JOSE CRUZ (Huseng Sisiw)

[1]Sa Florante: "Ipinadala ako sa Atenas ...

[1]Sa Florante: "Ipinadala ako sa Atenas ...

Decorative motif

Francisco BaltazarFrancisco BaltazarDAHONG LUGAS NG"FLORANTE"

Francisco Baltazar

Francisco Baltazar

DAHONG LUGAS NG"FLORANTE"

Sa loob at labas ng bayan cong sauicaliluha,i, siang nangyayaring haricagalinga,t, bait ay nalulugamiininis sa hucay ng dusa,t, pighati.Ang magandang asal ay ipinupucolsa laot ng dagat ng cutia,t, lingatongbalang magagaling ay ibinabaónat ilinilibing ng walang cabaong.Ng̃uni,t, ¡ay! ang lilo,t, masamang loobsa trono ng puri ay ilinuluclocat sa balang sucab na may asal hayopmabangong incienso ang isinusuob.Caliluha,t, sama, ang ulo,i, nagtayoat ang cabaita,i, quimi,t, nacayucosantong catouira,i, lugami at hapoang luha na lamang ang pinatutulo.At ang balang bibig na binubucalanng sabing magaling at catotohananagad binibiac at sinisicanganng calis ng lalong dustang camatayan.Oh! tacsil na pita sa yama,t, mataasoh! hangad sa puring hanging lumilipasicao ang dahilan ng casam-ang lahatniaring nasapit co na cahabaghabag.Ipinahahayag ng pananamit motaga Albania ca at aco,i, Persianoicao ay caauay ng baya,t, secta cosa lagay mo ngayo,i, magcatoto tayo.

Sa loob at labas ng bayan cong sauicaliluha,i, siang nangyayaring haricagalinga,t, bait ay nalulugamiininis sa hucay ng dusa,t, pighati.

Sa loob at labas ng bayan cong saui

caliluha,i, siang nangyayaring hari

cagalinga,t, bait ay nalulugami

ininis sa hucay ng dusa,t, pighati.

Ang magandang asal ay ipinupucolsa laot ng dagat ng cutia,t, lingatongbalang magagaling ay ibinabaónat ilinilibing ng walang cabaong.

Ang magandang asal ay ipinupucol

sa laot ng dagat ng cutia,t, lingatong

balang magagaling ay ibinabaón

at ilinilibing ng walang cabaong.

Ng̃uni,t, ¡ay! ang lilo,t, masamang loobsa trono ng puri ay ilinuluclocat sa balang sucab na may asal hayopmabangong incienso ang isinusuob.

Ng̃uni,t, ¡ay! ang lilo,t, masamang loob

sa trono ng puri ay ilinulucloc

at sa balang sucab na may asal hayop

mabangong incienso ang isinusuob.

Caliluha,t, sama, ang ulo,i, nagtayoat ang cabaita,i, quimi,t, nacayucosantong catouira,i, lugami at hapoang luha na lamang ang pinatutulo.

Caliluha,t, sama, ang ulo,i, nagtayo

at ang cabaita,i, quimi,t, nacayuco

santong catouira,i, lugami at hapo

ang luha na lamang ang pinatutulo.

At ang balang bibig na binubucalanng sabing magaling at catotohananagad binibiac at sinisicanganng calis ng lalong dustang camatayan.

At ang balang bibig na binubucalan

ng sabing magaling at catotohanan

agad binibiac at sinisicangan

ng calis ng lalong dustang camatayan.

Oh! tacsil na pita sa yama,t, mataasoh! hangad sa puring hanging lumilipasicao ang dahilan ng casam-ang lahatniaring nasapit co na cahabaghabag.

Oh! tacsil na pita sa yama,t, mataas

oh! hangad sa puring hanging lumilipas

icao ang dahilan ng casam-ang lahat

niaring nasapit co na cahabaghabag.

Ipinahahayag ng pananamit motaga Albania ca at aco,i, Persianoicao ay caauay ng baya,t, secta cosa lagay mo ngayo,i, magcatoto tayo.

Ipinahahayag ng pananamit mo

taga Albania ca at aco,i, Persiano

icao ay caauay ng baya,t, secta co

sa lagay mo ngayo,i, magcatoto tayo.

Ang̃pang̃alang̃ itó ay bago sa mg̃a batang̃ panding̃ig, ng̃uni't sa mg̃a mawilihin sa Tuláng̃ Tagalog ay isáng̃ Talang̃ nápakaliwanag. Siyá'y naging̃ Guró ng̃ ating̃ Balagtás sa pagtulà at lahát halos ng̃ mg̃a binatang̃ kanyáng̃ kapanahón ay pawang̃ lumuhog sa kanyá na itulà ng̃ mg̃a panambitan, liham, lowa, at mg̃a palabás dulaan na totoóng̃ hinang̃aan at pinapurihan ng̃ kanyáng̃ mg̃a kapanahón.

Sa kanyáng̃ kabataan ay walâ siyáng̃ nádamá kungdi pawang̃ hirap, palibhasa'y anák dukhâ. Ang̃ pintuan ng̃ Páaralan ay bahagyá na niyáng̃ nápasok, at matang̃i sa págunahing̃ pagaaral na ginampanán ng̃ kanyáng̃ ali at sa isáng̃ tang̃ing̃ guró na nagturo sa kanyá hang̃gang̃ 40 año ay walang̃ masásabing̃ tinuklasán niyá ng̃ dunong̃ na naghatíd sa kanyá sa dalubhasang̃ tawag na talaisip at pasimunò na sinunód na lagi ng̃ kanyáng̃ mg̃a kababatà.

Umanó'y isáng̃ araw, nang̃ si Huseng̃ Sisiw ay batà pang̃ wawaluhing̃ taón lamang̃ ay naliligò siyá sa isáng̃ ilog sa may tabi ng̃ kaniláng̃ bahay at nang̃ mg̃a sandaling̃ yaón ay dalawáng̃ nagháhanáp ng̃ táwiran upáng̃ pasá ibayo at si Husé ang̃ kinausap. Ang̃ mg̃a Hesuita ay hindî marunong̃ ng̃ Tagalog at si Husé sa tulóng̃ ng̃ kanyáng̃ pagkapalabasá ay nakapakipagintidihan sa mg̃a banyagang̃ kausap sa sarili nilang̃ wikà.

Lubháng̃ náhang̃à ang̃ mg̃a Hesuita sa katalinuhan at pagkamagalang̃ ng̃ batà, kayá,t nalibáng̃ na siyá'y kausaping̃ mahabá ng̃ sandali. Noón ay sádaraán ang̃ isáng̃ tao at sa pagka't hindî na nang̃akapagpatuloy ng̃ pagtawid ang̃ mg̃a Paré, ay inusisá na lamang̃ kung̃ sino ang̃ batang̃ kaniláng̃ nákausap, kung̃ kang̃inó anák at kung̃ saán nagáaral.

«Siyá—anáng̃ mg̃a Hesuita—ay isáng̃ «batang̃-matandâ» lubháng̃ umindayóg ng̃ pagiisip.»

Nang̃ si Huséng̃ Sisiw ay magbinatá na, ay dito na kinapánsinán ng̃ isáng̃ kainamang̃ pananagalog, malalaking̃ kaisipan, mg̃a laláng̃ ng̃ diwá na nakágigising̃ ng̃ pusong̃ idlip kaya't halos ináakalà ng̃ mg̃a kanayon na siyá ay isáng̃ tunay na pantás na nakatatarók ng̃ lahát ng̃ lihim.

Itó'y nagbuhat sa waláng̃ maliw niyáng̃ pagbabasá ng̃ mg̃a Kasáysayan ng̃ Biblia na natúturól niya ang̃ mg̃a banháy na kailang̃anin sa pagsasalitâ, na ikinapaghinala ng̃ madlà na siyá'y isáng̃ taong̃ nakatátarók ng̃ lahát ng̃ pagbabagong̃ dinaanan ng̃ Daigdigan buhat sa mulà at mulà.

Nátuto siyáng̃ magisá sa sarilíng̃ sikap ng̃ Filosofía, Cánones, Teología at iba pang̃ mg̃a karunung̃an, gayón din ng̃ latín at griego, tang̃i pa ng̃ kastilà na ginagamit niyáng̃ parang̃ sariling̃ wikà. Dahilán itó nang̃ kung̃ bakit nang̃ panahóng̃ yaón ay lubháng̃ maraming̃ paring̃ Tagalog ang̃ sumásang̃guni sa kanyá ng̃ kanikaniláng̃ mg̃a sermón na paubayang̃ ipinababago sa kanyá kung̃ mayroon siyáng̃ hindî mainamin na nasang̃ iwastô.

May isáng̃ lalong̃ himaláng̃ ginawâ si Huséng̃ Sisiw nang̃ siya'y anyayahan ng̃ Kura sa Batang̃an na maglabás ng̃ kanyáng̃ mg̃a dulà sa Pista ng̃ Bayan doón, at sabihin pa ba, dinalá niyáng̃ lahat ang̃ kanyáng̃ mg̃a siping̃ yari, na mg̃a dulang̃ bung̃a ng̃ kanyáng̃ waláng̃ pagál na panitik at ipinagparang̃alan niya sa Kura na piliin ang̃ nasang̃ palabasin sa araw ng̃ kapistahan, at sa masamáng̃ palad ay waláng̃ nápilì isá man ang̃ Kura; ng̃uni't ipinakita sa kanyá ang̃ isáng̃ «Kasaysayan» na siyáng̃ nasang̃ palabasin, at noón din ay binasa ni Husé at boóng̃ tapang̃ na nagsabing̃ «Hindî tayo mápapahiyâ among̃».

Dispirás na ng̃ Pista ng̃ Bayan nang̃ibigay sa kanya ang̃ sipi ng̃ «Kasaysayan» at ang̃ ating̃ si Huséng̃ Sisiw, pagkabasang̃ saglit ng̃ kasaysayan ay tinipon ang̃ kanyáng̃ mg̃a «comediante» at isaisáng̃ inanasán ng̃ kanikaniyáng̃ sásabihin na tila bumabasa ng̃ isáng̃ duláng̃ yari at násusulat sa wikang̃ Tagalog.

Kinábukasan ay nasok sa kuból si Huséng̃ Sisiw at ang kanyáng̃ mg̃a sinanay na mg̃a «comediante» ay nang̃anupád ng̃ kaníkaniyáng̃ tung̃kól sa dulà ng̃ boóng̃ kasiyaháng̃ loób ng̃ lahát at taging̃tang̃ì ang̃ Kura na lubhang̃ námanghà sa himaláng̃ yaón na ipinamalas ni Huséng̃ Sisiw.

At dî lamáng̃ itó ang̃ katang̃ian ni Huséng̃ Sisiw. Siyá ay nakadidiktá sa limáng̃ tagasulat kung̃ siyá'y nagmamadalî; gaya halimbawà ng̃ kung̃ may nagpápagawâ sa kanyá ng̃ anó mang̃ katibayan, paányaya, sulat sa pang̃ing̃ibig at tulâ sa karang̃alan ni gayón at ni ganitó. Pinaúupô niyáng̃ sabáy ang̃ mg̃a tagasulat at sabáy na dinidiktahán ng̃ kanikaniyá, ano pa't nakatátapos na lahát na sabáy at walang̃ pánaghilian.

Tinawag siyáng̃ si Huséng̃ Sisiw, sa pagka't siyá ay mahiliging̃ kumain ng̃ sisiw, kailan ma'y áayáw siyá ng̃ inahin ó tandang̃; maging̃ sa mg̃a gulayin ma'y nasà niyá ang̃ lalong̃ murà ó walâ pa sa panahon, kung̃ makáisip siyáng̃ kumain ng̃ inihaw na baboy ay ang̃ kaniyáng̃ pinipilî ay ang̃ pásusuhín pa halos. At sa pagka't itó ang̃ kanyáng̃ himalíng̃ lahát halos ng̃ kanyáng̃ mg̃a kaibigan na nagkákautang̃ ng̃ loób sa kanyáng̃ magpasulat, ay dinádalhán siyá ng̃ sisiw na lalong̃ pinakamatabâ. At sa pamagát na Huséng̃ Sisiw siya nákilala ng̃ lahát ng̃ kanyáng̃ mg̃a kapanahón.

Si José Cruz ay tubò sa makasaysayang̃ bayan ng̃ Tundó at anáng̃ marami ay siyá ang̃ talagang̃ ipinang̃anák na Makatà. Nilang̃ siya sa maliwanag niyaóng̃ taóng̃ 1778.

Umanó'y isáng̃ araw ay pinagdayo siyá ng̃ mg̃a Pantás at Dalubhasang̃ kanyáng̃ panahón upáng̃ makilala ang̃ dakiláng̃ Makatà at Guró nina Balagtás, «Florante» at ni Ananias Zorrilla sa «Dama Inés» niná Juan at Prudencio Feliciano sa kaniláng̃ «Loco por el viento», «D. Alejandro at Don Luis», «Atamante at Manople», «Jason at Medea» at Dn. Gonzalo de Córdoba», at kalung̃uyò at lagí nang̃ sinambit ni aling̃ Manding (Agapita Bernardo Rivera) na tánung̃an ng̃ mg̃a mánunulat noón ay nang̃yari ang̃ ganitóng̃ ságutan:

—Mang̃ Husé, saán pô nároón ang̃ mg̃a aklát ninyóng̃ sang̃gunian?

—Mg̃a Ginoó, ang̃ aklatan ko pô ay ang̃ sariling̃ pagiisip. Ináakalà ko pô na hindî kailang̃an ang̃ isáng̃ mayamáng̃ aklatan kung̃di násasaulo ang̃ mg̃a linalaman noón.

Kung̃ saán mapagkikita na si Huséng̃ Sisiw ay isáng̃ dalubhasang̃ palalò, sanhî marahil nang̃ hindî niyá ikinápagpalimbág ng̃ kanyáng̃ mg̃a kathâ.

Anáng̃ mg̃a matatandáng̃ aming̃ nápagtanung̃án, si mang̃ Husé ay lubháng̃ maing̃at sa kanyáng̃ mg̃a sulat at kailán ma'y hindî siyá nasiyahán sa mg̃a hináhang̃aan na ng̃ ibá na kanyáng̃ mg̃a kathâ, dahilan itó ng̃ kung̃ bakit iilán ang̃ kanyáng̃ «Corrido» na nakilala at ito'y ang̃ «Clarita», «Adela at Florante» at «Teodoro at Clavela».

Tung̃kol sa may mahigít na kung̃ ilang̃ daáng̃ «Comedia» at «Dulà» ay nang̃ing̃ibabaw ang̃ mg̃a itó: «La Guerra Civil de Granada», «Hernandez at Galisandra», «Reyna Encantada ó Casamiento por fuerza» at «Rodrigo de Vivar».

Si Huseng̃ Sisiw ay naging̃ Tagasuri ng̃ mg̃a «Comedia» at «Dulà» na itinatang̃hál sa «Teatro de Tondo» na ari ni G. Domingo Celis. Ang̃ alin mang̃ «Dulà» ó «Cómedia» na kanyáng̃ bigyán ng̃ «subali» ay hindi natatang̃hál doón. Ang̃ kanyang̃ pasiyá ay walang̃ tutol at iginagalang̃.

«Ah Sayang na sayang, sayang nang pagibigsayang nang sinsing cong nahulog sa tubigcung icaw din lamang ang makasasagip,mahangay hintin cong cumati ang tubig.»

«Ah Sayang na sayang, sayang nang pagibigsayang nang sinsing cong nahulog sa tubigcung icaw din lamang ang makasasagip,mahangay hintin cong cumati ang tubig.»

«Ah Sayang na sayang, sayang nang pagibig

sayang nang sinsing cong nahulog sa tubig

cung icaw din lamang ang makasasagip,

mahangay hintin cong cumati ang tubig.»

Itó umanó ay kanyáng̃ tinulâ ng̃ inip na inip na ng̃ káhihintay sa isáng̃ katipán na di dumaló sa tagpuan.

Si Husé ay laging̃ pidagdamutan ni Kupido.

At nang̃ isáng̃ kataón ay tinugón siyá ng̃ isáng̃ dalaga na «Magsabi po cayo sa aquing mga magulang», ay tinugon pagdaka ng̃ isáng̃ tulá na gayari:

Sa aqu,i, huag mo nang matuimatuiraninna may magulang cang dapat sanguniindi baquin si Cristo ay nacapaghainng Langit cay Dimas, di may magulang din?

Sa aqu,i, huag mo nang matuimatuiraninna may magulang cang dapat sanguniindi baquin si Cristo ay nacapaghainng Langit cay Dimas, di may magulang din?

Sa aqu,i, huag mo nang matuimatuiranin

na may magulang cang dapat sanguniin

di baquin si Cristo ay nacapaghain

ng Langit cay Dimas, di may magulang din?

Tátapusin namin ang̃ ulat na itó sa pagsipi ng̃ iláng̃ tulá ni Huséng̃ Sisiw bilang̃ aláala sa kanyáng̃ kabantugan, nang̃ huag matulad sa bulâ na ginahasa ng̃ hang̃in; sa bang̃óng̃ panandaliang̃ linipasan ng̃ halimuyak ó sa kawiliwiling̃ tinis ng̃ kanyáng̃ kudyapî na napápawi sa pakinig, pagkalipas ng̃ isáng̃ saglit na pagkaalíw at pagkawili.

Oh caauaauang buhay co sa ibaMula at sapol ay gumilio gilio naNguni,t, magpangayon uacas man ay di paNagcacamit tungcol pangalang guinhaua.Ano,t, ang ganti móng pambayad sa aquinAng aco,i, umasa,t, panasanasainAt ilinagac mong sabing nahabilinSa langit ang aua saca co na dinguin.Ang aua ng̃ langit at aua mo namanNagcacaisa na caya cung sa bagay?Banta co,i, hindi ri,t, sa aua mong tunayIba ang sa langit na naibibigay.Ano ang ganti mo sa taglay cong hirap.Sa langit na hintin ang maguiguing habag?Napalungi namang palad yaring paladSa ibang suminta,t, gumilio ng tapat.

Oh caauaauang buhay co sa ibaMula at sapol ay gumilio gilio naNguni,t, magpangayon uacas man ay di paNagcacamit tungcol pangalang guinhaua.

Oh caauaauang buhay co sa iba

Mula at sapol ay gumilio gilio na

Nguni,t, magpangayon uacas man ay di pa

Nagcacamit tungcol pangalang guinhaua.

Ano,t, ang ganti móng pambayad sa aquinAng aco,i, umasa,t, panasanasainAt ilinagac mong sabing nahabilinSa langit ang aua saca co na dinguin.

Ano,t, ang ganti móng pambayad sa aquin

Ang aco,i, umasa,t, panasanasain

At ilinagac mong sabing nahabilin

Sa langit ang aua saca co na dinguin.

Ang aua ng̃ langit at aua mo namanNagcacaisa na caya cung sa bagay?Banta co,i, hindi ri,t, sa aua mong tunayIba ang sa langit na naibibigay.

Ang aua ng̃ langit at aua mo naman

Nagcacaisa na caya cung sa bagay?

Banta co,i, hindi ri,t, sa aua mong tunay

Iba ang sa langit na naibibigay.

Ano ang ganti mo sa taglay cong hirap.Sa langit na hintin ang maguiguing habag?Napalungi namang palad yaring paladSa ibang suminta,t, gumilio ng tapat.

Ano ang ganti mo sa taglay cong hirap.

Sa langit na hintin ang maguiguing habag?

Napalungi namang palad yaring palad

Sa ibang suminta,t, gumilio ng tapat.

Decorative motif

Isasa mg̃a lalong̃ paham na tao niyaóng̃ nagsásapól ang̃ dáanang̃ taóng̃ lumipas, si Parè Pedro Pelaez, Doctor en Teologia, na, pagúukulan ng̃ayón nitóng̃ sapyáw na ulat, bilang̃ pabunyî sa kanyáng̃ kadakilaan at mg̃a pagliling̃kód sa Tinubuang̃ Lupà, sa abot ng̃ gálawan ng̃ kanyáng̃ pagka Parè.

Sa matuláng̃ lalawigan ng̃ Laguna ay dito sumilang̃ ang̃ marilág na si Parè Pedro Pablo Pelaez, at anák ng̃ mg̃a litáw na tao. Ang̃ kanyáng̃ amá ay kasalukuyang̃ Alkalde mayor niyaóng̃ ika 12 ng̃ Hunio ng̃ taóng̃ 1812, na siyá'y iluwál sa maliwánag. Inalô ng̃â si Parè Pedro Pelaez sa duyan ng̃ kaginhawahan; ng̃uni't sa buhay na itó ng̃ mg̃a pagbabago ay kanyáng̃ dinanas ang̃ lahát ng̃ mg̃a dapat danasin ng̃ mg̃a laruan ng̃ palad at siyá'y naulila sa maágang̃ panahón ng̃ kanyáng̃ kabataan at, walâ namang̃ gaanong̃ naiwan sa kanyáng̃ pamana, ang̃ amáng̃ pumanaw, kayá't sa panahón ng̃ kanyáng̃ pag-áaral ay di gágaanong̃ pagsasakit ang̃ kanyáng̃ tinawíd bago namulat ang̃ kanyáng̃ kutád na muni sa malawak na gálawan ng̃ karunung̃an.

Maglálabing̃ isáng̃ taón pa lamang̃ siyá ng̃ masok sa Páaralang̃ Santo Tomás sa pamamagitan ng̃ «beca» dahil sa karang̃alan ng̃ kanyáng̃ mg̃a magulang̃ at ang̃ panahón ng̃ kanyáng̃ ipinagaral, ay siyáng̃ naging̃ sáligan ng̃ pamagát sa kanyáng̃ Pantás at Dalubhasang̃ Parè, na iginawad sa kanyá sa panahón ng̃ kanyáng̃ pamamayani sa buhay na itó ng̃ mg̃a dalamhati.

Boóng̃ kasyahang̃ loób na tinamó niyá ang̃ katibayang̃ «Bachiller en Fiosofía», «Bachiller en Teología», at «Licenciado en Teologia»; Kaparahunan noón ng̃ balitang̃ Pantás na Paring̃ kastilà na si R. P. Francisco Ayala, di nalaunan at tinang̃gáp ang̃ katibayan sa pagká «Doctor en Teología», kátaástaasang̃ karunung̃ang̃ mahihintáy na kamtin ng̃ isáng̃ Parè.

Dahil sa di niyá karaniwang̃ kapahamán ay nakasapit siyá sa Koro ng̃ Katedral at tinang̃gáp siyáng̃ «Canónigo de Gracia», ng̃uni't hindi niyá naaming̃ siyá'y mamalagi sa gayóng̃ parang̃ limós na katung̃kulan at siyá'y lumaban ng̃ páligsahan, at tinamó niyá ang̃ pamagát na «Canónigo Magistral».

Siyá'y may mg̃a kalilihiling̃ mg̃a sermón na lubháng̃ hinang̃aan at kanyáng̃ ipinalimbág sa Madridniyaóng̃ 1860, sa kahiling̃an ng̃ kanyáng̃ mg̃a kasamahan na nagnanasang̃ maging̃at ng̃ kayamanang̃ yaón ng̃ kanyáng̃ diwà.

Sa pagka «Predicador» ay nápabantóg ng̃ gayón na lamang̃ si Parè Pelaez, at sa kanyáng̃ walang̃ tilang̃ pagaáral ay tinamó niyá ang̃ mg̃a katung̃kulang̃ «Juez Apostólico», «Comisario Subdelegado de la Santa Cruzada» at «Vicario Capitular en Sede Vacante» sa Siudad ng̃ Maynilà. Anáng̃ isáng̃ pahayag ng̃ «La Patria» tung̃kól sa Pareng̃ itó: «Ang̃ mg̃a karapatdapat na mg̃a Prelado na siná Ecmo. Señor D. José Seguí at José Arangoren ay nagpahalatá tuwî na ng̃ pagtatang̃i sa kakayaháng̃ hindî karaniwan ng̃ mg̃a hiyas na itó ni Parè Pedro Pelaez, at itinang̃i siyáng̃ pinang̃sang̃gunian tuwî na, lalong̃ lalò na ng̃ Preladong si G. Arangoren at siyá ang̃ kalihim nitó.

Yaóng̃ dakilang̃ utak na nápabantóg at nagtaás ng̃ gayón na lamang̃ sa kanyáng̃ lipì, ay pininsalà niyaóng̃ lindól ng̃ taóng̃ 1863 nang̃ gumuhò ang̃ Katedral. Namatay siyáng̃ gaya ng̃ isáng̃ bayani sa kapanahunang̃ ang̃ kanyáng̃ karilagán ay sumisikat, ng̃uni't ang̃ kanyáng̃ aláala ay laging̃ sariwà tuwî na sa kanyáng̃ mg̃a kababayan. At sa «Universidad de Santo Tomás» bilang̃ aláala sa kanyáng̃ kadakilaan ay ginawáng̃ pahiyás ang̃ isá niyáng̃ malaking̃ larawan, sa kaniláng̃ «Galeria de Ilustres personalidades» na iniing̃atan sa bulwagan ng̃ nasabing̃ Páaralan, bilang̃ tang̃láw marahil sa nang̃agsisipagaral doón.

Decorative motif

P. Jose Burgos

Sa Pilipinas ay maraming̃ dakilang̃ Bayani at sa mg̃a itó ay kabilang̃ ang̃ huwaran ng̃ mg̃a Paring̃ pilipino na si Dr. José Apolonio Burgos.

Niyaóng̃ ika 9 ng̃ Febrero ng̃ taóng̃ 1837, ay sumilang sa maliwanag ang̃ aming̃ pinagúukulan ng̃ayón nitóng̃ haláw na dahon ng̃ mg̃aDakilang Pilipino. Siyá'y anák ng̃ Teniente ng̃ Milisya na si G. José Burgos at ni Ginang̃ Florencia ni Burgos, sa bayan ng̃ Vigan, Ilokos Sur.

Si Dr. José A. Burgos ay naulila sa kamusmusán, at sa marubdób na nasà ng̃ kanyáng̃ mairuging̃ iná na ang̃ kanyáng̃ munî ay mámulat sa mg̃a dakilang̃ aral, ay sinikap ni aling Florencia na ang̃ kanyáng̃ anák ay máipadalá sa Maynilà, at palibhasa'y anák siyá ng̃ isáng̃ Pámunuáng̃ Hukbó, ang̃ gayóng̃ nasà ay nagíng̃ isáng̃ pang̃yayari sa tulong̃ ng̃ mg̃a makapang̃yarihan ng̃ panahóng̃ yaón. Siya'y tinang̃gáp ng̃ waláng gugol sa Páaralang̃ San Juan de Letrán.

Ang̃ katalinuhan niyáng̃ dî karaniwan ay nábunyáng̃ at sa tang̃láw noón ay kanyáng̃ nápansín batà pa man ang̃ mg̃a kahidwaan ng̃ pamamalakad sa loób ng̃ Páaralan. Pang̃ulo siyá palibhasà ng̃ tanáng̃ nagáaral na kanyáng̃ kapanahón kayá't kanyáng̃ tinutulan ang̃ gayóng̃ dî niyá minabuting̃ nápansin, ng̃uni't sa halíp na dingín ang̃ kanyáng̃ tutol, ay siyá'y itinawalag sa Páaralan. Ang̃ unang̃ binhî ng̃ kaapihan ay nápapunlâ sa kanyáng̃ pusò.

Sa gitnâ ng̃ gayóng̃ kapinsalaán ay náipagpatuloy din niyá ang̃ pagaaral sa marunong̃ na Paring̃ si G. Mariano García hang̃gáng̃ siyá'y máihandáng̃ tang̃gapín sa Páaralang̃-madlâ ni Sto. Tomás. Nápatang̃ì siyá ng̃ gayón na lamang̃ at sa kanyáng̃ mg̃a sikap ay napagkilalang̃ tunay na alagád siyá ng̃ Kardenal Ceferino Gonzales, sa karunung̃an ng̃ «Teología». Sa Páaralang̃ itó niyá tinamó ang̃ mg̃a katibayang̃ pagká «Bachiller en Fìlosofia», «Doctor en Derecho Canónico» at «Doctor en Teologia».

Nang̃ matapos ang̃ kanyáng̃ pag-aaral sa Páaralang̃-madlâ ni Santo Tomás ay náhirang̃ siyáng̃ magíng̃ Patnugot ng̃ Páaralang̃ San Juan de Letrán at guró sa wikang̃ latín, wikang̃ ayón sa mg̃a mánunulat ng̃ panahóng̃ yaón ay ginágamit niyá nang̃ gaya ng̃ paggámit ng̃ sariling̃ wika.

Nang̃ siyá'y yumakap ng̃ katung̃kulang̃ pagká Parè at ang̃ káunaunahan niyáng̃ «Misa» ay kanyáng̃ ng̃anapín ay napilitan niyáng̃ bitiwan ang̃ tung̃kulin niyá sa San Juan de Letrán, ng̃uni't siyá'y ilinipat na Patnugot ng̃ mg̃a nagaaral sa Sto. Tomás, tung̃kuling̃ hindî niyá pinagtagalán at ang̃ hinarap ay ang̃ kanyáng̃ pagká Parè.

Si Dr. José A. Burgos ay nagíng̃ pang̃alawang̃ Kura sa Katedral nitóng̃ Maynilà, nagíng̃ Mahistrado at Punò sa Katedral, Tagausig ng̃ Hukumang̃ Eklesiastiko at Pang̃ulong̃ Punò ng̃ pagdiriwang̃ sa Páaralang̃-madlâ ni Sto. Tomás.

Nang̃ taóng̃ 1767, nang̃ ang̃ mg̃a Paring̃ Hesuita ay palayasin dito sa Pilipinas, noón, ang̃ dako ng̃ Mindanáw ay nása kamay ng̃ mg̃a Rekoletano, at sa kalágitnaan ng̃ Lusón, ay sa mg̃a Paring̃ tubò rito sa Kapuluán; ng̃uni't ng̃ pabalikín sa Kapuluán ang̃ mg̃a Hesuitas niyaóng̃ taóng̃ 1859 ay siyáng̃ isinugò sa Mindanáw at ang̃ mg̃a Rekoletano ay ilinípat sa gitnâ ng̃ Lusón na siyáng̃ nása kapamahálaan ng̃ mg̃a «Clérigo» ó mg̃a Paríng̃ tagarito sa ating̃ lupaín, ang̃ ganitóng̃ panibagong̃ pagkawalâ ng̃ karapatán ng̃ mg̃a Paring̃ pilipino ay tinang̃gap ng̃ mg̃a itó na parang̃ isáng̃ malakíng̃ paglait ó paglapastang̃an sa kaniláng̃ karapatán, at ang̃ gayón ay nagíng̃ simulâ ng̃ isáng̃ pagtutol na pinamatnugutan ng̃ bantóg na si Dr. José A. Burgos.

Isáng̃ kasulatan ang̃ pinasapit sa España na humihing̃î ng̃ katarung̃an para sa mg̃a Paring̃ napinsalà, ng̃uni't gaya ng̃ mg̃a lalong̃ dakilang̃ gawâ na dî tuwî na'y nagtagumpáy ang̃ kaniláng̃ kahiling̃an ay nalupig ng̃ kapang̃yarihan ng̃ kaniláng̃ mg̃a katung̃galî, at ang̃ gayóng̃ pang̃yayari ay nagíng̃ simulá na ng̃ isáng̃ piping̃ paghahamók ng̃ mg̃a Paring̃ pilipino at ng̃ mg̃a Paring̃ kastilà. Ika 14 ng̃ Hulyo ng̃ taóng̃ 1870 nang̃ siná Parì Burgos at José Guevarra ay nagpadalá ng̃ isáng̃ kasulatan sa Kapitan Heneral G. Carlos Ma. Latorre, sa mg̃a paratang̃ na sa kanilá'y ibinuhat ng̃ mg̃a «regulares» at nagmumung̃kahing̃ litisin kung̃ mayroon ng̃â ó waláng̃ «filibusterismo» dito sa Pilipinas.

Sa gitnâ ng̃ alimpuyóng̃ itó ng̃ paglalaban ng̃ isá't isá, sa kabilang̃ dako, ang̃ mg̃a Paring̃ tubò rito sa atin, at sa kabilang̃ dako ay ang̃ mg̃a Paring̃ banyagà, ay nápataón sa Himagsikang̃ kawal sa Kabite niyaóng̃ 1872, pang̃yayaring̃ nágamit ng̃ mg̃a kaaway ni Dr. José A. Burgos, upáng̃ ang̃ násabing̃ Parè at sampu ni Pari Mariano Gómez at Jacinto Zamora ay mákasang̃kót sa násabing̃ himagsikan.

At gaya ng̃ lahát ng̃ pang̃yayari sa mg̃a bayang̃ nasusukuban ng̃ kapang̃yarihan ng̃ ibáng̃ Bansâ, ang̃ mg̃a pakanâ ay nagtagumpay; sa malinawna sabi ang̃ tatlong̃ dakiláng̃ Parè, ay umakyát sa bibitayán upáng̃ diligin ng̃ kaniláng̃ dugô, upáng̃ pagalayan ng̃ kaniláng̃ maagang̃ pagpanaw ang̃ kalaitlait na kamatayang̃ dapat lamang̃ sa mg̃a sálarín. Silá'y binitay niyaóng̃ iká 17 ng̃ Pebrero ng̃ taóng̃ 1872.

Bago binitay si Dr. José A. Burgos ay nagsabi ng̃:

«Ako'y walang̃ sala», at tinugón ng̃ «Verdugo»:

«Among̃, ako'y patawarin mo at ang̃ pagbitay kong̃ itó sa iyó ay laban sa aking̃ kalooban, ng̃uni't nanúnupád akó ng̃ isáng̃ utos.»

Ang̃ gayón ay pinaklihán ni Dr. Burgos ng̃ gayari:

«Pinatatawad kita, at nasà kong̃ ang̃ utos ay iyóng̃ tuparin».

Noón ay nagdilim ang̃ lang̃it, humagunot ang̃ kulóg, ang̃ lintik ay nagsiguhit ng̃ boóng̃ tatalím at ang̃ ulán ay bumuhos.

Ang̃ mg̃a taong̃ karamiha'y luksâ na dumaló sa Bagumbayan ay parang̃ ipinagtabuyan ng̃ mg̃a «elemento», at ang̃ tatlong̃ Parì ay binitay.

Ang̃ kamatayan ni Dr. José Apolonio Burgos ay máituturing̃ nating̃: «Binhì ng̃ Himagsikan». At ang̃ diwà ng̃ kanyáng̃ ipinagtang̃gól na katuwiran ng̃ mg̃a Parè ay nagtagumpáy sa ating̃ pinagpalang̃ Himagsikan niyaóng̃ taóng̃ 1896, na ang̃ unang̃ tagumpáy na máituturing̃ na hang̃gá gayón ay nanánatili sa ibabaw ng̃ kasakimán ng̃ mg̃a banyagá ay ang̃ pagkákilala sa karapatán ng̃ mg̃a Pareng̃ tubò rito sa atin na karamihan ay nang̃agháhawak gayón ng̃ mg̃a katung̃kulan at Karang̃alang̃ Obispo.

Nagíng̃ gawî tuwî na, na ang̃ mg̃a Paring̃ náhatulan sa mg̃a kalaitlait na kasalanan ay hinúhubarán ng̃ pagká Parè, at ang̃ gayón ay hiniling̃ sa Mng̃l. na Arzobispo ng̃ Maynilà; ng̃uni't walang̃ mákitang̃ matuwid ang̃ násabing̃ Arzobispo kaya't dî silá hinubarán ng̃ pagká Parè sa oras ng̃ kamátayan.

Si Gat Rizal, sa kanyáng̃ paglalathalà ng̃ pang̃alawáng̃ bahagi ng̃ «Noli», ang̃ kanyáng̃ «Filibusterismo» ay ihínandóg sa tatlóng̃ dakilang̃ Parè bilang̃ pang̃bawì, sa mg̃a upasalang̃ sa kanilá'y iginawad:

Sa ganáng̃ amin ang̃ tatlong̃ dakiláng̃ Parè ay dî nagkâsala kahit bábahagyâ na dapat lapatan ng̃ gayóng̃ kalupit na hatol; ng̃uni't silá'y naging̃ kasang̃kapan ng̃ mg̃a pang̃yayari, upáng̃ ang̃ binhî ng̃ paghihimagsík ay payabung̃in ng̃ kaniláng̃ dugô.

Tátapusin namin ang̃ ulat na itó sa mg̃a salitâ ni P. Gómez: «Yaóng̃ nang̃agsisiibig sa Inang̃ Bayan ay dî nang̃amamatay sa kaniláng̃ hihigang̃ sarili».

Decorative motif

Ang liwasan ng Bagumbayan, na pinagpala ng kamahalmahalang dugo ng Bayani ng mga Bayani, na sa isang kapusukan, sa sigabong di mapigilan ng kalupitan ng mga tao, ay ginawa na ang liwasang ito ay maging Golgota ng bayang Pilipinas.Ang liwasan ng Bagumbayan, na pinagpala ng kamahalmahalang dugo ng Bayani ng mga Bayani, na sa isang kapusukan, sa sigabong di mapigilan ng kalupitan ng mga tao, ay ginawa na ang liwasang ito ay maging Golgota ng bayang Pilipinas.

Juan Luna

Saisáng̃ maliít na bayan, sa Badók, Ilocos Norte, isáng̃ bayang̃ halos dî kilalá dahil sa kaliitan, ay nagíng̃ bantóg at kapuripuri dahilán sa pinalad na sibulán ng̃ isáng̃ taong̃ dakilà, na waláng̃ alinlang̃an masásasabing̃ siyáng̃ pinakádakilà at bantóg sa lahát ng̃ pintor na pilipino, siya ay si Juan Luna.

Ipinaganák siyá niyaóng̃ ika 23 ng̃ Octubre ng̃ taóng̃ 1857, isá sa mg̃a anák ni G. Joaquin Luna at Laureana Novicio, mapalad na magasawang̃ naghandóg sa Ináng Pilipinas ng̃ mg̃a anák na bayani. Si Antonio ang̃ dakilang̃ Heneral, si Juan, ang̃ dakilang̃ Pintor, si Joaquin ang̃ Gobernador, at si José Luna, ang̃ bantóg na mang̃gagamot.

Ang̃ kanyáng̃ pagaaral ay pinasimulán sa sariling̃ bayan at kanyáng̃ ipinagpatuloy sa «Ateneo Municipal», kung̃ saán siyá kinagiliwan ng̃ gayón na lamáng̃ ng̃ kanyáng̃ mg̃a guró: ang̃ unang̃ nagturò sa kanyá ng̃ pagguhit ay si G. Agustin Saez. Dito siyá nagpasimulâ ng̃ pagibig sa sining̃, na kanyáng̃ ikinápabantóg ng̃ gayón na lamang̃.

Buhat sa Ateneo ay lumipat siyá sa «Academia Naval», at nang̃ mátamó niyá ang̃ mg̃a katibayan sa pagaaral ay siyá'y sumakay upáng̃ ipagpatuloy ang̃ pagsasanay ng̃ kanyáng̃ pinagaralang̃ pagkamandadagat. Lálabíng̃ anim na taón siyá noón. Tinahak niyá ang̃ katimugan ng̃ dagat China at India, dinalaw ang̃ Singapore at Colombo, mg̃a bayan at lunsód na kanyáng̃ dinalaw, na nakapukaw sa kanyáng̃ pusò ng̃ marubdób na nais na dumakilà.

Niyaóng̃ 1874, nang̃ siyá'y lalabing̃pitohing̃ taón pa lamang̃ ay tinang̃gáp niyá ang̃ katibayang̃ makapaghawak na ng̃ ugit (piloto) ng̃ sasakyan sa matataás na dagat. Siyá'y lubháng̃ kilalá sa kanyáng̃ pagkámandaragát, ng̃uni't hindî itó ang̃ tunay niyáng̃ hilig, at baga mang̃ siyá'y hinang̃aan sa kanyáng̃katung̃kulang̃ yaón na ginágampanán, ay tilá may bumubulóng̃ sa kanyáng̃ diwà na hindî yaón ang̃ kanyáng̃ dapat na pamalagian.

Samantalang̃ siyá'y náglalayág, sa Luok ng̃ Maynilà ay nagaral siyá ng̃ pintura, at ang̃ kanyáng̃ nagíng̃ Guró ay si G. Guerrero isáng̃ bantóg na pintor ng̃ kapanahunan. Iniwan niyá ang̃ pagkámandaragat at nasok siyá sa «Academia de Bellas Artes» sa Maynilà. Dito niyá nákilala ang̃ tunay na pagibig sa sining̃, sumiglá nang̃ sumiglá ang̃ kanyáng̃ sigasig at niyaóng̃ 1877 ay lumayag siyáng̃ patung̃o sa España.

Pagdating̃ na pagdating̃ niyá sa lupaing̃ itó ng̃ mg̃a Hari, ay nasok siyá agád sa «Academia de Bellas Artes de San Fernando», sa Madrid, at yáyamang̃ dî nakasísiyá sa kanyáng̃ hilig ang̃ pagtuturò doón ay bumayad siyá ng̃ isáng̃ tang̃ing̃ Guró upáng̃ siyá'y turuan sa sariling̃ tahanan at kanyáng̃ náhirang̃ si G. Alejo Vera, isá sa mg̃a lalong̃ dakilà at bantóg na pintór sa España.

Nagíng̃ matalik siláng̃ magkaibigan ng̃ bago niyáng̃ Guró at silá ay naglakbáy sa Italia niyaóng̃ 1878, doón sa pinagpasikatan niná Rafael at Miguel Angel at doó'y magkatulong̃ siláng̃ gumawâ sa dakilang̃ «Bayan ng̃ Sining̃». Niyaóng̃ magbukás ng̃ Tang̃halan sa Madrid, nang̃ taóng̃ 1881, ang̃ pang̃alan ni Juan Luna at nakapang̃gilalás sa mg̃a lalong̃ bantóg na pintór na kastilà at italiano. Ang̃ kanyáng̃ cuadrong «Ang̃ kamatayan ni Cleopatra» ay nagtamó ng̃ pang̃alawang̃ ganting̃ pala at isáng̃ medallang̃ gintô kalakip ng̃ isáng̃ libong̃ pisong̃ salaping̃ kastilà. Buhat noón ang̃ Tagalog ay nagkaroón ng̃ mabuting̃ pang̃alan sa Daigdig ng̃ Sining̃ at dî na ipinalagay na mg̃a «maninipì».

Nang̃ lumipas ang̃ tatlóng̃ taón, niyaóng̃ 1884 ang̃ walang̃ kamatayang̃ «Spolarium» ay lumabas sa maliwanag, at ang̃ gawáng̃ itó ni Luna ay nagtagumpáy sa daigdigan ng̃ sining̃, at ang̃ mg̃a papuri ay nagsikip halos sa Sansinukob. Sa kanyáng̃ karang̃alan ay pinigíng̃ siyá ng̃ mg̃a pilipinong̃ nanánahanan sa España. Lubhang̃ maraming̃ papuri ang̃ kanyáng̃ tinang̃gáp sa nang̃agsipanalumpati at isá rito ay ang̃ ating̃ dakilang̃ bayaning̃ Dr. Rizal na nagsabi ng̃ gayarì: «Paghawì ng̃ tabing̃ at makita natin ang̃ «Spolarium», ay máriring̃ig na natin, ang̃ tang̃isan ng̃ mg̃a alipin, ng̃ kakilákilabot na takot sa digmaan, at ang̃ taghoy ng̃ mg̃a ulila».

«Ang̃ tánawing̃ iyán ay siyáng̃ tunay na damdamin ng̃ lumikhâ at tagabadhâ ng̃ ating̃ kasalukuyan sa ating̃ tinubuang̃ lupà. Oo, ang̃ mg̃a kuadrong̃ ganyán ay dî lamang̃ umaliw sa ating̃ mg̃a matá, kundî nakikipagusap na banayad sa ating̃ puso.»

Lumipat siyá sa Paris at doó'y nakipagisáng̃ pusò sa isáng̃ anák ng̃ kastilà sa pilipina na pinang̃arapan niyá ng̃ isáng̃ kaligayahan sa buhay, at pinaghandugán ng̃ lahát niyáng̃ tagumpáy. Hindî siyá naglikát ng̃ paglilináng̃ ng̃ kanyáng̃ sining̃ at niyaóng̃ 1887 ay napa saEspaña siyàng̃ mulî upáng̃ itang̃hál sa Madrid ang̃ kanyáng̃ «Batalla de Lepanto» at ang̃ «Rendicion de Granada» na pawang̃ nagtagumpáy at nagtamó ng̃ gantíng̃ palà sa nasabing̃ Tang̃halan. Isáng̃ pigíng̃ na naman ng̃ mg̃a kalahì ang̃ nasaksihán sa Madrid na idinaos sa karang̃alan ni Juan Luna, ang̃ dakilang̃ Pintór. Si Lopez Jaena ay isá sa nang̃agtalumpatì.

Ang̃ katahimikan sa nagtatagumpáy niyáng̃ buhay, ay hindî nasiyahán mandin at sa loób ng̃ táhanan ay nanuluyan ang̃ ligalig, ang̃ kanyáng̃ katahimikan ay nahalinhan ng̃ isáng̃ «infiernong̃» napakainit, dinaráng̃ ang̃ kanyáng̃ pusò at sa haráp ng̃ dî dapat talimahing̃ pagupasalà ay nagkahalagá ng̃ isáng̃ buhay, at buhay ng̃ kanyáng̃ pinakamamahal pa naman: ang̃ sa kanyáng̃ minamahal na kabyák ng̃ pusò. Isáng̃ usapin ang̃ naging̃ buntót ng̃ sigalót na yaón; ng̃uni't pinawaláng̃ sala si Juan Luna ng̃ Húkumang̃ humatol.

Nang̃ mulíng̃ bumalik dito sa Pilipinas ang̃ ating̃ kalahing̃ itó ay pinaghinalaang̃ kinaalám ng̃ nang̃aghíhimagsík at niyaóng̃ 1896, siyá ay ipinadakíp at ibinilang̃gò. Ang̃ mg̃a dakilang̃ diwà ay hindî napipiit kahi't na sa loób ng̃ piitan, at sa gitnâ ng̃ gayóng̃ kalágayan ay gumawâ siyá ng̃ isáng̃ mainam na «Exce Homo» na kanyáng̃ ipinagkaloób kay Parè Rossell nang̃ siyá'y dalawin sa bilang̃guan.

Nang̃ tamuhin niyáng̃ pamulî ang̃ kalayaan, ay nanumbalik siyáng̃ agád sa Europa, ng̃uni't ang̃ pagibig sa sariling̃ lupà ay hindî magpatahimik sa kanya roón, kaya't mulî siyáng̃ nang̃layág niyaóng̃ Disyembre ng̃ 1899 upáng̃ bumalík sa sariling̃ bayan at siyá'y nadaán sa India, sa Java at sa Sumatra, naglagós ng̃ China at Hapón, ng̃uni't nang̃ siyá'y na sa Hong̃kóng̃ at papauwî na sa sarili ay nagkasakit siyá at násagupà niyá roón ang̃ kamatayan.

Namatay si Juan Luna at nalibing̃ sa ibang̃ Lupà, ng̃uni't ang̃ mg̃a dakilang̃ tao saan man mamatáy at saan mang̃ dako ng̃ daigdig málibing̃, ang̃ karang̃alang̃ kanilang̃ tinuklás at ikinábantóg sa daigdigan, ay hindî nakukuha ng̃ alin máng̃ bayang̃ hindî nilá sarili, sapagká't itó'y manang̃ hindî maáagaw ng̃ alin mang̃ lahì at bayan.

Karang̃alan ng̃â ng̃ Pilipinas ang̃ siyá'y magkaanák ng̃ isáng̃ kahang̃áhang̃ang̃ máninining̃, at kahit hindî siyá nahandugán ng̃ bahaging̃ libing̃an sa sariling̃ Lang̃it, ay nagliliwanag din duón ang̃ kapitapitagang̃ pang̃alan ng̃ anák na nagpakatang̃ì.

Luwalhatì sa iyo, dakilang̃ maninining̃!

GRACIANO LOPEZ JAENA

Salalawigan ng̃ Iloilo ay doón sumilang̃ ang̃ isáng̃ kalahì nating̃ naging̃ isáng̃ dakilang̃ mánanalumpatì, siyá'y si Graciano Lopez Jaena.

Gayá ng̃ lahát ng̃ pilipino, ang̃ kanyáng̃ unang̃ pagaáral ay tinang̃gáp niyá sa loób ng̃ táhanan, pagkatapos ay nagpatuloy siyá sa Páaralang̃ bayan upáng̃ ang̃ mg̃a páng̃unahing̃ pagaáral ay maganáp at doón na siyá kinákitaan ng̃ kanyáng̃ sibol na katalinuhan, at bagá mang̃ hindî karaniwan noón ang̃ pakikipagtalo sa mg̃a Guró si Jaena ay hindî nasiyáhan sa alín mang̃ bahagi ng̃ kanyáng̃ pinagáaralan, hang̃gang̃ hindî diníding̃íg ang̃ mg̃a paliwanag ng̃ mg̃a Guró, at sa pagnanasang̃ ang̃ pagáaral ay ipagpatuloy sa ibáng̃ lupaín ay lumayag siyáng̃ tung̃o sa España, niyaóng̃ taóng̃ 1881.

Sa silong̃ ng̃ Lang̃it ng̃ dating̃ «Metropoli» ay nakipagisá siyá sa mg̃a kalahing̃ doó'y dinatnán na nang̃akíkibakang̃ kasalukuyan sa mg̃a kabaguhang̃ hinihing̃î ng̃ bayan natin. Iisáng̃ taón pa siyá sa España, nang̃ itatág ang̃ Kapisanang̃ «Hispano-Filipino» at siyá ay naging̃ isáng̃ masugid na kasapí noón.

Ang̃ kapisanang̃ nábang̃gít ay naglálathalà ng̃ isáng̃ pahayagan at si Graciano Lopez Jaena, ay isá sa tumang̃kilik noón. Ang̃ kaniláng̃ mg̃a láyunin ay ang̃ ipakilala sa madlâ ang̃ kasalukuyang̃ kalagayan ng̃ Pilipinas at mang̃agsumakit sa mg̃a kabaguhang̃ dapat na gawin ng̃ Pámahalaan at Páng̃asiwaan.

Ang̃ kanyáng̃ mg̃a tudlíng̃ na pawang̃ kinábabakasán ng̃ kanyáng̃ pagkamabuting̃ anák ng̃ Pilipinas, ay nang̃apalathalà sa «Filipinas, ante Europa», «El Progreso», «El Pueblo Soberano», at pagkaraán ng̃ iláng̃ panahón ay itinatag niyá ang̃ «La Solidaridad», na kanyáng̃ pinamatnugutan at siyáng̃ nagíng̃ tagapamanság ng̃ mg̃a kalahì natin doón. Niyaóng̃ taóng̃ 1899, ay nihalinhán siyá ni Marcelo H. del Pilar sa Pamamatnugot ng̃ nasabing̃ Páhayagan.

Sa kanyáng̃ pagkamananalumpati, ay ipinalálagáy na isá siyá sa lálong̃ pinakamabuti sa kanyáng̃ kapanahunan sa boóng̃ España, kaya't sa lahát ng̃ piging̃ tuwi ná'y ináanyayahan siyá upáng̃ manalumpati. At sa mg̃a gayóng̃ kátaon ay hindî niyá nalimutan minsan man na di samantalahin ang̃ pagpapakilala ng̃ mg̃a karaing̃an ng̃ kanyáng̃ bayan.

Niyaóng̃ 1892 sa Madrid, sa pagdiriwang̃ sa ikatatlóng̃ daán at siyam na puó't isáng̃ taón ng̃ pagkátuklás sa América ni Cristobal Colón, sa talumpali ni Graciano Lopez Jaena, tung̃kol sa mg̃a ibá't ibáng̃ bagay, ay sinabi niyá ang̃ gayari:

«Hindî umiiral ang̃ pang̃aalipin sa Pilipinas, ng̃uni't makálilibóng̃ mahirap ang̃ kaalipináng̃ doó'y naghahari at kaalipináng̃ tinátang̃kilik ng̃ mg̃a batás, kaalipinán ng̃ kalolwá, kaalipinán ng̃ diwá, at dahil dito mg̃a g̃inoó, ang̃ aming̃ bayan ay bayan ng̃ baligtaran, sapagká't ang̃ karunung̃an at katotohanan ay dî napakikita doón.

«Ayáw kami ng̃ isáng̃ bayang̃ kalahati ay malaya at kalahati ay alipin, ninanasá namin ang̃ kalayaán sa pagsulat ó pamamahayáng̃; ninanasà namin ang̃ kalayaan sa pagagalakal; ninanasà namin ang̃ aming̃ kapang̃yarihan sa paghahalál, (sufragio) ng̃ aming̃ sugò sa mg̃a Kapulung̃an, na, kung̃ saán namin mapasásapit ang̃ aming̃ mg̃a adhikain upáng̃ ding̃in at málaman.»

Sa isáng̃ piging̃ na idinaos sa Madrid sa karang̃alan ni Juan Luna, at Resurrección Hidalgo, dahil sa kaniláng̃ taggumpáy sa Tang̃halan ng̃ Sining̃, si Jaena ay nagsabi ng̃ gayari: «Pilipinas, binabatì kitá ng̃ boóng̃ pítagan. ¡Malasin Siyá! ang̃ bugháw ng̃ dagat ay siyáng̃ birang̃, ang̃ kulay ng̃ kanyáng̃ Lang̃it, ang̃ pinakamarikít sa sansinukob, na nasasabugan ng̃ manining̃ning̃ na bituin, ay siyá niyáng̃ magandang̃ lambong̃. Sino man na dî pa nagkakapalad na magmalas sa kanyáng̃ mg̃a Pulô, ay dî nakákita ng̃ pinakamagandáng̃ panig ng̃ daigdígan».

Sa salaysay na itó ni Lopez Jaena, ay mapagúunawà na ang̃ kanyáng̃ paning̃ín ay pawang̃ kagandahan sa kanyáng̃ Tinubuang̃ Lupà, pagmamalas na dî tinátagláy niyaóng̃ dî tunay na tubò sa Pilipinas, pagká't tang̃ing̃ ang̃ pilipino lamang̃ ang̃ may kayang̃ dumamdam ng̃ kanyáng̃ mg̃a dináramdám.

Isá sa maiinam niyáng̃ talumpatì, ay ang̃ binigkás niyaóng̃ 1887, ng̃ ipagtagumpáy ni Juan Luna ang̃ kanyáng̃ «Batalla de Lepanto». Ito'y ulit ulit na sinabi, na kaming̃ mg̃a pilipino, ay dî makagágawâ ng̃ anó man. Tinawag kaming̃ mg̃a umanó, ay walang̃ kayang̃ gumanáp ng̃ anomang̃ kaunlaran, kamí umanó ay hindî lumalaki at dî umuunlad, ng̃uni't ang̃ aming̃; bayan sa linakádlakad ng̃ panahón ay nagiging̃ isáng̃ bayang̃ dakilà.»

Kung̃ mábabasa ninyó ang̃ mg̃a talumpatì ni Jaena, at maáaninag ninyó na walâ na siyáng̃ sinikap kundî ipamalas ang̃ kanyáng̃pagmamahál sa Tinubuang̃ Lupà at sa mg̃a kalahi niyáng̃ marunong̃ magmahál sa Bayang̃ Tinubuan.

Mahigit na labíng̃limáng̃ taón na nanahánan si Jaena, sa España, at lahát ng̃ kanyáng̃ sigasig sa loób ng̃ panahóng̃ yaon ay iniukol niyá sa ikaúunlád ng̃ kanyáng̃ minámahál na bayang̃ Pilipinas.

Niyaóng̃ 1890, ay umuwî siyá sa sariling̃ bayan upáng̃ mang̃ilak ng̃ mágugugol doón sa ubod ng̃ bayang̃ pang̃inoón ng̃ ating̃ bayan, sa Madrid, at dahil sa nasang̃ itó, ay nakipagkita siyá kay Paez, at huming̃î siyá ng̃ tulong̃. ng̃uni't sa kawalán, ng̃ salapî sa kaban yaman ng̃ samaháng̃ kanyáng̃ tinawagan ay pinang̃akuan siyá ni Paez, pagkatapos na mading̃íg ang̃ kanyáng̃ mg̃a balak at siyá'y nanumbalìk sa bayan ng̃ mg̃a Harì, upáng̃ gumawâ ng̃ waláng̃ patláng̃ na paggawâ sa ikapagbabago ng̃ pamamalakad dito sa Kapuluan; at sa kanyáng̃ kináhimaling̃ang̃ yaón ay nahughóg siyá at namulubi, at niyaóng̃ ika 20 ng̃ Enero ng̃ 1896 ay tinawag siyá sa sinapupunan ni Bathalà, sa bayang̃ Barcelona España, na siyáng̃ kinálagakan ng̃ kanyáng̃ mg̃a labi.

Si Graciano Lopez Jaena ay buháy sa mg̃a pusò ng̃ bawa't pilipino at ang̃ aláala sa kanyáng̃ mg̃a gawâ ay isáng̃ dakiláng̃ aral na karapatdapat uliranín.

Maging̃ tibay ang̃ mg̃a talatang̃ itó ng̃ kanyáng̃ pagká waláng̃ Kamatayan.

Decorative motif

Apolinario Mabini

Nakikitamo ba giliw na bumábasa sa mg̃a salapíng̃ papel na pipisuhin, ang̃ larawan ng̃ isáng̃ kababayan natin na sa kanyáng̃ kagiting̃an ay minapat ng̃ Pámahalaán na siyá, ay makilala ng̃ tanán sa paraáng̃ yaón?

Ang̃ larawang̃ yaón ay dilì ibá't ang̃ kay Apolinario Mabini, ang̃ «Kahang̃ahang̃ang̃ Lumpó» na siyáng̃ utak ng̃ Himagsikan. Anó man ang̃ ibinung̃a ng̃ hímagsikang̃ nagguhò ng̃ kapang̃yarihan ng̃ mg̃a Harì dito sa ating̃ lupaín ay may kinálaman doón ang̃ ating̃ kababayang̃ pinagúukulan ng̃ayón nitóng̃ maigsíng̃ ulat ng̃ kanyáng̃ buhay.

Kung̃ palarin ka pang̃ makatagpô niyaóng̃ nápabantóg na Pátakaran ng̃ Himagsikan na niyaóng̃ ika waló ng̃ Hulio ng̃ taóng̃ 1898, ay ípinasiyá ni Gen. Emilio Aguinaldo, na limbagín at ipagbilí ng̃ mamiseta, upáng̃ sumákaalamán ng̃ lahát ng̃ mámamayan. Ang̃ mahalagáng̃ katháng̃ yaón, giliw na bumábasa, ay katás ng̃ mayamang̃ utak ng̃ ating̃ Mabini. Basahin mo ng̃ boóng̃ kataimtiman sa pusò at doó'y mábabakás mo ang̃ kabanalan ng̃ ating̃ Hímagsikan, niyaóng̃ pinagpalang̃ pakikipamiyapis ng̃ iyóng̃ mg̃a kalahì upáng̃ ihandâ sa iyóng̃ pagdatíng̃ ang̃ isáng̃ bayang̃ karapatdapat sa iyóng̃ lipì, bayang̃ malayà, nagsasarili at puspós ng̃ karáng̃alan.

Si Apolinario Mabini, ay isáng̃ anák na máipagmamalakí ng̃ kanyáng̃ lalawigan, máipagmamalakí ng̃ kanyáng̃ lipì, at matátawag na isáng̃ Bayani ng̃ bayang̃ Pilipinas, bagá mang̃ ang̃ kinámulatan niyáng̃ bayan ay isáng̃ maliit na bahagì lamang̃ ng̃ makasaysayang̃ lalawigang̃ Batang̃an.

Tanawan! pinagpalang̃ bayang̃ nakapaghandóg sa Inang̃ Pilipinas ng̃ isáng̃ dakilang̃ anák, binabatí kitá pinagpalà ka ng̃ mabuting̃ Talà, sapagká't sa silóng̃ ng̃ iyóng̃ Lang̃it nakákita ng̃ unang̃ liwanag ang̃ isáng̃ kawal ng̃ sagkatauhan, si Apolinario Mabini.

Si Mabini ay anák niná G. Inocencio at Dionicia Maranan at sumilang̃ niyaóng̃ 1864. Mg̃a taong̃ dukhà at waláng̃ karang̃alang̃ máipagmamalakí kundì ang̃ karang̃alang̃ mabuhay sa tulò ng̃ pawís.

Salát palibhasà sa mg̃a kailang̃ansa buhay, ay hindî nagawáng̃ itagubilin sa alin mang̃ bantóg na guró ang̃ mg̃a unang̃ pagáaral ni Apolinario, at salamat sa tulong̃ ng̃ isáng̃ amaín, si G. Juan Maranan, ang̃ kanyáng̃ munì ay námulat, at pagkatapos ng̃ mg̃a pang̃unahing̃ mg̃a pagáaral ay lumipat siyáng̃ handâ sa lahat ng̃ hirap, sa pagkakalingà ng̃ isáng banal na Parè, si G. Valerio Malabanan, na siyáng̃ humawan sa kanyáng̃ diwà ng̃ mg̃a tabing̃ ng̃ kadilimán. Nápamahál na lubhâ si Mabini sa kanyáng̃ bagong̃ Guró, palibhasà ay may isáng̃ katalinuhang̃ hindî karaniwan at kabaitang̃ kahang̃ahang̃à.

Natapos niyá ang̃ pang̃alawáng̃ bugsô ng̃ pagáaral sa kaling̃à ng̃ Paring̃ nátukoy na; ng̃uni't uháw palibhasà sa mg̃a ibá't ibáng̃ lawak ng̃ karunung̃an, kayá't niyaóng̃ 1881, ay lumwás sa Maynilà at humandóg na magturò sa Páaralán ni Ginoong̃ Melchor Very, at samantala ay nagaral namán sa San Juan de Letran. Isáng̃ pagsusumakit na dî karaniwan ang̃ kanyáng̃ ipinamalas at ang̃ katibáyan ng̃ pagká «Bachiller en Artes» ay tinamó niyá na kasaliw ng̃ pagtuklás ng̃ pang̃agdóng̃ buhay.

Ninasà niyáng̃ lumipat sa Universidad de Sto. Tomás, ng̃uni't ang̃ kanyáng̃ kiníkita sa Páaralan ni G. Melchor Very, ay hindî makasasapát sa kanyáng̃ mg̃a kinákailang̃an sa gayóng̃ pagpapatuloy, kayá't sinikap niyáng̃ magling̃kód sa Pámahalaán at nátang̃gáp siyáng̃ tagasulat hang̃gang̃ sa siyá'y nagíng̃ masugid na kasamahán ng̃ abogadong si G. Numeriano Adriano, bilang̃ kawaní roón na nagsásanay.

Ang̃ piping̃ kilusan ng̃ mg̃a apí, ay lumaganap ng̃ gayón na lamáng̃ sa walong̃ lalawigang̃ Tagalog,[1]ang̃ lihim ay hindî na maing̃atan at untî untíng̃ náhahayág sa mg̃a taga Pámahalaán ang̃ himagsikan ng̃ «Mg̃a Anák ng̃ Bayan». Sa Balintawák ay napilitang̃ ihiyáw nang̃ walà sa panahón ng̃ Bayaning̃ Bonifacio ang̃ mg̃a kahiling̃an ng̃ api, ng̃uni't hiyaw na kasaliw na ng̃ talibóng̃ at pakikipamiyapis; ang̃ banál na kilusán ay nagpaning̃as na lubhâ ng̃ pusò ni Mabini, upáng̃ ágarang̃ tumugón sa tawag na bayang̃ humihing̃i ng̃ tulong̃ sa kanyáng̃ mg̃a anák, upáng̃ makakalág sa gapos na kaalipinán. Dahil doón ay dinakíp si Mabini at ipinapiit hang̃gang̃ Hunyo ng̃ taóng̃ 1897, salamat sa kanyáng̃ pagkalumpó ay pinalayà siyá sa paniniwalang̃ hindî na siyá makapagtátaguyod at dî mapakikisapi sa Hímagsikan.

Natapos ang̃ unang̃ bugsô ng̃ Himagsikan sa Kasunduang̃ linagdaán sa Biyák na Bató. Si Mabini ay nagpagaling̃ ng̃ kanyáng̃ karamdaman sa Los Baños, ng̃uni't nang̃ ang̃ Pámahalaán ng̃ Kastilà at ang̃ sa Estados Unidos ay nagkákatitigan, at dî nalaunan ay naging̃ dulaan ng̃ digmaan ng̃ dalawáng̃ bansâ itóng̃ Kapuluang̃ Pilipinas, siyá'y sumulat ng̃ mg̃amahahalagáng̃ tudlíng̃ ukol sa mg̃a mabubuting̃ balak ng̃ pakikisang̃kót ng̃ mg̃a Tagalog sa dalawáng̃ nagdidigmâ, at ang̃ gayóng̃ kasulatan ay sumapit sa kamay ni Aguinaldo, na isáng̃ mabuting̃ Kasang̃guni. Inanyayahan ni Aguinaldo na pasá Kawit si Mabini, at sa pagtang̃gáp sa anyaya ay nagsabi ng̃ gayari: «Hindî ako matiwasáy, sapagká't ang̃ mg̃a kababayan ko'y walang̃ katiwasayán. Ang̃ kaniláng̃ mg̃a kahiling̃an sa pagbabago ng̃ pamamalakad ay hindî dining̃íg».

Nagíng̃ unang̃ kasang̃gunì ni Aguinaldo si Mabini at ang̃ unang̃ ginawâ ay ang̃ pagpapalit sa Gobierno Dictatorial ng̃ Pámahalaán ng̃ Hímagsikan.

Itinatag ni Mabini ang̃ mg̃a Pámahalaáng̃ Bayan, Lalawigan, Hukuman at Kawal; at kanyáng̃ ilinathalà ang̃ sáligan ng̃ Pámahalaán ng̃ Hímagsikan na ikinábantog niyá ng̃ gayón na lamang̃.

Nang̃ itatag sa Barasoain, ang̃ káunaunahang̃ Kapulung̃an Hímagsikan, si Mabini ay siyáng̃ Premier ni Aguinaldo, at ang̃ sáligan ng̃ Pámahalaán, ay hindî nailagdâ, samantalang̃ hindî niyá nasusurì, at itó'y sumapit hang̃gang̃ iká 21 ng̃ Enero ng̃ 1898, upáng̃ ang̃ kapang̃yarihan ng̃ Pang̃ulo ay huwag mabawasan at siyá niyáng̃ papang̃ibabawin gaya ng̃ tahas niyáng̃ paniwalà na yaón ay kinailang̃an ng̃ kapanahunan.

Sa isáng̃ dî pagkakáunawaan niyá at ni Aguinaldo sa mg̃a panukalang̃ dapat na isagawá ay tumiwaláng̃ siyá sa Pámahalaán, at ang̃ kanyáng̃ nákahalili, ay si Pedro Paterno; niyaó'y Agosto iká 23 ng̃ taóng̃ 1898.

Bagá man siyá'y tumiwalag kay Aguinaldo, sa kanyáng̃ pagká Unang̃ Kasang̃gunì, ay dî rin siyá naglikat ng̃ pagsisigasig sa ikapang̃tátagumpáy ng̃ mg̃a mithiin ng̃ bayang̃ Pilipinas. Mg̃a tudling̃ na pambuhay ng̃ loób ang̃ kanyáng̃ ilinathalà sa «La Independencia».

Nábihag si Mabini ng̃ mg̃a kawal na amerikano sa Kuyapô, Bagong̃ Esija, niyaóng̃ Disyembre, ng̃ taóng̃ 1899, at dinalá siyá sa Maynilà at ibinilang̃gô hang̃gang̃ Setyembre ng̃ 1900.

Niyaóng̃ 1901, ay naglathalà siyá ng̃ isáng̃ pagtuligsà sa Pámahalaán ng̃ Estados Unidos dito sa Pilipinas, tuligsà na kanyáng̃ ihinayág sa «El Liberal» at naging̃ sanhî ng̃ mulíng̃ pagpapadakíp sa kanyá at pagpapatapon sa Guam, kasama ng̃ makabayang̃ si G. Pablo Ocampo.

Ang̃ kapayapaan ay nagharì bilang̃ hang̃gahan niyaóng̃ kakilákilabot na digmaan, at ang̃ lahát ng̃ «tapon» ay pinahintulutang̃ makabalik sa sarili, sa pamamagitan ng̃ pagsumpâ ng̃ pagtatapát sa Pámahalaán ng̃ Estados Unidos sa Pilipinas, ng̃uni't si Mabini ay dî sumumpà, kayá't siyá'y naiwan sa Guam na may mg̃a anim na buwan, bago siyá pinapanaw at makapaglibót, ng̃uni't dî makatátahan sa Pilipinas samantalang̃ dîsiyá sumusumpâ ng̃ pagtatapát sa Estados Unidos.

Pagkaraán ng̃ iláng̃ panahón nang̃ pagmumunimunì, ay nákilala niyáng̃ lalóng̃ malakí ng̃ kanyáng̃ máitutulong̃ sa kanyáng̃ bayan kung̃ siyá ay bumalik, kay sa magpalaboylaboy, at niyaóng̃ Pebrero ng̃ 1903 ay linagdaán niyá ang̃ pagtatapát sa EE. UU. Hinandugan siyá ng̃ lalong̃ matátaás na katung̃kulan, ng̃uni't dî niyá tinang̃gáp at ang̃ sabi: «Ang̃ aking̃ karamdaman ay nakapipigil sa aking̃ makagawâ pa ng̃ mg̃a dapat kong̃ gawín, at akó'y inaanyayahan at mapípilitang̃ mamuhay ng̃ tahimik, upáng̃ doón ing̃atan ang̃ kahihiyán, hindî kahihiyán dahil sa akó'y nakágawâ ng̃ isáng̃ bagay na kahiyáhiyà, kundî dahilán sa dî ko nagampanán ng̃ boóng̃ katumpakan ang̃ mg̃a kautang̃án ko sa aking̃ mg̃a kababayan at sa aking̃ Tinubuang̃ Lupà.»

Ang̃ kamatayan ay sumapit at binigyáng̃ hang̃gá ang̃ kanyáng̃ mahalagáng̃ buhay, niyaóng̃ iká 13 ng̃ Mayo ng̃ taóng̃ 1903. Namatáy ang̃ isáng̃ tapát na anák ng̃ Pilipinas, at gaya ng̃ mg̃a dakilang̃ tao ay nagiwan ng̃ mg̃a dakilang̃ bakás na ikapagáaral sa kanyáng̃ kalakhán.

Sa karang̃alan ng̃ kababayang̃ itó ay ipinasyáng̃ ikintál sa mg̃a pipisuhing̃ papel ang̃ kanyáng̃ larawan, at sa lalawigang̃ Batangas ay ibinang̃on ang̃ isáng̃ Bantayog sa kanyáng̃ dî malílimot at waláng̃ kamátayang̃ mg̃a pagliling̃kód sa Tinubuang̃ Lupà.

Háhang̃gahán namin ang̃ munting̃ kasaysayang̃ itó ng̃ isáng̃ anák-pawis, iniwi sa karukhaán at namatáy na dukhâ rin, hindî dahil sa hindî nakátuklás ng̃ mabuting̃ panahón at paraan sa ikayayaman, hindî ng̃a: kundî dahilán sa ang̃ lahát niyáng̃ sikap, dunong̃ at buhay ay kanyáng̃ inialay nang̃ waláng̃ pang̃alawáng̃ hang̃ád sa dambanà ng̃ Inang̃ Bayan.

Ang̃Decalogoni Mabini ay itóng̃ sumúsunód:

«Ibigin mo si Bathalà at ang̃ iyóng̃ kapurihán nang̃ higít sa lahát ng̃ bagay.»

«Sambahín mo si Bathalà, nang̃ ukol sa lalong̃ minamatuwíd at minamarang̃al ng̃ iyong̃ budhî.»

«Palusugín mo ang̃ mg̃a piling̃ kayamanan na ipinagkaloób sa iyó ni Bathalà.»

«Ibigin mo ang̃ iyóng̃ bayan ng̃ sunód kay Bathalà, sa iyóng̃ kapurihán, at higit sa iyóng̃ sarili.»

«Pagpumilitan mo ang̃ ikagiginhawa ng̃ iyóng̃ bayan bago ang̃ kaginhawahan mong̃ sarili.»

«Pagpilitan mo ang̃ pagsasarilí ng̃ iyóng̃ bayan.»

«Huwag mong̃ kilalanin sa iyóng̃ bayan ang̃ kapang̃yarihan nino mang̃ tao na dî mo pilì at ng̃ iyóng̃ mg̃a kababayan.»

«Pagpilitan mo na ang̃ iyóng̃ bayan ay magíng̃ isáng̃ República at huwág mong̃ tulutan kailán mang̃ magíng̃ Monarquia.»[2]

«Ibigin mo ang̃ kapwà nang̃ gaya ng̃ pagibig mo sa sarili.»

«Laging̃ titignán mo ang̃ kababayan ng̃ higit ng̃ kauntî sa iyóng̃ kápuwá.»

Niyaóng̃ 1921, na pasyaháng̃ ang̃ kanyáng̃ alabók na nása sa libing̃an ng̃ mg̃a intsik ay ilipat sa isáng̃ líbing̃ang̃ karapatdapat sa mg̃a Bayani, ang̃ bang̃kay ni G. Apolinario Mabini ay náhukay na buô. Iginalang̃ at dî tinunaw ng̃ lupà ang̃ banál niyáng̃ katawan; at pagtapos ng̃ mg̃a parang̃ál na iginawad sa kanya ng̃ Pámahalaán at bayan na lubhang̃ humahang̃à, ay ilinipat ang̃ kanyáng̃ labí sa Libing̃an ng̃ mg̃a Bayaning̃ pilipino, na kilalá sa tawag na: «Panteon de los Veteranos de la Revolución.»

Kung̃ isáng̃ araw ay makarating̃ ka giliw na bumábasa sa Libing̃an sa Hilagà, ang̃ «Panteon de los Veteranos de la Revolución» ay maghahandóg sa iyó ng̃ mg̃a pang̃alang̃, pawang̃ pinagkákautang̃an mo nang̃ mg̃a kabaguhan sa Pámahalaán na tunay na palà ng̃ kaniláng̃ mithî. Sa gitnâ noón ay mátatagpuán mo ang̃ kinálalagakan ng̃ labí ng̃ «Dákilang̃ Lumpô» na sanhî nitóng̃ maigsing̃ ulat.

Idalang̃in mo kay Bathalà na ang̃ pinamuhunanan nilá ng̃ buhay na ganáp na kalayaan mo at ng̃ ating̃ bayan ay magíng̃ isáng̃ ganáp na pang̃yayari.

Nawá'y másaksihán din natin na tayó'y layá na.


Back to IndexNext