na Reynaboong cagalacang nang̃agbati sila.
Di lubhang nalao'y dumating sa Francia
banal na Obispo na si Rami baga,
niyong maharap na sa mahal na Reyna
boong cagalacang nang̃agbati sila.
Ang uica ng̃ Reyna sa Obispong mahalang Hari po'y iyo ng̃ayong pang̃aralan,na ipakilala ang Dios na tunaysapagca't tatangap nang pagcabinyagan.
Ang uica ng̃ Reyna sa Obispong mahal
ang Hari po'y iyo ng̃ayong pang̃aralan,
na ipakilala ang Dios na tunay
sapagca't tatangap nang pagcabinyagan.
Kinacailang̃an mo pong ipatalosang mang̃a tadhana at utos nang Dios,at sa puso niya'y ikinintal na lubosyaong sa cristianong mang̃a sinusunod.
Kinacailang̃an mo pong ipatalos
ang mang̃a tadhana at utos nang Dios,
at sa puso niya'y ikinintal na lubos
yaong sa cristianong mang̃a sinusunod.
Sa Obispo namang sinunod pagdacatanang cahiling̃an nang mahal na Reynaat mahinahong pinang̃aralan niyaang mahal na Hari nang yamang maganda.
Sa Obispo namang sinunod pagdaca
tanang cahiling̃an nang mahal na Reyna
at mahinahong pinang̃aralan niya
ang mahal na Hari nang yamang maganda.
Ipinatalastas yaong bagay-bagayna dapat asalin nang cristianong tunay,at ang isang Dios na ualang capantayna lumic-ha nitong boong santinacpan.
Ipinatalastas yaong bagay-bagay
na dapat asalin nang cristianong tunay,
at ang isang Dios na ualang capantay
na lumic-ha nitong boong santinacpan.
At bagaman turing na tatlong Personaay ang pagca Dios nila ay iisa,ualang huli't una naman sa canilaat saca uala rin macapapantay pa.
At bagaman turing na tatlong Persona
ay ang pagca Dios nila ay iisa,
ualang huli't una naman sa canila
at saca uala rin macapapantay pa.
Siya ng̃a ang Hari nang lupa at lang̃itna sa carunung̃a'y ualang cahalilip,siya ring sumacop sa guinauang lihisni Ada't ni Evang naraya ang isip.
Siya ng̃a ang Hari nang lupa at lang̃it
na sa carunung̃a'y ualang cahalilip,
siya ring sumacop sa guinauang lihis
ni Ada't ni Evang naraya ang isip.
Uala ring gagauing maliuag na bagaysa caniya't yari balang maibigan,siyang nagbibigay nang caparusahannang sa mang̃a utos niya'y sumusuay.
Uala ring gagauing maliuag na bagay
sa caniya't yari balang maibigan,
siyang nagbibigay nang caparusahan
nang sa mang̃a utos niya'y sumusuay.
At ang gumaganti naman ay siya rinnang lang̃it, sa mang̃a may gauang magalingsa caniya nama'y ualang nalilihimmaguing gaua't uica't iniisip natin.
At ang gumaganti naman ay siya rin
nang lang̃it, sa mang̃a may gauang magaling
sa caniya nama'y ualang nalilihim
maguing gaua't uica't iniisip natin.
Nang talos ng̃ lahat ng̃ Haring marang̃alang bagay na dapat sampalatayanan,uica ng̃ Obispo'y iutos mo namanna magpatayo ca nang mang̃a Simbahan.
Nang talos ng̃ lahat ng̃ Haring marang̃al
ang bagay na dapat sampalatayanan,
uica ng̃ Obispo'y iutos mo naman
na magpatayo ca nang mang̃a Simbahan.
Sa boong cahariang nang̃asasacop mobaua't isa'y lagyan niyong Bautisteriona pagbibinyagang laan sa cristiano'tsiyang cailang̃an ang bagay na ito.
Sa boong cahariang nang̃asasacop mo
baua't isa'y lagyan niyong Bautisterio
na pagbibinyagang laan sa cristiano't
siyang cailang̃an ang bagay na ito.
Tuloy mo rin namang palagyan ng̃ Altarang ipatatayong lahat nang Simbahan,doon sasambahin nang boong pag-galangang Dios na Amang macapangyarihan.
Tuloy mo rin namang palagyan ng̃ Altar
ang ipatatayong lahat nang Simbahan,
doon sasambahin nang boong pag-galang
ang Dios na Amang macapangyarihan.
Palagyan mo namang larauan ang lahatnang cagalang-galang na Santa Trinidad,na sila ay tatlo sa pagca Personasat sa pagca Dios ay iisang ganap.
Palagyan mo namang larauan ang lahat
nang cagalang-galang na Santa Trinidad,
na sila ay tatlo sa pagca Personas
at sa pagca Dios ay iisang ganap.
Nang araw ring yao'y nagpatauag namannang magsisigaua nang mang̃a Simbahanat nang dumating na uica'y pasimulanang Simbaha'y gaui't aking cailang̃an.
Nang araw ring yao'y nagpatauag naman
nang magsisigaua nang mang̃a Simbahan
at nang dumating na uica'y pasimulan
ang Simbaha'y gaui't aking cailang̃an.
Cayo ay humanap ng̃ maraming taosa dagling panahon ay yariin ninyo,at cung matapos na ang hiling cong itosa lahat nang baya'y magtatayo cayo.
Cayo ay humanap ng̃ maraming tao
sa dagling panahon ay yariin ninyo,
at cung matapos na ang hiling cong ito
sa lahat nang baya'y magtatayo cayo.
Ang gagauin ninyo ay pacatibayinat lalong maganda na pacarikitinat saca ang Altar naman ay gayon dinat doon ang lahat ay mananalang̃in.
Ang gagauin ninyo ay pacatibayin
at lalong maganda na pacarikitin
at saca ang Altar naman ay gayon din
at doon ang lahat ay mananalang̃in.
Cahi't bayang lalong na sa cabunducanay tatayuan din nang mg̃a Simbahan,at tayong lahat ay mang̃agbibinyaganat ang pagca gentil ay ating iiuan.
Cahi't bayang lalong na sa cabunducan
ay tatayuan din nang mg̃a Simbahan,
at tayong lahat ay mang̃agbibinyagan
at ang pagca gentil ay ating iiuan.
Sapagca't cung hindi sa totoong Diosaco, dumalang̃in nang buong pagluhog,nalipol marahil ang tanang soldadosat ang ating Reyno ay naguing busabos.
Sapagca't cung hindi sa totoong Dios
aco, dumalang̃in nang buong pagluhog,
nalipol marahil ang tanang soldados
at ang ating Reyno ay naguing busabos.
Gayong pagtauag co sa ating Diosesnang ang ating hucbo ay nasa pang̃anib,ang mang̃a cristiano'y lalong bumabang̃isat hindi maglubay nang pamimiyapis.
Gayong pagtauag co sa ating Dioses
nang ang ating hucbo ay nasa pang̃anib,
ang mang̃a cristiano'y lalong bumabang̃is
at hindi maglubay nang pamimiyapis.
Nang ang tauaguing co'y Dios nang binyaganay biglang humupa yaong catapang̃an,nang mang̃a cristiano't agad tiniguilanang marahas nila na mang̃a pagpatay.
Nang ang tauaguing co'y Dios nang binyagan
ay biglang humupa yaong catapang̃an,
nang mang̃a cristiano't agad tiniguilan
ang marahas nila na mang̃a pagpatay.
Doong co natantong pauang sinung̃alingang mang̃a Idolong sinasamba natin,caya mula ng̃ayo'y ating lilisani'tDios nang cristianong ating sasambahin.
Doong co natantong pauang sinung̃aling
ang mang̃a Idolong sinasamba natin,
caya mula ng̃ayo'y ating lilisani't
Dios nang cristianong ating sasambahin.
Tanang inutusa'y agad nagsilacadhiling na Simbahan ay guinauang agad,ang Haring si Clovis ay moling nag-atasnoon din sa mang̃a campon niyang lahat.
Tanang inutusa'y agad nagsilacad
hiling na Simbahan ay guinauang agad,
ang Haring si Clovis ay moling nag-atas
noon din sa mang̃a campon niyang lahat.
Na huag maliban at sunuguing pilitang Templo't mezkita nang lahat nang Dioses,at tanang Idolo't tadhanang mahigpitmagpahangang bundoc ay pugnauing tikis.
Na huag maliban at sunuguing pilit
ang Templo't mezkita nang lahat nang Dioses,
at tanang Idolo't tadhanang mahigpit
magpahangang bundoc ay pugnauing tikis.
Pagcapalibhasa'y Hari ang nag-utostanang inutusa'y agad nagsisunod,ang mang̃a Dioses at Templo'y sinunogsa lahat nang lupang cay Clovis na sacop.
Pagcapalibhasa'y Hari ang nag-utos
tanang inutusa'y agad nagsisunod,
ang mang̃a Dioses at Templo'y sinunog
sa lahat nang lupang cay Clovis na sacop.
Saca nang mayari naman ang Simbahanang Haring si Clovis doon ay naglacbay,casama ang lahat nang caguinoohanat siya'y tumangap nang pagcabinyagan.
Saca nang mayari naman ang Simbahan
ang Haring si Clovis doon ay naglacbay,
casama ang lahat nang caguinoohan
at siya'y tumangap nang pagcabinyagan.
Obispong S. Rami ang siyang buminyagsa mahal na Haring nagtamo nang palad,at si Clodoveo ng̃alang itinauagnang pagca cristianong caniyang tinangap.
Obispong S. Rami ang siyang buminyag
sa mahal na Haring nagtamo nang palad,
at si Clodoveo ng̃alang itinauag
nang pagca cristianong caniyang tinangap.
At nang papahiran nang mahal na crismana ayon sa utos nang Santa Iglesia,ay isang himala ang nakita nilangbiyayang caloob nang Dios na Amá.
At nang papahiran nang mahal na crisma
na ayon sa utos nang Santa Iglesia,
ay isang himala ang nakita nilang
biyayang caloob nang Dios na Amá.
Isang calapating sa lang̃it nagmulana sacdal nang puti na catua-tua,na sa loob niyong Simbahan bumabaat isang redomo ang taglay sa tuca.
Isang calapating sa lang̃it nagmula
na sacdal nang puti na catua-tua,
na sa loob niyong Simbahan bumaba
at isang redomo ang taglay sa tuca.
Na punó nang lana, ó crisma ang tauagna pauang nakita nang naroong lahat,sa loob nang Templo, caya't natalastasang himalang yaong canilang namalas.
Na punó nang lana, ó crisma ang tauag
na pauang nakita nang naroong lahat,
sa loob nang Templo, caya't natalastas
ang himalang yaong canilang namalas.
Siyang ipinahid nang bunying Obisposa mahal na Hari na si Clodoveo,ang crismang sa lang̃it nagmulang totoona padala niyong Amang masaclolo.
Siyang ipinahid nang bunying Obispo
sa mahal na Hari na si Clodoveo,
ang crismang sa lang̃it nagmulang totoo
na padala niyong Amang masaclolo.
Ano pa't nabantog sa boong caharianang himalang yaon nang Dios na mahal,na kilala nila ang capangyarihannang tunay na Dios na ualang capantay.
Ano pa't nabantog sa boong caharian
ang himalang yaon nang Dios na mahal,
na kilala nila ang capangyarihan
nang tunay na Dios na ualang capantay.
Caya ng̃a't ang tanang guinoo sa Franciapinagcayariang sang-usapan nila,ang balang mag Hari na sinoman siyasiyang gagamitin ang himalang crisma.
Caya ng̃a't ang tanang guinoo sa Francia
pinagcayariang sang-usapan nila,
ang balang mag Hari na sinoman siya
siyang gagamitin ang himalang crisma.
Mula noo'y siyang naguing calacaranna sa maghahari gagamitin lamang,yaong ng̃a ang siyang pinagcaratihanmula pa sa unang nayaring usapan.
Mula noo'y siyang naguing calacaran
na sa maghahari gagamitin lamang,
yaong ng̃a ang siyang pinagcaratihan
mula pa sa unang nayaring usapan.
Caya't magpang̃ayon ay naroron paredomang sa lang̃it ay nangaling bagá,na kinalalagyan nang mahal na lanadoon cay S. Raming Simbahang talaga.
Caya't magpang̃ayon ay naroron pa
redomang sa lang̃it ay nangaling bagá,
na kinalalagyan nang mahal na lana
doon cay S. Raming Simbahang talaga.
Ang mahal na Hari ay nang mabinyaganyaong boong Reyno'y isinunod naman,ipinaunauang lubhang malumanayang mang̃a biyaya, niyong calang̃itan.
Ang mahal na Hari ay nang mabinyagan
yaong boong Reyno'y isinunod naman,
ipinaunauang lubhang malumanay
ang mang̃a biyaya, niyong calang̃itan.
Doon sa pagtangap nang agua Bautismona caugalian nang mang̃a cristiano,na ang pagbibinyag ang tandang totoona nasa loob nang bacuran ni Cristo.
Doon sa pagtangap nang agua Bautismo
na caugalian nang mang̃a cristiano,
na ang pagbibinyag ang tandang totoo
na nasa loob nang bacuran ni Cristo.
Siyang pumapaui niyong casalananna mana sa Nunong cay Eva't cay Adan,at ipagtatamo niyong calang̃itanna cung baga banal na sila'y mamatay.
Siyang pumapaui niyong casalanan
na mana sa Nunong cay Eva't cay Adan,
at ipagtatamo niyong calang̃itan
na cung baga banal na sila'y mamatay.
Gayon din ang madlang utos na susundinat ang cababaang loob na gagauin,na nauucol ng̃ang dapat ugaliinat ang mang̃a kilos na sucat asalin.
Gayon din ang madlang utos na susundin
at ang cababaang loob na gagauin,
na nauucol ng̃ang dapat ugaliin
at ang mang̃a kilos na sucat asalin.
Dapat naman nilang paing̃at-ing̃atanang ayos at bucang bibig na mahalay,at yaon ang siyang kinasusuklamanng̃ Dios na ualang hangang carunung̃an.
Dapat naman nilang paing̃at-ing̃atan
ang ayos at bucang bibig na mahalay,
at yaon ang siyang kinasusuklaman
ng̃ Dios na ualang hangang carunung̃an.
Cailang̃ang sundin ng̃ mang̃a cristianoang aral na lagda ng̃ Poong si Cristo,nang panahong siya'y dirito sa Mundona magagaling na capalarang nalo.
Cailang̃ang sundin ng̃ mang̃a cristiano
ang aral na lagda ng̃ Poong si Cristo,
nang panahong siya'y dirito sa Mundo
na magagaling na capalarang nalo.
Ang pagcacasala'y ating catacutanat di nating talos yaong camatayan,cung tayo ay datning na sa salang mortalhirap sa Infierno ang pilit cacamtan.
Ang pagcacasala'y ating catacutan
at di nating talos yaong camatayan,
cung tayo ay datning na sa salang mortal
hirap sa Infierno ang pilit cacamtan.
Cung culang̃ing palad na doon mabuliday ano pa caya ang mapagsasapit,gaano mang gauing sisi at pagtang̃isay uala nang daang doo'y macaalis.
Cung culang̃ing palad na doon mabulid
ay ano pa caya ang mapagsasapit,
gaano mang gauing sisi at pagtang̃is
ay uala nang daang doo'y macaalis.
Haring Clodoveo ay nang binyagan naat maguing cristiano yaong boong Francia,doon nila lubos na napagkilalaang mang̃a ugali't kilos na maganda.
Haring Clodoveo ay nang binyagan na
at maguing cristiano yaong boong Francia,
doon nila lubos na napagkilala
ang mang̃a ugali't kilos na maganda.
Doon din ng̃a naman nila nasunduanang tunay na landas nang capayapaan,at sila ay tambing namang kinasihanng̃ gracia nang Dios na Poong Maycapal.
Doon din ng̃a naman nila nasunduan
ang tunay na landas nang capayapaan,
at sila ay tambing namang kinasihan
ng̃ gracia nang Dios na Poong Maycapal.
Sampong mang̃a bata'y guinising ang loobpagdaca sa gauang umibig sa Dios,cung matutuhan na'y saca isusunodyaong paghahanap buhay na maayos.
Sampong mang̃a bata'y guinising ang loob
pagdaca sa gauang umibig sa Dios,
cung matutuhan na'y saca isusunod
yaong paghahanap buhay na maayos.
Hindi nagnanasa sila niyong pilacna ang pagmumulan ay masamang hanap,at kinikilalang sa Dios sy labagang ganoong gauang di carapatdapat.
Hindi nagnanasa sila niyong pilac
na ang pagmumulan ay masamang hanap,
at kinikilalang sa Dios sy labag
ang ganoong gauang di carapatdapat.
Di masayod yaong canilang catuaansa pagsusunurang lubhang malumanay,at ang mapayapa nilang pamumuhaysa pagca-cristiano'y cusang nasumpung̃an.
Di masayod yaong canilang catuaan
sa pagsusunurang lubhang malumanay,
at ang mapayapa nilang pamumuhay
sa pagca-cristiano'y cusang nasumpung̃an.
Nacaaakit pang lalo sa canilaay ang cahinhinan ng̃ mahal na Reyna,at ang cabaitan nilang nakikitaang siyang totoong nacaliligaya.
Nacaaakit pang lalo sa canila
ay ang cahinhinan ng̃ mahal na Reyna,
at ang cabaitan nilang nakikita
ang siyang totoong nacaliligaya.
Gayon din ang Hari na si Clodoveona naguing uliran ng̃ lahat ng̃ tao,sa binilóg bilog nang canyang Reynoyaong cabutihang loob na totoo.
Gayon din ang Hari na si Clodoveo
na naguing uliran ng̃ lahat ng̃ tao,
sa binilóg bilog nang canyang Reyno
yaong cabutihang loob na totoo.
Iisang caniyang palagay sa madlamaguing sa mayaman at sa lalong duc-ha,sa mang̃a may dang̃al maguing sa timauaay uala isa mang turing na inaba.
Iisang caniyang palagay sa madla
maguing sa mayaman at sa lalong duc-ha,
sa mang̃a may dang̃al maguing sa timaua
ay uala isa mang turing na inaba.
Sabihin ang toua nang lahat nang sacopsa cay Clodoveong magandang pasunod,caya ng̃a't ang Francia'y totoong na bantogniyong cabaitan umibig sa Dios.
Sabihin ang toua nang lahat nang sacop
sa cay Clodoveong magandang pasunod,
caya ng̃a't ang Francia'y totoong na bantog
niyong cabaitan umibig sa Dios.
Ang Hari't ang Reyna'y nagcaisang tunaynang canilang taglay na caugalian,at cung mag-utos man sila'y malumanaysa lahat nang campong nang̃asasacupan.
Ang Hari't ang Reyna'y nagcaisang tunay
nang canilang taglay na caugalian,
at cung mag-utos man sila'y malumanay
sa lahat nang campong nang̃asasacupan.
Mulang yaong Francia ay maguing cristianoay naguing kilabot niyong mang̃a moro,at cusang natanyag ang pagca-guerrerolalo nang mag Hari ay si Carlomagno.
Mulang yaong Francia ay maguing cristiano
ay naguing kilabot niyong mang̃a moro,
at cusang natanyag ang pagca-guerrero
lalo nang mag Hari ay si Carlomagno.
At si Clodoveo'y nang tumanda na siyaang corona't cetro ay isinalin na,doon ng̃a sa Anác niyang sinisintana bunying Príncipe Sigesmundo baga.
At si Clodoveo'y nang tumanda na siya
ang corona't cetro ay isinalin na,
doon ng̃a sa Anác niyang sinisinta
na bunying Príncipe Sigesmundo baga.
Haring Sigesmundo'y namahala namanna lubhang maayos sa nasasacupan,at isa ring tang̃i na kinaguiliuannang lahat nang caniyang pinaghaharian.
Haring Sigesmundo'y namahala naman
na lubhang maayos sa nasasacupan,
at isa ring tang̃i na kinaguiliuan
nang lahat nang caniyang pinaghaharian.
Naguing Anác niyong Haring Sigesmundo'ydalauang lalaking una'y Hilderico,at ang icalaua'y Principe Pepinona sila sa Francia'y bilang heredero.
Naguing Anác niyong Haring Sigesmundo'y
dalauang lalaking una'y Hilderico,
at ang icalaua'y Principe Pepino
na sila sa Francia'y bilang heredero.
Haring Sigesmundo ay niyong mamataysi Hildericos ang humalili naman,na ang Haring ito ay totoong banalat sa Mundo'y hindi nahilig na tunay.
Haring Sigesmundo ay niyong mamatay
si Hildericos ang humalili naman,
na ang Haring ito ay totoong banal
at sa Mundo'y hindi nahilig na tunay.
Caya hindi niya macaling̃ang lubosang Reyno, at ualang laguing na sa loobcundi ang dalisay niyang paglilingcodsa di matingcalang darakilang Dios.
Caya hindi niya macaling̃ang lubos
ang Reyno, at ualang laguing na sa loob
cundi ang dalisay niyang paglilingcod
sa di matingcalang darakilang Dios.
At nang manatili sa bagay na itoay pumasoc tuloy na mag Religioso,at cusang linisan ang bagay sa Mundodaang pa sa lang̃it ang siyang tinung̃o.
At nang manatili sa bagay na ito
ay pumasoc tuloy na mag Religioso,
at cusang linisan ang bagay sa Mundo
daang pa sa lang̃it ang siyang tinung̃o.
Yaong paghahari ay cusang linisannang mapambulos yaong calooban,nang pananagano sa Dios na tunayna may lic-ha nitong buong sangtinacpan.
Yaong paghahari ay cusang linisan
nang mapambulos yaong calooban,
nang pananagano sa Dios na tunay
na may lic-ha nitong buong sangtinacpan.
At alam ng̃a niyang ang lahat nang taoay ualang pagsalang iiuan ang Mundo,ang dang̃al at yama'y cahima't gaanolilisani't pauang catulad ay asó.
At alam ng̃a niyang ang lahat nang tao
ay ualang pagsalang iiuan ang Mundo,
ang dang̃al at yama'y cahima't gaano
lilisani't pauang catulad ay asó.
Capagbinaui na ang búhay na hiramnang Dios na Amáng tunay na lumalang,ang cahima't sinong ualang cabanalanhirap sa Infierno ang cahahanganan.
Capagbinaui na ang búhay na hiram
nang Dios na Amáng tunay na lumalang,
ang cahima't sinong ualang cabanalan
hirap sa Infierno ang cahahanganan.
Lahat namang yaon palibhasa'y talosnang banal na Hari na si Hildericos,caya ng̃a't uinalang bahala sa loobyaong pagca Hari't sa religio'y nasoc.
Lahat namang yaon palibhasa'y talos
nang banal na Hari na si Hildericos,
caya ng̃a't uinalang bahala sa loob
yaong pagca Hari't sa religio'y nasoc.
Upang ang pusò niya ay huag malibangsa handog nang Mundong malicmatang layaw,ay cusang lumigpit at nang masunduanyaong ualang hanga na caligayahan.
Upang ang pusò niya ay huag malibang
sa handog nang Mundong malicmatang layaw,
ay cusang lumigpit at nang masunduan
yaong ualang hanga na caligayahan.
Matanto nang tanang mang̃a consejerosyaong guinaua nang Haring Hildericos,sila'y nagcatipo't nag-usap na lubosnang dapat mag-Hari sa Reyno't mag-ayos.
Matanto nang tanang mang̃a consejeros
yaong guinaua nang Haring Hildericos,
sila'y nagcatipo't nag-usap na lubos
nang dapat mag-Hari sa Reyno't mag-ayos.
Pinagca-isahan nang mang̃a consejona mag Hari yaong Príncipe Pepino,at ang casipaga'y ganap na totoosa pamamahala nang tungcol sa Reyno.
Pinagca-isahan nang mang̃a consejo
na mag Hari yaong Príncipe Pepino,
at ang casipaga'y ganap na totoo
sa pamamahala nang tungcol sa Reyno.
At sagana naman cung sa catapang̃ancaya't siya nilang pinagcaisahan,nang magca-ayos na sa gayong usapansa Papa'y inisip na magbigay alam.
At sagana naman cung sa catapang̃an
caya't siya nilang pinagcaisahan,
nang magca-ayos na sa gayong usapan
sa Papa'y inisip na magbigay alam.
Caya't naghalal nang embajada't agadna pinaparoon sa Papa Zacarias,at ipinasabi cun alin ang dapatna maghari bagang sa Reyno'y maghauac.
Caya't naghalal nang embajada't agad
na pinaparoon sa Papa Zacarias,
at ipinasabi cun alin ang dapat
na maghari bagang sa Reyno'y maghauac.
Na cung ang may tapang at cáyang saganaat may tang̃ing sipag sa pang̃ang̃asiua,nang Reyno, at ganap sa pagcacaling̃aat di nagtataglay nang pagpapabaya.
Na cung ang may tapang at cáyang sagana
at may tang̃ing sipag sa pang̃ang̃asiua,
nang Reyno, at ganap sa pagcacaling̃a
at di nagtataglay nang pagpapabaya.
Oh ang isang Haring na sa loob lamangyaong pagca-hari't ang nasasacupan,ay di caling̃ai't pinababayaanayon sa pag-gaua niyong cabanalan.
Oh ang isang Haring na sa loob lamang
yaong pagca-hari't ang nasasacupan,
ay di caling̃ai't pinababayaan
ayon sa pag-gaua niyong cabanalan.
Lumacad noon din yaong embajadaat agad humarap sa mahal na Papa,at sinabi yaong utos sa caniyana cung nararapat ang gagauin nila.
Lumacad noon din yaong embajada
at agad humarap sa mahal na Papa,
at sinabi yaong utos sa caniya
na cung nararapat ang gagauin nila.
Na ang Hari nila na si Hildericossa pananalang̃in ay hilig ang loob,lagui nang ang puso lamang ay sa Diosano pa't ang Reyno'y hindi maiayos.
Na ang Hari nila na si Hildericos
sa pananalang̃in ay hilig ang loob,
lagui nang ang puso lamang ay sa Dios
ano pa't ang Reyno'y hindi maiayos.
Caya't ilinagay nang mang̃a consejona Hari ay yaong Príncipe Pepino,at may sadyang tapang ang Príncipeng itoat masipag namang mag-ayos nang Reyno.
Caya't ilinagay nang mang̃a consejo
na Hari ay yaong Príncipe Pepino,
at may sadyang tapang ang Príncipeng ito
at masipag namang mag-ayos nang Reyno.
Yamang capua rin heredero silanang corona't cetro nang Reyno nang Francia,caya ang consejo'y pauang nagcaisangPríncipe Pepino'y siyang magcorona.
Yamang capua rin heredero sila
nang corona't cetro nang Reyno nang Francia,
caya ang consejo'y pauang nagcaisang
Príncipe Pepino'y siyang magcorona.
Matanto nang Papa ang ganoong saadnapaayon nama't cusang minarapat,ang mapag-alaga aniya't masicapsa Reyno, ang siyang ucol na maghamac.
Matanto nang Papa ang ganoong saad
napaayon nama't cusang minarapat,
ang mapag-alaga aniya't masicap
sa Reyno, ang siyang ucol na maghamac.
At ang gumaganap nang pagca-justicia,at sa nasasacop ay macaling̃a pa,yaon ng̃a ang siyang tunay na magandana mag-Hari't siyang lubos na may caya.
At ang gumaganap nang pagca-justicia,
at sa nasasacop ay macaling̃a pa,
yaon ng̃a ang siyang tunay na maganda
na mag-Hari't siyang lubos na may caya.
Matanto ang gayong mang̃a casagutannang Papa, ay agad namang napaalam,yaong embajada't nang siya'y dumatalsa Francia'y sinabi yaong casagutan.
Matanto ang gayong mang̃a casagutan
nang Papa, ay agad namang napaalam,
yaong embajada't nang siya'y dumatal
sa Francia'y sinabi yaong casagutan.